Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Books
  • Stories
    • Standalone Novels >
      • 7th Unit
      • A Ride to Love
      • Guardians
      • Hidden
      • Babaylan
      • Challengers
      • Probably Serendipity
      • The Art of Murder
      • The Moon That Swallows the Sky
      • Golden Rookies
      • Sleep is Not Easy Here
    • Serialized Stories >
      • Kingdom University Series >
        • Campus Royalties
        • The Arrogant Prince
        • Crowned Princess
        • My Royal Lesson
        • Love Tutorial
      • Over Series >
        • Getting Over You
        • Still Not Over
        • Over This Haven
      • Trouble Series >
        • Engagement Trouble
        • Nothing but Trouble
        • Following Trouble
      • Erityian Tribes Series >
        • Tantei High
        • Seventh Sense
        • Oh My Ice Goddess
        • The Science of Spying
      • Erityian Tribes Novellas >
        • Truce
        • Rewind
        • Standstill
        • Winter
        • Keeper
        • Clandestine
        • Genesis
      • Masquerade Girls Series >
        • The Forgotten's Envy
        • The Abandoned's Mistrust
        • The Reined's Rebellion
      • Bloodline Series >
        • Awakened
        • Claimed
        • Enthroned
      • Deities in Town Series
    • Epistolary >
      • W. Duology >
        • Dear Almost
        • Hi, Coffee Guy
      • Hello Series >
        • Hello, Not Almost Lover
        • Hello, Co-Captain
        • Hello, Sunshine Boy
  • News
  • Message Board

Chapter 7

10/20/2023

Comments

 
Too awkward—‘yan ang pakiramdam ko ngayon. Nandito kami sa couch at nag-serve siya ng french toast pati kape. Kung anu-ano na rin ang tumatakbo sa isipan ko dahil sa nangyari kagabi at hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan. Huminga ako nang malalim at hinanda ang sarili ko.
 
“Tungkol sa nang—”
“Kagabi—”
 
Pareho kaming napatigil dahil halos sabay kaming nagsalita. Sinabi niyang ako na ang mauna pero gano’n din ang sinabi ko. In the end, natawa na lang kami sa isa’t isa at kahit papaano ay medyo nawala ang tension sa pagitan namin.
 
“S-sorry pala sa abala,” I said. “I wasn’t in my right mind last night.”
“It’s okay,” sagot naman niya. He timidly smiled at me and that made me feel embarassed. Hindi ko pa maalala lahat ng nangyari kagabi at hindi ko alam kung may ginawa ba akong kahihiyan. “Good thing na si Francine ang bantay mo,” sabi niya at naalala ko naman ang bartender kagabi.
“Is she your friend?” tanong ko naman.
“Yeah, and she's Lei’s best friend.”
“Oh.”
 
Naging tahimik ulit kami at kumain naman ako dahil nangangasim na ang tiyan ko. Ang huli kong kain ay ‘yong lunch namin nina Miley kaya naman gutom na gutom na ako. Naubos ko kaagad ang tatlong toast na hinain niya kaya naman tumingin siya sa akin.
 
“Gusto mo pa ba?”
“Ah, hindi. Okay na,” sabi ko.
“Are you sure?”
“Yeah.”
 
Sabay naman naming ininom ang kape namin at medyo umayos na ang pakiramdam ko. I stole a glance at him but I was surprised when our eyes met, making my heart thump nervously. Napainom tuloy ako bigla sa kape ko dahil sa kaba pero mukhang maling desisyon ‘yon dahil napaso ang dila at bibig ko. Ang malas pa dahil natapunan ang pants ko dahil sa pagpapanic.
 
“Okay ka lang ba?” tanong ni Andrew kaya lalo akong nahiya.
“Y-yeah! Sorry.”
 
Bigla naman siyang umalis at pagbalik niya ay may dala na siyang tuwalya. Kinuha ko naman agad ‘yon at pinunas ko sa pantalon ko pero ang hapdi na ng hita ko. Dahil nahihiya na rin ako sa mga pinaggagawa ko ay tumayo na ako.
 
“Uhm, kailangan ko na rin kasing umalis,” sabi ko kaya lumapit siya sa akin.
“Sigurado ka ba? Paano ‘yang—”
“Okay lang. Okay lang talaga,” sabay ngiti ko. “Thank you for everything and sorry rin.”
 
Kinuha ko ang bag ko sa kwarto niya at pinilit kong maglakad nang maayos palabas sa unit niya. Sinundan naman niya ako hanggang sa elevator at nang makarating kami ro’n ay hinarap ko siya.
 
“Pwede ba kitang—”
“Can we—”
 
Napahinto kami pareho dahil halos sabay kaming nagsalita. It seemed like we both wanted to say something to each other and that made the atmosphere lighter. We smiled at each other and I let him talk first.
 
“Well, as you noticed, we always cross each other’s path accidentally . . . coincidentally,” he said while looking at my eyes, making my heart flutter. “Maybe we should arrange a planned meeting for once.”
 
Pwede ba kitang ma-invite na mag-coffee one of these days? Pambawi na rin sa mga nangyari. ‘Yon dapat ang sasabihin ko kanina at mukhang pareho lang kami ng naiisip kaya ngumiti ako sa kanya.
 
“W-well, okay,” sabi ko naman at binigay niya sa akin ang phone niya. I typed my number and gave it back to him.
“Kaya mo na ba?” tanong niya pagkatapos no’n at pumasok na ako sa elevator.
“Yeah, don’t worry.”
 
Pinindot ko ang button sa elevator at habang pasara na ang pinto ay napatingin ako sa kanya. In that moment, when I was looking at his face, I knew I was already feeling something strange—something I might either regret or be thankful for.
 
“Bye Sab,” he said while the doors were closing.
“Bye Andrew,” I mouthed as the metal doors replaced my view.
 
Napasandal na lang ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Sobrang lumulutang ang isip ko at muntik pa akong hindi makalabas sa elevator dahil hindi ko napansin na nasa ground floor na pala ako. Tumawag agad ako ng taxi at ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating din ako sa sarili kong condo unit.
 
Naligo naman agad ako at doon ko narealize na sobrang pula ng binti ko dahil doon sa tumapon na kape. Ang hapdi tuloy kaya ang tagal ko pa bago matapos. Paglabas ko ay dumiretso ako sa kama at humiga. Habang nakatingin sa kisame ay naisip ko ang lahat ng nangyari.
 
“Calm down, heart,” bulong ko dahil hanggang ngayon ay ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. It might be because of coffee but it seemed like that guy has greater effect on me.
 
The last time I felt like this was when I was about to be Kyle’s girlfriend. However, those heart-fluttering moments turned into heartbreaking memories when he died and I had forgotten those kind of feelings . . . until this man appeared.
 
Hindi ko rin alam kung bakit ako nagka-interes sa kanya. Our meetings were just a series of coincidences but little by little, I found myself being drawn to him. He has been on my mind lately and I felt bad because it should’ve been Kyle. Hindi ko na maintindihan ang dapat kong maramdaman at naguguluhan na rin ako sa sarili ko.
 
Siguro dapat hindi na lang ako bumalik sa Pilipinas. Kung ginawa ko ‘yon, hindi ko siya makikita at makikilala. Everything would be less complicated and these forgotten familiar feelings would not resurface.
 
Hindi ko na napansin ang oras dahil ang tagal kong nakatulala at nakahiga lang sa kama. Naisipan ko lang na bumangon nang may narinig akong kumatok sa pinto ko at pagsilip ko ay nasa labas si Rissa. Pinagbuksan ko naman siya at dumiretso kami sa kwarto ko.
 
“Kaya pala hindi kita ma-contact,” sabi niya at umupo siya sa kama ko.
“Sorry. Teka nasaan ba ang phone ko?” sabay kuha ko sa bag ko pero napatigil naman ako sa sinabi ni Rissa.
“Here,” she said while giving me my phone and I looked at her, confused.
“How . . .”
“That guy called me and said you forgot your phone. Care to explain what happened?”
 
Napaupo naman ako sa tabi niya pagkatapos kong marinig ‘yon. Hindi ko na kasi chineck ang bag ko kanina at hindi ko naman akalaing wala pala ang phone ko sa loob.
 
Dahil wala na rin naman akong lusot ay sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari, simula noong pumunta ako sa puntod ni Kyle hanggang sa magising ako sa condo ni Andrew. Tahimik lang siyang nakikinig at doon ako lalong kinabahan. Mas nakakatakot siya kapag ganito.
 
“Hay nako. Alam mo namang mababa ang tolerance mo sa alak. Bakit ka nagpakalasing nang gano’n?” sermon niya matapos kong ikwento ang nangyari.
“I told you, I was confused and upset. Gusto ko munang makalimot kaya naisipan kong uminom and I never thought I’d see him there,” I retorted.
“And? What do you feel right now?” tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
“What?”
 
She heaved a sigh and looked at me with concern. After a few seconds of silence, she reached for my hand and that gesture triggered my tears to come out. Without any warning, my feelings and her sympathy overwhelmed me.
 
“Kahit hindi mo sabihin, napapansin namin, Sab,” she said. “Don’t be so hard on yourself.”
“But this isn’t right, Rissa. What about Kyle? What about him? I can’t betray him like this.”
“Sab, kaibigan ko rin si Kyle at mahalaga siya sa akin pero huwag mo namang hayaang sa kanya lang umikot ang buhay mo.”
“But I made a promise to him before he died,” I sobbed and I remembered that awful night.
“And because of that, you’re bound to the past.”
 
Lalo lang akong naiyak sa sinabi niya at niyakap niya ako. She just let my cry on her shoulders and I was thankful for that.
 
“You know what, Sab?” she softly said while tapping my shoulder. “The past is like a chain. It binds you and keeps you from moving forward. The key is right there in front of you. How about getting it and for once, allow yourself to be free?”
 
Humiwalay naman siya sa akin matapos niyang sabihin ‘yon at ngumiti siya sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko at sinubukang pakalmahin ang sarili ko kahit na sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Pinainom naman niya ako ng tubig hanggang sa tuluyan na akong kumalma pero napansin ko namang kanina pa siya tumitingin sa relo niya.
 
“Sorry, Sab, pero kailangan ko nang umalis,” sabi niya at saka siya tumayo. Gusto ko pa sana siyang magtagal dahil kailangan ko siya pero alam kong busy siya lalo na’t supervisor na siya ngayon. “Pero kung kailangan mo ng kausap, just text me and I’ll try my best to reply.”
“Sige na,” saka ako ngumiti sa kanya. “Baka late ka na sa meeting mo.”
 
Hinatid ko siya hanggang sa pintuan at tuluyan na siyang umalis. Dumiretso ulit ako sa kama ko at doon ko lang naisipang tignan ang phone ko. Buti na lang talaga at isa si Rissa sa emergency contacts ko kaya natawagan siya ni Andrew at naibalik ang phone ko.
 
2 missed calls from an unknown number.
 
Sigurado akong si Andrew ‘yon. 
 
Binuksan ko ang inbox at nakita ko naman ang messages ng clients ko pero dalawang text ang nakaagaw ng atensyon ko.
 
Hi Sab. This is Andrew.
 
I just stared at his message for a few minutes and in the end, I didn’t reply to him. Sinave ko lang ang number niya at pagkatapos no’n ay binasa ko naman ang isa pang message.
 
It was from my boss.
 
You’ll be back next week, right? Please send me your designs so that I can arrange our meeting. Thanks.
 
Doon ko lang narealize na matatapos na pala ang bakasyon ko. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot dahil do’n.
 
Nag-okay naman ako kay Ma’am at binuksan ko ang laptop ko para tapusin ang huling drafts na ginawa ko last week. After several hours, I sent my designs to her, hoping that she’ll approve some of them.
 
Napatingin naman ulit ako sa phone ko at binuksan ko ang message ni Andrew. Maybe this is the right thing to do, even if I might regret it soon.
 
Hello Andrew. Sorry again for the trouble and thanks for returning my phone.
 
While typing the next words, my fingers were trembling, and I could feel the pounding of my heart against my chest.
 
Let’s meet on Saturday and this time, not accidentally nor coincidentally. I have something to tell you in person.
 
I pressed send and went back in front of my laptop, hoping that he would decline my offer, but when I saw his reply—that single word—I felt excited and tormented at the same time.
 
Sure.
 
“How about getting it and for once, allow yourself to be free?” Rissa had said.
 
Maybe, just maybe, this coming Saturday, I’ll be free.

<< Chapter 6
Chapter 8 >>

Comments
comments powered by Disqus

    chapters


    Prologue
    Chapter 1
    Chapter 2
    Chapter 3
    Chapter 4
    Chapter 5

    Chapter 6
    Chapter 7

    Chapter 8
    Chapter 9
    Epilogue
    ​

    back to story page
© 2015 Purpleyhan Stories
Proudly powered by Weebly
  • Home
  • About
  • Books
  • Stories
    • Standalone Novels >
      • 7th Unit
      • A Ride to Love
      • Guardians
      • Hidden
      • Babaylan
      • Challengers
      • Probably Serendipity
      • The Art of Murder
      • The Moon That Swallows the Sky
      • Golden Rookies
      • Sleep is Not Easy Here
    • Serialized Stories >
      • Kingdom University Series >
        • Campus Royalties
        • The Arrogant Prince
        • Crowned Princess
        • My Royal Lesson
        • Love Tutorial
      • Over Series >
        • Getting Over You
        • Still Not Over
        • Over This Haven
      • Trouble Series >
        • Engagement Trouble
        • Nothing but Trouble
        • Following Trouble
      • Erityian Tribes Series >
        • Tantei High
        • Seventh Sense
        • Oh My Ice Goddess
        • The Science of Spying
      • Erityian Tribes Novellas >
        • Truce
        • Rewind
        • Standstill
        • Winter
        • Keeper
        • Clandestine
        • Genesis
      • Masquerade Girls Series >
        • The Forgotten's Envy
        • The Abandoned's Mistrust
        • The Reined's Rebellion
      • Bloodline Series >
        • Awakened
        • Claimed
        • Enthroned
      • Deities in Town Series
    • Epistolary >
      • W. Duology >
        • Dear Almost
        • Hi, Coffee Guy
      • Hello Series >
        • Hello, Not Almost Lover
        • Hello, Co-Captain
        • Hello, Sunshine Boy
  • News
  • Message Board