.

.

Chapter 11

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, January 31, 2016


***

Habang papalapit kami nang papalapit sa Dungeon ay lalong bumibigat ang mga hakbang ko at lalo akong hindi makahinga. Gusto kong malaman ang tungkol kay Mama pero natatakot din ako. Kahit na hindi sinasabi sa akin ni Papa ay alam kong marami silang hirap na pinagdaanan para sa akin kaya naman gusto kong malaman ang kahit anong tungkol sa kanila pero natatakot ako na baka hindi worth it ang mga ginagawa ko sa kabila ng mga sakripisyo nila.

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Nakita ko namang huminto rin si Darwin at lumapit siya sa akin.

“Don’t force yourself if you can’t,” sabi niya. “And don’t make that kind of face.” I looked at his face and even though we’re surrounded with darkness, I can clearly see his striking green eyes. Then I realized, I am not alone. At least, I have him here. I cleared my mind and reached for his cloak.

“I’m going.” Pagkasabi ko nun ay ngumiti siya at hinayaan niya akong nakahawak sa cloak niya habang nagsimula ulit kaming maglakad.

Tahimik lang kaming naglalakad at hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas. Napahinto kami bigla nung may nakita kaming pinto. Ni hindi ko kaagad ‘yun napansin dahil kulay itim rin ito at maging ang dingding ng kwarto sa labas.

“Ready?” tanong ni Darwin at tumango ako kahit na sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

Dahan-dahan kaming lumapit sa pinto. Hinawakan ni Darwin ang knob pero may kakaiba akong naramdaman sa paligid. Nagulat na lang ako nung pinihit niya ang knob at bigla akong may narinig na ingay sa itaas. Pagtingala namin ay agad naming binuksan ang pinto at pareho kaming bumagsak sa sahig. Napapikit naman ako nung narinig ko ang malakas na pagbagsak ng malaking bagay sa bandang paanan namin kung saan kami nakatayo kanina—a huge spike trap fell from above and it almost pierced us.

Tumayo kami at mas naging alert ako sa paligid dahil baka may maactivate na naman kaming traps at hindi na kami makaligtas pa.

“Let’s go,” bulong ni Darwin at sumunod naman ako sa kanya.

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto kung nasaan kami ngayon at narealize kong isa pala ‘tong medical laboratory. Ang daming kakaibang gamit na ngayon ko lang nakita pero ang ilang cryogenic chambers na nakahilera sa dulo ng room ang nakatawag ng pansin ko, at nagulat ako nung nakita kong may mga lamang tao sa loob ang mga ‘yun.

“Rainie, come here.” Napatingin ako kay Darwin at nag-gesture siya na lumapit ako sa kanya kaya naman sumunod ako. Nasa may parang control room area siya at nakatingin siya sa isang malaking screen. Tumabi ako sa kanya at tinignan ko rin kung anumang tinitignan niya at may iba’t ibang folders ang nakadisplay doon. He clicked one folder entitled
Restricted but a password is required to open it.

“Do you have any idea?” tanong ko sa kanya about sa password pero umiling siya.

“This system is complicated. Kapag nagkamali tayo ng password, mala-lock lahat ng files dito at hindi na natin mabubuksan kahit anong mangyari.”

“So that means we only have one chance.”

“Yes.”

Natahimik kaming dalawa at pareho kaming nag-isip kung ano ang possible password para sa folder na ‘to.

“Sinong namamahala ng lab na ‘to?” tanong ko.

“I don’t know but from what I’ve heard, an Elite scientist used this lab for eye projects before.”

“What’s her name?”

“Saeko. And she’s one of the Elites of Riko, your grandmother.”

Hearing the word grandmother made me feel weird. I don’t really want to be affiliated with my mother’s family because of what happened to her, though I don’t know anything about them. Ayoko rin namang pilitin si Papa na sabihin sa akin ang lahat ng tungkol kay Mama dahil alam kong hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa kanya ang mga nangyari. Alam ko dahil araw-araw ay pumupunta siya sa grave ni Mama at nakaupo lang siya doon sa loob ng ilang oras. Tuwing aalis siya sa lugar na ‘yun ay ako naman ang pupunta doon para kausapin si Mama at ikuwento sa kanya ang lahat ng nangyayari sa akin. Gusto ko kasing malaman niya ang nangyayari sa buhay ko dahil alam kong siya ang dahilan kung bakit nandito pa ako ngayon.

“I think the password is a japanese term.” Bumalik naman ang isip ko sa nangyayari ngayon nung narinig ko si Darwin at tumingin ulit ako sa screen.

“Yeah. Ganun din ang tingin ko.”

According sa text sa baba ng dialogue box ay 8-letter word ang password at naisip ko ring japanese term ‘yun dahil mas inclined ang Shinigami sa japanese culture.

“Maybe it’s about the eye projects,” sabi ni Darwin at napatango ako. If it’s about that, then being immortal is one of the possible answer.

Fumetsu sana pero 7-letters lang,” I said since fumetsu means immortal in japanese.

“I thought of fushi but...” It’s also possible since it means immortality.

“Eyes can be me or shishen but—” Pagkasabi ko nun ay nagkatinginan kami bigla at alam kong halos pareho kami ng naisip. This 8-letter word password might be a wordplay. If that’s the case, then...

Darwin typed the word we thought of and my heart began pounding loudly because of nervousness. We only have one chance. Nung pinindot niya ang enter ay halos hindi na ako makahinga.

‘Welcome to Project Rielle. Now accessing files.’

Nung narinig ko ‘yun ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. But that means, the password we thought of was right.
Fushisen—a wordplay on fushi and shishen, and it means undying eyes.

After 30 seconds ay nag-open ang isang program at lumabas ang picture ng isang babae na halos kamukha ko. It’s Rielle, my mother. Pero napatigil ako sa pagtingin nung biglang lumindol. Bigla akong hinigit ni Darwin palapit sa kanya at hinintay naming tumigil ang paggalaw.

“Kailangan na nating umalis dito,” sabi niya kaya naman nagmadali na kami sa pagkuha ng files.

May sinaksak si Darwin na kakaibang drive sa computer at tinransfer niya ang data at files na kailangan namin. Pero bigla akong may nakitang photo na nagflash doon sa computer—Rielle holding a child after her birth. Sandali ko lang ‘yun nakita pero naghalu-halo na ang emosyon ko dahil doon. Seeing myself as a baby, held by my mother while she’s smiling made me feel so special.

“Let’s go,” biglang sabi ni Darwin matapos niyang makopya ang data sa computer at hinatak niya ako palabas sa kwarto pero naramdaman na naman namin ang paglindol.

Paglabas namin ay tumakbo kami palayo sa Dungeon at nung makarating kami sa mas mababaw na part ng Black Dimension ay agad naming binuksan ‘yun para makalabas dito. But when we stepped out, that was the only time I realized we’re in midair.

“Rainie!” sigaw ni Darwin habang nahuhulog kami at halos hindi ko na maidilat ang mata ko dahil sa hanging tumatama sa mukha ko pero nagawa kong abutin ang braso niya. Tuluy-tuloy kaming bumagsak hanggang sa naramdaman ko ang pagtama ng katawan namin sa mga puno at tuluyan kaming bumagsak sa lupa. Halos nandilim ang paningin ko at alam kong nawala na ang epekto ng ginawa ni Krystal sa binti ko dahil naramdaman ko na ulit ang sakit.

“You two.”

Bigla naman akong napadilat nung narinig ko ang isang pamilyar na boses at pagtingin ko sa harapan namin ay nakatayo si Hiro. Medyo gumaan ang loob ko dahil ligtas siya. Marami siyang galos at hinihingal din siya kaya sa tingin ko ay kararating niya lang din dito. Napatingin naman ako kay Darwin nung narinig ko ang pag-grunt niya kaya tinulungan ko siyang makaupo nang maayos.

Magsasalita pa lang sana ako pero naramdaman ko ang pagbukas ng Black Dimension sa paligid namin. We’re all exhausted but we have no choice. We need to fight. I need to and I have a reason to fight. I want to protect these two just like how they protected me from several attacks before.

Before the Black Dimension opens completely, I released consecutive arrows towards the openings and some of them closed after that. Some Shinigamis managed to get out of that dimension but my arrows pierced their bodies. Hiro and Darwin also launched their own attacks but their numbers aren’t decreasing. Halos napapalibutan na kami. Pero nagulat ako nung may naramdaman akong chills at bigla akong hinila ni Hiro pababa. Pare-pareho kaming yumuko at bigla ko na lang naramdaman ang sobrang lakas na hangin na muntik nang tumangay sa aming tatlo. Pagkalipas ng ilang segundo ay dumilat ako at napanganga ako sa nakita ko.

The Shinigamis surrounding us were wiped out instantly.

“You kids okay?” Sabay-sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita namin si Ma’am Michiko na nakasandal sa puno habang may hawak na twin swords. “Seriously, those two need to control their strength!” Pagkasabi niya nun ay napatingin ako sa direksyon na tinitignan niya at lalo akong hindi makapaniwala.

We’re one kilometer apart from Papa and Hiro’s Mom but their attacks managed to reach here and annihilated the Shinigamis. And I’m sure Ma’am Michiko deflected the stray effects of their attacks to protect the three of us. Thinking about how strong they are gave me goosebumps.

“This battle would end soon. Get ready, kids,” sabi ni Ma’am Michiko at natahimik na lang kami habang pinapakinggan ang sigaw at labanan ng Shinigamis.


***