.

.

Chapter 15

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, March 10, 2016

***

"Si Kaoru ba ulit ang gagamitin natin papunta sa Yllka Shrine?" tanong ni Akane habang naghahanda kami para mamaya.

"Yes. Sabi ni Hiro, kinausap na niya raw si Sir Hiroshi about doon and pumayag siya."

"Nee-san, bakit pala magkakaroon ulit kayo ng meeting?"

"Hindi ko rin alam. Nagpatawag lang si Darwin."

"I'm a bit curious, nee-san." Tinigil naman ni Riye ang pagbabasa ng medical book na nasa lap niya. "Katulad mo ba si Kuya Darwin?"

Napakunot naman ang noo ko sa tanong ni Riye dahil hindi ko kaagad naintindihan 'yun.

"On what aspect?"

"Kasi nung nasa St. Joseph pa ako, I detected a Shinigami among your year level pero kayong dalawa, hindi. Understandable 'yung sa'yo since you are a halfblood or mixed pero siya...is he a halfblood, too?"

"I don't think so. His parents are both Shinigamis."

"Hmm..."

Napag-usapan din namin sina Krystal at Nel. Naikwento ko sa kanila kung paano nila ako niligtas at tinulungan nung nasa base kami ng Shinigamis. Napangiti ako nung maalala ko 'yun. I was raised as the only child and being with girls older than me felt like I have older sisters.

After ng mga pag-uusap namin ay agad ding nakatulog sina Riye at Akane pero ako ay nanatiling gising. Ewan ko pero tuwing gabi ay lagi ko nang naaalala lahat ng nabasa at nakita ko sa chip. Tuwing mag-isa ako, lagi kong naaalala ang paghihirap ni Mama kaya hindi ako makatulog. Kaya naman kinuha ko ang cloak ko at lumabas ako ng dorm. Every time na mabigat ang pakiramdam ko ay isa 'to sa mga pinupuntahan ko—Demi and my mother's graves. Naglakad ako papunta doon pero napatigil ako nung may nakita akong figure sa harapan ng puntod nila.

"Bakit gising ka pa?" tanong niya habang nakatalikod at lalong bumigat ang pakiramdam ko. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Hindi po ako makatulog." Automatic na tumulo ang luha ko pagkasabi ko nun at agad kong tinago ang mukha ko sa hood ng cloak na suot ko pero naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko.

"You don't need to hide your tears." Napatingin ako sa kanya at nakita kong tahimik lang siyang lumuluha habang nakatingin sa puntod ni Mama.

"Papa..."

I immediately stood behind him and I hugged him tightly. He flinched and his body trembled for a while but after a few seconds, he held my arms and I felt his warm breath.

"Your mother did this to me, too. You really have the same actions." Naramdaman ko ang sakit sa bawat salitang binitiwan ni Papa kaya hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Napangiti ako nung narinig kong ginawa rin 'to ni Mama sa kanya pero nasaktan pa rin ako dahil doon.

"Papa...alam kong selfish request 'to pero...pwede bang kahit isa lang, may malaman ako kay Mama na galing sa'yo?"

Silence.

Gusto kong bawiin na lang ang sinabi ko. I'm really selfish, aren't I? How can I ask him like that? It has been fifteen years but I know that his wounds are still fresh.

"I'm sorry. I shouldn't—"

"It's okay." Napatigil naman ako nung narinig ko 'yun at humiwalay ako sa kanya. He patted the ground beside him so I sat there. Nakatingin lang ako sa kanya at halos lumubog ang puso ko nung nakita ko ang malungkot na ngiti ni Papa habang nakatingin kay Mama. "She's just as reckless as you. Do you remember the rule about not entering the eastern side of the forest after the curfew?" I nodded. "She didn't oblige. Nagpunta pa rin siya doon at nalaman niya kung bakit ipinagbawal 'yun."

Bigla naman akong nacurious sa dahilan pero nung naisip ko 'yun ay bigla akong tinignan ni Papa nang seryoso at alam kong nabasa niya ang isip ko. Napabuntong-hininga siya at saglit akong napangiti sa ginawa niya.

"There are unusual creatures lurking inside this forest that are active at nighttime. She was injured that time and I had to save her."

"Wow. So binabantayan mo pala ang mga kilos niya, Papa." Ayan na naman ang malungkot niyang ngiti.

"Yeah. I was drawn to your mother because of the mystery surrounding her. I was too drawn that I can't take my attention off her anymore. But I think that's a good thing since she's reckless and impulsive."

After that, natahimik na ulit si Papa habang ako ay nakangiting nakatingin kay Mama. Hindi ko akalaing makakarinig ako ng kwento tungkol kay Mama na galing kay Papa kaya naman napangiti ako.

"You should sleep," sabi niya sa akin pero umiling ako.

"Hindi po ako makatulog." Pero ang totoo, natatakot akong matulog dahil parang mapapanaginipan ko lahat ng nalaman ko kay Mama. Nagulat naman ako nung hinawakan ni Papa ang ulo ko at pinasandal niya ako sa balikat niya.

"Pwede bang hayaan mo akong gawin 'to? I didn't have the chance to put you to sleep when you were still a child."

I felt a lump in my throat when I heard that from him. I nodded. Alam kong marami kaming hindi naranasan bilang pamilya dahil nalayo kami sa isa't isa at ito lang ang time namin para magcatch-up. Tinatapik-tapik ni Papa ang balikat ko at gumaan ang pakiramdam ko. Feeling ko ay bata ulit akong pinapatulog kaya naman napangiti ako. Hindi ko alam kung dahil ba doon kaya unti-unti na akong inantok and after a few minutes ay napapikit na ako.

***

Napabangon ako bigla at nadisorient pa ako dahil sa paligid. Saka ko narealize na nasa kwarto na ako ng dorm, samantalang sa pagkakaalala ko ay nakatulog ako kasama si Papa sa harapan ng puntod nina Mama at Demi. Pagtingin ko sa oras, 4 AM na at 7 AM ang meeting time namin kaya naman ginising ko kaagad sina Akane at Riye.

Nagprepare naman ako ng breakfast habang naliligo sila at binuksan ko ang bintana namin. After several minutes, narinig ko na ang pag-akyat nila.

"Morning, Akemi!" bati ni Ken habang lumulusot sa bintana since curfew hours pa, at kasunod niya sina Reiji at Hiro. Ang cute pa ni Reiji dahil parang wala siya sa sarili niya. Humikab pa siya habang kinukusot ang mata niya. Mukhang napuyat na naman siya kakabasa ng mga libro gaya ni Riye.

"Reiji, natapos ko na 'to." Napatingin naman ako kay Riye at binigay niya kay Reiji 'yung librong binabasa niya kagabi. Minsan kapag pinapanood ko sila ay nahihiya ako sa sarili ko dahil parang 'yung isang linggong pagbabasa nila ng mga libro, katumbas nun ay lahat na ng librong nabasa ko sa buong buhay ko.

"Bakit ka nagpalit ng pabango?" tanong naman ni Ken kay Akane na nagpapatuyo ng buhok sa tapat ng electric fan.

"Masama ba?"

"Yung dati ang gamitin mo! Mas mabango 'yun!"

"You and your freaking sixth sense. Ubos na nga!"

At nagsimula na naman silang magbangayan doon. Pumunta na lang ako sa kusina para hindi ko sila gaanong marinig. Nagulat naman ako nung nakita ko si Hiro doon na naghahanda para sa breakfast. Nagkatinginan kami kaya napaiwas ako ng tingin dahil naalala ko ang nangyari nung nakaraan. Sinarado ko nang maigi ang isip ko.

Hindi kami nag-usap at nagtulungan lang kami sa paghahanda ng mesa. After that ay agad din naman kaming kumain lahat at hinanda namin ang mga kailangan namin sa pag-alis. Mga 6 AM kami nakalabas ng dorm at dumiretso kami sa gubat kung nasaan si Kaoru. Pagdating namin doon ay sinalubong kami ni Sir Hiroshi at inexplain niya sa amin ang auto-pilot system ni Kaoru. Pagkatapos nun ay umalis na siya at pumasok kami sa loob. Agad namang umandar si Kaoru at naupo kaming anim.

Siguro dahil na rin sa kulang ako sa tulog at pagod kaya pagkaupong-pagkaupo ko ay napapikit agad ako at nakatulog. Ginising lang ako ni Hiro nung malapit na kami.

"We're here," sabi niya kaya naman nag-ayos na ako.

Pagbaba namin ay nakita na naman namin ang symbolism ng attribute divisions ng Huntres tribe sa mismong Yllka Shrine. Pagdating namin doon ay nakatayo sa harap ng bahay si Krystal at nakasuot siya ng mala-amazona attire. Lalo tuloy nadagdagan ang intensity ng presence niya at mas lalo siyang naging intimidating.

Napatingin naman ako sa dalawang unfamiliar na mukha at nagtatago sila sa likuran nina Gemma at Ashley. I think mas bata or kasing-edad sila ni Riye pero mukhang mas bata sila mag-act at kumilos. Meron ding isang lalaki na nakaupo sa terrace at sobrang cool niyang tignan habang may nagfoform na ice sa kamay niya. No pun intended.

"Hello again," masayang bati ni Gemma sa amin.

"Hi!" sagot ni Akane. "So dinala n'yo rin ang buong grupo ninyo."

"Yeah. Si Kelsey," sabay turo niya sa isang babaeng may nakapulupot na chain sa bewang, "at si Miles," turo naman niya doon sa isa na may gun holsters sa hips niya. "That guy over there is Hale." Nagsmile naman sa amin 'yung Hale.

Dahil turn na namin ay nagpakilala naman sina Ken, Riye at Reiji sa kanila. Agad namang hinatak nina Kelsey at Miles si Riye sa isang gilid at nagbulungan na silang tatlo doon.

Napalingon naman kami nung narinig namin ang footsteps sa likuran at bumungad sa amin sina Nel. Kumaway siya sa amin at napangiti ako sa kanya. May nadagdag sa kanilang isang babae pero kasama niya pa rin sina Cliff at Jett.

"Whoa. Too many new faces!" sigaw ni Nel nung nakalapit na siya sa amin.

Saktong pagkapasok nila ay naramdaman ko ang pagbukas ng Black Dimension kaya hinintay ko silang lumabas. Nakita ko si Darwin at ang dalawa niyang nakasama last assembly. Pumasok kaming lahat sa shrine at gaya dati ay kaming apat nina Darwin, Nel at Krystal ang umupo sa center table at 'yung mga kasama namin ay nakakalat sa kwarto.

"How's your tribe?" Nel asked to Darwin.

"Still unstable but we're recovering. Thanks to all of you."

"But that Black Dimension is a huge pain-in-the-ass. It's like I'm battling with Dark attribute users but the Shinigamis are way better than them," Krystal added.

Nagreminisce sila ng mga nangyari sa labanan pero ang isip ko ay nasa Dungeon ngayon. Naaalala ko na naman kasi si Mama. Napailing ako dahil ayokong maging depressed sa harap nilang lahat.

"So, why did you call us?" tanong ulit ni Nel at napangiti naman si Darwin.

"I just want to celebrate our victory, and of course, the end of our truce." Pagkasabi niya nun ay nagkaroon ng tension sa room at napatingin ako kina Hiro.

Right now, we're just bonded by a truce due to the fight with the main forces of Shinigamis but because the battle has ended, so as our truce. Indifferent ang Erityian tribes sa isa't isa at hindi talaga kami nagkakaroon ng contact or treaties, maliban sa War Alliance ng Senshins, Huntres at Custos na nangyayari lang kapag nasa state of war ang isa sa kanila.

"Are you suggesting an alliance?" tanong ko kaya napatingin silang lahat sa akin. I was stunned and amazed at the same time because eyes with different colors are staring right at me.

"Yes," mabilis na sagot ni Darwin. "Our current leaders don't trust each other and I think that's understandable because of the problems in their generation.But in our case, it is feasible."

"Yeah. I think this will benefit our respective tribes in the near future," sagot ni Krystal.

"I also agree," dagdag ni Nel.

"Me too," sabi ko naman. "Besides political and warfare benefits, I think the alliance will help us to understand each tribe, not just based on the books but because we can interact more with each other. After all, we are all from the same race."

'That was a nice speech.' 
Nagulat naman ako nung narinig ko ang boses ni Hiro sa isip ko.

'Eh? Huh?'

"Wow. That was a good point but you sounded like a humdrum politician." Nagtawanan naman silang lahat nung sinabi 'yun ni Nel kaya medyo nahiya ako pero napangiti pa rin ako dahil mukhang nag-agree sila sa akin.

"Then, let's pledge on our alliance." Krystal stood up and an icicle formed on her forefinger.

All of us stood up and I remember reading this in a book about the first Erityians—their pledge as a member of the Erityian race. I think we're going to do the same kind of vow.

"I pledge allegiance to my tribe," panimula ni Krystal at ginaya namin siya habang binabanggit ang kanya-kanya naming tribe, "and alliance to the race, for which I'll protect with all my strength, with all my pride and my whole being. Hail Erityians!"

"Hail Senshins! Hail Shinigamis! Hail Huntres! Hail Custos!" we roared with pride and I got goosebumps as I heard our unison.

"Let the blood of the leaders be the witness of this glorious victory and union." Krystal cut his finger and a blood trickled down into the table. Upon contact, Krystal's table area became crystal blue in color. "Let our blood prove our connection that will lead our future." Darwin, Nel and I cut our own fingers with our weapons and the table became the color of our eyes. "Oh great Yllka of Huntres." Tumingin siya bigla sa aming tatlo.

"Edda of Custos."
"Ryou of Shinigami."
"And Shou of Senshin."

"We swear to protect the tribes you protected, as long as we live and until death."

Halos tahimik kami ng ilang minuto matapos 'yun pero agad din namang bumalik sa dati. Nagpunta kami sa kanya-kanya naming grupo at pinakilala ang isa't isa.

Napatingin naman ako sa daliri ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Because of this alliance, our responsibilities widen and I'm having second thoughts regarding my leadership.

'Don't worry. You'll be fine.'
 Napatingin ako kay Hiro dahil binabasa na naman niya ang isip ko.

'How can you be so sure?'

'Because you're born to be a leader. It's in your blood.'

'But...'

Nagulat naman ako nung bigla siyang lumapit sa akin. Huminto siya sa harapan ko at natulala nalang ako nung bigla niyang hinawakan ang magkabilang sentido ko. Just like what I did to him last time.

'You said this will lessen the burden and help you relax a bit.'

After a few seconds ay tinigil niya rin kaagad ang ginagawa niya dahil nakatulala na sa amin sina Ken at Akane na para bang nakakita sila ng multo. Hindi talaga sila gumagalaw o kumukurap sa pwesto nila kaya hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.

Dahil natapos na ang pledge namin ay isa-isa na kaming nagpaalam sa isa't isa pero nung nagkatinginan kami ni Darwin ay alam kong kailangan naming mag-usap kaya naman pinauna ko na sina Akane kay Kaoru.

Nung kaming dalawa na lang ang nasa loob ay doon ko lang napansin na suot niya pala ang scarf na niregalo ko last Christmas kaya napangiti ako. I'm glad it's useful to him.

"Why are you smiling?" tanong niya kaya naman tinuro ko ang scarf niya.

"It really suits you."

"It's because you made it," sabay ngiti niya. Bigla naman siyang may nilabas sa cloak na suot niya at inabot niya sa akin. "I hope you'll find it useful."

Nasa kamay ko ngayon ang isang journal at pen. Sabi ni Darwin, kakaiba ang pen na 'to dahil after kong magsulat ay magiging invisible ang sinulat ko at tanging sa mga mata ko lang magrerespond ang journal para ipakita ang laman nito.

"Wow. Thank you, Darwin. I'm going to use this."

"No problem."

Natahimik kami after that pero nung nagkatinginan kami ay ngumiti ulit siya kaya napangiti rin ako. His genuine smile is contagious.

"The next time we see each other, we should be the leaders." Pagkasabi niya nun ay naalala ko bigla ang sinabi niya nung una kaming magkita bilang isang Senshin at Shinigami. The next time we see each other, we're enemies. I'm glad that it didn't turn out that way. I still have him at my side.

"Yeah. I'm sure you'll be busy for the next few years." Siguro ay hindi ko na siya makikita nang madalas.

"Then, see you soon, Rainie." Binuksan niya ang Black Dimension at nagulat ako nung bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "If you can just come with me..."

"H-hah?" Bigla naman siyang tumawa kaya lalo lang akong nalito.

"I said you're attractive," sabay gulo niya sa buhok ko. "Just kidding."

"Darwin!"

"Fine. I'm not kidding," sabi niya pero tumawa pa rin siya. "Bye, Rainie. Lead your tribe well." Pagkasabi niya nun ay pumasok na siya sa Black Dimension at hinayaan ko na lang ang mga pinagsasabi niya kanina. Ngumiti ako sa kanya.

"Yeah. You too. Bye, Darwin."

The Black Dimension finally closed. I stood there silently but I was startled by the incoming footsteps. Pagtingin ko sa pintuan ay nandoon si Hiro kaya naman lumapit ako sa kanya. Bigla kong naalala ang ginawa niya kanina kaya medyo nahiya ako.

"Uhm...thanks kanina," sabi ko at tumingin ako sa kanya. "That made me feel better." Bigla naman siyang ngumiti at hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako kapag ginagawa niya 'yun. His smile is like a rare treasure and I'm lucky for seeing it a few times.

"If you're feeling down, just let me know. You don't need to shoulder it all." Nagulat naman ako sa sinabi niya pero narealize ko na parehas lang kami.

"How about you? Hilig mo ring sarilinin ang mga problema." He's the type that will sacrifice himself for the sake of others.

"I'm fine."

"No, you're not." Hinawakan ko ang mukha niya at binigyan niya ako ng malungkot na expression. "Remember what happened yesterday? You can also tell me your problems. I may not be able to help you but I'll listen. Okay?"

Ilang segundo siyang walang imik at nakatingin lang sa akin. Sa tingin ko ay nakuha niya ang ugaling 'to kay Papa. They like to handle all the problems by themselves even though they're dying from them. At least ako, nailalabas ko naman ang problema ko kina Mama at Demi pati na rin sa pag-iyak. I want to free them from their burden.

"Okay," sagot niya at napaiwas siya ng tingin. Tinanggal ko naman ang kamay ko sa mukha niya dahil hindi ko kaagad narealize na nakahawak na pala ako sa kanya.

"Let's go," sabi ko pero hindi siya gumalaw sa pwesto niya. Nagulat naman ako nung nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Nakatingin lang siya sa akin at wala siyang kahit anong sinabi. Bigla kong naalala na ginawa niya rin 'to nung nasa gubat kami last time.

I placed my hand on his.

'Thank you,'
 rinig ko sa isip ko. 'Rainie.'

Just like before, we walked together, but I'm glad he's the one leading. Hearing my name from him feels weird but I smiled behind his back.

'No worries, Nathan.'

And then we went to our friends hand-in-hand.

I learned many things because of this truce, now alliance, and I want to learn more. Now that I can depend on more people, I feel that I can make my dreams for the Senshins and the other tribes come true. I want to be acknowledged and I hope I can say these words in the future:

I, Rainie Lopez, bestowed with the name Akemi, will now lead and protect the Senshin tribe with the best of my ability.

I'm really excited for the future.


-- E N D --