.

.

Special Chapter 1

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Sus! Panigurado naman nagdedate 'yung bebe couple ngayon. Ikaw Yna? Anong gagawin mo sa Christmas break?"

"Date with my brother."

"Tse! Kaya 'di nagkakaroon ng girlfriend si Kuya Xander, masyado kang bantay-sarado!"

"Bleh!"

 

Magkakausap kami ngayon nina Alice at Yna sa phone after naming magshopping kanina. Kulit kasi ng mga 'to eh, sabi ko nga matutulog na ako pero tinawagan pa rin ako.

 

"Ehem, tahimik ata 'yung isa dyan?" rinig kong sabi ni Alice.

"Maybe she's thinking of him. Ayiiiieee!"

"Ay naku ewan ko sa inyong dalawa. Maghanap na rin kasi kayo ng love life niyo!" sigaw ko.

"Aba! Kung madali lang 'yan eh! Palibhasa may jowa ka na!"

"I'm contented on my crush life." Eh puro artista naman crush ni Yna!

"Babye na! Inaantok na ako! Alas-dose na oh! Good night!" saka ko in-end 'yung call at gumulong ako sa kama ko.

 

Hay. Kinakabahan na ako ngayon. Bakit kasi ang dali kong nagpaloko doon sa unknown particle na 'yun?! Napasabak na naman tuloy ako! Sana...manalo ako!

Kanina kasi habang naghihintay kami sa labas ng room para sa exam namin sa isang subject, bigla siyang may sinabi sa akin.

 

***

"Ready for the exam?"

"Oo naman," sabay scan ko ulit sa notebook ko.

"Baka mataasan na naman kita," then he smirked at me. Ugh! Bakit ko ba sinagot ang lecheng unknown particle na 'to?! Sinasabi niya bang mas matalino siya sa akin? At bakit ba 'yan ang pambungad niya sa akin? Hindi na nga kami masyadong nakakapag-usap dahil sa lagi siyang nasa band practice eh!

"Heh! Bring it on! Ako na ang magiging rank 1 after ng sem na 'to!" bigla naman niya akong nilapitan at hinawakan niya 'yung chin ko.

"Let's see if that'll happen, Miss number 3."

Hindi naman talaga sa akin mahalaga 'yung ranking eh pero kapag siya ang nagsasalita, parang ang sarap isupalpal sa kanya lahat ng achievements ko. Boyfriend ko ba talaga 'to?!

Nung papasok na kami sa room, bigla niya akong hinatak at kiniss sa cheeks kaya muntik na akong mamatay sa kahihiyan.

"Round two na 'to. Ang matalo, may punishment ulit. Good luck, amasona," saka siya umupo sa upuan niya.

Sinadya nya 'yun! Sigurado! Ginawa niya 'yun para hindi ako makapagfocus! Walanghiya kang unknown particle ka!

 

***

At ngayong tapos na ang exams, kinakabahan na ako sa results! Confident naman ako sa mga sagot ko pero nangyari na rin 'to dati eh. Kahit confident ako, nataasan niya pa rin ako. Pero ngayon, dapat ako naman ang mas mataas sa kanya!

 

"Ate."

"Ay tae ka!"

 

Nagulat ako nung biglang bumukas 'yung pinto ng kwarto ko. Pumasok na pala si Roj, ni hindi ko man lang namalayan.

 

"Bakit?"

"Pinapabigay ni Kuya Pat," sabay abot niya sa akin ng memory card.

"Nagkita kayo?"

"Nakasalubong."

"Saan--"

"Night," tapos tinalikuran niya na ako at umalis sa kwarto ko. Bastos na batang 'yun ah. Kinakausap ko pa, nilayasan ako bigla!

 

Napatingin naman ako sa hawak kong memory card. Anong meron dito? Tsaka bakit hindi niya binigay sa akin nung nasa school pa kami? Mga pakana na naman ng unknown particle na 'to ha!

Sinaksak ko na lang sa phone ko 'yung memory card at tinignan ko 'yung laman. Pagtingin ko, 10 songs lang ang laman tapos meron naman akong copy ng mga 'yun. Pero syempre, pinakinggan ko pa rin. Pinindot ko 'yung unang kanta at muntik na akong sumigaw nung nakita ko 'yung mukha niya as cover.

Whoooo! Shet! Bakit siya nakangiti dito sa picture? Omaygad. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang bilis ng tibok ng puso ko. Takte kang Patrick ka! Oo na medyo gwapo ka na! Bwisit!

 

"Let the bough break, let it come down crashing
Let the sun fade out to a dark sky
I can't say I'd even notice it was absent
Cause I could live by the light in your eyes"

 

Lalong bumilis 'yung tibok ng puso ko nung narinig ko 'yung kanta. Boses niya. Ibig sabihin, lahat ng kanta dito, covers niya?

 

"I'll unfold before you
What I've strung together
The very first words
Of a lifelong love letter"

 

Pinakinggan ko rin 'yung ibang kanta at parang gusto kong gumulung-gulong sa kama at sa sahig dahil hindi ko macontain ang kilig na nararamdaman ko ngayon. Walang hiya talaga 'yung Patrick na 'yun! Bakit ganyan siya? Ang ganda talaga ng boses niya! Sabi ni Steff mas maganda raw kay Darryl pero hindi ako naniniwala! Mas maganda 'yung kanya! Bias si Steff eh. Tsk.

Buong gabi kong pinakinggan 'yung covers niya hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

 

***

Ilang araw ang nakalipas at nasa harap lang ako ng laptop ko habang kung anu-anong dasal at ritwal na ang nagawa ko dahil ngayon lalabas ang grades namin para sa exams. Nakatitig lang ako sa account ko sa University site dahil online naman ipopost ang grades. Kinakabahan talaga ako dahil alam ko namang may sapak sa utak si Patrick at baka kakaiba na naman ang punishment na naiisip niya...

Teka, bakit ba iniisip ko kaagad na matatalo niya ako? Kailangan ko ring umisip ng mahirap na punishment! Hmm, ano kayang maganda?

Magsuot ng nakakatawang costume sa harap ng maraming tao? Kaso baka may ma-cute-an sa kanya at magkainteres. Hindi pwede!

Eh kung gawin ko rin kaya siyang slave for one day? Hah! Mukhang masaya 'yun! O kaya pagseselosin ko siya. Pero baka gumanti 'yun at pagselosin rin ako. Baka masaktan ko pa 'yung babaeng gagamitin niya.

Ahhh! Ang hirap namang mag-isip!

Bigla naman akong napatingin sa screen dahil nag-update 'yung profile ko. Pagtingin ko, napalayo agad ako sa screen dahil posted na 'yung scores.

 

"Shet! Shet! Ayokong tignan! Omaygad! Teka! Ahhh!" sabay talun-talon ko sa harapan ng laptop at hindi talaga ako makalapit dahil kinakabahan akong makita 'yung score ko.

 

Bigla namang bumukas 'yung pinto at nakakunot 'yung noo ni Roj.

 

"Ang ingay mo, ate." Natahimik naman ako. Pero nung palabas na siya ng kwarto ko ay tumakbo agad ako papunta sa pinto at hinarangan ko siya.

"Wait! Tara dito!" tapos hinatak ko siya papunta doon sa table ko.

"Bakit na naman?"

"Tignan mo nga kung anong score ko. Pero shet! Wait wag mo munang sasabihin sa ak--"

"97.33% ka. Bye," sabay takbo niya palabas ng kwarto ko.

"Bwiset ka!"

 

Tinignan ko naman 'yung screen at tama siya. Ang nakuha kong grade sa exam ay 97.33%. Takte naman! Ano 'yung apat kong mali? Pero ayos na rin. Mataas naman 'yung nakuha ko. Sana nga lang hindi mas mataas 'yung unknown particle na 'yun.

Nagring naman 'yung phone ko...and speaking of the devil. Sinagot ko kaagad 'yung tawag niya.

 

"Wait! 'Wag mo munang sasabihin 'yung sco--"

"I got 98.67%"

"Pakyu."

"Your words, Jess. Anyway, mukhang nanalo ako. Pano ba 'yan?"

"Kainis! Bahala ka nga dyan!" tapos in-end ko na 'yung call.

 

Lecheng Patrick 'yan! Sabi ko 'wag munang sasabihin 'yung grade niya! Tapos nataasan niya pa ako. Ugh! Eh di siya na! Siya na ang magaling! Bakit kasi pumayag pa ako sa dare niya? Tanga rin ako minsan eh!

Bigla namang nagvibrate 'yung phone ko. Pagtingin ko, nagtext siya. Tss. Baka pang-aasar lang 'yung text nito.

Ilang minuto ko pang pinag-isipan kung babasahin ko ba o hindi pero in the end, binasa ko na rin.

 

'Nasa labas ako ng bahay niyo. Ayokong bumusina, baka tulog na parents mo.'

 

Pagkabasa ko nun, napasilip agad ako sa bintana at nasa labas nga 'yung kotse niya. Tinawagan ko kaagad siya.

 

"Hoy! Bakit ka nandito? Alas-onse na kaya!"

"Because you'll receive your punishment right now. Bumaba ka na."

"Wow ha! Pinag-isipan mo talaga 'yan. Bwisit ka."

"Love you too."

"Che!"

 

In-end ko na kaagad 'yung call at nagbihis ako. Naglabas na rin ako ng jacket dahil sobrang lamig sa labas. Dahan-dahan pa akong bumaba dahil tulog na sina Mommy at Daddy. Pagdating ko sa labas, pumasok agad ako sa kotse niya.

 

"Hiyang-hiya naman ako no, gusto mo agad isagawa 'yang punishment mo," sabay irap ko sa kanya.

"Of course." At talagang ngumisi pa siya ha?

 

Tahimik lang kami buong byahe pero hawak-hawak niya 'yung left hand ko habang nagdadrive siya. Kahit simpleng gesture lang 'yun, kinikilig pa rin ako sa loob-loob ko.

 

"We're here."

 

Pagkasabi niya nun, hininto niya na 'yung kotse. Sabay kaming bumaba at napaisip ako kung bakit kami nandito.

 

"Dito?"

"Oo."

"Eh sarado naman 'to ngayon."

 

Nasa harap kami ngayon ng isang amusement park malapit sa village namin. Kaso, sarado 'to every weekdays at weekends lang sila nag-ooperate.

 

"Tara," then hinila niya 'yung kamay ko at pinasok niya sa bulsa ng jacket niya. Buti na lang talaga at madilim dahil namula 'yung pagmumukha ko sa ginawa niya.

 

Minsan hindi ko alam kung hindi lang ako sanay kapag sweet siya o talagang kakaiba lang 'yung pagiging sweet niya.

Pumunta kami sa gitna at humarap siya sa akin.

 

"Surprise."

 

After he said that, biglang umilaw 'yung buong paligid. Pero ang pinakamaganda ay 'yung ilaw sa Ferris Wheel at nag-illuminate 'yung mga salitang 'To my little amasona.'

Kahit ayaw kong umiyak ay may tumakas pa ring ilang luha sa mga mata ko kaya pinunasan ko kaagad.

 

"Bwisit ka. Sabi mo punishment. Anong klaseng punishment 'to?"

"So that you'll feel guilty if ever you leave me. Long-time punishment 'to," tapos nginitian niya ako. Hinampas ko naman siya sa dibdib niya.

"Tanga ka ba?" Hininaan ko 'yung boses ko after that. "Bakit naman kita iiwan?"

"Hmm?"

"Wala. Sabi ko ang corny nito." At nagiging corny na rin ako dahil sa kanya.

"Corny pero naiyak?" Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Haha. I really love your deadly stares. Tara na nga," tapos hinawakan niya ulit 'yung kamay ko at pumunta kami sa may Ferris Wheel.

 

Ang sabi niya, isa raw 'yung tito niya sa may-ari ng park na 'to. Kaya pala nahiram niya. Daming connections ha.

Sumakay kami sa loob ng isang cart at tumayo lang kami sa gitna habang nakayakap siya mula sa likuran ko. Parang mas lalo kong na-appreciate 'yung view dahil sa kanya.

 

"Nabigay ba sa'yo ni Roj 'yung memory card?" halos makiliti ako dahil ang lapit ng bibig niya sa may tenga ko. Shet bakit parang ang sexy ng boses niya ngayon? Jusko epekto ba 'to ng view?

"Oo. At oo na, maganda na ang boses mo."

"Alam ko."

"Yabang!"

"Like slave, like master."

"Hoy 'di ako mayabang no!"

"Talaga lang."

 

Bigla namang humigpit 'yung yakap niya kaya 'di na ako nagsalita. Inenjoy na lang namin 'yung view hanggang sa matapos 'yung isang ikot.

Kahit ilang months ko na siyang boyfriend, nagugulat pa rin ako sa mga pakulo niya at hindi ko pa rin mabasa 'yung mga iniisip niya. Pero isa 'yun sa charms niya. He has his own way of showing his love and he knows how to get my heart.

Pagkababa namin ay bigla akong lumingon sa kanya at ninakawan ko siya ng kiss sa lips.

 

"Thank you, my unknown particle."

 

Napangiti naman ako sa reaksyon niya dahil halatang nagulat siya. Ha! I also have my own ways to surprise you! Kala mo ha.

 

"Hoy, tara na! Marami pa tayong rides na sasakyan. Tatayo ka na lang ba dyan?" tapos tinawanan ko siya dahil namumula siya.

"Sneaky slave," then sumunod na siya sa akin.

"Like master, like slave. Right?"

 

You're really one of a kind, Patrick Reyes.