.

.

Chapter 5

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, July 19, 2015


***

“Where in Japan?”

“Hokkaido.”

Nilatag ni Darwin ang isang Asian Map at tinuro niya kung nasaan ang Hokkaido sa Japan.

“The Shinigami base is located here in Nemuro, Hokkaido,” sabay turo niya sa most eastern part ng Hokkaido.

“What a strategic location,” sabi ni Krystal.

“Yeah. They can do anything there without being noticed by humdrums. I bet konti lang din ang population dito, ano?” tanong naman ni Nel.

“Yes. Kaunti lang ang tao roon lalo na sa part kung nasaan ang base,” dagdag ni Darwin.

We’re planning to observe the movements of the Shinigamis from up close. Nagamit ko na ang Black Dimension ng ilang beses these past few months kahit hindi ko pa masyadong kontrolado ang pagbukas at sara nun pero masasabi ko na sobrang mapanganib doon ngayon. That place is too quiet that I tend to hear a lot of buzzing and humming, plus the tension in the surrounding is too high. Pakiramdam ko ay laging may nakatingin sa akin kapag nandoon ako kaya nga hangga’t maaari ay hindi muna ako nagtatravel doon kung hindi naman kailangan.

“I think I can sneak inside the base,” biglang sabi ni Nel kaya napatingin kami sa kanya. “My mother did it a couple of decades ago, so I guess I can do it too.”

“Who’s your mother?” tanong ni Darwin.

“Her name’s Lace.”

“I think I’ve heard that name before.”

“Of course. Her team successfully infiltrated the Shinigami’s base and retrieved her comrades’ eyes.”

Those eyes again.

Tinanong ko si Dr. Yuuki about doon few months after the war dahil hindi ko makalimutan ang sinabi ni Rin bago siya mamatay.

‘You won’t get our eyes.’

I was really bothered by that statement kaya nagresearch ako tungkol sa characteristics ng Erityian eyes, pero wala akong makita sa library kaya dumiretso na ako kay Dr. Yuuki na maraming alam tungkol sa ganoong bagay. Ang sabi niya, meron daw kasing eye project ang Shinigamis na ilang dekada na nilang pinag-aaralan. Their scientists are specialized on experimenting bodies and drugs. Hanggang doon lang ang binigay niya sa akin dahil ‘yun lang daw ang alam niya.

“I remember something odd,” sabi ni Krystal. “My sister did a technique that freezes the entire body until it becomes an ice. No flesh and organs can survive but his opponent’s eyes survived.”

“Rin’s eyes too,” I added. “I mean, nung mamamatay na siya ay minabuti niyang sirain ang mga mata niya at sinabing ‘
you won’t get our eyes.’ I think there’s something about our race’s eyes though I still don’t know it.”

Napatingin kaming lahat kay Darwin dahil alam naming may alam siya kahit papano since nagstay siya ng ilang months under kay Rin, and for sure ay may alam din siya sa eye project na sinasabi ni Dr. Yuuki.

“Shinigami scientists are researching about the extent of our eyes’ abilities.” Biglang bumalik ang tension sa loob ng room at bumilis ang tibok ng puso ko dahil parang may malalaman akong hindi ko inaasahan. I felt Akane’s fingers on my shoulder and I’m sure napansin niya ang pag-accelerate ng heartbeat ko.

“Our eyes’ abilities? What do you mean?” seryosong tanong ni Krystal and I swear I can see ice fog around her.

“Like what you’ve witnessed, our eyes can survive special attacks except something physical like weapons. Nalaman din ng scientists na hindi nagdedecompose ang mga mata natin pagkatapos mamatay at aabutin pa ng ilang daang taon bago tuluyang magdegenerade. Kaya naman nagkaroon sila ng theories on extending one’s life by using the components and composistion of our eyes. And their highest goal is to attain immortality.”

I have thought of that idea pero nung narinig ko ‘yun galing mismo kay Darwin ay nagulat pa rin ako, ganun din ang lahat ng nasa room except sa Shinigamis.

“Is that even possible? I mean, extending one’s life is considered a top achievement by humdrum doctors but immortality is just...absurd.” Nag-agree naman kami kay Nel dahil hindi ko rin maisip na kayang gawin ‘yun ng kahit na sino, even though we’re from a different race.

“Not impossible, just highly improbable.” Napatingin kami kay Hiro dahil sa sinabi niya.

“I agree,” the guy behind Nel added.

“If what you’ve said is true, then I’m sure the current leaders of our respective tribes already know something about our eyes’ abilities. They might also be secretly conducting some researches about it.”

After that ay tumingin sa akin si Hiro at alam kong may gusto siyang iparating. Then naalala ko ang sinabi ni Dr. Yuuki. Hindi kaya sinabi niya lang na hanggang doon lang ang alam niya kahit na may alam pa siyang iba dahil nagreresearch din ang Medical department about that?

“Anyway, let’s prioritize the scouting.” Hinatak ni Nel ang map at bumalik kami sa pagdidiscuss about gathering information.

“Okay. The Shinigami base is divided into two parts: the Chamber where the Shinigamis reside is on the Black Dimension and the Laboratory where the researches, experiments and other stuff take place is on this dimension. Nasa Nemuro,” pag-eexplain ni Darwin.

“Then let’s do this: Nel and I will take the Nemuro route. The two of you,” sabay turo ni Krystal sa amin ni Darwin, “will sneak on the Chamber.”

“Okay,” sagot ko.

We finalized our strategies and alternative plans if ever magkaroon man ng ‘di inaasahang pangyayari. After that ay isa-isa na rin kaming umalis sa Yllka Shrine.

“Rainie.” Napalingon ako at nakita ko si Darwin.

“Mauna na kayo,” sabi ko kina Hiro at Akane at tumango naman sila.

Lumapit siya sa akin at ngumiti siya.
Lalong lumakas ang presence niya simula nung huli kaming magkita and that was a year ago. Sa isang tingin lang ay masasabi kong lumakas siya.

“How’s your parents?” Ewan ko pero ‘yun na lang ang una kong natanong. Siguro dahil ang tagal naming hindi nagkita kaya parang ang awkward ngayong kaming dalawa na lang.

“They’re fine. Sa katunayan, mas maraming Shinigamis ang sumali sa amin nung nalaman nilang buhay pa sila at sila ang naglelead. I guess my parents’ reputation are good back then.”

“That’s great.”

“Ikaw? Kumusta ka?”

“Ayos na,” I said while smiling.

“Na?”

“Yes. Ayos na. I was devastated for the first few months after the war.Pero nakapagmove on na rin naman ako at marami na akong natutunan ngayon kaya ayos na ako.”

“I see. I guess there’s no need to worry about you.”

“Hmm?”

“Wala,” sabay ngiti niya.

Napatingin naman ako sa bandang leeg niya dahil medyo nakabukas ang black cape niya at nakita ko ang scarf na niregalo ko sa kanya noong Christmas. Napansin niya atang nakatingin ako doon kaya bigla niyang binuksan ang cape niya.

“Thanks for this, by the way. It warms me up since we’re leaving on a cold place.”

“Uhm...yeah.”

“Seiji! Tara na! Hinahanap na tayo ni Sir Daiki!” sigaw nung babaeng kasama niya sa meeting.

“Okay,” he said. Bigla naman siyang tumingin sa akin. “Sige, mauna na kami. It’s nice seeing you again, Rainie.”

Naglakad siya palayo kaya tumalikod na rin ako at hinanap ko sina Hiro at Akane. Nakita ko naman kaagad sila kahit 500 meters ang layo nila sa akin.

“Sorry,” sabi ko sa kanila.

“Okay lang ‘no. ‘Di ba naging classmate mo siya dati bago kayo ma-involve sa mundo ng Erityians kaya alam naming nagcacatch-up kayo sa isa’t isa. ‘Di ba, Hiro?” sabi ni Akane at nagsimula na lang maglakad si Hiro kaya sinundan na lang namin siya and I heard Akane giggled.

Naglakad kami hanggang doon sa pinagbabaan sa amin nina Sir Hiroshi pero hindi namin alam kung paano kami makakabalik. Pero nagulat kami nung biglang may maliit na jet plane kaming nakita at naghover ‘yun sa itaas.

“Ha?! Wait, naririnig ko ang boses ni Ken,” sabi bigla ni Akane at nirelay niya sa amin ang naririnig niyang conversation.

“Shit, hindi ko alam kung paano maglaland!”

‘’You said you’ve mastered operating this.”

“Uhm, I think pipindutin ang button na ‘to while pulling down the lever.”

Unti-unting bumababa ‘yung jet plane kaya tumakbo kami palayo dahil sa lakas ng hangin. Nung nasa lupa na ay bumukas ang panel sa may gilid at bumaba sina Ken, Reiji at Riye.

“Yo!” sabay kaway pa ni Ken sa amin pero sinalubong siya ng pagsuntok ni Akane sa tiyan niya kaya napaubo siya.

“Yo-yo ka dyan! What the heck are you guys doing here?!”

“Tracking device,” sabi ni Reiji habang hawak niya ang isang kakaibang phone sa kanang kamay at libro naman sa kaliwa.
 

Nakita kong inabot ni Hiro ang damit niya sa bandang batok at after that ay may hawak na siyang maliit na bilog na parang butones lang. He smirked.

“Nice. I didn’t even notice it,” then he tossed it to Reiji and he caught it.

Nagnod lang siya tapos bumalik na sa pagbabasa ng libro kahit madilim pa ang paligid since 4 AM pa lang. Saka ko naalala na may dinedevelop nga pala ang Technology department na glowing ink kaya mababasa mo ang isang book kahit madilim at iba rin ang ginamit nilang paper to complement the ink.

Habang tumatagal ay nagiging kaugali at kakilos na ni Reiji si Hiro. Hindi ko alam kung macucute-an ba ako o maaawa sa kanya.

“A-and I managed to track nee-san,” sabi naman ni Riye. “Sinabi rin sa akin ni Ma’am Reina ang tungkol sa pag-alis niyo and she said that we need to pick you up since hindi sila makakabalik dito.”

“Ang sakit nun ha!” Nilagay naman ni Ken ang braso niya around Akane’s neck at nagrambulan na naman sila.

“We should go.” Napatigil kaming lahat nung nagsalita si Hiro. “We still have a class tomorrow—later, I mean.”

Naglakad siya papasok sa plane kaya sumunod kami sa kanya. Pumunta si Ken sa cockpit at sumunod sa kanya si Akane dahil gusto niya raw ma-try mag-operate ng plane at lahat kami ay natakot para sa kaligtasan namin kaya pinaubaya na namin si Akane kay Ken.

Magkatabi sina Reiji at Riye na nakaupo sa kabilang side habang kami ni Hiro ay dito sa right side. Gusto kong gising ako buong byahe dahil baka kung anong maganap sa cockpit at maisipan na lang ni Akane na siya mismo ang magpatakbo nito, pero  pagkaupung-pagkaupo ko pa lang ay bumigat na ang mga mata ko. Sinampal-sampal ko ang sarili ko para manatili akong gising pero napatigil ako nung biglang tumingin si Hiro.

“Sleep. I know that you’re tired.”

“Pero...”

Makikipagtalo pa sana ako pero nung narinig ko ang salitang sleep ay lalo akong inantok. Pumikit ako at ilang segundo lang ang lumipas, nakatulog na ako kaagad.


***