.

.

Chapter 9

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, October 23, 2015


***

I'm going to die.

Pakiramdam ko ay matatanggal na ang right limb ko dahil sa sobrang sakit. Ni hindi ko nga alam kung paano ko naigalaw kanina ang balikat at braso ko nung inatake ko ang lalaking sumusunod kina Hiro at Darwin. Pero ngayon, alam kong wala na akong kawala.

These Shinigamis are going to kill me.

But I feel weird. Akala ko sobrang matatakot ako kapag oras ko na. Pero wala akong maramdaman ngayon maliban sa sakit sa balikat at braso ko. Siguro dahil ngayon, may pinoprotektahan akong mga taong mahalaga sa akin. I will gladly offer my life it it means saving them.

Just like what my mother did.

Hindi ba, Mama?

Pero bago ako tuluyang mawala, I would take several Shinigamis with me. That means lesser enemies for them.

I positioned my bow in front of me and took five arrows at the same time. I targeted those in front of me and I released them with my remaining strength. Biglang nanlabo ang paningin ko at nanghina ang mga binti ko. Nabitawan ko ang bow ko at tuluyan na akong bumagsak...

"What a reckless girl. But I admire your courage."

"Sorry, we're late. Don't worry, we're here to support you. After all, we're like the older sisters, right? Though that sounds weird."

Pinilit kong idilat ang mga mata ko at doon ko narealize na hindi ako tuluyang bumagsak sa lupa. Nakita ko sina Krystal at Nel sa tabi ko, and Nel's words gave me a little strength.

"Ako na muna ang bahala sa kanila," rinig kong sabi ni Nel at tumabi naman sa akin si Krystal. Hinawakan niya ang balikat ko at kahit na sobrang sakit ay hindi na ako makasigaw o makaiyak dahil wala na akong lakas para doon.

"This'll temporarily numb the pain but you should not do anything reckless anymore. Got that?" then after that, may cold sensation akong naramdaman na pumasok sa balat ko. It stung at first but after some time, the searing and throbbing pain subsided.

"T-thanks..."

"Stay here, and don't move."
Pagkasabi nun ni Krystal ay naramdaman ko ang pag-alis niya sa tabi ko.

Para akong nabunutan ng tinik nung hindi ko na masyadong maramdaman ang sakit ng balikat at braso ko. Unti-unti na ring lumilinaw ang paningin ko at pagtingin ko sa paligid ay isa-isang nagbagsakan ang mga Shinigami. Nel was shooting them with her gun, and I don't know if my eyes are playing a trick on me but I saw her changing forms. Krystal on the other hand, freezes everything and everyone who dares to fight her. After several seconds, the field turned into a frozen state and the two of them attacked ferociously. 

It feels like I'm in a freezing hell.

Naramdaman ko naman bigla ang tuluy-tuloy na pagbukas at pagsara ng Black Dimension sa paligid namin at isa lang ang ibig sabihin nun—they are sending reinforcements and they really know we're here. They must have known our plans, too.

Kahit pinagbawalan nila akong gumalaw ay pinilit ko pa rin ang sarili kong umupo at kinuha ko mula sa gilid ko ang nalaglag kong bow pati ang quiver ko na naglalaman ng arrows ko. Sinubukan kong igalaw ang balikat ko. Medyo kumikirot pa rin pero hindi na katulad nung una. Hindi ko rin masyadong maigalaw dahil parang may nagrerestrict sa muscles ko. I guess she froze the swollen parts of my injury.

I positioned my bow and arrows on Nel's and Krystal's direction. If my calculation is right...

Suddenly, a part of Black Dimension opened behind them. I knew it!

I released two of my arrows and before those Shinigamis reached Nel and Krystal, my arrows hit them on their backs and they stumbled and fell heavily. Krystal and Nel looked at my direction and I didn't show any sign of pain in my expression.

'I, too, will be your support,'
 sabi ko sa isip nila at bago pa sila makapagsalita ay nirelease ko ulit ang arrows ko sa direksyon nila dahil naramdaman ko ang pagbukas ng Black Dimension sa likuran nila. Bago pa tuluyang magbukas 'yun, ay pumasok sa maliit na area ng Black Dimension ang arrow ko at nakita ko ang pagbagsak ng isang Shinigami sa loob.

At hindi na siya nakalabas mula roon.

'Seriously reckless,'
 rinig kong sabi ni Krystal.

'Says the most reckless one,'
 dagdag naman ni Nel at tinignan siya nang masama ni Krystal pero tinawanan lang siya. Napangiti naman ako dahil kahit papaano ay natulungan ko sila.

Kumilos naman kaagad sila and after some time ay mabilis naubos ang mga Shinigamis na pumapalibot sa amin at nung hindi ko na nararamdaman ang pagbukas ng Black Dimension sa area namin ay saka lang ako nakahinga.

Napatingin naman ako doon sa building at iniisip ko kung ano na ang nangyayari kina Hiro at Darwin. I hope they are fine. Ngayong alam na ng Shinigamis na nandito kami, hindi ko alam kung anong pagbabago sa plano ang pwedeng mangyari.

"Man, our plan is now messed up!" sabay upo ni Nel sa kaliwa ko at sumunod naman si Krystal sa kanya.

She's right. Ang initial plan ay kami ni Darwin ang pupunta sa Chamber dahil 'yun ang part ng base nila sa Black Dimension habang sina Krystal at Nel naman sa Laboratory, which I think ay ang building sa harapan namin.

"I have a question," biglang tanong ko sa kanila at napatingin naman sila sa akin. "Paano kayo nakapunta kaagad dito? I mean, Darwin's case I can understand, but how did you arrive here in time?"

"Oh. A cute eyeglasses-wearing guy helped us," sabi ni Nel at nag-gesture pa siya ng eyeglasses sa kamay niya at saka nilagay sa mga mata niya. "Heck, that ride was so fast I thought I'd throw up."

Krystal groaned and by Nel's description, I know it's Sir Hiroshi. Para tuloy nagbalik ang trauma ko at naiimagine ko na naman ang sarili ko na nakasakay kay Kaoru. Napahawak ako sa sikmura ko dahil feeling ko ay umiikot at bumabaligtad na naman.

"Are the leaders of your respective tribes making their move?" seryosong tanong ni Krystal at naramdaman ko na naman ang chill sa paligid.

"Not really," sagot naman ni Nel.

"Then this must be just between the Senshins and Shinigamis. What do you think?" sabay tingin sa akin ni Krystal at napaisip naman ako.

It's true that the three of us are helping Darwin to take the base from the current leaders of Shinigami but the Huntres and Custos tribes have no direct reasons to help him besides its effect on their future leadership.

Pero sa Senshins, alam kong may deep connections kami sa Shinigamis. Hindi ko nga lang inaasahan na pareho ang plano namin sa plano nina Papa tungkol sa pagmamanman at pagsugod sa Shinigami base.

Napatigil naman ako sa pag-iisip nung naramdaman ko na naman ang pagbukas ng Black Dimension, and this time, kinilabutan ako dahil sobrang laking parte ang unti-unting bumubukas. Mukhang nakaramdam din nang masama sina Nel at Krystal dahil nag-iba ang galaw nila at naging defensive ang positions nila.

"What the hell is this creepy feeling?"

Sinubukan kong tumayo pero kinailangan ko pa ng suporta mula roon sa punong sinasandalan ko kanina. Pero bago ako makatayo nang tuluyan ay tumindig ang balahibo ko sa batok.

"So you are really here, kid. Rielle's daughter."

Napalayo ako mula sa posisyon ko at tinulungan ako nina Nel at Krystal sa pagbalance sa sarili ko. Pagtingin namin ay ilang Shinigamis...seventy...no...hundred or more ang lumabas mula sa Black Dimension at lahat sila ay nababalot ng black capes and cloaks.

"Enough, Kurai." May isang matandang babae sa likuran nung matandang lalaking nagsalita. Habang tinitignan ko sila ay parang kaharap ko si Rin dahil ganung pressure ang nararamdaman ko sa presence nila.

"Izumi, hindi ka ba natutuwang makita ang anak ng traydor mong estudyante?" Pagkarinig ko ng mga salitang 'yun ay gusto kong sugurin ang lalaking 'yun pero nagulat na lang ako nung napasigaw siya at nagkaroon siya ng hiwa sa pisngi niya. Pagtingin ko doon sa matandang babae na tinawag niyang Izumi ay lalo akong kinilabutan dahil nakakatakot ang expression niya.

"One more word and I'll behead you."

"If you could, old hag."

Hindi kami makagalaw sa posisyon namin pero nung tumingin ulit sila sa amin, pati na ang ilang daang Shinigamis sa likuran nila.

"You're going with us, whether you like it or not."

"She's not," sabay harang sa harapan ko nina Nel at Krystal. That gave me enough confidence to speak.

"Hindi ako sasama sa inyo kahit ano pang gawin n'yo. I'd rather die than being in your hands."

"Then die," sabi nung lalaki at bigla siyang sumugod sa amin.

But something odd happened. Kurai suddenly stopped his movement and I'm sure he felt that too. I felt another part...a big part of Black Dimension opening behind us. Additional reinforcements? Balak ba nilang ipitin kami sa gitna?

"It's been a long time, Izumi, Kurai."

"Still impulsive huh, Kurai."

Napatingin ako sa likuran namin at gaya sa harapan ay halos isangdaang Shinigami rin ang lumabas sa Black Dimension, but unlike them, mas makakapal ang cloak na bumabalot sa katawan nila at isang pamilyar na mukha ang nakita ko...

...and she smiled at me.

"You really look like her," sabi naman nung lalaking katabi niya and for a second ay akala ko si Darwin ang nakatingin sa akin. He must be his father.

Naglakad sila papunta sa aming tatlo at hinarap nila sina Izumi at Kurai na naging seryoso rin ang expressions.

'Go and get those two boys.'
 Nagulat ako sa unfamiliar voice sa isip ko at narealize ko na si Haruka, Darwin's mother, pala 'yun. 'Tell them to get out of that place. Those impulsive actions...they definitely got that from their fathers. Now, go.'

Pagkasabi niya nun ay agad kaming tumakbo nina Nel at Krystal papunta sa building pero bago pa kami makalayo ay naramdaman ko na naman ang pagbukas ng Black Dimension.

'Go. We'll make sure there's no inconvenience until you reach the lab.'

Nung narinig ko 'yun ay hindi na namin tinigil ang pagtakbo namin kahit na kaliwa't kanan kong nararamdaman ang Black Dimension. Kurai's Shinigami and the rebels must be fighting inside it and it's making me nauseous because I can't tell whether someone will pop out of nowhere or not.

We reached the entrance to the building without anyone attacking us but upon entering the vicinity, I felt something out of place.

I have a bad feeling about this.

Then all of a sudden, something dropped from the sky. Pagtingin ko sa itaas, a jet plane was hovering and I saw three figures. Pagkatapos ay nakaramdam ako ng sobrang lakas na presence sa part ng building kung saan may bumagsak galing sa plane. Pero bago ko pa makita kung sino ang mga ‘yun, alam ko na kaagad dahil pamilyar ang pressure na ibinibigay nila.

Tumakbo kami nina Krystal at Nel papunta sa direksyon na ‘yun at napahinto kami nung nakita namin ang tatlong taong nakatayo sa ruins ng part ng building na pinagbagsakan nila at parang wala lang sa kanila.

“Mag-uusap tayo mamaya.”

Kinilabutan ako dahil alam kong mapapagalitan ako pero hindi ko ‘yun pinakita. Tumango lang ako dahil ‘yun lang ang kaya kong gawin ngayon...

...because I didn’t expect to see the three remaining members of the Great Seven, except Hiro’s mother, in this place.


***