“O,” sabay abot niya sa akin ng face towel at dahil ang lamig na sa balat ay kinuha ko ‘yon kaagad. “I should’ve thrown those glasses of water back at them,” bulong ko sa sarili ko dahil hindi ako nakaganti sa nagtapon sa akin ng tubig. Bwisit. “Kakain ka ba?” tanong naman niya at doon ko lang napansin na dala niya ang pagkain namin na naka-paperbox. “Oo. Wait.” Nilagay ko na lang sa loob ng blouse ko ang towel at after that ay kinuha ko sa kanya ang pagkain ko. Tahimik naman kaming kumain dito sa bench area at buti na lang ay walang fantards dito ngayon. Actually, I’m quite thankful to him since he didn’t ask any questions, unlike before. Also, if he wasn’t around a while ago, there might be a fight in the cafeteria right now. Napatingin ako sa kanya pero napansin kong nakatingin siya sa akin kaya napakunot ang noo ko. “Ano?” pagalit kong tanong. “Wala naman,” sagot naman niya. Hindi ko na lang siya pinansin at tinapos ko ang pagkain ko. After that ay dinial ko ang number ni Kuya Larry at agad naman siyang sumagot. “O, Chloe, bakit?” “Pasundo na ako Kuya.” Pagkasabi ko no’n ay napatingin sa akin si Jazer at nag-iba naman ang tono ni Kuya Larry. “Ha? Hindi ba mamayang alas-sais ka pa?” “Wala ang prof ko sa next classes kaya pwede na akong umuwi.” “Gano’n ba?” “Yeah. Please fetch me up at 3 PM. Thank you.” In-end ko kaagad ang call para hindi na siya magtanong pa. “Hindi ka na papasok?” tanong kaagad ni Jazer matapos kong kausapin si Kuya Larry. “Hindi na. Maraming fantards sa susunod kong mga klase at ayaw kong makasalumuha sila ngayon.” “Hmm . . .” Tinapon naman niya sa basurahan ang pinagkainan namin at pagbalik niya ay sumandal siya sa bench. Naglabas siya ng notebook at tinakip niya ‘yon sa mukha niya. Teka parang pamilyar ‘to, ah? Kinuha ko ang notebook mula sa mukha niya kaya naman napatingin siya sa akin. “Matutulog ka?” tanong ko. “Oo. Thirty minutes pa naman bago makarating si Kuya Larry, ‘di ba?” Wait, ano raw? At ano namang pakialam niya kung dumating si Kuya Larry? Wala ba siyang klase at may balak siyang matulog dito? “Ano naman? Pumasok ka na nga sa klase mo,” saka ko binato pabalik ang notebook niya. “Morning class lang ako kapag Monday.” Napatingin naman ako sa kanya. Morning class? Kaya ba ang aga niya sa sasakyan noong nakaraang Monday? “Eh bakit hindi ka magpasundo kay Kuya Larry ng mas maaga kung umaga lang pala ang class mo?” “Sayang sa oras niya kapag dalawang beses pa siyang babalik dito. Pwede rin naman akong mamasahe pabalik pero sayang rin sa oras kaya nag-aral muna ako sa library,” sabay pakita niya sa notebook niya. “Tss. GC.” Hindi naman na ulit kami nagpansinan at nilagay niya ulit ang notebook sa mukha niya. Ako naman, nakinig na lang ng music habang naghihintay kay Kuya Larry. “Let’s go.” Bigla naman akong napailing nang maalala ko ‘yon. Napatingin ako sa kanya at mukhang tulog na nga ang loko. How can he sleep in that uncomfortable position? He looked funny. Kinuha ko ang phone ko at hindi ko alam kung bakit pero pinicture-an ko siya dahil sa posisyon niya ng pagtulog. Baka magamit ko pang pang-blackmail someday. Naalala ko naman ang sinabi niya dati na wala siyang cellphone. Noong una ay nagulat ako dahil necessity na ngayon ang phone at bihira na lang ang estudyanteng walang dalang phone sa school or university. “Uhm, excuse me?” Nagulat naman ako nang bigla na lang may kumalabit sa akin kaya paglingon ko ay sinamaan ko kaagad ng tingin kung sino man ‘yon. Pagtingin ko ay isang babae ang nandoon at napaatras siya dahil sa tingin ko. “What?” “C-classmate tayo sa History 2, ‘d-di ba?” Tinignan ko naman siya nang mabuti at narealize ko na pamilyar nga siya. She was the one in front of me in our Hist 2 class. “Bakit?” “I-itatanong ko lang kung may pinapagawa ba si Sir last meeting. Hindi kasi ako nakapasok.” Tinignan ko ulit siya habang nakakunot ang noo ko at inalala ko ang nangyari last Friday. Nagbigay lang si Sir ng readings and speaking of readings, hindi ko pa nababasa ‘yon. “May readings. Kunin mo na lang kay Ate Heidi,” sabi ko sa kanya since iniwan ni Sir doon kay Ate Heidi na nag-pho-photocopy ng readings sa College of Letters ang readings namin. Ngumiti naman siya sa akin nang sinabi ko ‘yon. “T-Thank you!” sabay lakad niya pero huminto siya at lumingon sa akin. “I’m Katrina Mendoza nga pala. Thanks ulit, Chloe.” Pagkasabi niya no’n ay ngumiti ulit siya at saka tuluyang naglakad palayo. What a weird girl. Napatingin naman ako kay Jazer dahil bigla siyang gumalaw at tinanggal niya ang notebook na nakatakip sa mukha niya. Mukhang nagising siya dahil sa usapan namin ng Katrina na ‘yon. “Sinong kausap mo?” tanong niya. “Classmate,” maiksi kong sagot at agad din niyang binalik ang notebook sa mukha niya kaya napailing na lang ako. Nilagay ko ulit ang earphones sa tenga ko at hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakatulog. *** “Mommy!” “Yes, Chloe?” Binuhat ako ni Mommy at nilaro ko naman ang buhok niya. Dad appeared in front of us and we played together until we all felt tired. “Mommy, I’m hungry.” “Aww. Mommy, Chloe’s hungry,” sabi ni Daddy at pinasa naman ako ni Mommy sa kanya. “Mommy’s gonna cook for you, so play with Daddy muna, okay?” “Yes, Mommy!” “Daddy’s got Chloe!” Daddy lifted me higher and he played with me again. Bigla naman akong nagising dahil naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Doon ko narealize na nakatulog na pala ako at pagtingin ko sa phone ay tumatawag na si Kuya Larry kaya agad ko ‘yong sinagot. “Nandito na ako.” “Okay. Palabas na kami.” “Kami?” “Kasama ko si Jazer. Sige, Kuya.” I ended the call and when I looked at Jazer, he was still asleep. Sinagi ko ang notebook niya kaya nagising siya agad at tumingin-tingin pa siya sa paligid niya bago tuluyang marealize na nakatingin na ako sa kanya. “Tara na. Kuya Larry’s here,” sabi ko at kinuha ko na ang gamit ko. Nauna akong maglakad sa kanya at makalipas ang ilang minuto ay nakarating ako sa parking lot kung nasaan si Kuya Larry. Agad naman akong sumakay sa kotse pero nagulat ako nang nakita ko si Czanelle na tulog sa backseat. Napatingin agad ako kay Kuya Larry at ngumiti lang siya sa akin. Sakto namang dumating rin si Jazer at nakita niya rin si Czanelle. “Ala-una kasi natapos ang klase niya at nang nalaman niyang nagpapasundo ka na, ayun, nagpumilit na sumama. Nagstay na lang kami doon sa park malapit sa center bago pumunta rito. Mukhang napagod kakalaro kaya nakatulog na.” “’Di ko naman tinatanong, Kuya Larry,” sagot ko. Pumunta ako sa passenger seat pero nandoon naman ang gamit ng bubwit. “Dito n’yo na lang ilagay ang gamit n’yo sa unahan para kasya kayong tatlo d’yan.” Napanganga naman ako sa sinabi niya at magrereklamo na sana ako pero biglang gumalaw si Czanelle at nakita kong dumilat ang mata niya. Agad na pumasok si Jazer nang narinig niyang paiyak na si Czanelle at ako ay naiwang nakatayo lang sa may pintuan ng kotse. “Pasok na, Chloe, para makauwi na tayo,” sabi ni Kuya Larry kaya wala na rin akong nagawa. Pumasok ako sa loob. Nasa kabilang dulo si Jazer at nasa pagitan naman namin si Czanelle. Nakasandal ang bubwit kay Jazer kaya naman medyo lumuwag ang pwesto ko. Habang nakatingin ako sa kanila ay bigla kong naalala ang panaginip ko pero ‘yong last part na lang ang natatandaan ko, kung saan buhat ako ni Daddy. Napailing na lang ako dahil ayaw ko nang maalala ‘yon. That was just a distant memory now. Nothing more. Balak ko sanang umidlip muna pero halos mapatalon ako nang bigla na lang akong may maramdaman sa kamay ko. Napatigil ako noang tinignan ko kung anong meron. Czanelle was holding my finger with her tiny hand. Napatingin ako sa kanya dahil baka gising na siya pero nagulat ako nang nakita kong tulog pa rin siya. Tinignan ko ulit ang kamay namin at hindi ko alam kung anong gagawin. In the end, hinayaan ko na lang. *** Nagising ako nang narinig ko ang pagbusina ni Kuya Larry. Pagdilat ko ay nakahawak pa rin sa akin si Czanelle at tulog silang dalawa ni Jazer. Nang makarating na kami sa garahe ay nagising silang pareho pero parang wala pa rin sa sarili ang bubwit dahil paiyak na naman siya. Agad naman siyang binuhat ni Jazer pero narealize kong nakahawak siya sa akin kaya nagpanic ako. Pag-angat niya kay Czanelle ay napalingon siya at nakita niya ang daliri ko. Nagkatinginan kami at sinamaan ko siya ng tingin, habang siya naman ay ngumiti na para bang nang-aasar. “Ano?” Tinanggal ko naman kaagad ang pagkakahawak ni Czanelle sa akin dahil nakakabwisit ang mukha ng lalaking ‘to. “Wala,” sabi niya naman habang paalis ng kotse. Hinintay ko silang makapasok ng bahay bago ako tuluyang bumaba sa kotse. Pagpasok ko sa loob ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama. This was a tiring day. Ilang minuto akong nakahiga lang at nakatunganga pero bumangon din ako dahil baka makatulog na naman ako. Puro tulog na ang ginawa ko ngayong hapon kaya balak kong kumain muna ng snacks. Bumaba ako at naabutan ko sa sala ang dalawang bubwit at binabantayan sila ni Jazer, habang nagluluto naman para sa dinner si Nanay Meling. Dahan-dahan akong bumaba pero sakto namang lumingon si Czanelle sa direksyon ko. “Ate!” tawag niya at tumingin na rin sa akin si Clark at Jazer. “Come here! Come here!” ‘Di ko sila pinansin at dumiretso ako sa kusina. Kumuha ako ng chips pero bigla akong hinarang ni Nanay Meling habang hawak niya pa ang sandok. “Chloe,” sabi niya at base sa tono ng pananalita niya ay pagsasabihan niya ako. “Ayoko,” sagot ko naman dahil alam ko na ang gusto niyang sabihin. “Hindi mo ba pagbibigyan ang mga kapatid mo?” Hindi ako sumagot. “Ayaw mo bang kumain mamayang gabi?” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi niya ako papakainin? Pero mukhang seryoso ang expression ni Nanay Meling. Pwede naman akong makipagtiisan sa kanya pero alam kong magugutom ako mamaya dahil sa stress na nakuha ko ngayong araw. “Tsk!” I stomped my foot. Nakita ko namang ngumiti si Nanay Meling nang dumiretso ako sa sala habang dala-dala ko ang chips na kinuha ko. Hmp! Makikipag-interact lang ako sa kanila para sa dinner ko mamaya. Wala nang ibang dahilan. Umupo ako sa sofa at gumapang papunta sa akin si Clark kaya nagulat ako. Tumakbo rin sa direksyon ko si Czanelle kaya lalo akong nagpanic. What the heck are these brats doing?! Saka ko lang narealize kung ano ang dala-dala ni Czanelle. “Who’s this, Ate? And this? Ah! Clark, it’s you! It’s small like you.” She’s holding an album of my baby pictures, and among them is a photo of me, carried by Dad, just like what happened in my dream a while ago.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Chapter 40 Chapter 41 Chapter 42 Chapter 43 Chapter 44 Chapter 45 Chapter 46 Chapter 47 Chapter 48 Chapter 49 Chapter 50 Chapter 51 Chapter 52 Chapter 53 Chapter 54 Chapter 55 Chapter 56 Chapter 57 Chapter 58 Chapter 59 Epilogue Bonus Chapter |