.

.

Chapter 6

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, August 8, 2015


***

Ilang araw na ang nakakalipas simula nung mangyari ang meeting ng next generation of leaders ng Erityian tribes pero kahit nasa klase kami ay ‘yun pa rin ang nasa isip ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon kami ng maraming plano para sa future ng Erityian race. Kapag naaalala ko ang panahon na ‘yun, bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa laki ng pwede naming maging epekto sa kanya-kanya naming tribes.

“Akemi, are you listening?” Napatingin naman ako bigla kay Ms. Aiko dahil narealize kong nawala na pala ang isip ko sa klase.

“S-sorry, Ma’am.” Napayuko na lang ako. Narinig ko naman ang pagbuntung-hininga ni Ms. Kano.

“Just make sure to read all the lessons today, okay?”

“Yes, Ma’am.”

Buti na lang talaga at mabait si Ms. Aiko.
Kaso nga lang, mahirap talaga ang subject na itinuturo niya, which is Anatomy and Physiology. Kailangan naming kabisaduhin at maintindihan ang lahat ng body systems at kung ano ang functions nila. Naalala ko ‘yung unang cases namin at na-amaze ako sa Atama family dahil kabisado nila ang katawan ng isang tao kaya madali nilang madedetermine ang location ng wounds and probably kung anong dahilan ng pagkamatay, especially Riye since nakakatulong din ang sixth sense niya.

Nasa basic pa lang ako at ‘yung lima ay advanced na ang inaaral pero ayos lang dahil ako na lang naman ang wala pang background pagdating sa mga ganito. Idagdag pa na hindi talaga ako mahal ng science.

Natapos na ang one-on-one class namin ni Ms. Aiko kaya lumabas na siya ng room. Si Mrs. Kano naman ang professor nung lima at nasa kabilang room sila. Nagstay muna ako rito at tinignan ko ang handouts na nakalatag sa table ko. Sana lang ay maaral ko ang lahat ng ‘to bago mag-exam.

Iniscan ko lahat ng handouts at nakakahilo ang dami ng mga pangalan ng parts bawat systems. Tapos kailangan ko pang intindihin ang function nila.

“Ms. Akemi?” Napatingin naman ako bigla sa may pintuan at nakita ko ang isang babae na nakatayo doon. Tumayo naman ako agad at lumapit sa kanya.

“Bakit po?”

“Pinapatawag ka ng President.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yun ay nagbow siya at nung palabas na ako ng room ay nakita ko si Hiro na nakasandal sa pader sa labas. Itatanong ko pa lang sana kung bakit siya nandoon pero ‘yung babae na ang sumagot.

“Pinapatawag din siya.”

Sumunod kami sa babae papunta sa Intel Department. Tahimik lang kaming naglalakad. Bigla akong kinabahan dahil baka nalaman ni Papa ang nangyaring secret meeting sa pagitan ng apat na tribes kaya niya kami pinapatawag. Baka nagalit siya dahil hindi namin sinabi or hindi man lang kami nag-consult sa kanya.

‘I think it’s not about that.’

Napatingin ako kay Hiro pero diretso pa rin ang tingin niya. Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Siguro nga hindi naman tungkol doon ang dahilan ng pagpapatawag niya sa amin.

After five minutes ay nakarating kami sa Intel Department at humiwalay na sa amin ‘yung babae. Umakyat kami papunta sa room ni Papa pero napatigil kami sa harap ng pinto. Ilang segundo pa ang nakalipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob para buksan ‘yun.

“—need them.”

Napatigil kami ni Hiro nung nakita namin kung sino ang kasama ni Papa sa loob ng office niya.
Magkausap sila pero napatigil din sila nung nakita nila kaming pumasok.

“They’re here,” sabi ni Papa at ngumiti naman ang kasama niya.

“Nathan. Rainie.”

Rainie.

Ang tagal na panahon na rin ang nakakalipas simula nung narinig ko ang boses niya na tinatawag ako sa pangalan ko. Bukod kina Darwin at Papa, siya lang ang tumatawag sa akin nun.

“Mom,” sabi ni Hiro.

Nandito ngayon ang Mama niya. Oo, pumupunta siya rito once in a while pero hindi niya kami masyadong nakakausap dahil laging si Papa lang ang nakakacontact sa kanya...and siguro si Hiro. Ngayon ko na lang ulit siya nakita at makakausap nang harapan.

“Bakit po kayo nandito?” tanong ko at ngumiti siya sa akin. Bigla naman niyang nilabas ang pamaypay niya at nilaru-laro niya ‘yun.

“Well, you should explain it to them,” sabay tingin niya kay Papa.

Nagkatinginan kami ni Hiro dahil hindi namin maintindihan ang nangyayari. Anong meron?

“Kailangan ni Naomi ng assistance para sa mission niya,” paunang sabi ni Papa habang nakatingin sa amin. Kahit ‘yun lang ang sinabi niya ay alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya napatingin ako kay— sa Mama ni Hiro, at nakangiti siya sa amin.

“Yes. You’re going with me.”

Hindi ko alam kung anong irereact ko dahil biglaan lang ang pagkakasabi nila. Ni hindi ko nga alam kung bakit kami ang sasama sa kanya at kung ano ba talaga ang mission niya. Tumingin ulit ako kay Papa para sa explanation.

“She’s observing the base of the Shinigamis. However, she can’t do it all alone so I want the two of you to assist her.”

Kung anu-ano na ang tumakbo sa isip ko pagkatapos sabihin ‘yun ni Papa.
That was one of our plans na napag-usapan sa meeting—ang magscout sa Shinigami’s base. Hindi ko inaasahan na ‘yun pala ang mission niya.

“Maghanda na kayo. Mamaya ay aalis na siya,” dagdag ni Papa.
Magtatanong pa sana ako pero biglang hinigit ni Hiro ang braso ko.

“Okay. We’ll take our leave then,” sabay bow niya at hinatak niya ako palabas sa room.

Hindi siya tumigil sa paglalakad hanggang sa makalabas kami ng Intel Department. Binitiwan niya naman ang braso ko nung malayo na kami doon. Itatanong ko pa lang sana kung bakit niya ginawa ‘yun pero inunahan na niya ako.

“They knew about it.” Ilang segundo akong napatigil at saka ko lang narealize ang ibig niyang sabihin.

“W-what? How?”

“My Mom’s talking to me earlier and they found out about our rendezvous with the other tribes.”

“Anong sinabi niya?” Kaya pala tahimik silang dalawa kanina. They are talking with their inner voices.

“That it’s dangerous. She’s worried about us.”

Hindi ko alam kung paano nila nalaman pero siguro hindi talaga namin kayang isahan ang Great Seven pagdating sa mga ganitong bagay. At alam ko namang mapanganib talaga ang mga plano namin pero ayoko namang walang gawin para sa ikabubuti ng future ng tribes. Pero naiintindihan ko naman ang Mama ni Hiro kung bakit siya worried. After all, dahil sa mga Shinigami kung bakit nawala ang apat sa Great Seven, kasama ang asawa niya pati na si Mama. Alam kong masakit pa rin para sa kanya lahat ng nangyari kahit ilang taon na ang nakalipas, ganun din para kay Papa at kay Ma’am Michiko.

“Anong gagawin natin?” tanong ko.

“Let’s get ready for now.”

“Okay.”

Sabay na kaming naglakad papunta sa dorm. Pag-akyat ko sa room namin ay nandoon na sina Akane at Riye na mukhang kanina pa ako hinihintay.

“Anong nangyari? Bakit kayo pinatawag?” tanong agad ni Akira pagkapasok ko, habang si Riye ay nakatingin din sa akin.

“Sasama kami ni Hiro sa Mama niya for her mission.”

“What?! Teka, paano na ‘yung...”

“Hindi ko rin alam.”

Bigla naman kaming napatigil nung nagvibrate ang phone sa bulsa ko. Nilabas ko kaagad ‘yun at nakita ko ang message ni Darwin.

Rainie,
We’re going to the Shinigami base in three days. Be prepared.

Hindi ko siya nireplyan muna dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Naghanda muna ako ng mga gamit ko at tinulungan na rin ako nina Akane at Riye. After thirty minutes siguro ay natapos na kami. Isang backpack lang ang dala-dala ko at ilang damit lang ang nakalagay doon dahil mukhang babalik naman kami rito. Lumabas ako ng room namin at pagkababa ko ay naghihintay si Hiro sa labas ng dorm. Gaya ko ay naka-backpack din siya pero mas malaki nga lang kaysa sa akin.

“Let’s go?” Tumango naman ako at sabay ulit kaming naglakad papunta sa Intel department pero napatigil kami nung marinig namin ang boses ni Papa.

‘She’s not here anymore. She’s at the agency.’

I still find it amazing whenever the Great Seven use their inner voice. Kahit kasi malayo kami ay nagagawa nilang makipag-usap sa amin. Ibang level talaga ang skills nila.

Nag-iba naman kami ng way at pumunta kami sa Midori building kung nasaan ang creepy hallway papuntang agency. Sabi ni Papa, extension daw ‘yun ng Black Dimension pero unlike it, kayang dumaan ng mga Senshins dito. Alam ko naman ‘yun dahil naexperience ko nang mapunta rito nung kinuha ako ng mga Shinigamis at tinulungan ako ni Demi na makatakas. Pero ang gusto kong malaman ay kung bakit meron nun dito at visible siya, kaso hindi naman sinasabi sa akin ni Papa. At kapag ganun, alam kong may kinalaman si Mama  doon.
Kapag kasi tungkol sa kanya, napapansin kong parang nagiging vulnerable si Papa. Nawawala ang aura ng pagiging President niya. Ayaw ko naman siyang pilitin dahil alam kong traumatic at masakit para sa kanya ang mga nangyari sa kanila.

Pagkabukas ni Hiro ng pinto papunta sa hallway ay agad kaming naglakad. After fifteen minutes ay nakarating kami sa agency at nakita namin ang Mama niya doon.

“Let’s go,” sabi niya at sinundan namin siya palabas.


***