.

.

Chapter 2

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, April 7, 2015


***

Pagkabalik ko sa dorm ay gising pa si Akane habang si Riye ay nakatulog na doon sa bundles of books niya. Tinignan ko ‘yung orasan at 4 AM na pala.

“Magkasama na naman kayo,” sabay pataas-taas pa ni Akane ng kilay niya. Her sixth sense has improved at one kilometer na ang covered nun.
For sure narinig niya ‘yung usapan namin.

“Sasama ka sa amin,” sabi ko tapos umupo ako sa tabi niya.

“Ha? Saan?”

Pinakita ko sa kanya ‘yung message ni Darwin at sumeryoso ‘yung expression niya. Hanggang ngayon ay malalim pa rin ang galit ni Akane sa mga Shinigami pero kahit papaano ay hindi kay Darwin. At nakapag-usap naman sila dati kahit ilang seconds lang.

“Ito ba ‘yung pinag-usapan niyo ni Hiro kanino about sa right time?”

“Yeah. At kailangan kong magsama ng dalawa.”

“So si Hiro at ako. Well ang sixth sense namin ang pinakaeffective na gamitin pagdating sa meetings and assembly. So hindi ‘to alam ng Papa mo?”

Tumango naman ako. Dahil sa dami ng trabaho at inaasikaso ni Papa sa school at sa iba pang affairs ay ayoko nang idagdag pa ‘to. Besides, kami naman ni Darwin ang nagpasimula nito. Gusto ko ring patunayan sa sarili ko na kaya kong gawin ‘to. At gaya nga ng sabi ni Darwin, para ‘to sa future generation.

“Kung hindi ‘to alam ni Sir Hideo, illegal ‘to. Tatakas tayo? Pero baka makita niya tayo.”

“Nope. Natrack ko na ang best way para hindi niya tayo makita. Pero ang problema lang ay kung paano tayo pupunta doon.”

“Bakit? Saan ba ‘tong Yllka Shrine? Teka, Yllka? Parang familiar ‘to ah?”

“Sabi ni Hiro, si Yllka daw ang isa sa founders ng Huntres tribe along with Ivankov. At ang shrine niya ay located sa Romania.”

“Romania?! Paano tayo pupunta doon?!”

Biglang tumayo si Akane at kumuha siya ng world map. Pero ang kaibahan nun sa ordinary maps ay naka-mark doon ang known bases ng bawat tribes. Nakuha namin ang map na ‘to sa restricted section at medyo luma na kaya for sure ay hindi na updated ang bases. Pero mukhang  magagamit pa naman, though ancient alphabet ang gamit na markings. Nilapag niya ‘yun sa pagitan namin at tinuro niya ‘yung Romania tapos may nakasulat doon na ⊱ҵҵжͽ •ϫѫѯǂᵻҩ.

“Wait lang...tignan mo.” Tinrace naman ni Akane ‘yung Yllka Shrine na located sa Transylvanian Alps tapos tinuro niya ‘yung main base and headquarters ng bawat tribe. “Nasa gitna ‘tong shrine. Wow ha. Naisip ni Darwin ‘yun?”

Narealize ko naman na tama ‘yung sinabi niya at namangha ako bigla.
Akala ko, pinili lang ni Darwin ang place na ‘yun dahil walang malapit na minor bases doon. Hindi ko akalain na ‘yun ang nasa gitna ng major Erityian bases sa buong mundo. Strategic location ngang maituturing ‘to. Ang galing lang at naisip ‘yun ni Darwin.

“Mukhang hindi tayo matutulog ngayon. May 6 AM class pa man din tayo kay Ma’am Michiko.” Tumayo si Akane at binalik niya ‘yung map sabay sabing, “bakit kasi umaga ang PE class natin? Sino bang sira ang tuktok ang nagsuggest nito?”

“Si Ken,” sabi ko naman.

“Utak talaga nun, may switch. Minsan on, madalas off.”

Natawa naman ako sa sinabi niya hanggang sa umabot na ang pang-aasar niya kay Ken sa pagkatao niya. Kapag nag-aaway sila, gumagaan lagi ang atmosphere. Kaya siguro super naging close ako sa kanila nitong nagdaang taon dahil kapag kasama ko sila, nakakalimutan ko ‘yung mga masasamang nangyari.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa nung ancient books at kinumutan namin si Riye. Ayaw na kasi namin siyang gisingin para palipatin sa kama dahil baka hindi na siya ulit makatulog. Tumabi ako kay Akane at pareho kaming napapalibutan ng maraming libro. Tahimik lang kaming nagbabasa pero nagulat ako nung nagsimulang bumilang si Akane.

“...58...59...60...61...” tapos nakatingin lang siya sa akin.

“Anong ginagawa mo? Ang creepy, Akane.”

“...69...70...71...72...73...”

Lumayo naman ako sa kanya nang kaunti dahil seryoso siyang nakatingin sa akin habang nagbibilang at hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Hanggang sa umabot siya sa 100 ay pinagpapatuloy niya pa rin at ako naman ay naghihintay ng kung anong pwedeng mangyari.

“Okay! Tapos na!”

“A-anong tapos na? Ano bang ginawa mo?”

“Hmm, 115 bpm. Definitely excited,” sabay ngiti niya sa akin.

Saka ko narealize kung anong ginawa niya. Mineasure niya ang heart rate ko. Pero dati ay hindi niya kayang makarinig ng pulse or heart beat. Mukhang nag-iimprove na talaga siya. At ngayon ko lang din napansin na sobrang bilis nga ng tibok ng puso ko. Normally ay around 70-100 beats per minute lang kapag nagrerest pero ‘yung sa akin ay umabot ng 115. Loko ‘tong si Akane eh. Akala ko kung ano nang ginagawa niya sa akin!

“Pfft. Nakakatawa ‘yung reaksyon mo kanina!”

“Pano nakakatakot ‘yang itsura mo. Masyadong seryoso.”

Bumalik na lang ako sa pagbabasa at napaisip ako sa ginawa niya. Siguro nga excited ako para mamaya.
Para kasing sobrang laki ng mangyayari at alam kong malaki rin ang magiging epekto nito sa bawat tribes.

Nung 5 AM na ay niligpit na namin ni Akane lahat ng books at ginising na rin namin si Riye. After that ay nagprepare na kami para sa class namin at nakasimangot si Akane nung lumabas kami ng kwarto. Agad-agad naman kaming pumunta sa room at naabutan namin doon sina Hiro, Ken at Reiji pero wala pa si Ma’am Michiko. Biglang tumakbo si Akane papunta sa kanila at...

“Hoy Ken!” sabay batok niya kay Ken.

“Aray! Problema mo?! Sakit nun ha! Ginulo mo pa buhok ko!”

“Magulo naman talaga buhok mo! Bakit ba kasi 6 AM ang nirequest mong class sa PE ha? May sira na ba ‘yang utak mo?”

Lumapit naman kami ni Riye sa kanila at nakita kong sabay na naghikab si Hiro at Reiji. Ang cute. Parang tuloy nakaprogram ang paghihikab nila kasi sabay na sabay. Naglabas naman si Reiji ng libro at huminto si Riye sa tapat niya.

“Natapos ko na kanina,” sabay abot niya kay Riye. “It’s a good book. Kumpleto rin ‘yung illustrations.”

“Talaga? Thank you.”Ngumiti naman si Riye sa kanya at nilagay niya sa loob ng bag ‘yung book.

Pinanood ko lang silang dalawa habang nag-uusap at napangiti ako. Kung sina Akane at Ken ay sobrang ingay at nag-aaway na agad sa umaga, itong dalawa namang ‘to, ang peaceful tignan. Pero ano kaya ‘yung librong pinag-uusapan nila?

“It’s a medical book.” Napalingon naman ako kay Hiro dahil sa sinabi niya.

“Medical? Tungkol sa katawan ng tao?”

“Yeah. They are both interested in the field of medicine. Maybe because of their sixth sense.”

Napatingin ulit ako doon sa dalawa. Akala ko kung anong libro, medical pala. Kung siguro nasa labas sila ng Tantei High, aakalaing fiction book ang pinag-uusapan nila. Ang bata pa nila pero pinag-aaralan na nila ang medicine. Kung ako ‘yan, ang daming brain cells na siguro ang namatay sa simula pa lang ng libro.

“Nasabi mo na kay Akane?” tanong niya naman at tumango ako.

“Mmm. Nadiscover niya pa ngang nasa gitna ang Yllka Shrine ng major bases ng bawat tribes. Though, mukhang ikaw ay alam mo na kaagad.”

Tumango naman si Hiro. Sabi na nga ba eh.

“Hindi niyo ako matatakasan.”

Nagsitayuan ang mga balahibo ko nung biglang may bumulong sa tenga ko. Halos ilang metro ang natakbo ko at bigla akong napasummon sa bow and arrows ko. Pagtingin ko, tumatawa na si Ma’am Michiko. Napabuntung-hininga na lang ako dahil sa pananakot na ginawa niya. Akala ko kung sino na!

Minsan napapaisip ako kung kasing-edad ba talaga nina Papa at Mama si Ma’am Michiko. Para kasing hindi eh. Ang childish niya kasi minsan.

Napatingin ako kay Akane at nagmouth siya ng
‘130’ kaya alam kong mineasure niya na naman ang heart rate ko. Aatakihin ako sa puso ng wala sa oras dahil kay Ma’am Michiko eh. Pero ang nakakainis, ako lang ang nagulat. Si Hiro, nakatayo pa rin doon sa tabi ni Ma’am Michiko at parang wala lang nangyari. Ni wala man lang expression ‘yung mukha niya.

“Okay, okay! Let’s start! Tapos na ang lokohan!” sigaw ni Ma’am Michiko at pumunta siya doon sa gitna.

Pinagwarm-up muna kami bago namin sinummon ang weapons namin. Ang training ko ngayon ay matarget ang moving objects. Nagsummon si Ma’am ng tatlong
shuriken, according sa kanya. It has four pointed blades at may butas sa gitna. Weapons daw ‘yun from Japan. Ang kailangan kong gawin ay matamaan ko ‘yung butas sa gitna at ma-pin ‘yung shurikens sa pader.

May iba’t ibang trainings din sina Akane na bagay sa weapons nila. Sinabi kasi namin kay Ma’am Michiko na gusto naming taasan ang level ng PE class namin kaya siya mismo ang nag-isip ng training routines namin. Kaso nga lang sobrang tinaasan niya naman ang level.

“Too slow, Akemi!” sigaw niya sa akin habang hinahagis ‘yung shuriken.

Paano kasi sobrang bilis ng paghagis niya to the point na hindi ko na namalayang dumaan sa harap ko. Maging ‘yung lima ay sinisigawan niya rin. Hindi ko nga alam kung paano niya namamanage na tignan kaming lahat at the same time. Kapag talaga seryoso si Ma’am Michiko, namamangha ako sa kanya. Sa totoo lang, simula nung nakita ko siyang makipaglaban sa war ay tumaas ang tingin ko sa kanya. Nung nagtandem sila nina Mama at Papa, napanganga ako sa kanilang tatlo. Kapag naiisip ko ‘yun ay kinikilabutan pa rin ako.

They are really strong. Para silang warriors kapag lumaban. Napapaisip tuloy ako kung anong personality nila nung mga bata pa sila.
Sa pagkakatanda ko sa sinabi ni Papa sa akin, ang PE instructor nila ay Kyo ang pangalan. Katulad din kaya siya ni Ma’am Michiko magturo? Sa kanya niya ba nakuha ang ganitong attitude sa pagtuturo?

“Akemi!”

Bumalik naman ang isip ko sa present nung narinig ko ang sigaw ni Ma’am Michiko. Bigla ko tuloy narelease ‘yung arrow sa kamay ko. Good thing at pumasok ‘yun sa butas ng
shuriken pero...

“Hiro! Watch out!” Napunta sa direksyon ni Hiro ‘yung
shuriken at arrow na dapat ay sa pader.

Pero bago pa siya tamaan ay ginamit niya ang baril niya para pigilan ‘yun. He accurately hit one of the blades of the
shuriken and changed its direction. Wow.

“Am I your new target?” inosente niyang tanong sa akin at nahiya naman ako.

“Sorry. Mali ‘yung trajectory ng arrow ko.”

“It’s just a joke.”

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano raw?
Joke? Mukhang narinig ‘yun nina Akane at Ken na nasa gilid lang niya kaya napahinto sila sa pagtetrain nila.

“Joke ‘yun? Sigurado ka, Hiro?
Saan banda?” tanong ni Akane sa kanya.

“Shit, Reiji!” sigaw ni Ken at tumingin siya sa direksyon ni Reiji. “Nagjojoke na si Hiro! Anong gagawin natin?!”

Nagtawanan lang kami doon at kahit papaano ay gumaan ulit ang atmosphere. After ng klase ay dumiretso kami sa room namin for Psychology. Nagdiscuss lang about sa brains at way of thinking ng criminals tapos dinismiss na rin. Nagpalipas lang kami ng oras sa dorm at nung 10 PM na ay nagprepare kami ni Akane. Sinabi rin namin kay Riye ‘yung gagawin namin at hihintayin niya raw kaming bumalik. Hindi naman kasi raw siya matutulog ngayong gabi.

Nagsuot kami ng cape at lumabas kami ng dorm. Dumaan kami doon sa way kung saan walang makakatrack sa amin papuntang gubat. Dumiretso kami doon sa hillside at nakita namin si Hiro sa tuktok.

“So paano tayo pupuntang Romania? Almost twelve hours ang byahe mula rito hanggang doon ah?” tanong agad ni Akane nung nagkita-kita kaming tatlo.

“They will travel with us,” sabay turo ni Hiro sa likuran niya at nagulat kami sa nakita namin.

“Hi girls!”

“Ma’am Reina!”

Nakatayo sa likuran ni Hiro sina Ma’am Reina, Sir Hayate at Sir Hiroshi. Hindi ko alam na umuwi pala sila rito. Ngayon ko na lang ulit sila nakita!

“Pero wait, what do you mean?” tanong ulit ni Akane habang bumababa silang apat sa burol.

“I can take you to Romania in just one hour,” sabi ni Sir Hiroshi habang ina-adjust ang salamin niya.

“Talaga po, Sir?” Bigla akong namangha nung narinig ko ‘yun.

“Yes. Tara, sumunod kayo sa amin,” sabay talikod sa amin ni Sir Hayate at sumunod naman kami sa kanila.

Naglakad kami papunta doon sa grassland at nagulat ako sa nakita ko. May isang maliit na jetplane doon at parang isa o dalawang tao lang ang kakasya.

“It’s just a prototype pero maayos naman. Pasok na.”

Pagkasabi nun ni Sir Hiroshi ay pumasok siya sa loob at sumunod ulit kami sa kanya. Namangha ako nung nakita ko ang loob.
Sa labas ay parang ang liit pero pagdating sa loob ay halos kasinlaki siya ni Miyu. Napatingin ulit ako kay Sir Hiroshi at lalo lang akong namangha. Ang galing talaga niya pagdating sa pag-iinvent ng kung anu-ano.

“Take us to Romania, Kaoru.” May ininput na kung anu-ano si Sir Hiroshi doon sa computers sa harapan and then suddenly ay naramdaman ko ang pag-angat ng jetplane.

“Yes, Master Hiroshi.”

At nung nagtake-off kami ay pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako sasakay dito. Sa sobrang bilis ay hindi nakayanan ng utak ko at nagdilim ang paligid ko.


***