.

.

Prologue

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, July 11, 2015

***

I couldn’t believe what I just read.

Tinitigan ko ang sulat na dumating kaninang umaga at nararamdaman kong nagmamalfunction ang ilang brain cells ko dahil sa nakasulat. Tumakbo agad ako sa room ko at dinial ko ang number ni Mommy.

“Hello Sav? Why are you—”
“Mom! Anong ibig sabihin ng letter na ‘to? Bakit?” Hindi siya nakarespond ng ilang seconds pero narinig ko siyang bumuntong-hininga.
“It’s for your own good.” The same reason. Again.
“No! I don’t want to go to another stupid school. Alam mo naman ang nangyayari—”
“This one’s different, Sav. I promise. It’s a special class.”
“No, Mom. I’m staying here.”
“Sav, may pupunta na dyan mamayang gabi para sunduin ka.” 
“What?! Why?!”
“May dorm sa school na ‘yon and you’re going to stay there—”
“Bakit ba kasi nagdesisyon ka nang wala man lang pasabi?!”

I ended the call without waiting for her response. Napaupo na lang ako sa kama ko pagkatapos no’n at nilukot ko ang sulat na hawak ko. Now I have to go to another school because of Mom. Masaya na ako rito, eh. Masaya na ako sa bahay at sa laboratory namin. Bakit kailangan ko pang makihalubilo sa ibang tao? I hate socializing. I hate adjusting just to fit other people’s ideals.

Tumayo ako at naglakad papunta sa lab na nasa basement namin. I went to my sanctuary.

Sinuot ko agad ang labgown, lab shoes, goggles at latex gloves at tinuloy ko na lang ang project na ginagawa ko. In-assay1 ko ang extracts na nakuha ko from different marine algae. Habang ongoing ‘yong assay ay tinignan ko ang data sa excel at ininput ko rin ‘yong ibang details. After four hours ay natapos ko ang first assay ko at inistore ko ang remaining extracts. Napatigil naman ako nang biglang umilaw ‘yong bulb sa pinto. A visitor, huh?

Umakyat agad ako sa taas at pagtingin ko, may kotse at lalaki sa labas ng bahay. Sigurado akong ito na ‘yong sinabi ni Mommy kanina sa phone. Nakakainis talaga! Naalala ko na naman ang nangyari kanina.

“Excuse me, Miss Savannah Solomon?” tanong agad ng lalaking naka-tux pa.
“Bakit po?”
“Nandito po ako para sunduin kayo sabi ni Dr. Solomon.”

Gusto kong magreklamo at paalisin dito sa bahay ang lalaki pero ayoko namang ipahiya ang pangalan ni Mommy. Isa siya sa top scientists ng bansa kaya kailangan maging maayos ako sa mga kinikilos ko. Saka na lang ako magwawala kapag kaming dalawa na lang ni Mommy ang magkaharap.

Pinaghintay ko ang lalaki sa sala habang kinuha ko ang mga gamit ko sa kwarto. Kumuha lang ako ng kaunting damit dahil pwede naman daw akong bumalik after. Pinack ko rin ang Biology, Chemistry at Physics books ko pati ang dalawang laptop ko na naglalaman ng researches at journals na gawa ko. Kahit ayaw ko ay wala na akong magagawa. My mother’s decisions will always push through.

Pagbaba ko ay tinulungan ako ng lalaki na isakay sa kotse ang mga gamit ko at sumakay na rin ako sa likuran. Tahimik lang ako doon at nagsagot na lang ako ng exercises sa isang Calculus manual na inuwi sa akin ni Dad last week.

Nasa number 43 na ako nang biglang huminto ‘yong kotse. Sabi ng lalaki ay nandito na raw kami kaya agad akong bumaba. Pagtingin ko, nasa isang university kami na kilala dito sa lugar namin. Pero imbes na doon kami pumunta ay sa kabilang side naglakad ‘yong lalaki kaya sinundan ko siya. After three minutes ng paglalakad ay nakarating kami sa parang dorm. Ohh. So ito ang dorm na titirahan ko?

“Dito po kayo sa Room 7. Kasama n’yo sa room si Ms. Hernan.”
“Wait. May ka-share ako ng kwarto?”
“Opo. Sige po,” tapos nagbow sa akin ‘yong lalaki at tuluyan nang umalis.

I swear, marami talaga akong sasabihin kay Mommy kapag nagkita kami. Alam naman niyang hindi ako sanay sa mga tao! I was home-schooled since I was young tapos biglang magkakaroon ako ng roommate?

“Hi! Sabi na nga ba may tao sa labas, eh. You must be Savannah Solomon. I’m Elsie Hernan nga pala. Tara pasok ka,” sabay ngiti niya sa akin at binuhat niya ‘yong isa kong bag. 

Wala naman akong nagawa kundi sumunod sa loob. Pagpasok ko, bumungad agad ang dalawang kama sa bandang dulo at malaki naman ang space. Pero nagulat ako nang may nakita akong mahabang table sa may gitna ng room.

“Oh, sorry. That’s mine. May experiments kasi akong tinatapos kaya nagset-up na ako rito sa room natin,” sabi niya sa akin.
“Ilang taon ka na?” tanong ko kaagad. Bigla akong naging interesado sa kanya dahil doon sa lab table.
“Uhm, seventeen.” Same as me. “Ikaw ba?”
“Seventeen din. Nice meeting you,” then nagnod ako sa kanya at dumiretso ako sa kama ko.

Binaba ko kaagad ang gamit ko ro’n at sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Geez! Bakit ko ba siya kinausap? Nakakahiya. For sure weirdo na naman ang tingin sa akin. Lagi naman. Tuwing makakakilala ako ng tao, kung hindi nerd ay weird ang tingin sa akin. Sanay na ako.

Hindi ko alam kung bakit ako pinadala ni Mommy rito but one thing is for sure—I won’t last here . . . just like the first and last time I went to school.

---

1 Assay - an analytic procedure in science laboratories for qualitatively assessing or quantitatively measuring the presence or amount or the functional activity of a target entity or analyte (Wikipedia, 2015).



***