Saturday. Ang tahimik kong weekends, maingay na simula ngayon. Isang linggo na simula nang may dumating na tatlong tao rito sa bahay at isang linggo na rin nilang ginugulo ang buhay ko. Tulad na lang ngayon. “Ate, let’s watch this . . . this . . . please?” Nandito ako sa sala at nanonood ng How to Get Away with Murder na dinownload ko dahil ayokong manood sa laptop pero itong bubwit na ‘to ay kumuha ng DVD ng Barbie at gusto niya raw manood. ‘Di ko siya pinapansin pero patuloy niya pa ring hinaharang sa mukha ko ‘yong DVD kaya tinignan ko na siya nang masama. Magsasalita na sana ako pero napasigaw ako nang biglang nilagay ni Jazer sa lap ko si Clark. “Sa’yo muna siya, iihi lang ako.” “H-Hoy! Teka—” Hindi ko na natapos ang pagrereklamo ko dahil mabilis siyang tumakbo papunta sa C.R. Bigla namang umakyat si Czanelle sa sofa at tumabi sa akin kaya lalo lang akong hindi nakagalaw. Anong gagawin ko sa mga ‘to? Teka, hindi ba mahuhulog ‘tong si Clark kapag ‘yong kamay niya lang ang hawak ko? Shit naman, wala akong alam sa pagtingin sa mga bata! “Hoy lalake! Dalian mo!” sigaw ko pero wala akong narinig na reply. “Dalian mo sabi!” Nagulat naman ako nang biglang nag-mumble si Clark habang nakatingin sa akin. Pinilit niyang tumayo at humawak siya sa damit ko kaya lalo akong nagpanic. Hinawakan ko na lang siya sa hips niya kahit na nanginginig na ako. “JAZER!” Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagmamadali niya kaya naman nang kinuha niya na sa akin si Clark ay nakahinga ako nang maluwag. Pero ang nakakainis ay narinig ko ang pagtawa niya. “Hindi ko alam na sobra kang magpapanic.” “Akala mo nakakatawa? Anong nakakatawa? Ha?” sabay tingin ko sa kanya nang masama at naging seryoso rin ang expression niya. “Ate—” “Isa ka pa!” Bigla naman siyang nanahimik at nakita kong paiyak na rin siya kaya bago pa ako may masabing hindi maganda ay tumayo na ako at nagmartsa palabas ng bahay. Nagtuluy-tuloy ang luha ko at naiinis ako dahil hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Bwisit. Pumunta ako sa kubo at doon ako nagpalipas ng sama ng loob. Pinunasan ko kaagad ang luha ko dahil baka may makakita pa sa akin. Ayoko pa naman sa lahat ay kapag may nakakita sa aking umiiyak. Nang kumalma na ako ay doon ko narealize na nag-overreact ako sa ginawa niya. But, it was his fault! I don’t know anything about handling or taking care of kids. What if I made a mistake and Clark fell? Oh God, I don’t want to imagine that. I know that they’re just trying to be close with me but I think I’ve already closed my heart ever since our parents left me. Alam kong hindi nila kasalanan at wala naman pa silang alam sa mga nangyayari pero nababaling sa kanila ang galit ko kapag nakikita ko sila. “Hey.” Nagulat naman ako nang may narinig akong boses sa likuran at alam ko naman kung sino ‘yon. Dahil nakaupo ako sa loob ay alam kong nakatayo siya sa labas ng kubo, sa bandang likuran ko. “What?” pagalit kong tanong. “Sorry sa nangyari kanina. Hindi ko alam na gano’n ang magiging reaksyon mo.” Umirap ako kahit hindi niya ako nakikita. “Pero hindi naman tama ‘yong ginawa mo kay Czanelle. Kanina pa siya umiiyak doon.” Napaalis naman ako sa pagkakasandal ko nang narinig ko ‘yon. She’s crying? Did I shout at her too much? Lumingon ako sa kanya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. Gusto ko sanang sabihin na hindi lang naman si Czanelle ang umiyak pero ano namang pakialam niya roon? Isa pa, bakit ko sasabihin na umiyak ako? Tumayo ako at nakita kong sumunod siya sa akin. Pagpasok ko sa loob ay narinig ko kaagad ang malakas na pag-iyak ni Czanelle at maging si Clark ay umiiyak na rin habang karga siya ni Nanay Meling. Halos hinihingal na siya sa pag-iyak at mukhang pareho kami ng naisip ni Jazer dahil dumiretso kaagad siya sa kusina para kumuha ng tubig. Ako naman, pumunta sa harapan ng TV at kumuha ako ng DVD ng Barbie Collection sa gilid. Nilagay ko ‘yon sa player at umupo ako sa couch—sa tabi ni Czanelle. “Anong gusto mong panoorin?” tanong ko at tumingin siya sa akin. Saglit siyang tumigil sa pag-iyak at napatingin siya sa TV. Bigla naman siyang bumaba at lumapit sa TV at saka tinuro ‘yong isang thumbnail. “T-this . . .” sabi niya habang humihikbi at bumalik siya sa tabi ko. Pinili niya ang Barbie as Rapunzel kaya naman ‘yon ang pinindot ko. Sakto namang dumating si Jazer at lumapit siya kay Czanelle habang hawak ang basong kinuha niya. “Inom ka muna ng tubig, Czanelle.” Inalalayan niya sa pag-inom si Czanelle at humihikbi pa rin siya. Bigla naman kaming nagkatinginan ni Jazer at alam kong hinihintay niya akong mag-sorry kay Czanelle. “K-Kuya . . . s-sit here . . . too . . .” pahikbing sabi ni Czanelle kaya naman agad ding naupo si Jazer sa kabilang side niya. Napansin ko namang tumigil na rin sa pag-iyak si Clark at pinatulog na siya ni Nanay Meling. Tahimik naman kaming nanood at doon ko narealize na ang tagal na rin palang panahon ang nakakalipas noong huli kong napanood ‘to. I think grade school pa ako no’n. This Barbie Collection DVD was actually my favorite when I was young. Whenever I feel sad, I would always watch them but as I grew older, I ended up criticizing it. The movies always show fantasized happy endings and I hate how opposite real life is. Nagulat naman ako nang biglang humawak sa kamay ko ang bubwit habang sobrang focused doon sa palabas. Tuluyan na rin siyang tumigil sa pag-iyak at humigpit ang hawak niya sa pinky ko. “Ate, what’s the name of the dragon again?” she asked with her twinkling eyes. “Penelope.” “She’s so cute!” she giggled. Saglit naman akong napangiti nang humagikgik siya pero agad ‘yong nawala no’ng nakita kong nakatingin sa akin si Jazer. At aba, nagsmirk ang loko! Nang-aasar ba siya?! O pinapakita niya lang ang dimple niya?! Tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan ng tingin pero ngumiti lang siya at parang nagpipigil pa ng tawa. Ano bang problema niya? Kanina pa siya ha! Nagpatuloy naman kami sa panunuod at natatawa si Jazer kapag nagrereact si Czanelle sa mga nangyayari. Gaya na lang noong pinutol na ang buhok ni Rapunzel. Sumigaw siya ng “No!” at muntik pang umiyak. Sinabihan niya rin ng “bad” si Gothel pero natuwa naman siya no’ng nagkatuluyan na si Rapunzel at Prince Stefan. Tinanong pa nga niya kung sino ang babaeng brown at maiksi ang buhok at si Jazer naman ang nag-explain na si Rapunzel pa rin ‘yon. Nagpumilit pa siyang manood ng isa pa at ang napili naman niya ay ang Princess and the Pauper pero wala pa sa kalagitnaan ay nakatulog na siya habang nakasandal sa akin. Tumayo naman si Jazer. “Aayusin ko lang ang kwarto niya,” saka siya umalis. Naiwan kaming dalawa ng bubwit sa sala. I patted her head and caressed her hair. “Sorry,” I whispered. I felt a lump in my throat and my tears were threatening to come out. Ngayon ko lang narealize na baka matrauma siya dahil sa ginawa ko. I was wrong, yes, but I can’t control my emotions well when it comes to them. I’m automatically rejecting any kind of warm feelings from them and I know it was because of my experience as a child. I was and am bitter. Bigla namang dumating si Jazer at binuhat na niya si Czanelle papunta sa kwarto niya. Ako naman, pinatay ko na ang TV at sinandal ko ang ulo ko sa couch. Tumingin ako sa orasan at doon ko lang napansin na alas-singko na pala. Ang bilis ng oras. Nakita ko namang pababa na ulit si Jazer kaya tumingin ako sa kabilang side. “Thank you,” sabi niya at alam kong nasa harapan ko siya. “For what?” tanong ko naman habang nakatingin pa rin sa gilid. “Sa pagsama kay Czanelle.” “Tss.” Bigla naman siyang tumabi sa akin at dahil nakangiti siya ay kitang-kita ang dimple niya sa kaliwang pisngi. Tumingin siya sa akin at kumunot lang ang noo ko. Anong akala niya, madadaan niya ako sa dimple niya? As if. “Ano na naman?” tanong ko at naging seryoso bigla ang expression niya. “Alam kong nahihirapan kang pakisamahan ang mga kapatid mo pero sana, pagdating ng panahon, maging open ka rin sa kanila,” saka siya ulit ngumiti. “Pamilya mo sila at darating ang oras na kakailanganin mo sila. At kailangan ka rin ng mga kapatid mo, lalo na’t ang babata pa nila.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay tumayo siya at lumabas ng bahay, habang ako ay naiwang nakatulala. He has a point but I don’t know why I’m annoyed. I’m doing my best to contain my bitterness and jealousy with my siblings yet he still said that. Kahit sa campus, lagi na lang mali ko ang nakikita. Wala naman akong pakialam pero minsan nakakasawa na. And this home, my sanctuary, is starting to suffocate me, too. Wala na ba akong ginagawang tama sa mga mata nila? Sinampal ko kaagad ang sarili ko dahil nararamdaman kong anytime ay tutulo na naman ang luha ko. Stop it, Chloe. You’re not a crybaby. Tumayo ako at umakyat papunta sa kwarto ko. I guess I’ll also spend my weekends inside my room.
Comments
|
Prologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Chapter 40 Chapter 41 Chapter 42 Chapter 43 Chapter 44 Chapter 45 Chapter 46 Chapter 47 Chapter 48 Chapter 49 Chapter 50 Chapter 51 Chapter 52 Chapter 53 Chapter 54 Chapter 55 Chapter 56 Chapter 57 Chapter 58 Chapter 59 Epilogue Bonus Chapter |