.

.

Chapter 5

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, November 21, 2014


***

"Hoy Lei, tama na nga yan. Ang pula na ng mata mo oh."

"Oo nga. Wag mong iyakan yung lalaking yun! He's not worthy of your tears!"

Nakauwi na nga pala sila. At naabutan nila akong umiiyak. Dapat hindi ko na lang binasa yung mga text niya eh.
Dapat nag-aral na lang ako.

"Mga baliw! Okay lang ako, no. Ha-ha,” sabay ngiti ko na lang kahit ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

“Kami pa lolokohin mo? Utang na loob, Lei.
Uso mag-move on,” tapos padabog na lumabas si Francine sa kwarto.

Naiwan namang nakatayo sa harapan ko si Alleine. Nakatingin lang siya sa akin at alam kong mauubos na rin ang pasensya niya sa akin. 

"Tama na yan Lei. Pwede ba? Magmove-on ka na," tapos umupo siya sa tabi ko. Pinunasan ko yung luha na tumulo sa pisngi ko at ngumiti ulit sa kanya. 

"Ayokong magmove-on. Mamahalin ko nalang siya ng patago."

Tama. Pwede ko naman siyang mahalin ng patago eh. Ayoko siyang isuko. Akin siya eh. Mahal ko siya. At kung mahal mo ang isang tao, hindi mo siya basta-basta isusuko.

Pero nagulat ako nung bigla na lang akong sinampal ni Alleine.

"Ayan, para matauhan ka. Ang tanga mo, Lei! Ngingiti-ngiti ka dyan kahit nasasaktan ka? Sarili mo lang yung niloloko mo. Kung siya nga eh nagwang tiisin ka at iwasan ka. Bakit ikaw, hindi mo kaya?"

Umiling ako sa kanya habang tuluy-tuloy na naman yung pagtulo ng luha ko.
Hindi ko kaya. Hindi ko kayang tiisin at iwasan siya.

"I will still hold on, Alleine."

Tumayo bigla si Alleine. Mukhang nakunsumi na siya sa akin.

"Eto lang ang tandaan mo Lei. May mga bagay na hindi mo kayang panghawakan habangbuhay, kahit ipaglaban mo pa yan, wala ka ring mapapala.
Mawawala at mawawala din siya sayo," at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

Nagsink-in yung sinabi ni Alleine sa akin.
Sobrang natamaan ako. Nakakainis. Bakit ba ang galing niyang magsalita na alam mong tatagos sa’yo?

Pero kasi...

Masama bang umasa?
Masama bang mahalin pa rin siya?   

Hindi naman di ba?

For the nth time, kinuha ko ulit yung diary ko.

Andrew, I love you.

Ako ba mahal mo pa? Naaalala mo pa kaya ako? Naiisip pag gising mo? Pag kumakain ka? Kumakain ka ba sa tamang oras? O kaya naman nagpapatuyo ka pa ba ng pawis? Sana okay ka parati.

Kahit yata anong gawin mo, hindi pa rin aayaw ang puso ko sayo. Bakit ikaw, parang ang daling bumigay? Basta ako mahal kita. Masaktan man ako, ano naman? Masarap pa ring maging in love sayo kesa kalimutan at magmove-on. Siguro, darating rin yung panahon na dapat ngang kalimutan ka. Pero sa ngayon, bukod sa di ko talaga kaya eh ayoko pa talaga. 

Umaasa pa rin kasi ako eh.
Umaasa na babalik ka pa sa akin.


***