Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Books
  • Stories
    • Standalone Novels >
      • 7th Unit
      • A Ride to Love
      • Guardians
      • Hidden
      • Babaylan
      • Challengers
      • Probably Serendipity
      • The Art of Murder
      • The Moon That Swallows the Sky
      • Golden Rookies
      • Sleep is Not Easy Here
    • Serialized Stories >
      • Kingdom University Series >
        • Campus Royalties
        • The Arrogant Prince
        • Crowned Princess
        • My Royal Lesson
        • Love Tutorial
      • Over Series >
        • Getting Over You
        • Still Not Over
        • Over This Haven
      • Trouble Series >
        • Engagement Trouble
        • Nothing but Trouble
        • Following Trouble
      • Erityian Tribes Series >
        • Tantei High
        • Seventh Sense
        • Oh My Ice Goddess
        • The Science of Spying
      • Erityian Tribes Novellas >
        • Truce
        • Rewind
        • Standstill
        • Winter
        • Keeper
        • Clandestine
        • Genesis
      • Masquerade Girls Series >
        • The Forgotten's Envy
        • The Abandoned's Mistrust
        • The Reined's Rebellion
      • Bloodline Series >
        • Awakened
        • Claimed
        • Enthroned
      • Deities in Town Series
    • Epistolary >
      • W. Duology >
        • Dear Almost
        • Hi, Coffee Guy
      • Hello Series >
        • Hello, Not Almost Lover
        • Hello, Co-Captain
        • Hello, Sunshine Boy
  • News
  • Message Board

Kabanata 43

1/17/2024

Comments

 

pagbabalik sa kasalukuyan
​

“Hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam.”
 
“Cyrene! Cyrene!”
 
Napadilat ako habang hinahabol ang hininga nang makita ko ang mukha ni Urduja sa aking isipan, ngunit ang bumungad sa aking paningin ay ang mukhang kay tagal kong hindi nakita.
 
Isang malalim na paghinga ang binitiwan ni Mama habang nakahilig ako sa kanyang mga braso. Ilang sandali lamang akong nakatulala sa kanya sapagkat hindi ko alam ang dapat maramdaman. Hirap kong iniikot ang aking paningin at napaawang ang aking bibig nang mapagtanto kong narito na akong muli sa aming attic.
 
Sinubok kong tawagin si Mama ngunit walang tinig na lumabas sa aking mga bibig. Tila natuyo ang aking lalamunan at hindi ko rin magalaw ang aking katawan. Unti-unting bumigat ang aking mga talukap at ang huli kong nasulyapan ay ang pagbukas ng pinto ni Papa habang nakasunod sa kanya si Lola.
 
Sa pagtikom ng aking mga mata ay isang mapait na alaala ang sumaglit sa aking isipan. Magkahalong lungkot at ginhawa ang aking naramdaman sapagkat nakabalik na ako sa kasalukuyan—ang panahon kung saan ako nabibilang.
 
***
 
Sa aking muling paggising ay natanaw ko ang mukha ni Papa sa gilid ng aking higaan. Bakas ang pagkasabik at pag-aalala sa mga mata niya kaya pakiramdam ko ay muli akong bumalik sa pagkabata.
 
Madalas ay wala sila ni Mama dahil lumilibot sila sa buong Pilipinas kasama ang kani-kanilang pangkat para sa kanilang mga proyekto. Ngayong narito siya ay hindi ko maiwasang hindi maluha.
 
“Ayos na ba ang pakiramdam mo?” malumanay niyang tanong at marahan akong tumango. Nanghihina pa rin ang aking katawan ngunit hindi na masakit ang aking ulo. “Ito pala.”
 
Mayroong kinuha si Papa mula sa lamesa sa gilid ng aking kama at napahugot ako ng isang malalim na hininga nang makita ko ang pamilyar na kawayan.
 
“Hawak mo nang mahigpit ‘yan noong nawalan ka ng malay noong isang araw,” sambit niya.
 
Marahan kong hinawakan ang kawayan habang nakatitig sa mga nakaukit na baybayin ngunit napakunot ang aking noon ang mapagtanto ko ang sinabi ni Papa.
 
“Noong isang araw . . . ?”

“Dalawang araw ka nang tulog, Cyrene,” sabi ni Papa. “Kaya nga halos tawagin na ng Mama mo lahat ng kakilala niyang doktor pero sabi ng lola mo ay magiging ayos ka rin ngayon . . . at nagising ka nga.”
 
Muli akong natulala nang isalaysay iyon ni Papa ngunit sabay kaming napatingin sa pintuan dahil bumukas iyon at magkasunod na pumasok sina Mama at Lola.
 
“Cyrene!” sigaw ni Mama at agad niya akong sinalubong nang mahigpit na yakap. “Diyos ko, buti naman at nagising ka na, anak.”

“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo . . .” mahinang ani ni Lola.

“Pinag-alala mo akong bata ka. Saan ka ba nagpunta ng tatlong araw?”
 
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o maramdaman nang malaman kong tatlong araw lamang akong nawala, samantalang halos ilang buwan akong nanatili sa nakaraan, kaya’t nagpakawala na lang ako nang malalim na buntong-hininga. Kahit naman sabihin ko sa kanila ang nangyari ay baka hindi sila maniwala sa akin pero nagulat ako nang biglang lumapit si Lola at marahang pinisil ang aking kanang kamay.
 
“Mayroon pa ring mumunting hilagyo ng diyosa ang nananatili sa’yo, apo,” bulong niya habang nakangiti. “Kung gayon ay nagtungo ka nga sa nakaraan.”
 
Nagpalitan ng mga tingin sina Mama at Papa matapos iyong sabihin ni Lola. Makalipas ang ilang sandali ay muling hinawakan ni Mama ang aking kamay at taimtim na tumingin sa aking mga mata.
 
“Cyrene, sabihin mo sa amin ang lahat ng nangyari,” malumanay niyang sabi.
 
Tila rumaragasang ilog na dumaloy sa aking isip ang mga alaala mula sa panahong iyon. Sa gitna ng katahimikan ay isang malungkot na ngiti ang aking ibinigay habang nakatitig sa kawayang aking hawak.
 
At sa muling pagtama ng aming mga paningin ay unti-unti kong isinalaysay ang aking paglalakbay.
 
***
 
“Malaking bagay ‘to,” bulong ni Papa sa kanyang sarili. “Marami nang historian ang pinabulaanan ang pagiging totoo niya.”
 
Napaisip ako sa ilang folklore na madalas ikwento sa akin nina Mama at Papa bago ako matulog noong bata pa ako at isa si Urduja sa mga iyon. Ngunit matapos ang lahat ng nangyari ay tiyak na magbabago ang pananaw nila ukol sa kanya at sa buong kasaysayan ng Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila.
 
Nanatili si Lola sa tabi ko habang sina Mama at Papa naman ay tila masyadong nasabik sa kanilang mga narinig. Nagsimulang magsulat si Papa habang nagtungo naman si Mama sa aming munting silid-aklatan upang magsaliksik ng ilang tala tungkol kay Urduja at sa iba’t ibang nayong naghari noon.
 
Tumunghay ang aking paningin kay Lola. Simula pa noon ay batid kong mayroon nang kakaiba sa kanya. Bukod sa tila nakakakita siya ng mga tila pahiwatig mula sa nakaraan at hinaharap, ay tila hindi lamang sa kasalukuyan namamalagi ang kanyang isipan.
 
“Lola . . .”

Isang banayad na ngiti ang kanyang isinukli sa aking tawag. “Marahil ay pinagsilbihan mo rin ang pintakasi ng ating angkan.”

“Si Apo Bulan . . .”

“Marami siyang ngalan, apo,” sambit niya. “Kabigat, Delan, Mayari . . . iba’t ibang nayon at panahon, iba’t ibang anyo, ngunit iisang hilagyo. Tayo ay mula pa sa mahabang tala ng mga gabay na nagsilbi sa diyosa noong una silang nagpakita sa mga tao.”
 
Kayraming tanong ang sumilang sa aking isipan: Ano ang nangyari kina Urdujua? Nanalo ba ang Kaboloan laban sa Tundun? Makakabalik pa ba ako sa nakaraan? Makikita ko bang muli sina Urduja?
 
“Nay, nakita ko ‘to sa attic—”
 
Naputol ang galaw ng aking diwan ang biglang pumasok si Mama sa silid habang may hawak na mga lumang aklat at balumbon ng papel. Naging seryoso ang kanyang mukha habang sinisiyasat ang mga iyon.
 
“Cyrene, ano nga ang sinabi mong pangalan mo noong naroon ka?” tanong niya.

“S-Sayi . . .”

Napaawang ang kanyang bibig. “Totoo nga,” sabay tingin niya sa akin.
 
Lumapit si Mama sa amin at inilapag sa kama ang mga hawak niya. Marahang nilandas ng kamay ni lola ang mga papel at muling tumingin sa akin.
 
“Wala ang mga ‘yan noong bumalik si Cyrene, Nay,” dagdag ni Mama. “Ibig sabihin ba ay galing din sa nakaraan ang mga tala na ‘to?”

​Umiling si Lola. “Nagdaan na ang panahon sa mga kasulatang ito.”
 
Siniyasat ko rin ang mga iyon at napasinghap ako nang mabasa ko ang ilang paunang laman ng isang talaan. Nakasalaysay roon ang mga nangyari noong panahon ni Urduja at sa bawat pagtatapos ng tala ay nakalagda ang ngalan nina Handiran at Iliway.
 
Magmula noong matuto silang gumawa ng papel at magsulat gamit ang baybayin ay sila ang nagtala ng kasaysayan ng Kaboloan, ngunit hindi ko akalaing sa pagkamatay ni Handiran at sa pagsugod ng Tundun sa Kaboloan ay ipagpapatuloy pa ito ni Iliway. Kung gayon ba ay nakaligtas siya?
 
“Lola, maaari bang mabago ang kasaysayan?” mahina kong tanong.

“Mahirap baguhin ang nagdaan na, apo,” sagot niya at tila mayroong lungkot sa kanyang tinig at mga mata. “Ang bawat hibla ng kasaysayan ay magkakaugnay. Sa paggalaw ng isa ay maaaring magbago ang lahat. Ngunit mayroong mga pagkakataong mayroong mumunting pagbabago na hindi magdudulot ng malaking pag-alap sa hinaharap . . . tulad na lamang nito.”

 
Nais ko sanang magtanong pa ngunit biglang umikot ang aking paningin. Narinig ko ang pagtawag nina Mama at Lola sa akin.
 
“Magpahinga ka muna,” bulong ni Mama habang marahang iniayos ang unan ko. “Siguro ay naninibago ka pa, anak. Ipagpabukas na lang natin ‘to.”
 
Matapos iyon ay tumingin si Mama kay Lola. “Nay, may mga tanong ako sa’yo. May mga gusto akong malaman.”
 
Pinatay ni Mama ang ilaw sa aking silid at sabay silang lumabas ni Lola. Ilang sandali lang ay agad din akong dinalaw ng antok.
 
***
 
“Ito ang tunay na kasaysayan.”
“Maaari tayong pumunta roon.”
“Urduja . . .”
 
Isang silid. Ang aking mukha. Si Ridge. Isang magandang tanawin. Isang babae.
 
Agad akong napabangon dahil sa aking panaginip. Pagtingin ko sa gilid ay madaling araw pa lang.
 
Napahawak ako sa aking ulo at isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Buong akala ko ay titigil na ang mga pangitain ngunit tila nadala ko ito hanggang sa kasalukuyan. O ‘di kaya ay panaginip lang ang mga ito.
 
Mas umayos ang aking pakiramdam at hindi tulad kahapon ay nagagalaw ko na ang aking katawan. Napatingin ako sa gilid at napakunot ang aking noo nang mapagtanto kong isang linggo na akong hindi pumapasok.
 
Masyadong nakatuon ang aking pansin sa nakaraan na tila nakalimutan ko na ang buhay ko ngayon. Ngunit sa totoo lang, mas matimbang na ang kagustuhan kong malaman ang mga nangyari sa nakaraan kaysa ang mga kailangan kong harapin sa kasalukuyan . . .
 
. . . subalit isang tao ang mayroon ding kaugnayan sa nakaraan ang narito ngayon sa kasalukuyan at nais ko siyang makita at makausap.
 
Naghanda ako upang pumasok sa eskuwelahan at naabutan ko si Papa sa sala. Bakas ang pagod sa kanyang mukha ngunit patuloy pa rin siya sa pagtitipa sa kanyang laptop habang mayroong isang tumpok ng mga libro at isang tasang kape sa tabi nito.
 
“Papasok ka na?” tanong ni Papa.

“Opo. Isang linggo na rin pala akong absent. Baka ibagsak ako ng teachers ko.”


“Ayos ka na ba?”


Tumango ako. “Ayos na ako, Papa. Nasaan pala si Mama?”


“May kailangan siyang ayusin sa trabaho kaya maaga siyang umalis. May kailangan ka ba sa kanya?”

 
Naalaala ko ang talaan na kinuha ni Mama kahapon pero makapaghihintay naman siguro iyon.
 
“Wala po. Sige, Pa, mag-aayos na ako.”
 
Bumalik ako sa aking silid at napatigil ako nang makita ko ang kawayan sa maliit kong mesa. Isang malungkot na ngiti ang aking binitiwan nang muli kong basahin ang nakaukit doon.
 
“Paalam na, hiling ay muli kang mamasdan
Pangakong iniwan, sa huli ay makakamtan
Pagdating ng hapon, hindi na muling masisilayan
Ang nais ko lamang ay iyong kaligtasan.”
 
 
Noong una ko itong makita sa attic ay agad na bumigat ang aking kalooban sapagkat tila iyon ay isang sulat ng malungkot na pamamaalam. At tama ang aking hinala.
 
Ito ang paraan ng pamamamaalam ni Urduja sa kanyang sisidlan. Isang pamamaalam na puno ng panghihinayang at kalungkutan. Ng pagsisisi sapagkat iyon na ang huli.
 
Pinigil ko ang nagbabadyang mga luha at huminga nang malalim. Makalipas ang ilang sandali ay napagpasiyahan kong dalhin ito.
 
***
 
Nakakapanibago nga ang maglakad muli palabas sa bahay sapagkat nasanay ako na puro kagubatan ang nakapaligid sa akin. Ngayong nakabalik na ako sa kasalukuyan ay sumalubong sa akin ang patag na mga daan, nagsisitaasang bahay at ingay ng siyudad.
 
Nang makarating ako sa unibersidad ay tila naliligaw ako. Nakakapanibagong marinig ang paggamit ng magkahalong Filipino at Ingles ng mga estudyante, maging ang mga paksa ng kanilang usapan.
 
“Cy!” bati ni Diana, isa sa mga kaklase ko. “Tagal mong hindi pumasok, ah? Nagkasakit ka?”

“Ah . . . siya nga—oo,” sagot ko. “Kahapon lang ako gumaling.”


“Pati si Ridge, absent ng isang linggo,” dagdag ni Anna sabay ngiti nang nakakaloko. “Anong meron? Magkasama ba kayo?”

 
Sakto namang dumating si Ridge at nagtama ang aming paningin. Agad na mayroong pag-unawa na namagitan sa aming dalawa. Sa katunayan ay mayroon pa ring pag-aagam-agam sa aking isipan kung totoo ang lahat, ngunit nang masilayan ko siya ay gumaan ang aking pakiramdam dahil batid kong mayroong isang taong bahagi rin ng aking napagdaanan.
 
Akmang maglalakad siya patungo sa aking kinauupuan ngunit natigil siya dahil dumating na ang aming guro.
 
“Omg, nakita mo ba ‘yon?” singhap ni Anna. “Nagjo-joke lang naman ako kanina pero huwag mong sabihing magkasama nga kayo?”

“Hoy, Cy, anong meron sa inyo ni Ridge?”

 
Mabuti na lang at nagsimula na ang klase kaya’t tumigil na rin sa pag-uusisa ang dalawa ngunit wala ang aking isipan sa pakikinig. Kaya naman natuwa ako nang matapos na ang araw.
 
“Cyrene . . .”
 
Napalingon ako at tumambad sa aking paningin ang mukha ni Ridge. Halos pigil ang pagngiti ng dalawa at tiyak na pang-aasar na naman ang aking aabutin kaya’t minabuti kong hatakin siya palayo sa kanila.
 
“Akala ko hindi pa kita makikita ngayon,” sambit niya habang naglalakad kami palabas ng eskuwelahan.

“Sa totoo lang, wala akong balak pumasok pero gusto kitang makita at makausap,” sagot ko. “Marami akong gustong itanong at malaman.”


“Kung ganoon, sumama ka sa akin.”


“Saan?”


​Isang munting ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Sa ating tahanan, punong babaylan.”

<< Kabanata 42
Kabanata 44 >>

Comments
comments powered by Disqus

    chapters


    Panimula
    Kabanata 1

    Kabanata 2
    Kabanata 3
    Kabanata 4
    Kabanata 5
    Kabanata 6
    Kabanata 7
    Kabanata 8
    Kabanata 9
    Kabanata 10
    ​Kabanata 11
    Kabanata 12
    Kabanata 13
    Kabanata 14
    Kabanata 15
    Kabanata 16
    Kabanata 17
    Kabanata 18
    Kabanata 19
    Kabanata 20
    Kabanata 21
    Kabanata 22
    Kabanata 23
    Kabanata 24
    Kabanata 25
    Kabanata 26
    Kabanata 27
    Kabanata 28
    Kabanata 29
    Kabanata 30
    Kabanata 31
    Kabanata 32
    Kabanata 33
    Kabanata 34
    Kabanata 35
    Kabanata 36
    Kabanata 37
    Kabanata 38
    Kabanata 39
    Kabanata 40
    Kabanata 41
    Kabanata 42
    Kabanata 43
    Kabanata 44
    Kabanata 45
    Katapusan
    ​
    back to story page
© 2015 Purpleyhan Stories
Proudly powered by Weebly
  • Home
  • About
  • Books
  • Stories
    • Standalone Novels >
      • 7th Unit
      • A Ride to Love
      • Guardians
      • Hidden
      • Babaylan
      • Challengers
      • Probably Serendipity
      • The Art of Murder
      • The Moon That Swallows the Sky
      • Golden Rookies
      • Sleep is Not Easy Here
    • Serialized Stories >
      • Kingdom University Series >
        • Campus Royalties
        • The Arrogant Prince
        • Crowned Princess
        • My Royal Lesson
        • Love Tutorial
      • Over Series >
        • Getting Over You
        • Still Not Over
        • Over This Haven
      • Trouble Series >
        • Engagement Trouble
        • Nothing but Trouble
        • Following Trouble
      • Erityian Tribes Series >
        • Tantei High
        • Seventh Sense
        • Oh My Ice Goddess
        • The Science of Spying
      • Erityian Tribes Novellas >
        • Truce
        • Rewind
        • Standstill
        • Winter
        • Keeper
        • Clandestine
        • Genesis
      • Masquerade Girls Series >
        • The Forgotten's Envy
        • The Abandoned's Mistrust
        • The Reined's Rebellion
      • Bloodline Series >
        • Awakened
        • Claimed
        • Enthroned
      • Deities in Town Series
    • Epistolary >
      • W. Duology >
        • Dear Almost
        • Hi, Coffee Guy
      • Hello Series >
        • Hello, Not Almost Lover
        • Hello, Co-Captain
        • Hello, Sunshine Boy
  • News
  • Message Board