.

.

Prologue

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, July 16, 2015


***

‘Ate, update naman!’

‘Wala pa po bang update? Please pa-update na.’

‘Ano ba ‘yan, bitin na naman.’

‘Ang tagal naman ng update mo, author.’

Pagkabukas na pagkabukas ko ng Wattpad account ko, ‘yan agad ang tumambad sa notifications ko. Minsan nga natatandaan ko na ang mga username ng readers na laging ganyan ang comment. Minsan din natetempt akong i-block sila. Kapag nakakabasa ako ng mga ganitong comments, lalo akong tinatamad mag-update. Para kasing kapopost ko lang ng chapter na ‘yun five minutes ago, tapos hihingi agad ng panibagong update. Feeling yata nila magdamag akong nasa harap ng laptop ko at wala akong ginagawang iba kundi ang magsulat ng story.

Dineadma ko na lang ang mga comments na ‘yun at binasa ko ang iba. Sa totoo lang, nakakatuwa kapag ang comment ng isang reader ay about talaga doon sa chapter at sasabihin niya kung anong naramdaman o napansin niya pagkatapos basahin ‘yun. Kapag ganun ang binabasa ko, naeencourage akong magsulat ulit at lalo akong naiinspire. Sa last chapter na pinost ko, kinilig ako dahil ang daming nagcomment ng kanya-kanya nilang theory sa mangyayari sa next update, ang kaso nga lang, mukhang walang tumama.

Syempre as a writer, parang achievement sa’yo kung napapaikot mo ang readers at hindi nila mapredict ang mga susunod na mangyayari sa kwento.
Mukha tuloy akong may binabalak na masama dahil sa ngiti ko ngayon sa mga comments nila.

Binasa ko lahat ng comments mula sa natapos ko kahapon hanggang sa ngayon pero bago pa ako makarating sa pinakabago ay napahinto ako sa isang comment four hours ago.

Hmm. Interesting. There are twenty suspects and they don’t know how to narrow it down. But I’m guessing only those five will be the main suspects after the ‘questioning’ part. Nice, Miss. You’re good at presenting and hiding the clues at the same time. I’ll be waiting for the next update.

Ilang minuto akong nakatingin lang sa screen ng laptop ko at hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Who the heck is this? Halos lahat ng readers ay namomroblema dahil sa dami ng suspects o di naman kaya nanghuhula kaagad kung sino ang killer pero siya, nakuha niya ang gusto kong iparating sa clues na binigay ko. Nakuha niyang magiging lima na lang ang suspects para sa next update. Bigla tuloy akong kinilabutan.

Tinignan ko kaagad ang username niya at nashock ako. Is this a coincidence?

Dahil masyado akong nacurious ay pinuntahan ko ang profile niya at nakita kong one month ago niya lang ginawa ang account niya. Walang laman ang bio niya at black lang ang display picture niya. Pero naloka talaga ako sa username niya. Hindi ko tuloy alam kung nagkataon lang o sadya. Alam kong weird at lame ang username ko kasi four years ago ko pa ginawa ang account na ‘to at ayoko nang baguhin dahil part na ‘yun ng pagkatao ko. And this bothers me...

...because he used
homosapiens and my username is neanderthal.


***