“Kumusta na?” bungad ni Katrina nang magkita kami. “Fine, I guess,” I replied. Nandito kami ngayon sa may mga bench pagkatapos ng last class namin. Hindi rin naman ako makakauwi agad dahil may klase pa ang lalaking ‘yon. Ngumiti naman sa akin si Katrina at ewan ko ba pero parang nag-iba ang tingin ko sa kanya dahil sa mga nangyari noong nakaraan. She has always been the bright and stubborn type and now that she finally found her group of friends, it felt like she gained more confidence. “I . . . I’m really sorry,” bigla niyang sabi habang nakayuko. “Nadala lang talaga ako last time lalo na’t nalaman ni Queenie na may gusto ako kay Iñigo.” “Why do you like him?” tanong ko naman kaya napatingin siya sa akin. Ang lakas talaga ng kamandag ng lalaking ‘yon. Kahit noong high school pa kami, marami ring nagkaka-crush sa kanya pero hindi sila nakakalapit sa kanya dahil sa akin. Pagtungtong ng college, naging girlfriend niya si Queenie pero ang dami pa ring nagkakagusto at isa na ro’n ay si Katrina. “Siya kasi ang unang kumausap sa akin,” she said with a yearning expression. “Naging classmate ko siya sa isang large class at noong absent ako ay siya ang nagsabi sa akin ng mga nangyari. He’s really nice and after that, I found myself admiring him from afar.” May mga lalaki kasi talagang gano’n ang trato sa lahat ng babae. Natural sa kanilang maging sweet at mabait kaya naman ang daming nakakamis-interpret ng mga kilos nila. At isa si Iñigo ro’n. “But he’s already in a relationship,” sabi ko naman at muling nagbago ang expression niya. "She doesn't deserve him," she muttered. Naalala ko naman ang nangyari noong nakaraan sa library at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang pumasok sa isip ko para kausapin ang Queenie na 'yon. It seemed like Iñigo and her had a fight and she was avoiding him. Bigla namang tumunog ang phone ni Katrina pareho kaming napatingin do'n. "Sorry, Chloe," she said with a regretful look on her face. "It's okay if you have to go," sagot ko naman at binigyan niya ako ng mabilis na ngiti. "Sige, see you around!" Tumayo naman siya at kinuha ang mga gamit niya pero bago siya makalayo ay tinawag ko ang pangalan niya at sinabi ang mga salitang kanina ko pa pinipigilang sabihin. "You know, Iñigo is a faithful man," sabi ko at lumingon siya sa akin. "You may not like Queenie but for him, she's everything." Nagkatinginan lang kami matapos kong sabihin 'yon at agad siyang ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung sincere ba 'yon o napilitan lang siya. "I know and that's why I like him," sagot naman niya at saka siya tuluyang umalis. Naiwan ako sa bench at tahimik siyang pinanood na maglakad papunta sa mga kaibigan niya. Nagbago na talaga siya. Parang hindi na siya ang Katrina na nakilala ko noong una kaming magkausap. I don't know if that's a good or bad. Nag-browse na lang ako sa phone ko habang hinihintay sina Jazer at Kuya Larry. Gusto ko sanang tumambay sa library pero ang daming tards do'n kanina kaya hindi na ako tumuloy. Bigla naman akong napahinto nang makita ko ang ilang pictures sa phone ko. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero 'pag hindi nakatingin sa akin ang dalawang bubwit ay pinipicture-an ko sila. "Miss mo na sila?" I flinched when I heard his voice from the back and I almost cursed when I saw his face just a few inches away from mine. Sinamaan ko siya ng tingin kaya agad siyang lumayo at umupo sa tabi ko. Ngumiti siya nang nakakaloko dahil nakita niya ang tinitignan ko kaya halos magdugtong na ang mga kilay ko sa inis. “Ayan ka na naman,” he said while placing his index finger between my brows. “Okay na expression mo kanina, eh.” “Ano ba,” sabay hawi ko naman sa kamay niya at tinitigan ko siya nang mas matalim pero lalo lang akong nainis dahil tumawa siya. Bwisit. Hindi tuloy ako makapag-focus. Tinago ko na ang phone ko bago pa siya makapang-asar ulit. Pagtingin ko ay siya naman ang may hawak sa phone niya kaya ako ngayon ang may upper hand. "Katrina?" sabi ko at napahinto naman siya. He looked flustered at first but he immediately composed himself. Oh, improving na ang expressions niya. "Hindi," sagot naman niya. "Miss mo na siya?" ganti ko at ngumiti ako nang nakakaloko. Hah! I won. "Hindi nga," he said with a serious tone. "May ibabalik lang ako sa kanya." Gusto ko sanang magtanong pa pero na-receive namin pareho ang text ni Kuya Larry kaya agad kaming tumayo at naglakad papunta sa parking area. Naisip ko naman bigla si Katrina. She likes Iñigo and Jazer likes her. I doubt na magkakaroon ng feelings si Iñigo para sa kanya dahil masyado siyang in love kay Queenie kahit na nakakabwisit ang babaeng 'yon. Ito namang si Jazer, may gusto pa rin kay Katrina kahit na sinabihan na siyang hanggang kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Napailing na lang ako dahil nakaka-stress ang mga buhay nila. Bahala na nga sila. I have enough problems on my own. Pagdating namin sa bahay ay nandoon na naman ang dalawang bubwit sa sala at pareho silang nakadapa sa carpet. Ilang segundo kong hinulaan kung ano ang ginagawa nila at doon ko lang naisipang tignan ang TV. ‘Yong cartoon characters kasi ay nagsu-swimming at mukhang ‘yon ang ginagaya nila. Narinig ko naman ang pagtawa ni Jazer habang nakatingin sa dalawa kaya nabaling sa amin ang atensyon nila. They both got up and ran towards us but before they could cling on to me, I already walked away. Mamaya wala na naman akong magawa dahil sa kanila. Umakyat ako papunta sa kwarto ko at bumagsak sa kama. Ewan ko ba pero these past few days, lagi akong drained kahit wala namang masyadong ginagawa sa school. Ni hindi ko nga namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lang ako dahil sa lamig at gutom. Pagtingin ko sa orasan, mag-11 o’clock na kaya naman nag-shower ako para magising ang diwa at saka bumaba para kumain. As expected, nandoon sa living room si Jazer at nag-aaral. Nang marinig niya ang footsteps ko ay napatingin siya sa akin at tinaasan ko naman siya ng kilay. “Akala ko magtu-tuluy-tuloy na ang tulog mo,” sabi niya nang makarating ako ro’n. “Nagutom ka, ano?” sabay ngiti pa niya nang nakakaloko. “Malamang. Hindi pa naman ako kumakain.” “Sungit mo na naman.” “Tss.” Iniwan ko siya ro’n at dumiretso sa dining area. Tahimik akong kumain at sa sobrang gutom ko ay naka-dalawang balik ako. Buti na lang talaga at marami pang ulam na natira para magkasya sa akin. Nagtimpla na rin ako ng hot chocolate para mainitan ang tiyan ko. Babalik na sana ako sa kwarto ko pero napatigil ako nang mahagip ng mata ko si Jazer. Mukhang nakatulog na siya ro’n sa mababang table habang gumagawa ng homeworks kaya lumapit ako sa kanya. However, I halted when I was just a meter apart from him because I didn’t know what to do. In the end, I sat on the couch just behind him and thought about a lot of things. Naalala ko ang nangyari noong Family Day at tinitigan ko ang likod niya. That was the first time I got too close to someone. Physical contact makes me uncomfortable, even with my own parents, but that time, I had no choice because of the darn game. And because of this guy. Bigla namang nagliwanag ang phone niya at may nakita akong pangalan. Someone named Jem texted him. Sakto namang nagising siya dahil doon at medyo nag-panic ako. Hindi agad ako nakaalis doon at nang makita niya ako ay tumingin na lang ako sa kanya nang masama. He looked at his phone, read the message and replied. After that, his attention shifted to me. Ininom ko na lang ang hot chocolate na tinimpla ko para makaiwas sa tingin niya. “Nakatulog pala ako,” he said while stretching. “Wala kang assignments?” “Wala for tomorrow,” sagot ko naman at naubo pa ako. Bwisit, ang init ng pesteng chocolate na ‘to. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya kaya napatingin ako sa kanya. “Ang bait mo talaga ‘pag busog,” sabi niya at hindi ko nakontrol ang facial expression ko. “Kung ibuhos ko kaya ‘to sa’yo?” sabay taas ko ng mug na hawak ko pero hindi man lang siya natakot. Aba, ngumiti pa nang nakakaloko ang bwisit. “Nakasalubong ko pala si Iñigo kanina,” pag-iiba niya sa topic. “So? Anong kinalaman no’n sa akin?” “Tinanong niya kung kilala mo si Katrina.” Napatigil ako sa sinabi niya at pansin ko ang pagiging seryoso ng mukha niya. “Anong sinabi mo?” tanong ko. “Sabi ko ikaw mismo ang tanungin,” he said with a melancholic smile. Based from his expression, it seemed like he already knew the situation. “Bakit hindi mo sinabing kilala mo rin siya?” “Hindi naman ako kasama sa litrato. At isa pa, wala akong balak na guluhin pa siya.” His words felt heavy and I could see the discomfort in his eyes. Unlike Katrina, who chose to fight for her feelings, this guy decided to fall back for her sake. “May tanong ako,” seryoso kong sabi. “You already know that Katrina likes Iñigo, right?” Tumango naman siya. “As her friend, don’t you think you should tell her about the consequences? I mean, he’s already in a relationship. She’s going to cause a lot of trouble.” “How about you? Kaibigan ka rin niya, hindi ba?” he retorted. “I already gave her my opinion. Siguro mas makikinig siya sa’yo dahil childhood friends kayo at mas kilala n’yo ang isa’t isa.” Saglit siyang tumahimik at nakita kong sumulyap siya sa phone niya. He flashed the same melancholic smile and looked straight to my eyes. “You know how stubborn she could get. Gagawin niya lahat para makuha ang gusto niya. Pinagsabihan ko na rin siya pero alam kong hindi na magbabago ang desisyon niya.” Natahimik naman kami pareho at iniisip ko kung ano ang mangyayari sa mga taong involved ngayon nang biglang nag-ring ang phone sa bulsa ko. Nag-panic ako nang slight dahil may hawak akong hot chocolate at wala akong malapagan. Buti na lang at kinuha ‘yon ni Jazer sa akin at nilapag niya sa table kaya nakuha ko ang phone ko mula sa bulsa pero napatigil ako nang makita ko ang naka-display na number. I was taken aback and just stared at the screen for a few seconds until the call ended. However, that person called again and this time, I chose to answer it. “Chloe,” panimula niya at hindi ko alam ang sasabihin dahil ngayon na lang ulit siya tumawag sa akin. “Dad,” I answered and the next thing I knew, I was already listening to a bad news.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Chapter 40 Chapter 41 Chapter 42 Chapter 43 Chapter 44 Chapter 45 Chapter 46 Chapter 47 Chapter 48 Chapter 49 Chapter 50 Chapter 51 Chapter 52 Chapter 53 Chapter 54 Chapter 55 Chapter 56 Chapter 57 Chapter 58 Chapter 59 Epilogue Bonus Chapter |