.

.

Chapter 8

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, October 18, 2015


***

"Don't let go."

Napapikit si Hiro at alam kong unti-unti na niyang nararamdaman ang epekto ng Black Dimension sa katawan niya. Naramdaman ko rin ang lalong paghigpit ng braso ng Shinigami sa leeg ko, to the point na hindi na ako makahinga.

Hiro groaned and he tightened his hold on my wrist.

I can't let him die in here.

Adrenaline took over my actions. I hastily took the cards I'm keeping inside my pocket and slashed it to the Shinigami at my back. I heard him shout in pain, but before I could see him, the three of us crashed to the ground with a loud thud.

Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ng Shinigami at nung nakita ko siya ay may malaking wound slash sa mukha hanggang sa leeg niya. Bago pa siya makagalaw ay kinuha ko kaagad ang card at tumayo ako, pagkatapos ay hinatak ko si Hiro palayo sa kanya. Pero halos hindi ko na siya mahatak dahil ramdam ko na ang buong weight niya. He's losing consciousness.

I used my remaining strength to pull him closer to me and we almost fell over because of his weight. I immediately opened the Black Dimension and dragged him outside, and before the Shinigami could see us, I willed the Black Dimension to close.

Paglabas namin ay puro puno kaagad ang nakita ko at pareho kaming nagcollapse sa lupa. Doon ko lang naramdaman ang sakit sa balikat at binti ko dahil sa pagbagsak namin kanina sa Black Dimension. Pagtingin ko kay Hiro ay nakapikit pa rin siya at sobrang init ng katawan niya.

"H-Hiro..." I tapped his face but he's not responding. "Don't you dare die on me. Hiro...please, gumising ka."

Still no response from him.

"Please..."

Then suddenly, his eyes fluttered and he groaned. Pagdilat niya ay tuluy-tuloy na ang pagtulo ng luha ko dahil sa takot at pasasalamat na buhay siya.

Bumangon siya at pumosisyon nang nakaupo at nakaharap sa akin, at niyakap niya ako. I can still feel the heat inside his body and I'm sure he's in serious pain, just like the first time I experienced the effect of Black Dimension.

"I'm sorry." Pagkasabi niya nun ay napayakap na rin ako sa kanya.

Sobrang natakot ako sa nangyari sa kanya. Nung nakita ko siyang unti-unting nawawalan ng malay kanina ay parang bagyong pumasok ulit sa isip ko lahat ng nangyari noong war. The deaths of the people I knew flashed on my mind...

...especially Demi's.

Natakot akong may mawawala na namang importante sa akin. I've already lost my mother, my friend, comrades and teachers. I don't want to lose someone anymore.

I cursed myself for crying. Sa nagdaang taon, nagsanay ako para maging malakas, para maprotektahan ko ang mga taong mahalaga at sumosoporta sa akin. But I still can't protect them.

"You did protect me," bulong ni Hiro.

"You almost died."

"But I'm still alive." Bumitiw siya at hinarap niya ako sa kanya. "And it's because of you. So don't say you're weak because you're not."

Dahil sa sinabi niya ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Tumango ako at pinunasan ko ang luha ko. That's right. I have no time for tears. I need to pull myself together because I have a tribe to protect.

Nagulat ako nung biglang may nagvibrate sa bulsa ko, at saka ko narealize na 'yung phone ko pala 'yun kaya agad kong kinuha. Nakita kong may message si Darwin kaya binasa ko kaagad.

Then let's accomplish our plan today. I'm on my way. So are Krystal and Nel.
I hope you're okay. Be safe, Rainie.

-Darwin

Sinabi ko kaagad kay Hiro na tuloy pa rin ang plano pero imbis na three days later pa ay ngayon na mangyayari. Pero narealize ko na hindi namin alam kung nasaan kami at lahat ng gamit namin ay nasa plane kasama ni Mama...

Oh, God. I'm sure she's worried about us. Nagi-guilty ako dahil pinag-aalala namin siya sa pareho naming pagkawala sa tabi niya. Alam kong mas malalim ang sugat ni Mama pagdating sa pagkawala ng mga taong mahalaga sa kanya pagkatapos ng nangyari dati. She lost her husband and dearest friends, and she didn't see her son for fifteen years.

"Hanapin natin siya," sabi ko kay Hiro dahil ayoko nang mag-alala siya sa amin.

"Let's go, then." Tumayo kami pareho at nagsimulang maglakad kahit hindi namin alam kung saan pupunta. Wala kaming dalang kahit anong gamit bukod sa phone ko na ang tanging nagagawa ay makapagmessage kay Darwin...

Wait. Maybe Darwin can help us.

Magmemessage na sana ako pero bigla akong nauntog sa likod ni Hiro. Pag-angat ko ng ulo ko, nakahinto siya at nakatingin sa malayo kaya naman napatingin din ako sa direksyon na 'yun.

"I think we ended up at the place we're looking for," sabi niya at maging ako ay natulala sa nakita namin.

Nung makalabas kami sa mapunong lugar ay isang grassland na napaliligiran ng dagat ang bumungad sa amin , at sa dulo nun ay may isang dome-shaped building na may kakaibang aura. Kahit hindi ko pa nakikita ang part ng Shinigami base na nasa real dimension ay sigurado ako na ito 'yun.

Agad naman kaming nagtago sa likod ng isang puno nung nagsink-in sa amin na nasa harapan lang kami ng base nila at wala kaming laban kapag nalaman nilang nandito lang kami sa paligid.

"Anong gagawin natin?" tanong ko dahil hindi ko naman inexpect na makakarating kami kaagad sa pakay naming lugar.

"Let's keep an eye on the surroundings from here first. We need to wait for them before doing something. They're coming, right?" Tumango naman ako as a confirmation.

Sumandal kami pareho sa puno at pinapakiramdaman namin ang paligid. I can feel the continuous opening and closing of the Black Dimension from here. Isang maling galaw namin ay pwede kaming madetect ng Shinigamis kaya minabuti naming maghintay na lang muna at magreserve ng lakas.

Out of habit ay kinuha ko ang cards sa bulsa ko. Simula nang ibigay sa akin 'to ay lagi ko nang nilalabas ang cards ni Mama kapag may gumugulo sa isip ko. I want to know more about her and I think I'll find some information here. After all, this was her first home.

Bigla naman akong may naramdamang presence na papalapit sa amin kaya naging alert ang isip at katawan ko.

All of a sudden, bumukas ang Black Dimension sa harapan namin.

"Rainie."

Buti na lang at napigilan ko ang sarili ko, maging si Hiro, dahil pareho kaming nagsummon ng weapons namin. It turned out na si Darwin ang presence na naramdaman ko at lumapit siya sa amin.

"Darwin--" Hindi ko na natapos ang pagbati ko sa kanya dahil biglang naging seryoso ang expression niya at umupo siya para maging kalevel namin. Bigla niyang hinawakan ang kanang balikat ko at halos mapasigaw ako sa sakit.

"What did you do? Two of your fatal points are in dire state."

I clenched my teeth and hands to suppress the pain. Akala ko maitatago ko 'to hanggang sa matapos ang mission namin pero hindi ko naisip kaagad na malalaman ni Darwin ang kalagayan ko dahil sa sixth sense niya.

"This is nothing. I can still fight."

"No. Those are called fatal points for a reason. Pwede kang mamatay kapag lumala pa ang injury mo."

"But--!"

"Change of plans," sabay tingin ni Darwin kay Hiro. "Dahil sa kalagayan ni Rainie at dahil wala pa sina Krystal at Nel, ikaw ang pupunta sa Laboratory at ako ang bahala sa Chamber."

"Why are we in a hurry?" tanong naman ni Hiro.

"Dahil nalaman nilang nandito sa Japan si Naomi at Rainie. Of course, as one of the Great Seven, they want to take her down," sagot ni Darwin.

"Wait, bakit pati ako?" Naintindihan ko 'yung part about Hiro's mom pero bakit na naman nila ako kailangan? Dahil pa rin ba sa kadahilanang ako ang anak ni Rielle/Akemi?

Nagulat naman ako nung napunta ulit sa akin ang atensyon ni Darwin at tinanggal niya ang cloak niya, pagkatapos ay ibinalot sa akin.

"Because they think you have the most powerful eyes." Pagkasabi nun ni Darwin ay napatigil ako sa paghinga.

"N-no way. My eyes are not that..."

"Your parents are two of the most powerful Erityians during their prime and they are from different tribes. You have the blood of a Senshin and a Shinigami. Your eyes are certainly interesting to them."

"He's right," dagdag naman ni Hiro. "Plus your eyes have different shades of green. It's peculiar."

"I, too, find that odd but fascinating," Darwin added.

Wait, magkaiba ang kulay ng mata ko? Ni hindi ko nga napansin 'yun sa sarili ko dahil parang parehong green lang naman kapag tinitignan ko sa salamin. Hindi ko alam na magkaiba pala ang shade nila. Wow. These two are very observant. They can differentiate the color of my eyes with just one look.

"Anyway, you're staying here." Pagkasabi nun ni Darwin ay sabay silang tumayo ni Hiro at naglakad palayo sa akin. Gusto ko sanang magreklamo pero alam kong hindi nila ako papakinggan. They are so overprotective.
 

I took a peek at them and they were stealthily approaching the dome-shaped building. Tumayo ako at hinigpitan ko ang hawak sa cloak ni Darwin dahil biglang lumakas ang hangin at ngayon ko lang naramdaman ang lamig sa lugar na 'to. Gusto kong sumunod sa kanila pero baka maging pabigat lang ako sa kanila dahil sa injury ko. Sinubukan kong igalaw ang braso ko at konting galaw lang ay sobrang sakit ang nararamdaman ko sa balikat ko. I think I won't be able to use my right limb.

Tinignan ko na lang sila habang papalapit sila sa base pero habang papunta sila doon ay may nakita akong figure na sumusunod sa kanila. Dahil halos kasingtaas ng tao ang mga damo ay hindi nila nakikita ang nakasunod sa kanila. Pero dahil elevated ang part kung nasaan ako ay nakikita ko silang tatlo. But they should feel his presence...

No. I can't feel his presence. Maybe that's why they don't know that someone's following them. And if he's following them, then they knew that they're here. Maybe his comrades are waiting for his signal...

They are in trouble.

Instinct took over me and I immediately summoned my gun. Hinawakan ko 'yun gamit ang kaliwang kamay ko pero hindi ko kayang i-aim nang tama. Laging kanan ang gamit ko kapag ang baril na 'to ang ginagamit ko.

Those are called fatal points for a reason. Pwede kang mamatay kapag lumala pa ang injury mo.

I don't care about those fatal points anymore. I'm going to protect them on my own way, until I die.

Binitiwan ko ang baril at sinummon ko ang bow and arrows ko. After all, mas sanay ako rito. I held my bow using my left hand and positioned the arrow by my right. I felt a searing pain on my right shoulder but I still stretched the bowstring and aim the arrow at the guy who's following them.

Para makapasok sila sa base, kailangan nila ng distraction.

A bait.

And I would gladly take that role.

"Ako ang kailangan ninyo, hindi ba?!" sigaw ko at napatingin silang tatlo sa akin. I immediately reached Hiro's and Darwin's mind to warn them.

'GO! NOW! And I swear, kapag bumalik kayo rito, hinding-hindi ko kayo mapapatawad!'
 After that, ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa lalaking sumusunod sa kanila at tinutok ko sa kanya ang arrow ko...

...and I shoot him down.

I can hear the two of them cursing inside their head while heading to the building in front of them. Napangiti ako dahil sinunod nila ako at mas minabuti nilang ituloy ang plano.

Napatingin naman ako sa lalaking inatake ko. He's not moving anymore.

"Take me, if you can," malakas kong sabi at kinilabutan ako nung naramdaman ko ang sabay-sabay na pagbukas ng ilang parts ng Black Dimension. Suddenly, dozens of Shinigami appeared on the field and they are all looking at me. Tumingin ulit ako sa direksyon nina Hiro at Darwin pero wala na sila roon. Mukhang nakapasok na sila sa building.

I smiled triumphantly.
I fulfilled my role.

But I don't think I can last any longer because all of them lunged at me.


***