Pinatay ko kaagad ang alarm clock ko dahil naririndi ako sa tunog. “Five minutes,” I murmured but I can’t go back to sleep anymore. Ugh. That damn alarm clock! Dahil hindi na ulit ako makatulog, pinilit kong bumangon kahit na gusto ko pang mahiga. Dumiretso kaagad ako sa banyo at nagprepare and after some time ay lumabas ako ng kwarto. As usual, nasa harapan na naman ng pinto ko ang bubwit at nang nakita niya ako ay ngumiti siya nang malawak sabay takbo pababa ng hagdan. “Ate’s here na!” sigaw niya habang bumababa. “Dahan-dahan, Czanelle. Huwag kang tumakbo sa hagdan,” saway naman ni Jazer na sinalubong siya at inalalayan pababa. Napatingin siya sa direksyon ko at umirap naman ako dahil naalala ko ang sinabi niya noong isang araw. Bago pa tuluyang sumama ang mood ko ay inalis ko na kaagad ‘yon sa isip ko at bumaba na. Pagdating ko roon, nakahain na ang pagkain. Sa sala naman ay naglalakad si Clark at tuwang-tuwa si Nanay Meling habang inaalalayan siya. Clark giggled as he walked away from Nanay Meling. Umupo ako at nagsimulang kumain. Tahimik lang akong kumakain nang biglang may humawak sa binti ko kaya napasigaw ako. And then I saw Clark, clinging to my leg, and when he saw me looking at him, he mumbled something and giggled. This kid! “Mukhang nagiging malapit na rin sa’yo si Clark,” sabi ni Jazer at tinarayan ko lang siya. After that ay nagprepare agad ako sa kwarto ko. Pagbaba ko ay palabas na rin sina Czanelle at Jazer. Dumiretso kaming tatlo sa kotse at tahimik na nagmaneho si Kuya Larry. Nang nakarating kami sa school ni Czanelle ay bumaba sila ni Jazer. Naiwan naman kaming dalawa ni Kuya Larry at as usual, nakatingin na naman siya sa akin dahil hindi ako sumama sa kanila. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na tanungin pa ako dahil sinaksak ko kaagad ang earphones sa tenga ko. Pagbalik ni Jazer ay agad din kaming dumiretso sa university. Pagpasok namin ay humiwalay agad ako sa kanya ng daan at dumiretso ako sa klase ko. Dahil masyado akong maaga ay ako lang mag-isa ang nandito. Well, it wasn’t that bad. At least I can have some peace of mind. The silence was actually soothing. Dahil sa gilid ako nakaupo ay sumandal ako sa bintana sa may bandang corridor at pumikit. Ang sarap sanang matulog pero baka antukin ako kapag klase na. “Chloe.” Bigla namang nawala ang peace sa paligid nang narinig ko ang boses na ‘yon. I know that he was behind me. Lumingon ako sa kanya at sinamaan ko lang siya ng tingin. “Ano na naman? Bakit ka nandito?” “Chloe, I just want to—” “Leave me alone, Iñigo,” pagalit kong sabi sa kanya. “Kaya ako ang napagdidiskitahan ng fans n’yo, eh. Imbes na kayong dalawa ang mag-usap, ako pa ang kinukulit n’yo. I don’t want to be involved with your mess anymore, so please, habang hindi pa nauubos ang pasensya ko, lubayan mo na ako.” Hindi siya nakapagsalita after that at tahimik siyang umalis sa harapan ko. Nang makalayo na siya ay napabuntong-hininga na lang ako. Isa-isa na ring nagsidatingan ang classmates ko kaya umayos na ako ng upo at naghintay na lang sa prof namin. After some time ay nakumpleto ang class at dumating na si Sir. Nag-discuss lang siya and then nagpa-quiz kaya naman nabadtrip ako kasi hindi ko masyadong naintindihan ang lecture niya kanina. Right after that ay dumiretso ako sa next class pero wala raw ang prof namin. Ang nakakainis pa ay ang last subject ko ay mamayang 4 PM pa kaya naman sandamakmak na vacant hours ang meron ako ngayon. Kaya naman pumunta na lang ako sa library para matulog. Pagdating ko roon ay pumunta ako sa lagi kong pwesto—doon sa pinakadulo. Nilapag ko ang bag ko sa lamesa at ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang bigla kong makita ang isang pamilyar na tao. What the heck? What is he doing here? Napatigil naman ako nang bigla siyang lumingon at nagtama ang mga mata namin. Of all people, bakit ang Jazer pa na ‘to? “Chloe?” mahina niyang sabi at umirap ako sa kanya. Nakita ko namang lumapit siya sa akin habang hawak ang ilang libro na kinuha niya mula sa shelves. Tinignan ko pa siya nang masama nang bigla niyang nilapag sa desk ko ang mga libro niya at aba, umupo pa talaga siya ha? Hindi ko siya pinansin at lilipat na sana ako ng pwesto pero bigla niyang hinawakan ang wrist ko. Pagtingin ko ay naging seryoso rin ang expression niya. “Sorry,” he said and I was so surprised that I just stared at him for a few seconds. “Naisip ko kahapon na hindi tama ang mga sinabi ko sa’yo noong isang araw. Siguro nadala lang ako kahit alam kong wala ako sa lugar. Mga kapatid mo lang ang naisip ko at hindi ikaw.” Huminga ako nang malalim at kinalma ko ang sarili ko. “And why would you think of me? Hindi na kailangan dahil kaya ko ang sarili ko,” sabi ko at bigla naman siyang ngumiti. His dimple was distracting. Ang sarap tuloy sapakin ng mukha niya. “But you’re accepting my apology, right?” Ano ba naman ‘yan, bakit sobrang big deal ng sorry niya? “Fine,” I said while rolling my eyes. “As long as you let me sleep in peace. Now, go away.” “Pero wala nang ibang upuan dito.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi naman ako mag-iingay. Matulog ka lang diyan at magbabasa naman ako rito. Babantayan na rin kita.” Saglit akong napatigil pero tinaasan ko rin kaagad siya ng kilay. “What am I? A kid? Tss. Bahala ka na diyan.” I crouched but before I could even touch the table, he placed his bag on it. “Para may unan ka,” sabay ngiti niya. ‘Di ko na lang siya pinansin at humiga na rin sa bag niya since nandoon na rin naman. “Nabalitaan mo ba ang nangyari kanina?” “Oo. Grabe, ano na kayang mangyayari kay Ate Queenie?” “Bakit kasi pinuntahan ni Kuya Iñigo ang Chloe na ‘yon sa room niya?” “Mukhang naagaw na niya nang tuluyan si Kuya Iñigo. Nakakainis!” “Kapag talaga nakita ko ‘yon, naku!” Biglang nawala ang antok ko nung narinig ko ‘yon sa bandang likuran ko. Pabangon na sana ako pero bigla kong narinig na magsalita si Jazer. “Hindi library ang tamang lugar para sa tsismisan.” Pagkasabi niya no’n ay biglang tumahimik ang paligid at mukhang nawalan ng boses ang mga tsismosang palaka. Hah! At last, I can sleep in peace now. *** Bigla naman akong nagising dahil nakaramdam ako ng pangangawit. “Gising ka na,” biglang sabi ni Jazer nang bumangon na ako. Nagbabasa pa rin siya at may sinusulat din siya sa notebook niya. Hindi ko akalaing ganito siya kasipag mag-aral. Kaya siguro mas nataasan niya ako sa seatwork namin. Mukha rin naman siyang matalino pero minsan may pagka-epal lang talaga siya. Bigla namang tumunog ang tiyan ko at nagkatinginan kami. Dahil alam ko na ang susunod na mangyayari ay binalaan ko na kaagad siya. “Subukan mong tumawa,” I said with a low voice. Pinigilan niya pero napangiti pa rin siya. “Kumain ka na. Baka malipasan ka pa ng gutom.” “Tss.” Niligpit ko ang gamit ko at tumayo na pero napatigil ako sa gilid niya. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko pero nilingon ko siya. “Kumain ka na ba?” I asked and he looked at me with a confused expression. “Hindi pa.” Tumingin ako sa harapan ko. “Let’s eat,” sabi ko at nagsimulang maglakad. “Pero kung ayaw mo, okay lang din naman—” “Saglit lang.” Napalingon ako sa direksyon niya at nakita kong nililigpit niya ang mga libro. After a few seconds ay kinuha niya ang bag niya at naglakad papunta sa akin habang nakangiti na parang nang-aasar. “Iba ka talaga kapag nakatulog,” sabi niya noong nasa tabi ko na siya. “Funny. Ha-ha,” sabay irap ko. Nakarating kami sa cafeteria ng Humanities building at doon kami kumain. Dahil magla-lunch na rin ay medyo marami na ang tao sa loob. Pumwesto kami sa gilid na table at naramdaman ko ang presence ng mga Queeñigo fantards. Gusto ko tuloy lumipat pero baka isipin nila ay umaatras ako sa kanila. Hah! No way. Nagpa-order na lang ako ng pagkain kay Jazer dahil ayaw kong makita ang mga mukha nila. Good thing, nakaharap ang pwesto namin sa pader. Mas matotolerate ko pa ‘yon kaysa sa kanila. Habang naghihintay ako ay naramdaman kong may umaaligid na sa akin kaya tinaasan ko ang alert level ko. Pero nagulat na lang ako nang biglang may malamig na dumaloy sa ulo ko, pababa sa leeg at katawan ko. Series of laughter erupted and some of them cheered loudly, as if someone had won a game. “Bagay sa’yo!” “Ayan ang napapala ng mga nang-aagaw!” “One more time!” May mga naghagis na rin ng kung anu-ano papunta sa direksyon ko at no’ng natamaan ako sa ulo ay hindi ko na natiis. I stood up and faced them all. I was about to yell but someone caught my attention and after seeing her, I finally reached my limit. Queenie was there. She was there but she didn’t do anything to stop this. Actually, she seemed enjoying this. They went quiet when I smiled. Tinignan ko sila isa-isa at ang ilan ay napaatras pa. Cowards. May nakita akong baso sa table na nasa gilid ko kaya kinuha ko ‘yon at naglakad nang mabagal. Lahat ng nadadaanan ko ay umaatras dahil tumatawa ako habang naglalakad. Nang makarating ako sa direksyon ni Queenie, ay doon lang nila nalaman kung ano ang balak kong gawin. I didn’t just pour the water on her head. I splashed it on her face. Almost all of the students surrounding us inhaled sharply, shocked by what I just did. “You should’ve stopped them,” bulong ko kay Queenie at kita kong nangingilid na ang luha niya. But I won’t be fooled by that. I know that deep inside, she wanted to slap me and pull my hair. “But you chose to watch them and enjoy it, instead. Kung dati, kaya pa kitang pagpasensyahan, ngayon hindi na. I’m going to make your life miserable.” Pagkatapos no’n ay tumalikod ako sa kanya at humarap ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Tumingin ako sa tatlong babaeng nagbuhos ng tubig sa akin at ngumiti ako sa kanila. “Do you think you can destroy me by doing that?” malakas kong sabi. “I’m not a damsel in distress, bitches and jerks. I won’t cry over that kind of pathetic move,” sabay tingin ko kay Queenie na ngayon ay umiiyak na. “Gaganti at gaganti ako. But not to you, lowly fantards. I will always go to your Queen. Make my life miserable and I’ll make hers a tragedy. I’ll be the witch who will curse all of you . . .” Tumingin ulit ako sa tatlong babae at nagsmirk sa kanila, “ . . . especially to those who dared to insult and fight me. Remember that.” After that scenario, all eyes were on me and I can hear their mumbles. I’m not really scared of being alone but right now, being in the middle of those threatening eyes and unfriendly words, I’m not sure if I can stay here unscathed. Maybe I’m really meant to be an antagonist. Alone, hated and never understood. If that’s the case, then be it. I don’t care anymore-- “Let’s go.” Nagulat ako nang biglang may humawak sa kamay ko at hinatak ako palabas ng cafeteria. It was Jazer. So, I wasn’t alone, huh.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Chapter 40 Chapter 41 Chapter 42 Chapter 43 Chapter 44 Chapter 45 Chapter 46 Chapter 47 Chapter 48 Chapter 49 Chapter 50 Chapter 51 Chapter 52 Chapter 53 Chapter 54 Chapter 55 Chapter 56 Chapter 57 Chapter 58 Chapter 59 Epilogue Bonus Chapter |