.

.

Chapter 13

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, March 5, 2016


***

"Akemi, tara na! Late na naman tayo!" sigaw ni Akane habang palabas na sila ni Riye ng kwarto pero nginitian ko lang sila.

"Mauna na kayo. Susunod na lang ako." Pagkasabi ko nun ay nagtinginan silang dalawa at lumabas na ng kwarto namin.

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung araw na 'yun. Dalawang araw ko na ring pinag-aaralan ang laman ng chip na binigay sa akin ni Darwin. The chip that contains information about my mother and eye projects.


Kahapon ay nagdadalawang-isip pa ako kung bubuksan ko ba 'to o hindi, pero nung bandang gabi na at tulog na sina Akane at Riye ay sinaksak ko ang chip sa 
holophone, a device where you can view any data in 3D or hologram. Inuna kong tignan ang pictures na nakalagay doon at halos sumikip ang dibdib ko habang ginagawa ko 'yun.

They documented her through photos and videos during her imprisonment and when she was giving birth to me. I viewed the pictures and my tears fell non-stop. Nararamdaman ko ang hirap at sakit na dinanas niya. Alam kong sobrang hirap ng pinagdaanan niya base sa mga kwentong naririnig ko pero ngayong nakikita ko ang nangyari ay mas malala pa pala 'to kaysa sa iniisip ko.

"Please, let me hold her for the first and last time," sabi ni Mama sa video na pinapanood ko.

"Is that your last wish?" Tumango si Mama. "I'll give you fifteen seconds. Cherish it."


Parang lumubog ang puso ko nung narinig ko 'yun. Kung pwede lang na hiramin ang sixth sense ni Hiro nung mga panahong 'yun. Gusto kong maalala ang nangyari noong bagong silang pa lang ako. I want to feel that I was held by my mother during her last moment. I want to remember it all but I can't.


"Rainie-"

Bigla ko namang napatay ang hologram nung may tumawag sa akin at pagtingin ko ay nasa harapan ko na si Darwin. Agad kong pinunasan ang pisngi ko at kinalma ko ang sarili ko.

"Sorry. I didn't mean to-"


"It's okay. I'm okay."

Nakatingin lang ako sa paanan ko dahil feeling ko ay maiiyak lang ulit ako kapag hinarap ko siya. Ilang beses akong huminga nang malalim para kumalma at saka ako humarap sa kanya.


Nakakapasok na nga rin pala sa Tantei High ang ilang Shinigami para sa truce na nangyari sa apat na tribes. Their representatives can enter the campus using the Black Dimension since we want to prevent them from being seen by the students. Their presence may start panic for those who don't know the agreement. For the Shinigami tribe, the detector won't apply to Darwin and his parents for a certain time range since they are the representatives.

"Bakit ka pala nandito?" tanong ko sa kanya at bigla siyang nag-iwas ng tingin. Narealize ko rin na hindi siya nakasuot ng black cloak, the typical Shinigami style, ngayon at naka-white shirt, faded jeans and cap siya.

"Well, nalaman kong field trip ngayon ng St. Joseph."


Wow. I feel nostalgic after hearing the name of our school. Ang tagal na rin simula noong umalis ako doon at nagsimula ang buhay ko bilang isang Senshin.

"Walang tao ngayon sa school at naisip kong dumalaw. Dinaanan lang kita para ipaalam 'yun at kung gusto mo ring sumama-"

"Tara," saka ako tumayo pero nakita ko ang gulat na expression ni Darwin kaya medyo napangiti ako.


Naisip ko rin kasing kailangan ko muna ng distraction after kong makita ang nakalagay sa chip. Hindi ko pa kayang basahin ang iba pang files na nakalagay doon dahil sobrang bigat na kaagad ng pakiramdam ko. Maybe visiting our former school will help me lessen the pain.

Kumuha ako ng jacket sa closet ko at narealize ko na ito rin ang jacket na sinuot ko nung pumunta kami ni Mama dito sa Tantei High. Nakita ko rin ang uniform ko dati kaya lalo akong nakaramdam ng pagkamiss. Hindi ko kasi magawang itapon o itabi 'yun dahil 'yun ang nagpapaalala sa akin na minsan akong naging normal at kahit kailan ay hinding-hindi ko 'yun tatalikuran.


Sinuot ko ang kinuha kong jacket at nilagay ko sa bulsa ang wallet ko. Nagpatak ako ng liquid contacts at ilang segundo lang ay naging black na ang kulay ng mga mata ko.

"Darwin," tawag ko sa kanya at tumingin naman siya. "You should use this, too."

Lumapit siya sa akin at pinatakan ko rin ang mga mata niya. Halatang hindi siya sanay doon dahil gusto niyang kusutin ang mga mata niya kaya pinigilan ko siya. Sabagay, mukhang madalang siyang pumunta sa mundo ng humdrums kaya hindi niya kailangang gamitin 'to.


"Let's go?" tanong niya at ngayon ko lang naisip na may klase pa pala ako. Oh well, minsan lang naman ako mag-skip ng class. At saka pwede ko namang sabihin kay Ma'am Reina na magtetake na lang ako ng make up class if ever.

"Yeah," sagot ko at binuksan naming pareho ang Black Dimension.

***


Sinuot ko ang hood ng jacket ko habang naglalakad sa street kung nasaan ang school namin. Baka kasi may makakita sa amin na taga-school at magtanong ng kung anu-ano, lalo pa't halos sabay kaming nawala. Siguro ganun din ang naramdaman ni Darwin dahil binaba niya ang cap na suot niya.


Ilang minuto kaming naglakad at habang nakatingin ako sa paligid ay hindi ko maiwasang hindi mamiss ang pakiramdam na 'to. 'Yung tatakbo ako sa street na 'to kapag malelate na ako sa klase, 'yung mga taong hindi ko kilala na makakasabay ko sa paglalakad kapag uuwi ka na, at 'yung pamilyar na mga bahay at tindahan sa dinadaanan ko.

"Nakakamiss," bulong ko at tumango naman si Darwin.

Pagdating namin sa harap ng school ay bigla akong may naalala.

"Dapat pala sinama natin si Riye."


"Oo nga pala. Galing din siya dito 'di ba?"


"Oo pero one batch lower sa atin."

Sayang. Pero mukhang hindi rin naman mangyayari 'yun dahil nasa klase siya at hindi ko naman ineexpect na pupunta si Darwin sa kwarto namin para mag-ayang pumunta rito.

"O, Lazaro, Ariedo, nadalaw kayo!" bati sa amin ni Manong Guard nung makarating kami sa gate at napangiti na lang ako. Medyo hindi na ako sanay gamitin ang Lazaro, na maiden name ng mama ni Hiro.


"Oo nga po eh," sabi ko at tumingin ako kay Darwin para magpatulong. Baka kasi hindi kami papasukin dahil hindi naman na kami tagarito.

"Pwede ho bang pumasok?" tanong ni Darwin at kinabahan ako sa isasagot ni Manong.

"Syempre naman," sagot naman ni Manong at lumapit siya sa amin. "Pwedeng pumasok ang Erityians dito."


Napanganga ako nung marinig ko 'yun at ngumisi lang sa amin si Manong. Nagkatinginan pa kami ni Darwin dahil hindi namin alam kung paano ipa-process ang nalaman namin.

"W-wait, Manong. You mean..." sabay turo ko sa kanya.

"Galing ako sa Querino clan at nagsimula ako rito dalawang taon bago pumasok ang anak ng leader namin, si Ms. Rizelle Querino, para masiguro na magiging ayos ang lahat."

"Ibig sabihin, alam mo po kung sino ang mga Shinigami na nandito dati?"


"Oo pero nandyan naman si Ms. Janelle at mas may kakayanan siya para gawin 'yun. Nandito lang ako para magbantay at alisin lahat ng threat sa school na 'to dahil na rin sa utos ni Sir Salas."


"Na-track n'yo po ba kami?" tanong ko at tinuro ko ang sarili ko pati na si Darwin.

"Hindi. Masyadong malabo ang nararamdaman ko sa inyo dati kaya nung nireport ko 'yun ay sa section n'yo inassign si Ms. Janelle."

Ilang minuto pa naming kinausap si Manong Guard at nalaman naming may ilang Shinigami pala talaga na pumupunta rito para bantayan ang ilang Erityians na nandito. Pinapapasok sila ng administration para rin bantayan at pag-aralan ang kilos nila kahit na masyado raw risky.


Pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa loob pero 'di pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. Sa pagkakaalam ko, Janelle ang real name ni Ma'am Reina, so I think siya ang tinutukoy ni Manong. Then napaisip ako bigla kay Sir Salas, ang principal namin, dahil pareho sila ng surname ni Akane.

Dumiretso kami sa Principal's office at pagdating namin doon ay nakaupo na sa couch si Sir Salas. Nakangiti niya kaming sinalubong at pinaupo niya kami sa harapan niya.

"It's nice to see the both of you again," bati niya sa amin at napansin kong wala siyang suot na contacts kaya kitang-kita ang green eyes niya.

May mga sinabi lang si Sir sa amin about sa school at kung gaano daw siya ka-proud sa Erityians na galing sa school niya. Nalaman ko rin na galing naman siya sa clan ng Salas, Akane's clan. After that ay pinaalis na niya kami kaya lumibot kami sa school. Syempre, una naming pinuntahan ang room namin. Pagpasok namin ay halos sabay kaming umupo sa assigned seats namin at natawa kami sa ginawa namin.


"Sobrang isolated pala talaga natin dati," sabi ko sa kanya.

"Yeah. We really don't belong in this class," dagdag niya. "Pero ikaw, nakakapag-interact ka sa kanila kapag may napapansin kang kakaiba tulad nung nangyari kay Tessa."

"Ahh..." Naalala ko naman 'yun at medyo naguilty ako sa ginawa ko kay Tessa. Ang dami ko kasing nakikita nun dahil sa sixth sense ko. Tumingin naman ako kay Darwin at siya naman ang sinabihan ko. "Syempre sobrang sungit mo dati. Kahit sino sinasamaan mo ng tingin kapag lumalapit sa'yo. Ni hindi nga rin kita makausap nang matino dati dahil sa sarcastic answers mo, eh."


"Because I always feel that I don't belong here. I don't want to interact with everyone. But I've changed, haven't I?"

Nagreminisce pa kami ng iba pang nangyari noong nandito pa kami at doon ko narealize kung gaano ko namiss ang mundong 'to. Ang mundong kinalakihan ko. Ang mundong sanay ako.

But I know I can't go back to this world anymore because the world where I am living now is the place where I need to be, the place where I truly belong.


"Tara na," sabi ni Darwin nung nasa quadrangle na kami. "Baka hinahanap ka na ng mga kasama mo."

Maggagabi na pala at hindi ko masyadong namalayan ang oras. Nagpaalam kami kina Sir Salas at Manong Guard bago kami umalis. Naglakad kami hanggang sa makarating kami kung saan wala nang tao at saka namin binuksan ang Black Dimension. Tahimik lang kaming naglalakad at nung makarating na kami sa bandang part ng gubat ay huminto si Darwin kaya napahinto rin ako.

"Thanks for keeping me company," sabi niya at saka siya ngumiti.

"Nag-enjoy din naman ako so no worries."


"You should go," sabi niya dahil hanggang 6 PM lang mawawala ang detector for them. Beyond that ay madedetect na sila at magkakaroon ng alarm sa buong school.


"Yeah. Thank you rin sa pag-aya. Bye," sabi ko sabay taas ko ng kamay ko pero nagulat ako nung bigla siyang lumapit sa akin at nilapat niya ang kamay niya sa kamay ko.

"Ikaw lang ang kinakausap ko dati dahil nakikita ko ang sarili ko sa'yo." Nalito naman ako dahil out of the blue niyang sinabi 'yun at 'di ko pa rin maalis ang isip ko sa kamay namin. "We're both outcasts and we really don't communicate with our classmates. Kaya nga nung umalis ka, lalo akong na-isolate sa klase. But then circumstances happened and I realized my whole life was a lie. My identity was a blur and for once, I questioned my existence."


Halos kilabutan naman ako sa sinasabi niya dahil ganun din ang naramdaman ko nung nalaman kong isa akong Senshin at nung naging malabo kung sino ang mga magulang ko.

"But when they mentioned you and they want to get you, I became interested. I want to find you. Gusto kong makakita ng kahit na sino na makapagpapaalala sa akin ng dati kong buhay. At nung araw na nakita kita, nabawasan ang gulo ng isip ko. I thought, Ah. She's here. I still got someone who shares the same situation I'm in. That's why I'm really thankful that you treated me as 
me
, not as a Shinigami."

Ang dami kong narealize habang sinasabi niya ang mga 'yun. Tama siya. Parehas kami ng pinagdaanan at siya ang mas makakaintindi sa akin sa mga bagay na tulad nito. Huminga ako nang malalim at saka ako ngumiti sa kanya.

"You did the same, too. Kaya salamat din at ganun ang tingin mo sa akin."

Pagkasabi ko nun ay parang nawala ang worries sa mga mata niya pero nagulat ako nung bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako palapit sa kanya.

"You know what? That's one of the reasons that I find you attractive," sabi niya at saka niya ako binitiwan. Pagkatapos nun ay ginulo niya ang buhok ko habang ako ay nakatulala lang sa kanya.

"Wha-"


"Bye, Rainie. See you soon."

Pagkasabi niya nun ay nawala siya sa harapan ko. Ang tagal kong nakatayo sa pwesto ko at after a few seconds ay napahawak ako sa ulo ko.

He's a weird one, isn't he?


***