.

.

Chapter 6

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, November 21, 2014

 
***

“Ayokong pumasok! Waaa! Baka bagsak ako sa physics!” sabay hawak ni Alleine doon sa poste sa labas ng building.

Napailing na lang ako kay Alleine. Hinila namin siya ni Francine para makapasok doon sa Science Building. Ngayon kasi ang release ng mga classcards namin para sa science courses.

“Hindi lang naman ikaw ang kinakabahan eh!
Kami rin kaya! Kaya tara na,” sabi ni Francine sa kanya. Maski ako, kinakabahan na.   

After five minutes ng pakikipagtug-of-war namin kay Alleine ay nakapasok na rin kami sa wakas. Pagkapasok pa lang namin ay nakita na namin na nagkukumpulan yung mga estudyante doon sa pigeon hole ng mga prof. Lalong lumakas yung tibok ng puso ko. My gosh! Sana naman maayos yung grades ko!

Hinanap namin yung sa amin. Bale anim ang subject ko ngayon at dalawa dun ay dito ko kukunin ang grade ko. Yung physics and chem. Nahanap ko kaagad yung dalawa kong classcards at pumikit muna ako bago tignan yung nakasulat na grade doon.

Okay. Bumuntung-hininga muna ako bago ulit dumilat. Nakita kong nakabilog yung 1.5 sa Chem at 1.75 sa Physics.
Napatalon talaga ako sa sobrang saya. Grabe! Naipasa ko ang majors ko! Oh yeah! 

Halos mappasigaw rin ako nung sabay na sumigaw si Alleine at Francine at nagyakap pa talaga sila. Grabe para silang dolphin kung makasigaw. Ang sakit sa tenga!

“Oh my pasado rin ako! Thank you, Lord!”
“Me too! Hahaha! Akalain mo yun? Pumasa ako!”

At ayun, nagsayaw-sayaw sila sa loob ng faculty department. Di na nahiya ‘tong mga ‘to.

Pumunta na rin kami sa ibang building para kuhanin yung iba pa naming classcards. At buti nalang, wala kaming bagsak lahat.

“Sa wakas, sembreak na! Harujusko, gustung-gusto ko nang umuwi!” sabi ni Alleine with matching pag-iinat pa.

“Yes! Matutulog ako nang buong magdamag mamaya! Grabeng eyebags ang inabot ko this sem! Beauty rest muna,” sabi naman ni Francine.

Ako kaya? Anong gagawin ko? Actually ayokong magsembreak eh. Kasi hindi ko na makikita si Andrew. 

Palabas na kami nung math building. At syempre, galak na galak pa kami kasi pasado kami sa lahat sa Math, ayun maligalig kami. Nagsasayaw at nagtatalon habang bumaba ng hagdan. Nakakahiya nga dahil may mga kasabay pa kaming estudyante na bumababa rin pero wapakels si Alleine at Francine.

Pero napatigil kami nung bigla akong may nasiko at natapakang paa sa harapan ko. Natapakan ko yung sapatos niya kaya na-out of balance siya at nagpanic ako.

“Oh my God!” hihilahin ko sana siya kaso pabagsak na siya sa baba. Napapikit na lang ako dahil sobrang natakot ako sa pwedeng mangyari. Tumahimik bigla yung paligid kaya napadilat ako. Pagtingin ko doon sa baba ng hagdan, buhat-buhat na ng isang lalaki yung babaeng nasangga ko kanina. Pero nagulat ako nung narealize ko na si Andrew yung lalaking sumalo sa kanya.

“Okay ka lang ba, Aiza?”

“Andrew! Thank you! Akala ko katapusan ko na kanina!” tapos niyakap nung Aiza si Andrew. Napatingin na lang ako sa gilid habang kagat-kagat ko yung lower lip ko.

“Yiiee, ano yan ha?” asar naman sa kanila nung isang lalaki. Saka ko narealize na mga blockmates ni Andrew yung kasama niya. Ibig sabihin, kablock niya rin yung Aiza?

“Mga baliw! Nalaglag kasi ako sa hagdan. Andrew, baba mo na ako, kaya ko naman-”

“Namamaga yung paa mo. Hindi ka makakalakad ng maayos niyan.”

“Ha? Hindi okay lang ako! Pro-”

“Renz, san naka-park yung sasakyan mo?
Hatid na natin si Aiza.”

Sabay-sabay silang naglakad palabas sa Science building habang kami nina Francine at Alleine ay nakatigil lang sa may hagdan.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko at naiyak na lang.

Grabe. Parang hindi man lang niya ako nakita. Parang hindi ako nag-eexist kanina. Tapos inaasar pa sila ng Aiza na yun ng mga blockmates nila.

Ang sakit. Parang binalewala niya lang ako.

“Tara na. Wala kang nakita,” tapos inalalayan ako ni Francine pababa ng hagdan.

“May dapat bang makita?
Isang gago lang naman yung dumaan kanina eh,” sabi naman ni Alleine.

Ito na ba yung kinakatakutan ko? Yung makahanap siya ng iba? Pero, paano na ako?


***