“Clark! Come here!” Czanelle yelled as Clark ran away from her. Nandito ako ngayon sa sala dahil nasira ang aircon sa kwarto ko at inaayos ‘yon ngayon ni Kuya Larry. Hindi ko naman inasahan na ang agang magising ng dalawang bubwit na ‘to kahit weekend kaya ang ingay rito ngayon. “Ano na naman ba’t nakabusangot ka na namang bata ka. O, eto,” sabi ni Nanay Meling at inabutan niya ako ng baso ng fresh milk. Kinuha ko naman ‘yon mula sa kanya pero biglang napatingin sa direksyon namin ang dalawang bubwit. “What’s that, Ate?” Czanelle ran toward me and Clark followed her. “This is mine, kid,” sabi ko naman at saka ko itinaas ang baso. “I want!” “Tara rito, Czanelle, at kukuhanan na lang kita,” sabi ni Nanay Meling at kinuha niya ang dalawang bata kaya nakahinga ako nang maluwag. Ininom ko naman ang fresh milk at sakto namang umuulan kaya ang sarap sa pakiramdam. I went to the veranda for a better view but someone else was already there. Sino pa nga ba? “Ang aga mong nagising ngayon,” pang-aasar niya habang nakangiti kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Excuse me? Maaga talaga akong nagigising,” sabi ko naman pero tinawanan lang ako ng bwisit. Umupo ako sa rocking chair sa gilid at pumikit. Well, maaga akong nagising dahil nainitan ako. Buti na lang talaga at umuulan ngayon kaya medyo malamig ang panahon. “Salamat nga pala ulit dito,” Jazer suddenly said while waving his phone. Tinignan ko lang siya saglit at saka ako tumingin sa paligid. “May paarte-arte ka pa noong una,” bulong ko naman. “Hindi ko naman kasi in-expect. Habang tumatagal, napapalitan lahat ng first impression ko sa’yo,” sagot naman niya. ‘Di ko na lang siya pinansin at inubos ko ang fresh milk ko. Gusto ko pa sanang matulog dahil ang sarap ng panahon ngayon. I really like the rain because it calms me down. Its sound and smell makes me comfortable. Instead of feeling down, like some people, I feel peaceful and relieved when it's raining. “Kuya!” Nagulat naman ako nang lumabas din sina Czanelle at Clark. They both went to Jazer and that made me relaxed. “I know how to count na,” she said while giggling and Jazer has this expectant look on his face. “Sige nga. Show me.” “One, two, three, four . . .” Tumingin ulit siya kay Jazer habang nakangiti at tumingin din siya sa direksyon ko. I raised my brow and she giggled. “Nine, ten!” Pagkasabi niya no’n ay napabuntong-hininga si Jazer at tumawa si Czanelle. “Hah. Look who’s getting played by a three-year old kid,” parinig ko at umiling naman siya. Nagulat naman ako nang biglang naglakad si Clark papunta sa direksyon ko. “What are you doing?” I asked but Clark already climbed his way to my thigh. Nagpanic ako dahil baka bigla siyang malaglag o matumba at hindi ko rin naman alam kung paano siya aalalayan. I immediately looked at Jazer for help but he just flashed his freaking dimple. I didn’t need that! “Alalayan mo lang ang likod niya,” sabi niya pa kaya lalo akong nainis. “Bwisit! Eh kung kinukuha mo na lang siya, ‘di ba?” Nang nasa lap ko na si Clark ay nakuha niya pang tumawa kaya tinaasan ko siya ng kilay. I cupped his face but he continued giggling. “Tawa-tawa ka pang bata ka. Anong nakakatawa, ha?” I asked but he just mumbled some senseless words. “Kuya, what’s bwisit?” biglang tanong ni Czanelle at nagkatinginan kami ni Jazer. Iniwas ko ang tingin ko dahil alam ko na ang susunod na mangyayari. “Uhm . . . don’t say that word again. Okay, Czanelle?” “But why? Ate is—” “It’s a bad word,” sabi niya at bigla namang kumulog kaya nagulat ang dalawang bata. Czanelle immediately went to Jazer’s arms while Clark began crying. “Ayan, nagalit ang nasa itaas. Kaya huwag mo nang sasabihin ‘yon ha?” Czanelle whimpered while covering her ears and Jazer comforted her. On the other hand, I don’t know what to do with Clark. Sakto namang sumilip si Nanay Meling kaya tinignan ko kaagad siya at nakita niyang umiiyak si Clark habang hawak ko. Kinuha naman agad niya si Clark mula sa akin kaya nakahinga ako nang maluwag. “Paano ba ‘to?” tanong naman ni Nanay Meling kaya napakunot ang noo ko. “Bakit, Nanay Meling? May problema ba?” “Bibili sana ako ng mga gulay sa supermarket ngayon. Magpapaalam lang sana ako pero mukhang kailangan ko munang pakalmahin ‘tong si Clark.” Iyak pa rin nang iyak si Clark dahil sa kulog kanina at sinusubukan siyang pakalmahin ni Nanay Meling pero hindi pa rin siya tumitigil. “Ako na lang po ang bibili,” Jazer suggested. “Sigurado ka, hijo? Okay lang sa’yo?” “Syempre naman po, Nay Meling.” “Ay maraming salamat! Teka ha at ililista ko ang mga bibilhin.” Umalis si Nanay Meling sa veranda habang karga si Clark na umiiyak pa rin. Napatingin naman ulit ako kay Jazer habang kinocomfort niya si Czanelle. “Alam mo ba kung saan ang grocery?” tanong ko. “Hindi,” sabi naman niya. See? Lakas ng loob mag-volunteer, hindi naman niya alam ang mga lugar dito. Tumayo naman ako at pumunta sa kusina para ilagay sa lababo ang basong pinag-inuman ko. Naabutan ko ro’n si Nanay Meling at bigla niya akong hinarang. “Chloe, may ginagawa ka ba?” tanong niya. “Wala naman. Bakit, Nanay Meling?” “Pwede bang samahan mo muna si Jazer? Hindi niya pa kasi alam ang—” “May assignment pa pala akong gagawin—” “Chloe.” I was about to exit the kitchen but when she called my name with her stern tone, I stood still. Nakakatakot talaga siya kapag seryoso. Namiss ko tuloy si Nanay Fe. “Sige na, anak. Mukhang nagkakasundo naman na kayo, eh. Saka para naman makapag-bonding kayo,” dagdag niya kaya hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko. “No way. Bakit ako makikipag-bonding sa kanya?” “Ito namang batang ‘to. Hindi ka ba masaya na may nakakausap kang kasing-edad mo lang?” “Hindi.” Naalala ko na naman ang kabataan ko. Wala akong naging friends dito dahil una, hindi naman ako masyadong lumalabas ng bahay, at pangalawa, wala akong ka-age bracket dito. Sina Nanay Fe, Nanay Meling at Kuya Larry lang ang nakakausap ko at hindi ko rin naranasang makipaglaro dahil lagi lang akong nagmumukmok noong iniwan ako ng parents ko. “Ako pa ba ang lolokohin mo?” sabi naman ni Nanay Meling habang umiiling. “Sige na at para makapagluto na rin ako. Baka matagalan pa siya kung mag-isa lang siyang pupunta.” “Pero—” “Walang pero-pero. Hala sige at maghanda ka na,” she said while pushing me away from the kitchen. *** “Yaaay! Where are we going, Kuya?” Napairap na lang ako habang nag-uusap ang bubwit at ang bwisit. Sumama pa si Czanelle kaya naman nag-book na lang ako ng taxi. Tumingin na lang ako sa labas at naglagay ng earphones habang pinapanood ang ulan. Pagkarating namin sa supermarket ay bumaba agad kami at naging tagapayong pa ako dahil bitbit niya si Czanelle. Nakakainis pa dahil ang lalaki ng hakbang niya kaya para akong naghahabol. Puro tuloy talsik ang binti ko. ‘Di ko alam kung sinasadya niya ba o hindi. Bwisit. Nilabas naman niya ang listahan at akmang didiretso na siya sa dry goods pero hinarangan ko siya. “Get a cart first. Ano, bubuhatin lang natin ang mga bibilhin?” “Oo nga pala. Sungit,” sabi naman niya sabay talikod kaya napanganga na lang ako. Ang sarap ipukpok sa ulo niya ‘tong payong pero dahil maraming tao ay pinigilan ko ang sarili ko. Self-control, Chloe. You can do it. Ako na ang kumuha ng cart dahil hindi mahanap ng bwisit na ‘to. Paglapit nila sa akin ay bigla namang nagpumilit si Czanelle na sumakay sa cart kaya wala kaming nagawa kundi ilagay siya ro’n. Bigla tuloy sumagi sa isip ko kung nagawa ko rin ba ‘to dati pero mukhang hindi. Wala namang nagdadala sa akin sa mall noong mga panahong ‘yon. “Look at me, Ate! Yeeey!” she beamed and started dancing. Nauna naman si Jazer sa amin at sinimulan na niya ang pagkuha ng mga bibilhin. Ito namang bubwit na ‘to, bigla na lang mangunguha ng kung anu-ano sa mga dinadaanan namin. Napapagod tuloy ako sa pagbalik ng mga pinaglalagay niya sa cart. Czanelle giggled while holding a pack of chocolates and I don't know why buy I suddenly remembered that call. Alam ko naman na matanda na ako at hindi na kailangan pang kumustahin. Alam ko rin na nag-aalala lang siya sa kalagayan nina Czanelle at Clark dahil bata pa sila at ngayon lang sila nalayo sa kanila, pero hindi ko mapigilang hindi magselos. Damn it. That word. Sabi ko sa sarili ko ay wala na akong pakialam kung anuman ang maging relasyon namin ng parents ko. After all, they left me here for their businesses. But after seeing the affection they've been giving to my siblings, I started wondering if they really care for me. Para kasing hindi ko maramdaman. O baka naman ayaw talaga nilang iparamdam sa akin. Nagulat naman ako nang biglang nilagay ni Jazer ang kamay niya sa noo ko. "Okay ka lang ba? Parang namumutla ka," sabi niya at lumayo naman agad ako. "I'm fine," I said but what he did caused another memory to resurface. Hindi ko rin alam kung bakit sobrang vivid pa rin sa akin no'n pero naaalala ko ang time na ginawa sa akin 'yon ni Mommy noong three years old ako, isang araw bago sila umalis papuntang Singapore. "Ate, I'm hungry," Czanelle pouted. Dahil do'n ay nagmadali na si Jazer at nang makuha niya na lahat ng nasa listahan ay dumiretso na kami sa counter. Nauna naman na ako sa labas para kumuha ng taxi pero pagdating ko ay sobrang lakas na ng ulan. "Mommy's here, Chloe." "Dito ka lang, Mommy." "Of course, baby. Babantayan ka ni Mommy." I extended my arms, trying to reach the droplets of rain. It's cold yet calming. I closed my eyes to feel it but somebody grabbed my arm. "Magkakasakit ka." Pagdilat ko ay narinig ko ang boses ni Jazer at doon ko lang narealize na medyo basa na ako dahil naglakad ako papunta sa ulan. He pulled me back to the shed while carrying the grocery bag and holding Czanelle's hand. His words echoed inside my head and I remembered mychildhood. When I was young, I would always get out when it's raining but Nanay Fe would hold be back and say the same thing. "Magkakasakit ka," sasabihin ni Nanay Fe. "It's alright," I would reply. "Mommy will come back if I'm sick." Maybe that's the reason why I like the rain. Maybe I'm still hoping that my mother will take care of me, even though I know that she can't. Or maybe, she won't. Nabigla naman ako nang may humawak sa kamay ko. When I looked behind, Czanelle was looking at me with her concerned eyes. "Are you sick, Ate?" she asked and I immediately felt a lump in my throat. Tumingin agad ako sa harapan. "No," I replied. I always feel uncomfortable when someone touches me and I would always reject the contact. However, today, for some reason, I didn't let go of her tiny, warm hand. For the first time, someone is holding me and this little girl saved me from my memories.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Chapter 40 Chapter 41 Chapter 42 Chapter 43 Chapter 44 Chapter 45 Chapter 46 Chapter 47 Chapter 48 Chapter 49 Chapter 50 Chapter 51 Chapter 52 Chapter 53 Chapter 54 Chapter 55 Chapter 56 Chapter 57 Chapter 58 Chapter 59 Epilogue Bonus Chapter |