.

.

Prologue

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, January 30, 2015


***

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


“Until I feared I would lose it, I never loved to read. One does not love breathing.”
-  Harper Lee, To Kill a Mockingbird

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


“Ate! Dalian mo! Malelate ka na naman!”

Di ko na nilingon yung kapatid ko habang palabas ako ng bahay namin. May sinimulan na naman kasi akong basahin na libro dahil natapos ko na kagabi yung Da Vinci Code. Buti natapos ko na yung assignment sa Math nung isang araw kaya tuluy-tuloy yung pagbabasa ko.

Sumakay agad ako ng tricycle habang hawak-hawak ko pa rin yung librong binabasa ko. Malapit lang naman kasi talaga yung university na pinapasukan ko at pwedeng lakarin pero malelate na ako kapag ginawa ko yun, kaya kailangan kong mag-tricycle.

“Oh, Miss, nandito na tayo.”

“Huh? Ah. Eto po ang bayad,” sabay abot ko ng twenty pesos at bumaba na ako sa tricycle. Hindi ko man lang namalayan na nasa school na pala ako. Isang page pa lang yung nababasa ko eh.

Pagtingin ko sa relos ko, may five minutes pa bago magsimula ang klase. Dumaan ako doon sa hallway kung saan walang masyadong dumadaan para hindi ako maistorbo sa pagbabasa.

When Dill reduced Dracula to dust, and Jem said the show sounded better than the book, I asked Dill where his father was: “You ain’t said anything about him.”

“I haven’t got one.”

“Is he dead?”

“No...”

Sinara ko kaagad yung libro. Kapag talaga tungkol sa father na nawawala or patay na, napapatigil ako sa pagbabasa. Tsk. Mamaya ko na lang ‘to itutuloy.

Nilagay ko kaagad sa shoulder bag ko yung libro at mabilis akong umakyat sa main building.

Maliit lang ang university na ‘to at limited lang ang courses na inooffer. Gusto ko sanang pumasok sa state university pero malayo sa bahay namin. Ayoko namang mag-dorm or apartment at kapag namasahe naman ako araw-araw, masyadong mahal. Kaya ito na lang ang pinili kong pasukan. Okay lang rin naman dahil maganda naman ang way ng pagtuturo at malapit lang sa bahay namin.

Nakarating naman agad ako sa room at as usual, sa may bandang gilid ulit ako umupo. Wala kasing seating arrangement sa Math subject namin kaya unahan sa magagandang pwesto. Buti na lang walang masyadong umuupo sa pwesto ko.

Nakita ko yung ibang classmates ko na nangongopya ng homework kaya napailing na lang ako. Hindi ko alam kung wala ba silang time para gawin yun, nakalimutan o sadyang tinamad lang.

Eight minutes na ang nakakalipas at di pa rin dumadating yung prof namin. Weird. On time pa naman lagi si Sir Dimas.

“Dadating pa kaya si Sir? Sana hindi kasi hindi ko pa tapos ‘tong homework!”

“Twenty two minutes na lang, free cut na!”

Di ko na lang pinansin yung classmates ko na mukhang nag-eenjoy sa pagkalate ni Sir. Kinuha ko na lang yung book na binabasa ko at binuksan ko doon sa nilagyan ko ng bookmark. Mas mabuti nang magbasa na lang ako kaysa tumunganga.

“Whoo! Wala pa si Sir? Yes!” Napatingin naman ako saglit sa may pintuan at nakita ko si Kiel Anthony de Villa, ang palaging late sa class namin. Tinuloy ko na lang ulit yung pagbabasa ko.

“Pare, wala pa si Sir! Swerte mo!”

“Napagod akong tumakbo! Buti wala pa.”

“Nagawa mo assignment?”

“Oo naman. Di ako katulad niyo, mga tamad!”

“Di ka rin namin katulad, laging late!”

Tsk. Ang ingay. Hindi ko tuloy masyadong ma-absorb yung binabasa ko.

“Gwapo ni Kiel no? Sayang nga lang, mailap sa babae.”
“Kaya nga eh. Ang rumor eh wala pa raw siyang nagiging girlfriend.”
“Talaga? Ang swerte ng magiging first niya!”

Napatingin ako sa classmates kong babae na nakaupo sa unahan ko. Hindi na lang nila tapusin yung homework nila. Kung anu-ano pang pinag-uusapan, ang ingay tuloy lalo.

Tiniis ko na lang yung ingay dahil hindi naman pwedeng lumabas ako ng room kasi baka biglang dumating si Sir. Buti na lang at dumating na ang free cut time kaya yung karamihan ng classmates ko ay umalis na sa room.

Hay salamat. Mas tahimik na.

Hindi ako lumabas ng room dahil may isang oras pa naman bago ‘to gamitin ng susunod na class. Tinuloy ko lang yung pagbabasa ko dahil nasa interesting part na ako.

“Wow. To Kill A Mockingbird. Sobrang ganda niyan.”

Halos matumba ako sa upuan nung may narinig akong boses sa harapan ko, at pag-angat ko ng ulo ko, yung mukha ni Kiel ang nakita ko. Buti na lang at napahawak ako sa wall kaya hindi ako tuluyang natumba.

Bago niya pa ako makausap ulit ay hinablot ko na yung bag ko habang hawak-hawak ko yung libro at dali-dali akong lumabas ng room.

“Uy! Teka!” Naririnig ko yung pagsunod niya sa akin kaya mas binilisan ko yung lakad ko.

Hindi talaga ako sanay na may kumakausap sa akin kaya nagulat talaga ako kanina. Kahit hindi nila sinasabi sa akin, alam kong ‘loner’ ang tawag sa akin ng classmates ko sa iba’t ibang subject. Hindi kasi talaga ako umiimik hangga’t hindi ako kinakausap at kadalasan, sa prof lang talaga ako nakikipag-usap.

Mukhang natakasan ko naman yung Kiel na yun kaya nakahinga ako nang maluwag. Dumiretso na lang ako sa next class ko kahit mahaba pa ang oras.

Magbabasa na lang ulit ako.

***

Pagkatapos ng last class ko, umalis agad ako sa room. Habang naglalakad ay kinuha ko ulit yung libro mula sa bag ko. Dahan-dahan pa akong bumababa sa hagdan dahil nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa. Ang ganda na kasi talaga ng part ng binabasa ko eh. Ayokong itigil.

“Uy! Nakita ulit kita.” Bigla akong napatigil sa pagbabasa at nakita ko si Kiel na kaharap ko na naman. Tinry kong iwasan siya pero binablock niya yung daan. Ano bang problema niya?!

“Mahilig ka bang magbasa? Anong mga libro na ang nabasa mo?” Di ko siya pinansin at pilit pa rin akong dumadaan kahit na hinaharangan niya ako. Dahil naiirita na ako, hinawakan ko nang mahigpit yung libro ko at saka ko hinampas sa kanya. After that, hindi na niya ako naharangan kaya nakatakbo agad ako pababa. Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa pagsakay ko sa tricycle. Tsk! Imbes na maglalakad ako para makatipid, mapapagastos pa tuloy dahil sa lalaking yun.

Ano ba kasing problema niya at bigla na lang niya akong kinausap?

Little did I know, dahil sa nangyari kanina ay magbabago ang takbo ng buhay ko.


***