.

.

Prologue

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Campus princess?

 

Yan ang tawag sa mga babae sa top 10 na nakapasa sa entrance exam dito sa university namin. Well, syempre campus prince naman yung mga lalaki. Ewan ko ba, pero parang ang unfair lang dito. Kasi yung pinipili nilang top ten ay matatalino at magaganda/gwapo. Talk about fairness!

 

Sus! Title lang yun! Actually, wala akong pakialam dyan. Eh aanhin ko naman kasi yan di ba? Katulad nga ng sabi ni Steff, nakakain ba yan? Hindi naman di ba?

 

 

"Jess! Tara na! Malelate na tayo!"

"Oo nga! Tama na pagdedaydream sa abs ng crush mo!"

"Kaja! Kaja! We'll be marked as late.. in 3 minutes!"

 

(Kaja means let's go)

 

 

Kita niyo 'tong mga best friends ko. Oo meron akong tatlong bestfriends. Baliw ring tulad ko. Nag-iintro ako tapos bigla akong sisingitan. Aba? Kasalanan ko bang hinintay nila ako? Eh sa nalate ako ng gising eh!

 

 

"Oo na! Panira kayo ng moment eh!"

 

 

Tumakbo ako papunta sa kanila, at tumakbo naman ulit kami papunta sa room. Buti nalang, matanda na yung prof namin at mabagal siya maglakad. Kaya ayun, nasubsob. De joke lang, HAHAHA. Mabagal siya maglakad kaya naunahan namin siya sa room. Oh yeah! Kaso wa-poise. Para kaming apat na kabayong nag-uunahan sa finish line.

 

Umupo naman ako sa upuan ko. Pero naalala ko, eto pala ang pinakahate kong klase.

  

"Tingin ka? May gusto ka talaga sakin eh."

 

YAN! YAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT AYAW KO SA KLASENG 'TO! KATABI KO LANG NAMAN ANG PINAKARUDE AT PINAKAAROGANTENG NILALANG DITO SA UNIVERSITY NA 'TO!

 

"Asa ka pa. Panget mo kaya."

"Panget ka rin."

 

Pigilan niyo ko. Matatadyakan ko mukha ng balahurang 'to! Bwisit na Patrick 'to! At kung tatanungin niyo kung sino siya.. eh wag nyo nang balakin dahil baka pati buhay niyo eh masira! Isa siyang malaking pwet ng malas! Mukha siyang pwet!

 

"Ms. Morales, please sit down." napaupo naman agad ako nung napansin ako ng prof namin na nakatayo.

 

Kita nyo! Pag talaga malapit ako sa lalaking 'to, minamalas ako eh! Napagsabihan tuloy ako ng prof namin! Baka pati lovelife ko malasin dahil sa kanya! Aba hindi naman ako papayag no! Di ako papayag na di ko makatuluyan si Dave Alvaro, ang one and only crush ko. Ahihihi.

 

I am Jessica Mishelle Morales, and this.. is my story.