.

.

Chapter 4

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, July 9, 2015


***

Walang nagsasalita kahit isa sa amin at lahat ay nagpapakiramdaman. Sa sobrang taas ng tension ay nahihirapan akong huminga but I kept my expression calm. Nandito kami ngayon sa meeting area kung saan isang round table at apat na upuan lang ang present. Nakaupo ako sa east side habang nakatayo sa likuran ko sina Hiro at Akane.

“Why don’t we first intoduce ourselves?” sabi ni Darwin at tumingin kaming lahat sa kanya. “I’ll start. I’m Seiji from the Shinigami tribe led by my mother, Haruka.”

“The rebellion force, huh. Brings back memories,” biglang sabi ni Krystal. Ngayong katabi ko siya sa left side ay nararamdaman ko ang lamig sa side na ‘yun. Habang tinitignan ko ang expression niya ay para akong nakatingin sa babaeng version ni Hiro.

“Akemi from Senshin tribe. My father is the current President and I guess you’re all there during the war.”

“Krystal from the Huntres tribe which is currently under my sister’s command.”

“I’m Nel from Custos. And like you,” sabay tingin niya sa akin, “my father leads our tribe.”

Pagkatapos naming magpakilala ay wala nang nagsalita at naramdaman ko na naman ang tension sa pagitan naming lahat. Nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa mga mata nilang tatlo at ganun din sila. Siguro dahil na rin sa history ng tribes namin. After a century, ngayon na lang ulit nagkaroon ng pagtitipon ang lahat ng leaders ng apat na tribes, though hindi naman talaga kami ang current leaders. Simula kasi noong maestablish ang four Erityian tribes ay hindi na ulit nagkaroon ng pagkakataon na magkasama-sama ang tribes dahil nagkanya-kanya na sila. And of course, dahil na rin sa dispute sa pagitan ng Senshins at Shinigamis. Kahit na civil kami sa isa’t isa ngayon ay may doubt pa rin kami sa kahihinatnan ng meeting na ‘to.

“I never thought that the Huntres has a base in Romania,” sabi bigla ni Nel kaya napatingin kami sa kanya. Dahil din doon ay medyo nabawasan ang pressure sa paligid.

Ngayong nakatingin ako sa kanya ay para akong nakatingin sa isa pang Akane dahil sa way ng pagsasalita at pagkilos niya, but a bit
wilder than her.

“One of our founders, Yllka, used to live here before being labeled as an Erityian. After her death, they built a shrine in honor of establishing the Huntres tribe.” sagot ni Krystal.

“I’m surprised that you chose this place,” sabi ni Nel habang nakatingin kay Darwin. Ngumiti naman siya.

“Alam kong alam ninyo kung bakit ko ‘to pinili. Right?” sabay tingin niya sa aming lahat.

“Because it’s the center of the main bases of the four tribes,” sabi ko at nagnod sila.

Napag-usapan namin ‘to ni Akane at narealize namin habang nakatingin kami sa mapa na nasa center nga ang Romania ng bases namin. Nagkataon namang may shrine dito si Yllka kaya dito kami nagkita-kita.

“For a Shinigami, you’re quite bright,” sabi ulit ni Nel.

“I’ll take that as a compliment.”

Sinarado ko kaagad nang mabuti ang isip ko. Napag-isip-isip ko rin kasi na may point si Nel. Both Shinigamis and Huntres depend mainly on their sixth sense and attributes. They can easily use their overwhelming abilities to fight and survive. But Senshins and Custos rely on their critical and reasoning capabilities to survive with the help of sixth sense and animus. I think that’s the similarity and difference between the four tribes with respect to our abilities.

“Sure. It’s better to be smart than only relying on brute strength.” Bigla namang tumingin si Nel kay Krystal at alam kong anytime ay may mangyayari nang masama dahil bigla ulit tumaas ang tension sa paligid.

“Are you implying something?” Krystal said cooly...and I mean literally dahil sa namumuong ice sa table kung saan nakalapag ang kamay niya.

“Wala. Right, Akemi?” sabay ngiti niya sa akin and I’m sure na nabasa niya ang isip ko kanina.

Uh oh. I smell trouble.

Biglang tumahimik ang lahat at tanging ‘yung tunog lang ng hangin na nagcicirculate sa loob ang naririnig. Maging ang balat ko ay nararamdaman ang tension dahil tumaas ang mga balahibo ko at nabalutan ng goose bumps. Pati sina Akane, Hiro at ‘yung mga kasama nina Darwin, Krystal at Nel ay naging alert din. A word or even a slight movement can cause a ruckus.

Then all of a sudden, I sensed an incredible amount of pressure and all of us summoned and drew our weapons, pointing them to each other, then the table and chairs were suddenly frozen.

“Well, I guess we still don’t trust each other,” sabi ni Darwin habang nakatutok ang isang dagger sa direksyon ni Nel, habang si Nel ay naka-aim kay Krystal at si Krystal sa akin. I was slightly shaking because I instinctively aimed my arrowed-bullet gun to Darwin since I felt that pressure in his direction.

Huminga ako nang malalim at binaba ko ang baril ko. Tinignan ko sina Akane at Hiro na nakatutok din ang sword at gun sa iba at sinenyasan ko sila na i-drop ‘yun.

“I think the reason why we can’t trust each other is because of our personal experiences. Namuhay tayo na walang contact at alliance sa ibang tribes,” sabi ko at tumingin silang lahat sa akin. Bigla ko ulit naramdaman ‘yung pressure pero this time, mas malala. The pressure from these three is too strong.

“But we have an alliance now, right? We even helped you in the war,” sabi ni Krystal.

“Yes but we still don’t trust each other. Siguro dahil ang current leaders ang nakakaintindi ng purpose ng alliance. Pero tayo, we just went with the flow. Ako, nagulat ako nung makita ko ang leaders ng Huntres at Custos sa school nung nagpeprepare kami sa war. Sinabi lang sa akin ng mga kasama ko na may dalawa pang tribes bukod sa Senshin at Shinigami pero hindi ko inexpect na makikita ko sila. I thought distant sa isa’t isa ang tribes kaya nagulat ako nung nalaman kong tutulong sila sa amin.”

Naaalala ko pa ang panahon na ‘yun. A man ang woman with red and blue eyes, respectively. Nung naglakad sila papunta sa office ni Papa ay halos lahat ng estudyante ay hindi makagalaw dahil sa lakas ng pressure ng presence nila.

“What I want to say is, may sari-sarili tayong opinyon sa bawat tribes and it’s affecting our meeting right now, which is not what we want. I think ganun din ang current leaders but they managed to form an alliance because they set aside their opinions and act as a true leader.”

After kong sabihin ‘yun ay natahimik sila at unti-unti nilang binababa ang weapons nila.

‘Well said. You made your point very well.’
Narinig ko ang boses ni Hiro sa isip ko pero hindi ako makalingon sa likod dahil nakatingin sa akin ‘yung tatlo.

‘Did I sound rude?’

‘No. You sound like your dad—a leader.’

Napangiti naman ako at nabawasan ang burden sa loob ko dahil doon. Ayoko kasing lumabas na rude at sabihing nagmamarunong ako dahil sa mga nasabi ko. I just really want to establish a closer relationship with the other tribes.

“Sorry for her behavior,” biglang sabi nung isang lalaki na nasa likuran ni Nel. “She’s having a hard time these past few days. Sa inyo tuloy nabubuhos,” sabay hawak niya sa balikat ni Nel at nakita kong nagflinch si Nel. Pero mas nagulat ako nung narinig ko siyang mag-Filipino. He looks like a Caucasian, pati ‘yung isa pa, kaya akala ko ay Western languages lang ang alam niya pero tama ang accent at pronunciation niya sa Filipino words.

“Okay lang. Sanay na kami. Mas malala pa nga dyan minsan,” sabi naman nung babaeng may hawak na wooden sword habang pailing-iling at nakita kong sinamaan siya ng tingin ni Krystal.

“Hah. At least sa inyo evident kapag nagbabago ang mood. This one has only two expressions—serious and his smiling face, which has so many meanings.” Napabuntung-hininga ‘yung babae sa likuran ni Darwin at napangiti ako dahil totoo ang sinasabi niya. Nung nasa St. Joseph kami ay laging seryoso ang expression niya at kapag nagssmile siya, hindi ko rin alam kung anong ibig sabihin dahil maraming pwedeng meaning ‘yun.

“Ours looks lost on her first months,” biglang sabi ni Akane kaya napatingin ako sa kanya. “Pero understandable naman dahil bago lang siya at wala siyang kaalam-alam sa kahit ano sa mundo natin. Kaso mas malala ‘yung isa,” sabay tingin niya kay Hiro. “Buti sa inyo may expressions, sa amin wala. As in walang-wala. See? See?” tapos tinuro-turo niya pa ‘yung expressionless face ni Hiro.

Bigla naman silang nagtawanan habang kaming apat na nakaupo ay parang napahiya. Pero dahil doon ay nawala ‘yung bumabalot na tension. Napatingin ako kay Darwin at nakita kong nagsmile siya.

Now I know kung bakit nagpasama siya ng dalawang colleagues. Siguro nahulaan niyang ganito ang mangyayari kapag kaming apat lang ang nagkita-kita pero dahil sa mga kasama namin ay nagbago ang mood.

“Shall we start this meeting?” biglang sabi ni Darwin.

“We should. Baka biglang magbago na naman ang mood ng iba,” sabi nung isa pang babae sa likod ni Krystal habang nakahawak sa balikat ni Krystal.

And now it begins.


***