.

.

Chapter 19

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, June 26, 2017

***

Bwisit.

'Yon agad ang una kong naramdaman dahil hindi ko maidilat nang maayos ang mga mata ko. What happened last night made my eyes puffy and the tearjerking scenes on the series I was watching before I went to sleep intensified it.

Naghilamos ako at bumaba na dahil nakaramdam ako ng gutom. Mag-e-eight pa lang naman kaya paniguradong hindi pa gising ang mga bubwit. Mabuti 'yon para tahimik—

"Mula umaga hanggang uwian natin,
laging magkasama tayong dalawa.
Parang kahapon lang nangyari sa'kin ang lahat,
tila isang dulang romantiko ang  banat."

Ilang segundo akong nakatulala at pinag-isipan ko pa nang maigi kung tutuloy ba ako sa kusina o hindi dahil baka nakakaistorbo ako sa solo concert ng isang 'to. In the end, my hunger won.

"Ngunit nang mapag-usapan—"

Napatigil siya nang makita niya akong naglalakad papunta sa ref at naubo pa siya dahil do'n. He immediately went to the sink, opened the faucet and washed a plate, as if nothing happened.

"Huwag mo akong pansinin, go lang," I said while smirking and I could see his flushed cheeks and ears.

Mukhang may hindi naman siya kayang gawin at isa na ro'n ang pagkanta. Akala niya siguro walang makakarinig kaya ang lakas ng loob kumanta. Hindi ko nga lang alam kung ano ang kinanta niya kanina.

"Hindi naman—anong nangyari sa mga mata mo?"

This time, ako naman ang hindi nakagalaw. Damn it. I forgot how swollen my eyes were. Napatakip tuloy ako sa mata ko nang wala sa oras at muntik pa akong bumangga sa gilid ng table. Mabilis akong pumunta sa harapan ng ref at saka ako kumuha ng cereal at fresh milk.

“Kinagat ka ba ng ipis?” bigla niyang tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Paki mo ba? Pinakialaman ba kita habang kumakanta ka? Kung kanta man ang tawag do’n,” I retorted and I could see the embarrassment on his face.

“Yabang. Marunong ka bang kumanta?” sabi niya habang nakatingin sa gilid.

“Sinabi ko ba? At least ako, hindi ko pinipilit ang mga bagay na hindi ko forte.”

Bago ko pa marinig ang sasabihin niya ay nagmadali na akong umalis sa kusina at dinala ko ang pagkain ko sa kubo sa labas. Makulimlim ang langit kaya hindi masyadong mainit at mas gusto ko ang ganitong panahon. Kung uulan man, sana ay walang kasamang kulog at kidlat.

Habang kumakain ay naalala ko ang nangyari kagabi at agad ko namang inalis ‘yon sa isip ko. I never thought that my mother would call just because I was sick. It has been a long time since she took care of me to the point that I had already forgotten what it felt like.

Nagpatugtog na lang ako habang kumakain pero bigla kong naalala ang lalaking ‘yon. Napailing ako dahil sa pagkanta niya kanina. Hindi naman siya tonedeaf pero hindi rin magaling. Kumbaga, walang dating ang boses niya at nasasaktuhan niya lang ang tono. Hindi rin naman ako magaling kumanta pero sa tingin ko naman ay mas malala siya kaysa sa akin.

I'm sorry mom and dad
I know I've messed up bad
I should've, should've done, should've done better

Napatingin naman ako sa music player ko dahil sa tumutugtog na kanta ngayon. I really like underrated singers and this girl is one of them. She penned the lyrics herself and I really hated the fact that I could relate to her words, especially this song.

But that light grew a little less bright
As I grew up and we began to fight
When I was 13
I was so damn mean

Well, it wasn’t really the story of my life but just like her, I hated my parents because of our situation.

Running away
Had nothing more to say
Than "I hate you"

Awkward at malayo pa rin ang loob ko sa kanila at siguro ay kahit anong gawin nila ay hindi na maibabalik ang dati naming turingan. I was already used to this setup and any kind of change would surely cause emotional damage, just like what happened last night.

Bigla namang umulan at hindi ko alam kung nananadya ba ang panahon. Inubos ko na lang ang cereal ko at nilipat ko na lang ang kanta. I was jamming to Tori Kelly’s song when I heard a sound I hated since I was young. I looked at the ground and a shriek escaped from my mouth when I saw a stone-like creature staring at me—a toad.

“Oh my God, huwag kang lalapit!” sabay akyat ko sa upuan at lalo lang akong kinilabutan dahil nakatingin siya sa akin. “Kuya Larry! Kuya Larry!”

Sinigaw ko nang sinigaw ang pangalan ni Kuya Larry pero ang lumabas mula sa bahay ay si Jazer kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Bakit ikaw?” I yelled and he gave me a confused look when he saw me standing on the wooden bench.

“May ginagawa si Kuya Larry,” sagot naman niya at tumakbo siya papunta rito dahil umuulan. “Bakit, ano bang problema?”

“Siya!” sabay turo ko sa palakang nasa harapan ng kubo.

Napatigil siya at tinignan niya naman ang tinuro ko. Nang nakita niya ang palaka ay napatingin ulit siya sa akin habang nakakunot ang noo.

“Paalisin mo—oh my gosh! Dali! Paalisin mo!” sigaw ko nang biglang tumalon ang palaka papasok sa kubo. Tumuntong na ako sa table dahil sa takot sa bwisit na palakang ‘yon.

“Pfft. Takot ka sa palaka?” I glared at him when I heard that. Bulag ba ‘to?

“Ay, hindi! Mahal ko sila, kaya nga nandito na ako ngayon sa table!”

“Ahh.”

Bigla naman siyang umupo at tipong hahawakan na ang palaka kaya napasigaw ulit ako. Pagtingin ko ay nakita kong pinipigilan niya ang pagtawa niya, eh halata naman sa dimple niya. Bwisit na lalaking ‘to! Nakuha niya pang pag-tripan ako, ha?

“Anong gagawin natin? Ayaw umalis?” pang-aasar niya.

“Sipain mo,” I suggested and he looked at me as if I’ve committed a serious crime.

“It’s still a living thing. Why are you so cruel?”

“Kahit ano! Basta alisin mo ‘yan! Dali na!”

Tumalon ulit ang palaka kaya lalo akong nag-panic. Naiyak na ako sa sobrang takot dahil baka tumalon siya bigla sa upuan at lamesa. Kung bakit sa lahat naman ng pwedeng maghabol sa akin, palaka pa? Bwisit na ‘yan.

“Teka, umiiyak ka ba?” sabay silip niya sa mukha ko kaya pinunasan ko kaagad ang mata at pisngi ko.

“Ano na? Paalisin mo na ‘yang palaka!”

“Ayokong hawakan, may lason ‘yan, eh.”

“Anong gagawin—!”

Napatigil naman ako nang bigla siyang pumasok sa kubo at malapit na sa paa niya ‘yong palaka. He turned around and crouched, his back in front of me.

“Sakay,” bigla niyang sabi.

“Ha?”

“Mukhang hindi ka makakababa mag-isa, eh. Ipapasan na lang kita.”

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at napatingin naman ako sa likod niya. His back was broad and I could see his muscles through his thin shirt.

“Bakit naman ako—” My words were cut off when the toad jumped once more and without any second thoughts, I accepted his offer. Agad akong sumampa sa likod niya at nanginginig pa ang mga tuhod ko dahil baka bigla na namang tumalon ang palaka papunta sa amin.

“Teka, huwag kang malikot.”

“Dali, dali, alis na! Lakad! Nakatingin na naman siya!” sabay palo ko sa braso niya at narinig ko pa ang pagtawa niya.

Inalalayan niya naman ako at saka siya bumaba sa kubo. Dahil umuulan ay tumakbo siya papunta sa bahay at ako naman ay napahawak sa leeg niya dahil baka malaglag ako. Pagdating namin sa harapan ng pinto ay agad akong bumaba pero ramdam ko pa rin ang panginginig ng tuhod ko. Bwisit na palaka ‘yon.

Pagpasok namin sa bahay ay sakto namang nandoon na sa sala ang mga bubwit.

“Kuya! Alis na ba tayo?” tanong ni Czanelle habang nagpapatuyo si Jazer dahil sa pagsugod namin sa ulan.

“Maya-maya. Umuulan pa.”

“Saan kayo pupunta?” bigla kong tanong at maging ako ay nagulat. Ngumiti naman nang nakakaloko si Jazer kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Curious? Maglilibot lang dito sa subdivision.”

“K.”

Dumiretso ako sa kwarto ko para magpatuyo dahil baka magkasakit na naman ako—well, okay lang naman. If that’s the only way to . . . nevermind.

Naligo na lang din ako dahil balak kong pumunta ng mall para bumili ng supplies at ng mga kailangan ko sa isa kong subject.

“Ipapasan na lang kita.”

Napatigil ako sa pagbibihis nang maalala ko ‘yon. Tss. That guy has no idea how awkward it was. Damn that toad for making my heart flutter like crazy. I thought I was going to die earlier.

Lumabas ako sa kwarto ko para sana uminom ng tubig pero napatigil ako sa gitna ng hagdan nang makita ko ang nangyayari sa sala.

“Ayaw mo nito?” tanong ni Jazer habang inaayos ang damit ni Czanelle.

“It’s not pretty,” sabay iyak ni Czanelle at nakiiyak na rin si Clark.

True enough, it wasn’t pretty. Paano ba naman, ang suot niya ay white shirt at pants na hindi naman fit kay Czanelle. Napataas ang kilay ko sa fashion sense ng lalaking ‘to kaya bumalik ako sa kwarto para kunin ang paper bag na ‘yon pero bigla akong nagdalawang-isip. I bought these clothes several days ago but I don’t have the courage to give these to them. Should I just throw it from the stairs? Or maybe I—

“Pwede bang ikaw—”

Napatigil si Jazer sa pagsasalita at napunta ang tingin niya sa paperbag na hawak ko. Agad ko naman ‘yong tinago sa likuran ko at tumingin ako sa kanya.

“Bakit ka nandito?” tanong ko habang nakatayo sa gitna ng pintuan. Bwisit, bakit kasi hindi ko sinara?

“Mukhang alam mo na kung bakit,” he teased, his dimple getting deeper.

Hindi ko alam kung mahihiya ako o maasar. In the end, I shoved the paper bag in his hands. I retreated back to my room but I wasn’t able to close the door because his foot and arm prevented me to.

“Ano na naman?” bulyaw ko pero ngiti naman ang isinagot niya.

“Tulungan mo ako.”

“What?”

“Please?”

Napapikit ako at saka huminga nang malalim dahil sa sinabi niya. Bilang kabayaran na rin sa pagtulong niya sa akin kanina ay pumayag na ako at sabay kaming bumaba. Nandoon pa rin si Czanelle at hinubad na niya ang suot niya habang nakasimangot pa rin. Si Clark naman ay mukhang zebra dahil sa ternong stripe-patterned shirt at shorts niya.

“How could you dress them with those clothes?” I asked and he was taken aback.

“Hindi ko naman alam na ayaw nila.”

“Yeah, right. You’re a fashion terrorist.”

Lumapit naman ako kay Czanelle at nilabas ko ang black dress na binili ko before. Hinagis ko naman kay Jazer ang white shirt at striped bonnet para kay Clark. Tinulungan kong magbihis si Czanelle at mukhang nagustuhan niya ang damit na napili ko dahil sa ngiti niya. Clark was dressed as well, and this time, he looked cute compared to his zebra outfit earlier.

“See?” sabay tingin ko kay Jazer at ako naman ang ngumiti nang nakakaloko.

Pagkatapos no’n ay kinulit na nilang dalawa si Jazer kaya naman lumayo na ako. Mukhang tumigil na rin ang ulan kaya makakalabas na sila at pwede na rin akong pumunta sa mall. Umakyat ako sa kwarto para mag-prepare at makalipas ang ilang minuto ay bumaba na rin ako. Sakto namang palabas na rin ng bahay ang tatlo kaya napalingon sila sa akin.

“Sama ka, Ate?” tanong niya nang nagkaabutan kami sa pintuan at sasagot pa lang sana ako na hindi ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

It sent shivers to my body yet I couldn’t withdraw my hand from her. She looked at me expectantly, smiling from ear to ear. For a second, I remembered a forgotten memory where Mom held my hand the same way.

“Fine,” I muttered and I saw Jazer glancing at me. Tinignan ko siya at ngumiti naman siya sa akin. This time, it was kind of sincere, as if he was proud.

Nagpaalam kami kay Nanay Meling at lumabas kami sa bahay. Hinayaan naman ni Jazer na maglakad si Clark at pinigilan ko ang pagngiti ko dahil mukha siyang penguin sa paraan ng paglalakad niya. Si Czanelle naman ay ikot nang ikot dahil sa dress na suot niya. I secretly took a photo of her while she was playing by herself, as well as Clark’s funny walk.

“Clark, look!” sigaw ni Czanelle at napahinto naman si Clark. She pointed at the white cat. “A cat! A cat!”

Tumakbo sila pareho sa direksyon ng pusa pero tumakbo naman ang pusa palayo. Sinubukan nilang habulin pero pumasok na siya sa isang bahay kaya sinukuan na nila.

Napalingon naman ako sa likod at nakita ko si Jazer na hawak ang phone na binigay ko sa kanya. Bigla naman siyang ngumiti kaya inirapan ko siya at tumingin na lang ulit sa harapan. What was that? May pa-smile-smile pang nalalaman. Nakakainis.

“Nagiging ate ka na talaga.” Nagulat naman ako nang biglang nasa tabi ko na siya. Tss. Nang-aasar na naman ang isang ‘to. Wala ba siyang ibang magawa?

“Tantanan mo ako.”

“Sungit.”

“Alam—”

“May palaka.”

Nagpanic naman ako nang marinig ko ‘yon kaya napakapit ako sa braso niya. Pagtingin ko sa harapan namin ay wala namang kahit ano kaya sinipa ko siya pero naiwasan naman niya. Aba’t ang loko ay nakuha pa akong tawanan. Ang saya niya ha? Bwisit. Sa lahat ng pwedeng makaalam ng kahinaan ko ay itong lalaki pa na ‘to.

“Bwisit ka—”

“Ayan,” sabay lagay niya ng index finger niya sa pagitan ng kilay ko, “magkadikit na naman.” Pinalo ko naman ang kamay niya at tinignan siya nang masama.

“At ikaw ang dahilan,” I said through gritted teeth but he just smiled in return.

“Palaka!” he yelled and once again, I fell for his trick. I was about to punch him but he suddenly ruffled my hair and said, “Mas cute ka kapag natatakot.”

Pagkasabi niya no’n ay saka siya naglakad papunta sa mga bubwit at naiwan naman akong nakatayo ro’n. I could feel and hear the thumping of my heart against my chest and I’m not sure if it was because of his prank or his words.

“Bwisit ka,” I mumbled as I calmed myself down.

Mas cute ka kapag natatakot. Huh. What a stupid remark.



***