Sabi nila, kapag only child ka, madali mong makuha lahat ng gusto mo. Mas close ka rin sa parents mo dahil nag-iisa ka lang nilang anak. Spoiled din daw kung maituturing ang mga only child. Siguro nga. Karamihan siguro ay ganoon pero may exemptions pa rin. Like me. I am the only child of Crisostomo Esguerra and Pamela Antonio-Esguerra, the owners of one of the huge businesses here in the Philippines. Yes, mayaman kami. Madali ko ring nakukuha ang mga gusto ko. Sabihin ko lang sa kanila, ibibigay agad nila sa akin. But that’s all. Hindi ako close sa kanila. Actually, dalawang beses sa isang taon ko nga lang sila nakikita, eh. Sabi ni Yaya, sina Mommy at Daddy raw ang nag-alaga sa akin noong bata pa ako hanggang sa mag-three years old ako. Then after that, si Yaya na ang nagpatuloy na mag-alaga sa akin dahil kailangan nilang pumunta sa Singapore to expand their business. Umuuwi lang sila kapag birthday ko at kapag Christmas Eve. Habang lumalaki ako, mas lalong lumalayo ang loob ko sa kanila. Yes, they are my biological parents pero hindi sila ang nakasama ko sa happiest and worst moments ko. Sina Yaya Fe, Kuya Larry (driver namin), at Nanay Meling (cook namin) ang nasa tabi ko lagi. Kahit na hindi nila ako kadugo, they treat me as their own child. Okay na sana lahat, eh. Nasanay na ako na wala ang parents ko sa tabi ko. But then one message changed my whole life. It happened three years ago. After ng high school graduation, umuwi agad ako sa bahay at nagcelebrate kami nina Yaya Fe, Kuya Larry at Nanay Meling. Kumakain na kami noon nang biglang nagvibrate ang phone ko. Tinignan ko naman agad. Mom and Dad texted me. Nagulat ako nang makita ko ‘yon. Hindi kasi sila nagparamdam sa akin nitong mga nakaraang buwan. Actually, halos magwa-one year na nung nakatanggap ako sa kanila ng messages. Dati naman, kahit busy sila, nakakatanggap ako ng text or call every two or three months. Binuksan ko kaagad ‘yong messages at napangiti ako. Congratulations, Chloe! I’m so proud of you! I love you so much! From, Mom. I’m proud to be the father of a gorgeous and smart lady like you. Congratulations. Kahit hindi ako gano’n kaclose sa kanila, masaya pa rin ako na nagkakausap pa rin kami kahit minsan. Shinare ko pa nga kina Yaya ang text at natuwa rin sila para sa akin. Ibababa ko na sana ang phone ko sa lamesa pero biglang may nareceive ulit akong text. Akala ko galing lang sa kaklase ko pero it turned out, galing pala kay Mommy. I have a good news for you, Chloe! You’re an ate na. See? This is Czanelle, your baby sister. One month old na siya. We actually want to surprise you sa graduation mo kaya hindi ka namin kinontact these past year. Sorry, dear. Then may naka-attach na photo nila Mommy, Daddy at ng baby na tipong sobrang saya nila. Padabog kong binaba ang phone ko kaya napatingin sa akin sina Yaya. I don’t want to ruin the atmosphere kaya ngumiti na lang ako, pero naramdaman ko na lang na umaagos na pala ang luha ko. Tumakbo agad ako sa kwarto ko no’n para hindi na magtanong sina Yaya. I should feel happy, right? I have a baby sister na. Pero sobrang sama ng loob ko sa kanila ngayon. Ni hindi nga nila ako maalagaan. Ni hindi nga sila makapagstay ng isang linggo dito sa bahay para sa akin, tapos ngayon, may anak ulit sila? After all these years? Tapos noong nag-one month siya, at saka lang ibinalita sa akin? Wow! Tapos parang ang saya-saya pa nila sa picture. Eh paano ako? I hate them. I hate them for being insensitive. I hate them for having another child. And I hate my baby sister for being born. Buti pa siya, kasama niya sina Mommy at Daddy ngayon, samantalang ako, nandito sa Pilipinas na parang tinapon na lang. I hate all of them! Simula nang mangyari ‘yon, hindi ko na nirereplyan lahat ng messages nila sa akin. Three years na rin ang nakakalipas. Eighteen na ako, at three years old na ang kapatid ko na ngayon ay kasama ang parents ko sa Singapore. …Pero hindi pa pala ro’n nagtatapos ang lahat. I never knew that my life would be this complicated.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Chapter 40 Chapter 41 Chapter 42 Chapter 43 Chapter 44 Chapter 45 Chapter 46 Chapter 47 Chapter 48 Chapter 49 Chapter 50 Chapter 51 Chapter 52 Chapter 53 Chapter 54 Chapter 55 Chapter 56 Chapter 57 Chapter 58 Chapter 59 Epilogue Bonus Chapter |