Buong linggo ay nakaramdam ako ng pangmamata, though I really don’t care. Alam ko namang dahil ‘yon sa ginawa ko sa “Queen” nila at wala akong pinagsisisihan. I may be viewed as immature but that was my own may of dealing with my enemies. In fact, they were more pathetic than I am. Paakyat na sana ako sa hagdan pero nagulat ako nang bigla nalang may nanghatak sa akin papunta sa storage room. Panic started to overwhelm me and when we finally stopped walking, I turned around and saw the jerk. I calmed myself down and glared at him. “What the fucking hell are you doing, Iñigo?” “I’m sorry, I just really need to talk to you.” Ewan ko ba pero tuwing nakikita ko ang mukha niya ay si Queenie ang naaalala ko kaya lalo akong naiinis. Yeah, I admit, I liked his company and he was comfortable to be with, but right now he’s just an annoying guy. Ang sarap niyang suntukin sa mukha. “And? Do you really have to bring me here? Para ano? Para hindi ka makita ng fans n’yo?” Tss. What a coward. “I know it’s getting out of hand—” “It’s worse than that, Iñigo,” putol ko sa pagsasalita niya. “Kaya pwede ba? Magpakalalaki ka at gawin mo na ang dapat mong gawin, hindi ‘yong dinadamay n’yo pa ako sa relasyon n’yo.” Naging seryoso naman bigla ang expression niya. Kita ko rin ang lungkot, guilt at stress sa mukha niya at hindi ko alam kung bakit pero naalala ko bigla ang high school times namin. Hindi ko na siya nakikitang nakangiti nitong mga nakaraang araw at—wait, ano bang paki ko sa kanya? Tss. Magdusa siya. “I know, Chloe, pero kahit anong gawin natin, kasama ka na sa gulong ‘to. And I’m really sorry for that.” “Buti naman at alam mong kasalanan mo,” sabi ko habang nakapamaywang. “Though that annoying girlfriend of yours made it worse.” “Meet us tomorrow,” sabi niya at napatigil naman ako sa paggalaw. “What?!” “Let’s face each other, once and for all.” “And why do I need to be there? Kayong dalawa ang dapat mag-usap. Huwag n’yo na akong idamay.” Naglakad ako palayo sa kanya at nilabas ko ang phone ko para magpatugtog paglabas ko rito pero napahinto ako dahil sa ginawa niya. “Please,” rinig ko at nakita ko sa reflection ng phone ko na nakaluhod siya sa direksyon ko. Hindi ko siya pinansin at tuluyan nang lumabas. *** “There’s the bitch.” “Nakita mo ba ‘yong video? Grabe sobrang warfreak.” “Kawawa talaga si Ate Queenie. Hindi naman siya inaano pero bigla na lang binuhusan ng tubig ng babaeng ‘yan.” Tumingin ako sa direksyon nila at ngumiti sa kanila kaya naman napaatras sila. Pathetic. Matapang lang sila kapag may kasama sila pero kapag icoconfront na, mag-uunahang tumakbo. Nakarating ako sa class ko at buti na lang ay wala akong katabi, though most of my classes naman ay empty seat lagi ang katabi ko. Nagsimulang magdiscuss ang prof namin at nasa kalagitnaan ako ng pakikinig nang bigla na lang lumingon ang nasa harapan ko at ngumiti sa akin. “Thanks,” she mouthed and I was confused for a second, then I remembered her face. Siya ang nagtanong sa akin no’ng Monday about doon sa readings. Katrina? Was that her name? Nakalimutan ko na. At bakit ko ba kailangang alalahanin? Tinignan ko lang siya for a few seconds at bumalik na ako sa pakikinig. What’s the deal with her? Ngayon lang ako nakakita ng estudyanteng nag-thank you sa akin. Or baka hindi niya lang alam ang reputation ko sa campus. Diniscuss ni Sir ang readings na binigay niya na about sa great civilizations before. After that ay binigyan niya na naman kami ng readings na about naman sa indigenous people or tribes who are still existing right now. Tumayo agad ako at lumabas sa room dahil may fantards ni Queenie sa klase kong ‘yon at ayaw ko silang makasalumuha. Pababa na sana ako ng hagdan pero napahinto ako dahil sa narinig ko. “Are you friends with that Chloe Esguerra?” “Uhm . . .” “Tinatanong ka kaya sumagot ka.” “A-ah . . .” Lumingon ako at nakita kong nakapalibot ang fantards ni Queenie sa babaeng nag-thank you sa akin. “Pitiful,” sabi ko at sabay-sabay silang napatingin sa akin. “Hindi n’yo ba ako kaya kaya pinagtutulungan n’yo ang babaeng ‘yan?” I smiled at them and I got glares in return. Oh, scary. Nilabas ko rin ang phone ko at mabilis ko silang pinicture-an kaya nagulat ang mga froglet. “Maybe if I show this to Sir, you won’t be able to attend his class anymore since he doesn’t like violent kids,” pagbabanta ko at natahimik sila. Luckily, walang profs na present no’ng nangyari ang scene sa cafeteria before at ‘yong kumakalat na video ay within students lang. Pero ngayong nasa loob pa ng classroom ang prof namin ay pwedeng-pwede kong ipakita sa kanya ‘to. Man, these fantards are not just pathetic, they’re stupid too. Akmang lalapit na ako sa kanila para makapasok ulit sa classroom nang bigla akong hinatak ni Katrina palayo. Ngayon ko lang rin narealize na mas matangkad siya sa akin nang kaunti at mukhang malakas din siya dahil nadala ako sa panghahatak niya. Nilingon ko naman ang tards at ‘yong isa ay nag-middle finger pa sa akin kaya pinicture-an ko ulit at winave ko pa sa kanya ang phone ko. Low class bitches. “Whoa! Akala ko mamamatay na ako,” sabi ni Katrina no’ng makababa na kami. OA naman nito. “Thanks for saving me,” dagdag pa niya kaya naman napatingin na ako sa kanya. “I didn’t save you. It’s just that those are my enemies.” “But still, if you weren’t there—” “Seriously, stop it.” Tinignan ko siya nang masama. “Give those thank you’s to someone else. I’m not that kind,” saka ako naglakad palayo sa kanya pero huminto ako at lumingon. “And if you don’t want that to happen again, don’t involve yourself to me anymore.” In-attendan ko ang iba ko pang klase at no’ng vacant period ko na ay bumili ako sa cafeteria ng lunch. Medyo nag-dalawang isip pa ako dahil baka inaabangan ako ng tards sa lahat ng buildings na may cafeteria rito sa campus. Luckily, wala masyadong tao ngayon dito since malapit nang mag-2 PM. May class kasi ako hanggang 1:30 PM so ngayon pa lang ako magla-lunch. Pagkabili ko ay dumiretso ako sa bench area dahil ayaw kong kumain sa confined space matapos mangyari ang cafeteria incident pero napahinto ako no’ng nandoon na ako. God, bakit ba laging nandito ang lalaking ‘to? Wala na ba siyang matambayang iba? Aalis na sana ako pero nakita niya ako at dahil ayaw kong magpatalo sa kanya ay lumapit ako sa pwesto niya. “Ngayon ka pa lang kakain?” tanong ni Jazer at kumunot ang noo ko. “Obvious ba?” pagtataray ko. At saka obvious naman dahil dala ko nga ang food ko. Minsan sobrang tanga na talaga ng tanong ng mga tao. Ginilid naman niya ang mga gamit niya at umupo ako roon. Nagsimula akong kumain habang siya ay tumitingin-tingin lang sa paligid. Wala nga pala siyang phone para pampalipas ng oras. “Mukhang nagiging close na kayo ng mga kapatid mo nitong mga nakaraang araw,” bigla niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin. “As if.” Bigla ko tuloy naalala ang pagkuha nila sa photo album ko last time. Pinaglalabas ni Czanelle lahat ng pictures at muntik pang mapunit ang iba dahil kay Clark. ‘Yon na nga lang ang—nevermind. At ang nakakainis pa, tumatawa lang ang lalaking ‘to habang inaagaw ko sa dalawang bubwit ang pictures ko. Pinagbabato ko silang tatlo ng unan at sinipa ko siya kaya pinagalitan ako ni Nanay Meling. Buti nga at pinakain niya pa ako ng dinner no’n. “Bwisit na mga bubwit,” bulong ko at narinig ko ang pagtawa ni Jazer. “Anong tinatawa-tawa mo dyan?” sabi ko at binigyan ko siya ng matalim na tingin. “Ang cute mo kapag nagagalit,” sabay iling niya pa at hindi ko alam kung sinasadya niya bang ipakita ang dimple niya dahil lalong nakakainis. Pero nang narealize ko kung ano ang sinabi niya ay hindi ko na alam kung ano ang nagawang expression ng mukha ko. Cute? At ako? Sa isang sentence? Yuck! Sinipa ko siya pero nagawa niyang iwasan at tumingin siya nang nakakaloko sa akin. Aba talaga naman! Sisipain ko na sana ulit ang binti niya pero pareho kaming napatigil dahil biglang kumalam ang sikmura niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o mang-aasar dahil namumula na ang tenga niya. Umayos siya ng pagkakaupo sabay hawak niya sa tiyan niya. “Kung kumain ka na lang imbes na asarin ako, eh ‘di mas masaya ang mundo,” sabi ko sa kanya. “Kumain na ako,” sagot naman niya. “Sinong niloko mo?” “Totoo nga,” sabay tingin niya sa akin at bigla akong may narealize. Sa ilang beses naming nagsabay kumain ay ngayon ko lang napansin na laging pinakamura ang binibili niya at minsan ay sobrang kaunti pa ng serving. “Nagtitipid ka ba?” tanong ko at hindi naman siya sumagot. Silence means yes. “Sayang sa pera at ang mahal din ng mga pagkain dito. Iipunin ko na lang.” “May ipon ka nga, mamamatay ka naman sa gutom.” Ilang minuto kaming tahimik at dahil busog na ako ay binigay ko sa kanya ang food ko. He looked at me like I did something out of the ordinary and that pissed me off so I shoved the box to his hands. “Hindi naman—” “Bayad ‘yan para sa nangyari sa cafeteria last time,” sabi ko at natahimik siya. “Now shut up and eat.” After that ay tumayo ako at iniwan ko siya roon dahil may next class pa ako. Umattend ako sa afternoon classes ko at agad naman akong pumunta sa parking lot pagkatapos ng huli kong klase. Pagpasok ko sa kotse ay pumikit ako at nagising lang ako no’ng nasa bahay na kami. Dumiretso ako sa kwarto ko at hindi na ako nakakain ng dinner dahil tuluy-tuloy ang tulog ko. *** Saturday. Medyo maaga akong nagising at nagprepare naman agad ako. Nagsuot ako ng simple gray shirt at jeans, at pagkatapos ay bumaba na ako. Hinanda ko na ang sarili ko sa sakit ng ulo na pwede kong makuha pero pagtingin ko sa sala ay wala ang mga bubwit doon. “Aalis ka, Chloe?” Muntik na akong madulas sa hagdan nang bigla nalang nagsalita si Nanay Meling at nakuha niya pang tumawa dahil sa reaksyon ko. Nang makababa na ako sa hagdan ay sinundan ko siya sa kusina. “Opo. Saglit lang naman.” “Umalis nga pala sila. Gusto kasing lumabas nina Chloe at Clark kaya naglakad-lakad sila kasama si Jazer. Mukha kasing hinahanap mo sila.” “Sino namang maysabing hinahanap ko sila?” Ngumiti lang sa akin si Nanay Meling at hinainan niya ako ng breakfast. Kumain naman agad ako dahil gutom na gutom na ako, kagabi pa. After that ay nagpaalam na ako sa kanya. Palabas pa lang ako sa subdivision para kumuha ng taxi nang biglang may tumawag sa akin. Kahit unregistered ay kilala ko na agad kung sino. “Chloe. You’re coming, right?” tanong ni Iñigo pero hindi ako sumagot at in-end ko kaagad ang tawag. After a few seconds, I received a message from the same number. Brook’s Cafe, Chloe, an hour from now. Para saan pa nga ba’t lumabas ako ngayong weekend. After this, I’m going to slap the both of them. Hard. Okay, Chloe. Time to face the stars of the show.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Chapter 40 Chapter 41 Chapter 42 Chapter 43 Chapter 44 Chapter 45 Chapter 46 Chapter 47 Chapter 48 Chapter 49 Chapter 50 Chapter 51 Chapter 52 Chapter 53 Chapter 54 Chapter 55 Chapter 56 Chapter 57 Chapter 58 Chapter 59 Epilogue Bonus Chapter |