Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Books
  • Stories
    • Standalone Novels >
      • 7th Unit
      • A Ride to Love
      • Guardians
      • Hidden
      • Babaylan
      • Challengers
      • Probably Serendipity
      • The Art of Murder
      • The Moon That Swallows the Sky
      • Golden Rookies
      • Sleep is Not Easy Here
    • Serialized Stories >
      • Kingdom University Series >
        • Campus Royalties
        • The Arrogant Prince
        • Crowned Princess
        • My Royal Lesson
        • Love Tutorial
      • Over Series >
        • Getting Over You
        • Still Not Over
        • Over This Haven
      • Trouble Series >
        • Engagement Trouble
        • Nothing but Trouble
        • Following Trouble
      • Erityian Tribes Series >
        • Tantei High
        • Seventh Sense
        • Oh My Ice Goddess
        • The Science of Spying
      • Erityian Tribes Novellas >
        • Truce
        • Rewind
        • Standstill
        • Winter
        • Keeper
        • Clandestine
        • Genesis
      • Masquerade Girls Series >
        • The Forgotten's Envy
        • The Abandoned's Mistrust
        • The Reined's Rebellion
      • Bloodline Series >
        • Awakened
        • Claimed
        • Enthroned
      • Deities in Town Series
    • Epistolary >
      • W. Duology >
        • Dear Almost
        • Hi, Coffee Guy
      • Hello Series >
        • Hello, Not Almost Lover
        • Hello, Co-Captain
        • Hello, Sunshine Boy
  • News
  • Message Board

Epilogue

7/29/2024

0 Comments

 
Sinulat ko sa papel ang nakuha kong impormasyon sa posts niya at tumawag ako ng pulis. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko ‘to nagawa. Hindi ko nga alam kung totoo ba ‘tong sagot na nakuha ko o nag-ooverreact lang ako. Pero para sigurado ay cinontact ko ‘yung mga pulis at sinabi ko ‘yung sitwasyon. Sinabi ko rin sa kanila na kailangan ay hindi malaman ng pupuntahan namin na darating sila.
 
Agad-agad rin akong umalis ng apartment kahit na 10 PM na at delikado na sa labas. Hindi rin ako matatahimik kung hindi ko ‘to gagawin.
 
Sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko ngayon habang nakasakay ako sa motor ko. Oo, nagmomotor ako. Pinamana pa ‘to sa akin ni Papa para raw hindi na ako magcommute kapag pumupunta ako sa campus. Medyo weird nga lang dahil babae ako kaya naman ang tingin sa akin ng classmates ko ay may tendency akong manakit at mambully.
 
Anyway, pinaandar ko ‘yung motor ko at pumunta ako sa location na nakuha ko at kung anu-anong tumatakbo sa isipan ko. At kung tama nga ‘tong ginagawa ko ay sobrang hanga na ako sa writer na ‘yun.
 
She’s freaking awesome! Ang talino niya para magawa ‘yun ng hindi man lang napapansin ng iba. Idol ko na talaga siya dahil nagawa niya ‘to kahit na...kahit na nasa kapahamakan ang buhay niya.
 
Nakarating agad ako sa isang mataas na building at mukhang ito nga ang nakalagay doon. Sinabi ko kaagad sa guard ‘yung sitwasyon at sinabihan ko siyang i-alert din ‘yung management. Sinabi ko rin na paparating na rito ‘yung mga pulis.
 
Tumakbo ako papunta sa elevator at pinindot ko ‘yung floor kung nasaan ‘yung writer na ‘yun at mas lalong bumilis ‘yung tibok ng puso ko. Hawak-hawak ko nang mahigpit ‘yung papel na sinulatan ko kanina habang binabasa ko ‘yung story niya at after ilang seconds ay huminto na ‘yung elevator. Dahan-dahan akong lumabas at naglakad ako papunta sa isang room.
 
Huminto muna ako sa likod ng isang poste at hinintay kong dumating ‘yung mga pulis. Sinilip ko ‘yung labas dahil glass naman ‘yung wall ng building at nakita kong nasa labas na ‘yung mga pulis. Mukhang sinunod nila ‘yung sinabi ko at hindi nila pinatunog ‘yung siren. Hinintay ko silang makaakyat at nung nakita ko ‘yung apat na pulis palabas ng elevator ay tinaas ko ‘yung kamay ko. Nakita naman nila agad ako kaya naglakad na ako papunta doon sa isang room habang nakasunod sila sa akin.
 
Nung nasa tapat na kami ng room na ‘yun ay parang sasabog na ‘yung dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi ko akalaing gagawin ko ang ganitong bagay. Imbes na ginagawa ko ‘yung thesis ko ay heto ako ngayon at kasama ang mga pulis.
 
Dinikit ko ‘yung tenga ko sa pinto at narinig ko ang usapan sa loob.
 
“Tapusin mo na ang istoryang ‘yan at ibigay mo sa akin. Hindi mo pa nalalagay ‘yan sa website na ‘yun, hindi ba? Kung ayaw mong bumaon sa ulo mo ang bala sa baril na ‘to, tapusin mo ‘yan ngayong gabi,” tapos bigla kong narinig ‘yung pagkasa ng baril.
 
Shit. Tama nga ang hinala ko. 
 
“F-Fine. Pero aabutin ako ng 2 AM sa pagsusulat ng last chapter.”
“Wala akong pakialam. Basta kailangan ay matapos mo ‘yan ngayon.”
“Hindi ko akalain na ganito ka na kadesperado sa pagsikat.”
“Wag mong ubusin ang pasensya ko.”
“Pinaghirapan ko ang istoryang ‘to pero aangkinin mo at papalabasin mong sa’yo. Hah. You’re one filthy bastard.”
 
Bigla namang may kumalabog at natakot ako dahil baka kung ano nang nangyayari sa loob. Nagstandby naman ‘yung mga pulis at humahanap sila ng tamang tyempo para pumasok.
 
“Isang salita mo pa at mapapatay na talaga kita.”
“Talaga? Kahit na kulang pa ng apat na chapters ang librong ‘to? Bakit? Kaya mo bang tapusin? Sa pagkakaalam ko, napakababaw mong gumawa ng msytery stories—Ahhh!”
 
Dahil nagpanic ako sa pagsigaw na ‘yun ay bigla kong binuksan ‘yung pinto at nakita kong hawak-hawak ng isang lalaki ‘yung buhok ng writer na ‘yun habang nakatutok sa sentido niya ‘yung baril.
 
Disoriented pa ata ‘yung lalaki dahil biglang bumukas ‘yung pinto at nakita niya ako. Ginamit ko ang pagkakataon na ‘yun at sinipa ko ang paa ko. Lumipad sa ere ‘yung sapatos ko at natamaan ko siya sa mukha kaya nabitawan niya ‘yung writer. May advantage rin pala ang pagtuturo sa akin ni Papa ng soccer nung bata pa ako.
 
During that time ay sumugod ‘yung mga pulis papasok sa loob ng kwarto habang tumakbo naman papalapit sa akin ‘yung writer.
 
Mabilis na naposasan ng mga pulis ‘yung lalaki at nagsisigaw siya doon. 
 
“Sorry Carlo, but you’re going to jail,” sabi ko sa kanya at napahinto siya sa paggalaw. Mukhang nagulat siya dahil alam ko ang pangalan niya.
 
After that ay pumunta ang management at nagsorry sila sa writer dahil hindi nila alam na may nangyaring ganito sa mismong building nila. Saka namin napag-alaman na kasama pala sa creative department ang lalaking ‘yun kaya hindi naghinala ang mga employee sa building na ‘to.
 
Ininterview naman ‘yung writer at gusto siyang isama sa police station para sa statement niya pero dito na niya ibinigay. Tapos nilapitan niya ako at inaya niya ako sa lounge. Medyo awkward pa dahil sa nangyari kaya walang nagsasalita sa amin.
 
Saka lang nagsink-in sa akin na kasama ko ngayon ang hinahangaan kong writer. Kahit pareho kaming babae ay sobrang namangha talaga ako sa kanya.
 
“Thank you pala,” tapos nakipagshakehands siya sa akin.
“P-pwede bang malaman kung paano nangyari ‘yung...’yung kanina?”
“Ah. One week ago kasi, cinontact ako ng lalaking ‘yun at sinabing interested daw ‘yung publishing house na kilala niya sa mystery at thriller genre. Kilala ko ang pangalan niya dahil writer rin siya sa site na ‘yun ng ganung genre.” Nagulat naman ako doon. Kaya pala sabi niya kanina ay shallow ‘yung stories na ginagawa niya. Kaya siguro hindi ko siya kilala dahil hindi ko type ang story niya.
 
“Pero ang sabi ay dapat daw ay hindi pa nababasa ng ibang tao. Eto namang si ako, tangang naniwala sa kanya kaya gumawa ako ng panibagong story at hindi ko pinost online. Nakipagkita siya sa akin kanina dito sa building na ‘to at inaya niya ako sa storage room para raw ireview ‘yung story na nagawa ko. Tapos ayun. Ang gagong ‘yun, may balak palang nakawin ‘yung ginawa ko at palabasing siya ang nagsulat.”
 
After that ay tumahimik siya at tumingin siya sa akin.
 
“Sinabi ko sa kanya na hindi pa kumpleto ‘yung story na ginagawa ko kaya pinressure niya akong isulat ‘yun at hindi ko naman macontact ang mga pulis dahil nakabantay siya sa akin. Kaya umisip ako ng paraan para ialert ang kahit na sino. Sinabi ko sa kanya na may ipopost lang akong maiksing story sa site at binabantayan niya ako habang ginagawa ko ‘yun. Tinawanan at nilait niya pa ako dahil napakawalang-kwenta ng sinusulat kong ‘yun.”
 
“Pero hindi niya akalaing may hidden message dun, right?” pagtutuloy ko sa sinabi niya at napangiti naman siya.
“Paano mo pala nalaman ‘yun? Akala ko wala nang makakakuha ng message ko.”
“Nagtaka kasi ako nung wala kang update kanina. Every Friday ka nagpopost ng bagong chapter sa isa mong story ‘di ba? Tapos bigla kang may pinost na bago at ang weird dahil tungkol sa love ‘yun.”
 
Bigla naman niya akong tinawanan at tinapik-tapik niya pa ‘yung likod ko.
 
“Wow. Hindi ko akalaing may sobrang talino akong reader. I am so honored.”
“Nope. Ikaw ang matalino. Sobrang namangha ako na nagawa mo pang gumawa ng ganun kahit na nasa panganib na ‘yung buhay mo. I am really honored to witness your greatness.”
 
Binigay ko sa kanya ‘yung papel na pinagsulatan ko kanina ng nakuha kong sagot sa story niya at napangiti ulit siya sa akin.
 
Help me. Hostage. Sky Tower. Third Floor. Storage. Carlo Andas.
 
Those hidden words within her posts helped me to solve this case. At dahil sa nangyari, nakilala ko ang favorite writer ko. Dahil penname niya lang ang gamit niya ay hindi ko alam ang pangalan niya pero sinabi niya sa akin bago siya umalis.
 
After a few weeks, may pinost siyang bagong story at napangiti ako habang nakatingin ako sa profile niya.
 
“Saved By A Reader, huh? Nice title, Agatha.”
 
I am Irene and this is how my ordinary life became so interesting.

--- the end ---


<< Post 6

0 Comments



Leave a Reply.

    chapters


    Prologue
    Post 1
    Post 2
    Post 3
    Post 4
    Post 5
    Post 6
    Epilogue

    back to story page
© 2015 Purpleyhan Stories
Proudly powered by Weebly
  • Home
  • About
  • Books
  • Stories
    • Standalone Novels >
      • 7th Unit
      • A Ride to Love
      • Guardians
      • Hidden
      • Babaylan
      • Challengers
      • Probably Serendipity
      • The Art of Murder
      • The Moon That Swallows the Sky
      • Golden Rookies
      • Sleep is Not Easy Here
    • Serialized Stories >
      • Kingdom University Series >
        • Campus Royalties
        • The Arrogant Prince
        • Crowned Princess
        • My Royal Lesson
        • Love Tutorial
      • Over Series >
        • Getting Over You
        • Still Not Over
        • Over This Haven
      • Trouble Series >
        • Engagement Trouble
        • Nothing but Trouble
        • Following Trouble
      • Erityian Tribes Series >
        • Tantei High
        • Seventh Sense
        • Oh My Ice Goddess
        • The Science of Spying
      • Erityian Tribes Novellas >
        • Truce
        • Rewind
        • Standstill
        • Winter
        • Keeper
        • Clandestine
        • Genesis
      • Masquerade Girls Series >
        • The Forgotten's Envy
        • The Abandoned's Mistrust
        • The Reined's Rebellion
      • Bloodline Series >
        • Awakened
        • Claimed
        • Enthroned
      • Deities in Town Series
    • Epistolary >
      • W. Duology >
        • Dear Almost
        • Hi, Coffee Guy
      • Hello Series >
        • Hello, Not Almost Lover
        • Hello, Co-Captain
        • Hello, Sunshine Boy
  • News
  • Message Board