.

.

Chapter 8

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Huy Jess, anyare sayo? Para kang tumanda ng sampung taon."

"Shut up Alice. Wala akong tulog kagabi kaya wag mo akong guluhin."

 

Tinawanan naman nila akong tatlo. Sapakin ko 'tong mga babaeng 'to eh. Hobby na nila ang pagtawanan ako ha! Pansin ko lang!

 

"Hahaha! Look at your eyebags Jess! They're saying hi to us!" sinamaan ko naman ng tingin si Yna. Gaga netong babaeng 'to, pati eyebags ko pinagdidiskitahan?!

"Ano bang nangyari kagabi kasi? Kwento naman dyan! Musta date niyo ni Pat? Yiheeee!" isa pa 'tong si Steff! Porque medyo ayos na sila ni Darryl ganyan na siya ha!!

"Wag nyo akong guluhin, wala ako sa mood ngayon." sabi ko nalang sa kanila kaya tumahimik rin naman sila agad.

 

Psh. Kasi naman! Napakapanira ng gabi nung Patrick Epal Reyes na yun! Aba? Nagulo ang utak ko sa sinabi niya! Eh kasi.. what's his connection to Tricia? I mean, okay wala akong kinalaman doon pero di ba it's a bit intriguing? Nagkikita sila dati sa campus and here I thought na magkaklase lang sila or what pero may something pa pala. Di ba? Nakakaintriga talaga eh. Feeling ko tuloy papasa na ako sa pagiging detective.

 

"Oy."

"Ano?!"

 

Pagharap ko.. well, speaking of the devil.

 

"Bakit na naman?" ewan ko ba pero pag nararamdaman ko ang presence niya eh naiirita ako. I'm sure sign to ng hatred.

"Is that the way you talk to your master?" Crap. Here we go again with this master-slave thing.

"Ano nga?"

 

Tinitigan niya lang ako. Narealize niya siguro na wala ako sa mood para makipaglaro sa kanya. Tsk. Kasalanan niya 'to eh. Sinabi pa kasi sa akin. Kainis!

 

"C'mon."

"H..hey wait!"

 

Bigla-bigla niya nalang akong hinatak palayo kila Steff. Kung anu-ano na ngang sinigaw ko sa kanila kaso parang wala silang pakialam. At aba! Sinabihan pa akong maingay! Naku! Lagot talaga sa akin yang tatlong yan pag nakabalik ako!!

 

"Oy Pat!! Tame her okay?!" sigaw ni Alice.

 

Tame?! Ano ako tigre? Gagi talaga yun! Eeeesssh!! At bakit ba kasi ako hinahatak ng unknown particle na 'to? At wala na naman akong magawa dahil ang lakas niyang manghatak. Tumigil lang kami nung nasa greenfield na kami.

 

"Finally!! Walangya ka! Muntik na akong masubsob ng ilang beses ha!" tinignan niya lang ako with his expressionless face.

"That's because you've got a pair of short legs." napanganga na lang ako sa sinabi niya.

"H..how dare you!! Ugh!" napaupo nalang ako sa damuhan sa sobrang inis. Argh! Kainis! Alam niyo yung feeling na hindi naman ako affected pag height ang pinag-uusapan, pero pag sa kanya nanggaling eh nanggigigil nalang ako sa inis!

"Alam mo naman na siguro kung bakit ka nandito, right?"

"Nope."

 

Again, nakatingin na naman siya sa akin without even blinking. Eh sa hindi ko nga alam eh! Malay ko ba sa kanya? Eh siya 'tong nanghahatak. If I know eh kidnapping and violation of human rights na 'tong ginagawa niya!

 

"Well. I just kidnapped you."

 

Nung una eh akala ko nagbibiro lang siya ata hinihintay ko yung 'Yeah. Joke lang. Now go and laugh out loud.' kaso wala. Nakatitig lang rin ako sa kanya.

 

"Good. Mukhang wala kang angal." then I returned to my senses.

"WAIT! What the hell did you just say?! Hoy Patrick Reyes, ayus-ayusin mo buhay mo!"

"My life's too good. Tara na."

 

Then tumayo siya at hinatak na naman ako. Wala naman akong nagawa kundi magpahatak nalang. Kaysa naman pumalag pa ako? Eh ang higpit ng hawak niya sa wrist ko at feeling ko kapag nagresist ako eh mababali yung carpal bones ko. Psh. What a troublesome guy!

 

"Saan na naman tayo pupunta?! Akala ko ba sa greenfield tayo?"

"Nope. We're going somewhere else." Huh? Ano daw?

"Eh bakit pa tayo pumunta sa greenfield?" Nakakapagod kayang kaladkarin ka ng isang oh-so-nice-talking na lalake tapos kakaladkarin ka ulit!

"Hmm, wala lang. Para asarin ka." tapos nakita ko na tumingin siya sa akin sideways and he grinned!

 

Ugh! Well mission accomplished! He did well! Naasar nga ako sa kanya. Bwiset talaga 'tong lalaking 'to eh. Pinaglalaruan na naman ako. Kung kaya ko lang siyang bugbugin ngayon eh ginawa ko na ng one thousand times nang di na siya makagalaw pa!

Pero may narealize akong isang bagay na dapat kanina ko pa narealize. Shiz!

 

"Mag-cucut tayo?!" tanong ko sa kanya habang tumatakbo pa rin kami out of nowhere.

"Tingin mo?" aba! At balak niya talagang magcut. Idadamay pa ako?!

"Hoy mister--"

"Master, for you." Psh. Arte talaga ng lalaking 'to eh.

"Fine fine fine MASTER! At bakit ako kasama?! Excuse me lang ha! Napaka-bad influence mo naman po!"

"Did you know that a slave should not talk back to their master?"

 

Napabuntung-hininga nalang ako. Wala. Masyadong makitid ang utak niya. Talagang pinipilit niya yung master-slave relationship namin kahit na magkapareho lang kami ng status, socially-speaking and academically-speaking.

 

Huminto kami sa isang shop. Actually malapit lang sa campus. Dress shop siya. At hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito. Well, I'll appreciate it kung bibilhan niya ako ng dress -- which I doubt -- or baka..

 

"OH MY GOD. SO YOU'RE A GAY AND YOU WANT A BLOODY DRESS?!"

 

Nagulat nalang ako sa nasabi ko kaya napatakip ako sa madaldal kong bibig. Geez! I wasn't suppose to speak that out loud! Sa isip ko lang dapat yun eh! Pagtingin ko kay Patrick the Epal...

 

Uh-oh. I smell trouble. A big.. really big trouble.

 

Napaatras ako ng isang step dahil para siyang isang tigre na handa akong gawing almusal. Shems naman! Eh hindi ko naman sinasadya na sabihan siyang bading eh! Duh? Syempre yun ang una kong reaction nung huminto kami dito sa dress shop!!

 

"U..uy. Ha..ha.. joke lang yun.." pero ganun pa rin yung tingin niya sa akin habang papalapit siya. "Uhmm.. M..master.. joke lang.. Hahaha.. t..tawa tayo."

 

*BUMP*

 

Napalaki nalang yung mata ko nung naramdaman ko na wala na akong maatrasan dahil nakasandal na ako sa pinto nung shop. At lalo akong kinabahan nung narealize ko na one foot apart nalang kami ni Patrick the Gay *shhh*.

Bigla niyang hinarang yung dalawang kamay niya sa gilid ko kaya confined ako sa space sa pagitan ng mga braso niya. Oh my gosh. Sabi ko nga pikon siya! TToTT

 

"What did you say a while ago?" sabi niya sa akin with matching nanlilisik na mata. *gulp*

"H..huh? May sinabi ba ako? W..wala kaya. Ha..haha! Sabi ko.. ano.. ang p..pogi mo. Ayun. Haha." halos tumagaktak na lahat ng pawis sa katawan ko dahil sa pressure na nararamdaman ko between us.

 

Palapit ng palapit yung mukha niya sa mukha ko. Oh my freakin' gosh. Gagawin niya ba yung mga ginagawa ng lalaki sa mga babaeng nagsasabing bading sila? Oh no. Oh no no no. I don't want my first kiss to be like this and to be with him! NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!

 

 

*BLAG!*

 

 

"OUCH!! OUCH OUCH! ANG SAKIT NUN!"

 

Tinignan niya lang ako with devilish look. Ugh! Nakakainis talaga siya!

 

"You think I'll kiss you?" tanong niya sa akin habang nakasmirk. At hindi ko alam pero feeling ko eh namumula na yungmukha ko sa sobrang hiya.

"Asa ka pa. As if. Kadiri." sabi ko nalang habang tumatayo ako. 

 

Kainis! Aba naman? Akala ko kung anong kademonyohan ang gagawin niya habang nilalapit niya yung panget niyang pagmumukha sa mukha ko kanina, pero alam niyo kung anong ginawa niya? He opened the freakin' door!! At ayun! Ang sakit ng pwet ko! Thank you! Ni hindi man lang ako tinulungang tumayo. Hindi talaga siya biniyayaan ng pagkagentleman. Bwiset.

 

"Welcome to our shop Ma'am, Sir!"

 

Napatingin naman kami pareho ni Patrick the super ultra mega kadiring GAY doon sa babaeng lumabas sa isa pang pinto sa loob ng shop at nagkatinginan kami nung girl.

 

Nanlaki pareho yung mata namin dahil sa unexpected na situation na 'to pero sure akong siya yun!!

 

"Ikaw yung fiancee ng panget na 'to!"

"Ikaw yung nakakatakot na babae sa garden!"

 

Halos sabay pa kaming nagsalita at nagturo sa isa't isa pero di ko mapigilang mainis sa sinabi niya kaya sinugod ko siya at hinawakan ko yung collar niya.

 

"SINONG NAKAKATAKOT?!"

"UWAAAAAAAA!!!!!" sumigaw lang siya ng sumigaw habang nakapikit.

 

 

"Oy oy oy. Ayan na nga natakot nga sa'yo." biglang sabi ni Patrick panget.

 

 

UGH! Ano bang problema ng mga taong 'to!! Sobrang naiirita na talaga ako sa kanila!!