.

.

Chapter 17

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, February 10, 2015


***

“Lei, huminahon ka nga.”
“Hayaan mo na siya, Francine.”

Hindi ko na lang pinansin sina Alleine at Francine. Pinagdikit ko ‘yung kamay ko at hinawakan dahil sobrang nanginginig ako. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng operasyon. Palakad-lakad lang ako sa harapan ng OR at nakaupo naman ‘yung parents ni Andrew pati na rin sina Alleine at Francine.

Sabi nung doctor, 60% lang daw ang chance ng operation. Pero more than half pa rin naman ‘yun...may chance pa rin. Gusto kong mag-isip ng positive pero kung anu-anong nagative thoughts ang pumapasok sa isip ko. Paano kung...paano kung...

Tama na, Lei. Hindi ko dapat iniisip ‘yun. Ang kailangan kong gawin ngayon ay magpakatatag...para kay Andrew. Para sa amin.

Nagpaalam muna ako sa kanila para magpahangin.
Naso-suffocate kasi ako doon at hindi ako makahinga dahil sa sobrang kaba. Pumunta ako doon sa mini-chapel at walang katao-tao. Pumasok ako at umupo ako habang tinitignan ko ang Diyos na nakapako sa krus.

“Parang awa niyo na po...wag niyo munang kukunin sa akin si Andrew.
Please? G-gusto ko pa siyang makasama nang matagal. Tulungan niyo po siya...bigyan niyo po siya ng lakas...”

Hindi ko na kinayang pigilan ang mga luha ko. Sobrang kinakabahan ako at sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko na alam kung ano bang pwede kong gawin para makatulong. Ayokong mawala ulit sa akin si Andrew. Ayokong tuluyan na siyang mawala.

Pati si Kyle. Naasaktan pa rin ako tuwing nakikita ko siya sa kwarto na nakatingin lang sa kawalan. Wala siyang nakikita at partly ay kasalanan ko ‘yun. Kung pwede lang na magpalit na lang kami ng pwesto, gagawin ko. Kung pwede lang na ako na lang ang mahirapan, kaysa sa kapatid ko, gagawin ko. Pero wala akong magawa. Siya ang nagdudusa dahil sa kapabayaan ko.

Nagdasal ako nang nagdasal para sa kanilang dalawa. Pero habang nagdadasal ako ay may tumabi sa akin. Pagtingin ko, si tita Irene, ‘yung mama ni Andrew. Pinunasan ko kaagad ‘yung pisngi ko.

“Alam mo, maswerte si Andrew sa’yo,” sabay ngiti niya sa akin at nanunubig na rin ‘yung mga mata niya.
“Lagi kang nasa tabi niya...kahit na ganun ang kalagayan niya. Sinabi niya sa akin na nakipagbreak daw siya sa’yo kahit na hindi ko alam na may girlfriend pala siya. Sinabi niya rin sa akin ang dahilan niya. Pero masaya ako na hindi mo hinayaang itaboy ka niya…kasi alam mo, kailangan ka rin niya.” Tuluyan na ring umiyak si tita Irene kaya naiyak na rin ako. Yumakap ako sa kanya at sabay kaming nagdasal.

After that ay dumiretso muna ako sa room ni Kyle.
Ilang oras pa daw kasi ang itatagal ng operasyon ni Andrew. Pagdating ko doon, nasa loob din si Mama at binibihisan niya si Kyle. Napatingin agad siya sa akin at ngumiti.

“Magpahinga ka muna, anak. Ako na ang bahala dito.”

“Pero Ma...s-si Andrew...”

“Kailangan mo ng lakas kapag natapos na ang operasyon niya. Umuwi ka muna at matulog. Magang-maga na ‘yang mga mata mo.”

“Ate?” tawag ni Kyle sa akin kaya lumapit ako sa kanya. Bigla niyang hinawakan ‘yung mukha ko at tumigil siya sa may mata ko. “Basa ‘yung mata mo. Wag ka na kasing umiyak. Papangit ‘yung mata mo.”

Hinawakan ko ‘yung kamay ni Kyle at lalo lang bumigat ‘yung pakiramdam ko. Alam kong gusto niya ulit makakita. Masyado pa siyang bata para mawalan ng paningin. Ngumiti ako sa kanya kahit hindi niya ako nakikita.

“Opo. Sige na, magpahinga ka na rin.”

Nagpaalam ako sa kanilang dalawa at umuwi muna ako sa bahay.
Pagdating ko, bumagsak agad ako sa kama at nakatulog sa sobrang pagod.

***

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. Pagdilat ko, sobrang dilim sa kwarto. Mukhang gabi na. Kinuha ko ‘yung phone ko sa tabi ko at nakita kong tumatawag si Francine kaya agad-agad kong sinagot.

“Hello Fran—”
“Lei! Si Andrew...” tapos narinig ko siyang umiyak. No. Don’t tell me...
“A-anong...anong nangyari?”
“Successful ‘yung operation! Pero after 36 to 48 hours pa raw siya magigising.”

Bumagsak ako sa kama pagkarinig ko nun. Para akong nabunutan ng malaking tinik at naiyak na lang ako sa saya. Hindi na ako makapagsalita dahil sa dami ng  emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Gustung-gusto kong pumunta ngayon sa ospital pero nanginginig ‘yung buong katawan ko.
Sinabi sa akin ni Francine na pauwi na raw sila ni Alleine at bukas na lang ako pumunta. Nandoon naman kasi ‘yung parents ni Andrew para bantayan siya.

Kinabukasan, pumunta agad ako sa ospital. Tumigil muna ako sa room ni Kyle at chinecheck-up ulit siya ng mga doctor. Basta raw kasi may donor na ay sisimulan na ang surgery niya.

After that ay dumiretso ako sa room ni Andrew pero bawal pa raw pumasok kaya nakatingin lang ako mula doon sa salamin. Naiyak ako nung nakita kong stable ‘yung heartbeat niya. Gustung-gusto ko na siyang yakapin.

Sana magising ka na, Andrew.

***

Pagkalipas ng isang araw, nilipat na siya sa private room niya. Sabi ng mga doktor niya, bukas raw ay posibleng magising na siya. Binantayan ko siya ngayong araw at kinuwentuhan ko siya ng kung anu-ano. Lahat ng moments namin nung 4
th year high school kami pati nung nagstart kami ng college. Kahit na hindi siya nagrerespond, alam ko at nararamdaman ko na nakikinig siya. Naririnig niya lahat ng sinasabi ko.

Sabay kaming umuwi ni Mama after that pero hindi ako masyadong makatulog. Ilang oras na lang at posibleng magising na si Andrew. Makakasama ko na ulit siya.

Kinabukasan, nagising ako na wala na si Mama. Nag-iwan siya ng note na nauna na siya sa ospital at sumunod na lang daw ako kaya agad akong nagprepare. Excited at kinakabahan ako at the same time. Makikita ko na ulit si Andrew.

Paglabas ko ng bahay ay naglakad ako papunta sa ospital. Nung malapit na ako ay biglang nagring ‘yung phone ko at nakita kong tumatawag si Alleine.

“Lei! Lei! Gising na si Andrew! Gising na siya!”
“T-talaga?!”
“Oo kaya—”

Bigla naman akong nakarinig ng ingay sa bandang gilid ko. Pagtingin ko, may pagewang-gewang na sasakyan ang nasa highway habang...habang may bata doon sa sidewalk. Walang railings ‘yung sidewalk at malapit sa side nung bata ‘yung sasakyan.

Sobrang kinabahan ako nung malapit na ‘yung sasakyan sa kanya.

“Bata!”
“Lei? Lei? Anong nangyayari dyan?”

Tumakbo ako papunta sa kanya at tinulak ko siya palayo doon sa sasakyan. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid. Pero nakita kong papunta sa akin ang sasakyan...at tumama ang katawan ko doon.

“Diyos ko, ‘yung babae! Tulungan niyo!”
“Pati ‘yung bata! Tumawag kayo ng ambulansya!”
“Lei? Lei?! Ano bang nangyayari sa’yo?! Lei!”

A-andrew...
Bakit...bakit kung kailan malapit na kitang makita...b-b-bakit...


***