.

.

Chapter 9

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Uwaaa! So..sorry po!"

"Anong sorry sorry?! Ugh! Panira kayong lahat ng araw ko!"

 

Then binitawan ko siya at sumandal muna ako sa pader. Napabuntung-hininga nalang ako, dahil feeling ko, anytime eh sasabog ako sa sobrang inis.

 

"Babae ka ba talaga?"

 

 Napatingin ako kay Patrick with my isang-salita-pa-galing-sayo-mapapatay-na-kita-look. Asar talaga 'tong lalaking 'to eh! Sabi na nga ba. Pag talaga magkasama o magkalapit kami, kumukulo yung dugo ko. Bwisit siya! Ang panget panget niya! Tss!

 

"Uh..uhmm.. a..ano pong.. bibilhin niyo? Ma..am--" tapos bigla siyang tumingin sakin then after 0.78 seconds eh lumipat na yung tingin niya kay Patrick "-- sir?" HALA?! Nagpacute pa 'tong babaeng 'to?! YUCKKKK!

 

"Oh. Sorry. I'm gonna buy a dress."

 

 

OMAYGAD. Sabi na nga ba eh! Bakla talaga 'tong isang 'to! Tama ako! Pero grabe ha! Di halata na bading siya! Tapos ngayon.. tapos ngayon.. magcocrossdress na siya? Lalantad na ba siya?

 

"I am not a gay. If that's what you're thinking."

 

Huwaa! Mind-reader! Shet 'to! Anong klaseng nilalang siya? Baklang mind-reader?

 

"Tara dito."

"Bakit na naman?!" Tsk. Makautos lang, wagas eh. Sarap niyang bihisan ng dress!

"Lalapit ka o hindi?" then bigla na naman siyang tumingin sa akin ng seryoso (pero nakakatawa yung itsura niya HAHAHA bading!) kaya napalapit na rin ako kahit ayaw ko.

"Good." sabi niya sa akin while smirking. UGH! Mapapatay ko na talaga siya, konting-konti nalang!

 

Then napatingin ulit ako doon sa babaeng nasa shop. Hindi talaga ako pwedeng magkamali eh. Siya talaga yung nagclaim na fiancee siya netong panget na katabi ko. And since di naman siya binati ni Patrick or ginawan ng anything, does that mean na gawa-gawa niya lang yung sinabi niya sa akin? Hmm. Baka fangirl siya ni Patrick bading? Sabagay, lahat ng princes sa school eh maraming fangirls. Eh etong kumag pa naman na 'to ang first prince. Tss. Di bagay sa kanya.

 

"Ano na namang pinag-iisip mo dyan at ganyan ka-lukot yung mukha mo?" napatingin ulit ako kay Patrick. Tsaka ko naramdaman na para ngang lukot yung mukha ko dahil iniisip ko na maraming fangirls si Patrick. Yuck di ko talaga maimagine eh. Psh. Pero bakit niya ba ako tinitignan?! Epal talaga kahit kelan! Crush ata ako neto eh. Tingin ng tingin sakin.

 

"Wala naman. Nag-iisip lang ng paraan para murderin kita." sabay irap ko sa kanya.

 

"Wow. I got a really strong-willed slave huh?" sabay grin sa akin.

 

"Shut up, gay." Pagkasabing-pagkasabi ko nun eh bigla siyang sumeryoso at mukhang ako naman ata ang balak niyang patayin.

 

 

 

"Uhm..sir, ma'am.. D..dito po yung mga dress." Napatingin kami pareho doon sa babae. Phew! Buti nalang nagsalita siya. Kundi baka nilamon na ako ng ultra gay na 'to.

 

Sumunod nalang kami sa kanya papunta doon sa isang side. Pagtingin ko sa mga dress, namangha talaga ako. Para tuloy gusto kong bumalik ng school at hatakin yung tatlo kong baliw na bestfriend para bumili ng dress dito. Ang gaganda kasi. Di ko akalain na meron palang shop dito malapit sa school.

 

"Pumili ka ng damit. Then isukat mo."

 

 

Nagbuffer ako ng ilang seconds bago magsink-in sa utak ko yung sinabi niya. At ang tanging reaction ko sa sinabi niya ay isang mahabang...

 

"HUH?"

 

 Then poker face lang siya.

 

Ano yun? Ililibre niya ako ng damit? Hala? Anong akala niya sa akin? Pobre?

 

"Dalian mo. Magkasukat kasi kayo ni Tricia."

 

What the? Mindreader ata talaga 'to eh! Tricia na naman? Nacucurious na talaga ako sa kanila ni Tricia ha! Di kaya panakip-butas niya yun kay Steff? Oh my gosh!

 

Dahil nakatulala pa rin ako at kung anu-anong ideya ang pumapasok sa isip ko eh tinulak ako ni Patrick sa may dressing room at saka siya nagtapon sa loob ng isang tambak na damit.

 

"Hoy!! OA ka ha! Ano ako barbie doll? Ang daming damit neto ha! Mahirap kaya magbihis!" sigaw ko sa kanya mula doon sa loob. At hanggang ngayon eh tapon pa rin siya ng tapon ng damit sa loob.

"Eh nakatulala ka lang kasi."

"Masama bang tumulala?!"

"Oo."

"Ugh!!"

 

Wala na akong nagawa kundi isukat yung mga hinahagis niya sa loob. Pero in fairness ha, type ko silang lahat. Ang pinakanagustuhan ko eh yung polka dot tube dress. Ang cute kasi lalo na pag may kasamang red belt! *o* pero maganda rin yung floral na black dress. After kong magsukat eh dalawa yung napili ko. Then inabot ko sa kanya yun.

 

"Oh ayan na."

"Thanks."

 

Psh. Kainis! Ako pa talaga pinagsukat! Pinagtitripan lang talaga ako neto eh! Pero naexcite naman akong makita si Tricia. Di ko talaga alam na nandito pala siya sa Pilipinas. Ni hindi ko pa nga nasasabi kila Steff eh! Epal kasi 'tong Patrick gay na 'to!

 

Tinignan ko naman yung babae sa shop, yung nagsabing fiancee siya ni Patrick. In fairness lakas ng loob nyang sabihin sakin yun. Baka nga fangirl niya lang. Nakatingin lang siya kay Patrick at parang anytime eh handa niyang gahasain. Pffft. Di ko maimagine. Ang laswa!

 

"Suot mo 'to."

"HUH?"

 

Tinignan ko lang siya nun. At bakit na naman nya ipapasuot sa akin yun? Nasukat ko na nga eh! Anak ng pugo naman 'tong lalaking 'to oh! Pinagtitripan talaga ako eh!

 

"Ayoko nga! Edi ikaw magsuot!" tutal gay naman sya. Wahahaha!

"So you like to attend a birthday party with a casual look?"

 

Ano daw? Wait...

 

"OH MY GOD! Birthday ni Tricia ngayon?!"

"Yeah."

 

Shocks! Oo nga no?! Oh gosh! Nakalimutan ko! Hala! Hala! Nagpanic naman ako at para akong timang dun with my constipated look. At dahil nasa tabi ko sa Patrick eh pinagdiskitahan na naman nya ako.

 

"Isuot mo na kasi 'to. Nasukat mo naman na rin 'to di ba?"

 

Tinignan ko lang ulit sya habang inaabot niya sa akin yung floral black dress. Di ko alam kung hahablutin ko ba sa kanya o ano. Hindi naman kasi ako prepared kaya wala akong dalang pera ngayon. At ayoko rin namang pumunta sa isang party na naka-casual no! Mukha naman ako nung pulubi sa paningin nila.

 

"FINE!!" tapos hinablot ko na yung dress na binigay niya.

"Good." 

Nagulat naman ako nung bigla niyang ginulo yung buhok ko nung nagsabi siya ng good.  Ano ako aso? Ayos 'to ah?

Nung nabili na nya yung dalawang dress eh umalis rin agad kami. Di ko lang alam ha, pero feeling ko ang bigat ng atmosphere kanina eh. Ano kayang meron dito sa unknown particle na 'to at doon sa babaeng yun? Tss. Nabubuwisit lang ako sa kanilang pareho eh. Bagay talaga sila.

 

"Bakit nakabusangot ka na naman, slave?"

 

 

Pigilan nyo ko. Masasapak ko na talaga 'tong ultragay na 'to! Nakuuuu! Mamamatay ata ako ng maaga dahil sa hypertension eh! Idagdag mo pa na hinila niya ako palabas doon sa shop. Wala talagang bahid ng pagka-gentleman 'tong nilalang na 'to eh. Kainis!

Pagkalabas na pagkalabas namin, biglang may humintong kotse sa harapan. Yung parang sa mga kidnappan scene sa movies? Parang ganun ang dating. Tapos may lumabas na manong na medyo may edad na.

 

"Pasok po kayo."

 

At tulad ng kanina, nagloading na naman ang utak ko.

 

"Po?"

"Bingi ka ba? Sabi, pumasok ka daw."

 

At bigla akong tinulang ng hayup na bwisit na epal na ultragay na 'to!! Arghh! Kapal talaga! Buti nalang at malambot yung upuan, kundi ang sakit sa pwet nun!

 

"Kila tita po manong."

"Yes sir."

 

Psh. Kita mo 'tong hampaslupa na 'to. Driver nya pala yun?! Shet akala ko kasi kikidnapin na talaga ako eh! At ano na namang pakana nya ngayon? Akala ko ba didiretso na kami kila Tricia? Tsk. Talagang nag-cut na kami ng class ha? Napaka-BI talaga ng lalaking 'to eh. Pag 'to nalaman ni daddy, lagot ako dun!

 

"Hoy, san tayo pupunta?" bigla naman syang tumingin sa akin ng matalim kaya napaatras ako.

"Miss, I think you should learn how to address me. Hmm?" bigla syang nag-lean sa direction ko kaya napadikit ako sa bintana. Shocks lang baka mahawaan ako ng ultragay syndrome nya! Yuck! Eeeew!!

"F..fine!"

"WHAT?" tapos lumapit na naman sya! Waaaahh layoooo!

"O..o..ok..aaay. m..mmaster." bulong lang yung sinabi ko dahil nakakabawas talaga ng dangal kapag binablackmail nya ako para tawagin ko syang master. Badtrip talaga! Nakuuu! Nakakahiya kaya!

"Good. Malayo pa tayo."

 

 

Huh? Ang tino talagang kausap ng lalaking 'to eh. Tinatanong ko kung saan kami pupunta tapos ang sagot eh malayo pa? A..alam nyo yung masakit sa utak? Ang hirap i-process eh. Ganito ba ang level ng katalinuhan nya? Yeah right. He's so great. Sarcasm overload.

 

At dahil lalo pa akong mabadtrip at baka masira ang buong araw ko eh sumandal nalang ako sa bintana at pumikit. Malayo pa naman daw eh, eh di matutulog muna ako. Psh. Kinuha ko yung phone ko sa bag ko then nagsoundtrip nalang ako. Hmm ganda ng kanta na nagpeplay ngayon eh.

 

***

 

"Shh wag kang maingay manong."

"Eh sir, baka magising na."

"Shit. Gumalaw na. Balik balik."

"Opo!"

 

Naalimpungatan naman ako nung naramdaman kong medyo maingay. Pagdilat ko ng mata ko..

 

 

"AAAAHHHHH-- *BOOOGGG!!*"

 

"OWWW OWW SHIT SHIT!!"

"OUCH! Aray kooooo!!"

 

Napahawak ako sa noo ko nung nagkauntugan kami ni Patrick. Aray ko talaga!! Grabeee!! Gawa ba sa bakal yung noo niya?! Sobrang sakit ha! Hala baka magbukol 'to!!

 

"Shit. Ano bang pinaggagawa mo?"

 

Bigla akong napatigil sa paghimas ng noo ko nung nagsalita sya. Eh kasi naman eh!!

 

"Eh kasi naman eh-- waaaaahhh.." bakit ganun? Anong nangyari nung natutulog ako?

"Shit. Ang sakit nun ha."

 

This time, for the first time, naawa ako sa kanya. Eh kasi naman, bigla ko siyang hineadbutt ko sya. Pano ba naman?! Sinong hindi gagawa nun kung sa pagdilat mo eh pagmumukha niya yung bubungad sayo di ba?! Sheez! Problema nya kasi?!?!

 

"Tsk." tapos hinawakan niya yung area of impact ng noo naming dalawa. Pagtingin ko.. 

May bukol na yung noo niya.

 

"S..sorry."

"..."

 

Hala! Galit ata! Kasalanan ko ba talaga?! Eh pano kasi!! Nagulat lang naman ako eh!! Pagdilat ko eh nakahiga ako sa may bag niya na nasa lap niya!! Sinong di magugulat at masisiraan ng bait di ba?!

 

"Eh kasi naman! Bakit nagkaganun?! Bakit--"

"Eh kasi ang nauuntog ka lagi sa may bintana pero di ka pa rin nagigising. Kaya hiniga nalang kita. Okay? Tsk."

  

 

Napayuko nalang ako. Shet nakakahiya. Pero kasalanan niya naman kasi eh! Pakialam niya ba kung nauuntog na ako sa bintana?! Pakialamero kasi masyado! Kasalanan niya yan! Bahala siya!

 

Payuko na sana ako para magdesisyon kung maguguilty ba ako o hindi nung bigla kong nakitang nag-grin siya mag-isa.

 

Huh?

 

NOW what's wrong with him? Baliw ata talaga 'to eh. 

OMAYGAD. Baka epekto ng bukol nya!