.

.

Prelude

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, February 8, 2015

***

“Riye, check mo si Akane.”
“Okay, nee-san.”
“Okay lang ako! Ano ba kayo?”

Nandito kami ngayon sa likod ng isang abandoned building at hinahabol namin ‘yung kriminal. Pero hindi namin agad napansin na may kasama pala siya at nabaril niya sa binti si Akane.

“Your tibialis anterior is damaged.”
“Ha? Saan ‘yun? Ay basta, ayos lang ako. Habulin na lang natin ‘yung kriminal at baka makatakas siya!”
“Riye, hintayin mo dito sina Hiro. I’ll chase the criminal.”

Tumayo ako at panay agad ang reklamo ni Akane. Alam ko namang gusto niya talagang sumama dahil ayaw niyang maging pabigat pero mas mag-aalala ako sa condition niya kapag pinilit niya pa.

Napatingin naman ako sa likod dahil may naramdaman akong presence. Bigla naman akong napangiti. ‘Yung tatlong lalaki ay tumatakbo na papunta kina Akane at Riye. Sila kasi ang naiwan sa crime scene dahil nagbigay sila ng report sa local police. Hindi kasi muna sinabi sa kanila kung sino ang tunay na pumatay sa victim dahil may weapons siyang tinatago at baka may gulong mangyari. Pero natakasan naman niya kami kaya kami ang humabol.

Tumingin ulit ako sa likuran at nakita kong buhat-buhat ni Ken si Akane. Teka, nasaan—

“Where’s the murderer?”
“Oh my God!”
“What?”

Nagulat ako nung biglang nasa gilid ko na si Hiro. Mas lalo lang siyang naging silent sa pagdaan ng panahon to the point na minsan hindi ko na napapansin ‘yung presence niya.

“Nagtatago siya doon,” sabay turo ko sa isa ring abandonadong building sa kabilang kanto.

“Let’s go.”

Tumakbo kami papunta doon at iniwan namin ‘yung iba. For sure ay papunta na si Miyu sa kanila para tulungan sila. Gusto ko sanang gamitin ‘yung Black Dimension para mas mapabilis ang navigation pero hindi ko pa ‘yun masyadong ma-cotrol. Idagdag pa na nasa state of rebellion ngayon ang ilang Shinigami at ayokong makasalubong sila sa Black Dimension. Hindi ko alam kung nasa panig ba nina Darwin ang makikita ko doon kaya napagdesisyunan kong huwag munang gamitin ‘yun.

“Kung kasama natin si Sir Hayate ngayon, mas mapapadali ‘to.”
“Sadly, he’s in the West.”

Minsan na lang namin makita ‘yung trio—sina Ms. Reina, Sir Hayate at Sir Hiroshi dahil kapag umuuwi sila sa campus ay agad-agad din silang umaalis. Busy sila sa pakikipagnegotiate sa ibang tribes sa iba’t ibang panig ng mundo. Hindi ko alam totally ‘yung binigay na mission sa kanila ni Papa pero feeling ko ay may kinalaman sa pagiging allies ng four Erityian tribes. Kahit si Mama (napagdesisyunan naming i-retain ang pagtawag sa kanila dahil ang weird pakinggan kapag formal ang tawag ko sa kanya. Same with Hiro and Papa), nagpapabalik-balik din sa campus pero hindi niya sinasabi sa amin kung saan siya pumupunta. Mukhang silang dalawa lang ni Papa ang nakakaalam ng ginagawa niya.

“Hey.”
“H-huh?”

Napabalik naman sa present ‘yung isip ko at tinuro ni Hiro ‘yung building at may nakita akong movement sa gilid. Dahan-dahan kaming lumapit, without making any noise, at nagtago kami sa likod ng isang pillar. Magkatabi kami ni Hiro at sumilip siya sa loob ng building. Nagulat naman ako nung bigla siyang umiwas at bumalik sa pagtatago.

‘Bakit?’
‘May mga kasama na siya.’
‘Ano?!’
‘Three new guys.’

Napasilip ako saglit at may apat na lalaki na doon sa loob ng building at umakyat sila. Nung hindi na namin sila nakikita, lumabas kami ni Hiro doon sa likod ng pillar at dahan-dahan kaming pumasok. At kaysa magcause kami ng ingay ay napagdesisyunan naming gamitin na lang ang inner voice sa pag-uusap.

‘Anong plano natin?’ tanong ko habang tinitignan ‘yung paligid. Ang dilim dito sa loob ng building dahil wala nang gumagamit.

‘We’ll use the emergency exit stairs.’

Sinundan ko siya at nagsimula kaming umakyat sa hagdan. Then pagdating namin sa fifth floor ay lumabas kami at ginamit namin ‘yung tagong elevator. Nakita na kasi ni Hiro kanina sa lobby ‘yung plan ng buong building at nakabisado na niya.

‘We’ll go to the rooftop,’ sabi niya.

Doon rin ang tingin kong pupuntahan nila. After all, doon lang nila makikita ang pangyayari sa paligid nila ng buo. Hindi na rin namin pinasunod ‘yung mga local police dito dahil mahihirapan lang kami.

Nung nas 28th floor na ay lumabas na kami sa elevator at nagsimula ulit maglakad. Habang papalapit kami sa rooftop ay sinummon namin pareho ang weapons namin. Napatigil agad kami nung narinig namin ‘yung boses ng mga lalaki. Pumwesto kami ni Hiro sa magkabilang side ng pinto.

“Tsk. Kailangan kong magtago. Alam na ng mga pulis na ako ang pumatay sa hayup na ‘yun,” sabi nung kriminal.

“Saan ka naman magtatago?”
“Kung dito na lang?”
“Hindi pwede—”

Sinipa ni Hiro ‘yung pinto at pumasok kami sa scene. Bumungad sa amin ang gulat na reaksyon nung mga lalaki pero agad silang naging alert at binunot nila ang mga baril nila. Nakatutok na rin ang mga baril namin ni Hiro sa kanila at walang nagsasalita sa amin…

Hanggang sa magpaputok ‘yung isang lalaki sa side ko.

I easily dodged the bullet. Sa ilang beses na pagtetraining ko na masanay ang mata ko sa bilis ng bala ay malinaw kong nakikita ang mga ‘to.

I rolled on the ground and I pulled the trigger. Lumabas doon ang isang arrow at tumama ‘yun sa paa nung nagpaputok. Kung nandito si Riye, for sure ay alam niya ‘yung muscle o nerve o kung ano pa man na natamaan. Nagpaputok ulit ako and this time, in-aim ko sa kamay nung kriminal. Nabitawan niya ‘yung baril na hawak niya at nadaplisan ko ang palad niya.

Pagtingin ko sa side ni Hiro, napabagsak na niya ‘yung dalawa pang lalaki. Pinosasan niya ang mga ‘to pati na rin ‘yung natamaan ko sa paa kanina. Pagtingin ko doon sa kriminal, nagpapanic na siya. Ginamit ko ang time na ‘yun para kunin sa bulsa ko ‘yung cards.

I threw two of them to his legs at agad ‘yung bumaon doon. Napaluhod siya at nagsisigaw siya dahil sa sakit.

Sabi ni Mama, kaya raw irecover ng tunay kong nanay ‘yung cards niya just by looking at them. Pero dahil hindi kami magkaparehas ng sixth sense ay kinailangan ko pang lumapit sa kriminal at kunin sa kanya ‘yung cards.

Yeah. These were the same cards she used as weapons. After gamitin ni Mama (Naomi) and cards ay binigay niya ‘yun sa akin since Mama (Akemi) ko ang nagmamay-ari nun. Ito na lang ang remembrance ko sa kanya dahil...dahil...wala na rin si Demi na pusa niya.

‘Don’t think about it.’

Nung narinig ko ‘yung boses ni Hiro sa isip ko ay pinilit kong ‘wag munang isipin sina Mama at Demi. Right now, kailangan naming madeliver ang apat na ‘to sa mga pulis.

Nakagawa naman si Hiro ng paraan para i-bind silang apat sa isang lubid. Kumpara sa nangyaring war dati, parang wala na lang ang paghuli sa humdrums na ganito.

“Paano natin sila ibaba?” tanong ko. May possibility na subukan nilang tumakas habang bumababa kami. Pagtingin ko kay Hiro, sumilip siya doon sa baba ng building. Wala kasing kahit anong harang dito sa rooftop at open lang. Lumapit ako sa kanya at tumingin din sa baba. Napangiti naman agad ako nung makita ko ang familiar na van sa may tapat ng building.

“The simplest and fastest way,” sabi ni Hiro.

Hinatak niya ‘yung rope nung apat at agad-agad silang sumunod. Nung una ay wala pa sila sa mga sarili nila pero nung narealize nila kung anong balak namin ay huli na.

Tinulak namin sila sa building.

Tinignan ko ang pagbagsak nila at bago sila bumagsak kay Miyu ay nag-expand ‘yung roof niya at parang naging rectangular trampoline. Nung naglanding sila doon ay  agad silang hinuli nina Ken at Reiji, habang nakaback-up naman sina Sir Ryuu.

Pababa na rin sana kami ni Hiro pero napahinto ako nung naramdaman ko ‘yung pagvibrate ng phone sa bulsa ko.

“Why?” sabay tingin sa akin ni Hiro.
“Darwin,” sabi ko naman tapos kinuha ko ‘yung phone.


Rainie,
The right time has come.


***