.

.

Epilogue

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Spotted: Another Campus Prince and Campus Princess Couple

 

Some students spotted Mr. Patrick Reyes, the first prince, and Ms. Jessica Mishelle Morales, the first princess, dancing and getting all cheesy at the freshies welcome party...

 

Napafacepalm na lang ako sa pinapabasa sa akin ngayon nina Yna, Alice at Steff. Nandito kami ngayon sa garden at nakalabas ang Ipad ni Yna dahil pinabasa niya sa akin yung number 1 story sa underground website. May mga pictures pa doon na nagsasayaw nga kami at shet lang sa nagpicture nung kiniss niya ako!

 

“See? See? I knew it would be the top story for the month! Haha! Just like what happened when Steff and Darryl made a scene during the Feb Fair!” then nag-giggle si Yna.

 

“Natalo niyo pa yung mismong nangyari sa welcome party oh! Nasa number 2 lang yun,” dagdag naman ni Steff.

 

“Eh yung nagkiss talaga sila. Yiiieee kilig! Laglag ovaries! Di pa rin ako makapagmove on!” tapos hinampas ako ni Alice ng binder niya. Ang sakit nun ha!

 

Halos one week na rin ang nakakalipas simula nung mangyari yun. Tapos kinagabihan pa nun, biglang may dumating na package galing raw kay Patrick sabi ni Mommy. Pagtingin ko, isang malaking white bear yun at pinangalanan niya pa ng Jeric. Parang baliw.

 

Nasabi ko na rin sa kanya yung gusto kong sabihin, pero sa phone nga lang. Okay na yun, at least nasabi ko. Kasi feeling ko hindi ko talaga kayang sabihin sa personal eh.

 

“Paano ba yan, dalawa na ang Campus Royalties?” sabi bigla ni Yna.

“Nauna kami no,” sabay belat ni Steff.

 

Oo nga pala, binansagan na rin kaming Campus Royalties the second dahil nga Campus Prince si Patrick at ako ay Campus Princess. Mga bangag rin talaga ang mga estudyante rito sa university eh. Kung anu-anong pinapauso.

 

“Oh my gosh. Am I imagining things?” napatingin naman kami kay Yna dahil nanlalaki yung mga mata niya.

“Isang himala!” dagdag pa ni Alice.

 

Napatingin naman kami ni Steff sa likuran namin dahil doon nakatingin sina Alice at Yna. Maski kami ni Steff na-shock. Eh paano ba naman, sabay nanaglalakad si Darryl at Patrick papunta dito, tapos nagtatawanan sila.

 

“Steff.”

“Jess.” Tapos kinurot ko yung pisngi ni Steff, at ganun rin ang ginawa niya sa akin.

 

Parehas kaming nasaktan kaya mukhang hindi ito panaginip. Kelan pa sila naging close at naging buddy-buddy?!

 

“Tara na bebe girl,” sabay hatak ni Darryl kay Steff at nagpaalam siya sa amin, habang si Steff ay nakatingin lang kay Darryl kahit naglalakad na sila palayo.

 

“Tara na rin, slave, may klase pa tayo,” tapos hinawakan niya rin yung kamay ko.

 

“Awww Yna, napag-iiwanan na tayo! Tara nga, tayo na lang muna ang magsama!” tapos hinatak rin ni Alice si Yna.

“Someday, we’ll have our own prince, too. Huhu. Let’s go!”at tuluyan na silang umalis.

 

Mga baliw.

 

Prince, huh? Well, technically, ‘prince’ naman ‘tong si Patrick pero hindi siya asal prinsipe.

 

“Tara na. Marami nang nakatingin sa aking mga babae,” napatingin naman ako sa paligid at may mga nakatingin nga sa kanya. Tss! Hoy mga babae, taken na siya!

 

“Hangin! Grabe! Feeling mo gwapo ka na niyan?” saka ko kinuha yung bag ko at sumabay nang maglakad sa kanya.

 

“Bakit, hindi ba?”

 

“Hindi,” sabay irap ko sa kanya. Pero nagulat ako nung bigla niya na lang akong hinawakan sa batok at hinalikan sa gitna ng campus. Parang biglang tumigil yung mundo ko at nararamdaman kong nakatingin rin sa amin yung mga dumadaang estudyante, kaya tinulak ko siya.

 

“A-a-anong—” pero ngumiti lang siya at hinawakan niya ulit yung kamay ko, tapos hinatak niya ako papunta sa klase namin.

 

“You should not tell lies to your master.”

 

Yeah. He’s not really a prince! Bwisit! Nakakahiya! Unknown particle talaga siya! Epal! Baliw! Lahat na ng opposite characteristics ng isang prinsipe! Ugh!

 

Pero kahit ganun, hindi ko naman maitatanggi na mahal ko ‘tong hinayupak na ‘to. Wala akong pakialam kung hindi man siya yung ideal prince ko o ng ibang babae.

 

Marami na kaming napagdaanan. Marami rin akong naging pagkakamali. Akala ko dati, si Dave na talaga ang lalaki para sa akin at isang malaking epal lang sa buhay ko si Patrick. Lagi lang akong nakatingin kay Dave at binabalewala ko siya. But it turns out, na yung taong binabalewala ko, ang magpapahalaga sa akin.

 

I thought I will find happiness with Dave. Akala ko, siya na talaga. Pero nagkamali ako. Sinong mag-aakala na sa taong inakala kong malas sa buhay ko ang makakapagbigay sa akin ng happiness? Na sa isang Patrick Reyes ako maiinlove. Maybe it’s really true, that sometimes, the right person for you was there all along. And sometimes, it takes a lot of heartbreaks to get your heart in the right place.

 

I love him.

I love his cold attitude. I love his confidence... or is it arrogance?

Well, I don’t really care. Doon nga ako nahulog eh. Sa ugali niya. Sa personality niya. He’s not perfect but he's all I want.

 

I love this arrogant prince of mine.

And no matter what, we’ll stay together.

 

“Please stay in my life.”

“I will.”

 

And I won’t break my promise.

I’ll stay with him, no matter what.

 

Right, unknown particle?