Lyka’s POV “Thank you.” Agad kong isinarado ang pinto pagkasabi ko no’n dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko inexpect na nakakakaba pala ang pagt-thank you. Bigla naman akong napangiti dahil nakatakas ako sa pagluluto. In fairness, ang bait niya ngayon at siya ang nagprisinta na magluto. Parang tuloy gusto kong magkasakit ulit next day. Pero syempre, Lord, joke lang. Dahil wala akong magawa at nakapagpahinga naman na ako sa clinic kanina ay pumunta ako sa teritoryo ni Dylan. Napatigil naman ako dahil ang linis ng side niya. Wow, parang mas malinis pa siya kaysa sa akin. Umupo naman ako sa kama niya at nagsimulang maghanap ng pwedeng pangblackmail o pang-asar sa kanya in case na may gawin na naman siyang kalokohan. Patingin-tingin din ako sa pinto dahil baka bigla siyang pumasok. Patay ako ‘pag naabutan niya ako rito. Siguro after one minute ay may nakita akong dalawang photo album. Una kong binuksan ‘yong color blue na medyo sira na ang cover at napanganga ako nang makita ko ang pictures. Wow. Para silang may lahing Kastila. Ang cute niya noong bata siya at mas kamukha niya ang Daddy niya kaysa sa Mommy niya. May isa ring babae ro’n at mukhang ate niya ‘yon. I browsed the rest of the photos and all of them were family pictures. Bigla tuloy akong napaisip kung magiging kamukha niya ang Dad niya pagtanda niya. Pero kasi ang amo ng mukha ng Dad niya at mukhang mabait siya sa pictures, ‘di tulad ni Dylan na laging nakangiti nang nakakaloko. Itinabi ko ang blue album dahil wala akong pwedeng pang-asar sa kanya ro’n. Kinuha ko ang pangalawang album, ‘yong red ang cover at hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Pagtingin ko sa loob, tama nga ang hinala ko. This was an album about his childhood, along with his friends. Sa unang pages ay puro silang dalawa ni Mei noong mga bata pa sila. Meron pang pictures na magkahawak sila ng kamay habang tumatakbo papunta sa playground. Meron ding nakahawak si Dylan sa mukha ni Mei habang nakangiti nang malapad. Ano ba naman ‘to? Susmiyo, Dylan. Kung kailan siya tumanda, saka pa siya naging torpe. Daig pa siya ng batang version niya! Unti-unti na akong kinakabahan habang nililipat ko ang pages at pagtingin ko sa susunod ay napatigil na ako. Silang tatlo na ang nasa pictures. It was really him. Kahit na sinabi niyang siya nga ‘yon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Looking at his childhood photos made me reminisce our past. “Nakakainis ka,” I blurted out while looking at his young self, smiling timidly at the camera. “Bigla ka na lang aalis tapos ngayon magsosorry ka?” Bago pa ako tuluyang magdrama ay sinarado ko na ang album at niligpit ko ‘yon. Tinignan ko pa kung may naiwan akong bakas at baka maging suspicious ang lalaking ‘yon. After that, bumalik na ako sa pwesto ko. May nakita naman akong post-it notes na nakatabi sa drawer ko kaya kinuha ko ‘yon at ewan ko ba pero trip ko ngayong magsulat ng kung anu-ano. Nagkasakit ako ngayon. Ang tagal na rin nung last time na nagkasakit ako kaya ang weird sa pakiramdam. Pero nakakatawa dahil . . . ah basta. Secret! Actually ang isusulat ko dapat ay dahil nadamay ako sa isang love triangle. Nakakatawa dahil nakikita ko kung gaano katorpe si Dylan at kung gaano kamanhid si Mei. At dahil may sakit ako, ligtas ako sa house rules. Yeeeey! Feeling senyorita ang drama ko ngayon. Wawa Dylan. Pero kasalanan mo naman. Buti nga! Natawa naman ako bigla dahil sa pinaggagawa ko. Ano ‘to, diary na post-it notes version? Hindi naman ako mahilig talaga mag-diary. Actually, sinubukan ko noong high school pero hanggang simula lang. Ni hindi nga ako nakakaabot ng isang buwan kaya tinigilan ko na. Dinikit ko nalang sa pader sa medyo ibaba ang mga sinulat ko. Magsusulat pa sana ako ng isa pa pero nabitiwan ko ang post-it at ballpen dahil biglang sumigaw nang malakas si Dylan. “Leave!” Agad naman akong tumayo at binuksan ko ang pinto pero napatigil ako sa nakita ko. May tatlong babae sa may pintuan at nagpapabalik-balik ang tingin nila sa amin ni Dylan. “Hey!” sigaw sa akin ng isang babae. “Di ba siya ‘yong laging kasama nina James at Dylan?” dagdag ng isa pa. “Get out.” Mahinang sabi ni Dylan pero ramdam ko ang galit sa boses niya. Maging ako ay natakot at napahawak sa door knob ng kwarto. “Bakit nandito siya, Dylan? Tell us!” Aba, sino ba ‘tong mga ‘to? Ano namang pakialam nila kung nandito ako? Mga chismosa. “And you,” sabay turo sa akin ng isa pa at kumunot naman ang noo ko. “Ganyan ka ba kababaw? Ikaw pa ang pumupunta sa bahay ng lalaki? At talagang sa loob pa ng kwarto niya ha?” “Malandi.” Pagkarinig ko no’n ay nagpintig na ang tenga ko. Hindi na ako nakapagpigil. I arm-locked her. Pasalamat siya at nanghihina ako ngayon pero mukhang effective pa rin dahil sumigaw siya. “S-stop!” Hahampasin na sana ako ng dalawa pang babae pero sinipa ko sa tagiliran ang isa at ang huli naman ay tinulak ko sa dibdib gamit ang isa ko pang kamay. “Pag hindi pa kayo umalis, sisiguraduhin kong mababalian na kayo ng buto.” Pagkasabi ko no’n ay kumaripas na sila ng takbo at agad kong nilock ang pinto. Kasi naman, bakit hindi naka-lock ‘to?! Pagtalikod ko ay nakita kong nakatitig lang sa akin si Dylan pero bigla siyang tumawa. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano pero sobrang effective. Gusto ko rin tuloy siyang bigwasan. “Para akong nakakita ng amasona,” he said between his laughs. “Bwisit kasi, eh. Kala mo naman kung sino silang makasugod dito. Kala nila ang gaganda, mukha namang mga bisugo. Puro satsat, wala rin naman palang laban. Nakakainis.” Matapos kong sabihin ‘yon ay tumigil siya sa pagtawa at tumitig ulit sa akin na para bang iba ang kausap niya ngayon. “Ano na naman?” Bigla naman siyang lumapit at nilapat ang kamay niya sa leeg ko kaya lumayo ako. “Ganyan ka ba kapag may sakit? Iba ka,” sabay iling niya pa. Sinikmuraan ko nga. Siya na nga ‘tong may kasalanan kung bakit nakapasok ang mga ‘yon, siya pa ang may ganang mang-asar. “Sino ba ‘yong mga ‘yon?” tanong ko at umupo ako dahil medyo nahilo ako. “Stalkers,” sabay tingin niya sa gilid at this time, ako naman ang tumawa. “Seryoso? May nangsstalk sa’yo? Pfft!” Sinamaan niya ako ng tingin at mukhang na-offend siya. “Kung ganito ba naman ang itsura mo,” he said smugly while holding his face tenderly. Yuck. “Kung ganyan ang itsura ko, hindi ko na papangarapin na ipanganak.” Pinigilan ko naman ang tawa ko nang nakita ko siyang huminga nang malalim. Asar-talo. Pfft. “Pasalamat ka may sakit ka at mabait ako,” sabi niya naman at bigla niya akong tinulak papunta sa lamesa. “Ikaw? Mabai—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang sinubo sa akin ang kutsarang may lamang kanin. “Oo. Ayan nga o, pinagluto pa kita. Hay. Ang bait ko talaga.” Tinignan ko na lang siya habang dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto at nakahawak pa rin siya sa mukha niya. Kapal talaga ng isang ‘yon. Feeler. Nagsimula naman na akong kumain at wala talagang kupas ang luto niya. Feeling ko kasinggaling niya si Kuya pagdating sa pagluluto, pero syempre hindi ko ‘yon sasabihin sa kanya dahil baka biglang lumaki ang ulo. In fairness, wala akong ginawa ngayon. Ligtas sa pagluluto at paghuhugas! Pagkatapos kong kumain ay pumasok na ako sa kwarto para sana magpahinga ulit dahil napagod ako sa tatlong babaeng ‘yon pero nakita ko si Dylan na nakatambay lang sa kama niya. “Huy. May pasok ka ‘di ba?” tanong ko at tumingin naman siya sa akin. “Hindi ako papasok.” “Ha? Bakit?” Bigla naman akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napahawak ako sa pinto. Nakita ko namang nagmadali siyang pumunta sa akin. “P-pumasok ka na nga,” mahina kong sabi pero hindi niya ako pinansin at nilagay niya ulit ang kamay niya sa leeg at noo ko. Bakit sobrang lamig ng kamay niya? “Paano ako makakapasok kung may lagnat ka na naman?” Pagkasabi niya no’n ay inalalayan niya ako papunta sa kama ko at mukhang tama nga siya dahil biglang uminit ang mukha ko. Nang makahiga na ako ay inayos niya ang kumot ko kaya napatingin ako sa kanya. Ang bait niya talaga ngayon. Sobrang weird. “Sorry,” mahina niyang sabi. “Hmm?” “Mukhang nilagnat ka ulit dahil sa akin.” Nagkatinginan kami at hindi ko alam kung anong meron pero parang may kakaiba sa kanya ngayon. “Hin—” “Hot ko kasi, eh. Sorry talaga,” sabay iling niya. Okay. Binabawi ko na ang sinabi ko. Hindi siya mabait. Walang kakaiba. Bwisit na lalaking ‘to! Sasamaan ko na sana siya ng tingin pero kapag ginagalaw ko ang mata ko ay nahihilo ako. Napahawak tuloy ako sa ulo ko. “Nahihilo ka na naman?” “Obvious ba?” “Hindi. Malay ko ba kung acting lang ‘yan?” Aba talaga naman! “Ang galing palang mag-acting ng mga nerve cells ko—ouch!” “Di nga? Nahihilo ka talaga?” “Di mo ba narinig na nag-ouch ako?” “Magandang proof yan Lyka” Hindi ko alam kung bakit ganito ang usapan namin pero lalo lang sumasakit ang ulo ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Pinikit ko na lang ang mata ko at iniwan na niya ako para makapagpahinga hanggang sa makatulog ako. *** Nagising naman ang diwa ko pero hindi ako dumilat. Siguro gabi na dahil mas lumamig at naririnig ko ang night life ng ibang estudyante sa floor sa taas namin. “Gising ka?” Nagulat naman ako nang narinig ko si Dylan sa pwesto niya. “Mmm,” mahina kong sagot. “Hindi na ako makatulog.” “Ako rin.” Napadilat naman ako dahil iba ang tono niya. Kahit may nakaharang sa pagitan namin ay naiimagine ko ang serious and calm expression niya. “Bakit?” tanong ko naman. “Naalala ko kasi ‘yong kanina.” “Kanina?” “’Yong sa open field.” Open field? Kung saan ako hinimatay? Ano pa bang ibang nangyari ro’n? “Ano bang nangyari? Wala na akong malay no’ng mga oras na ‘yon, eh.” “’Yon nga.” Bigla naman siyang natahimik at gano’n din ako. But after a few seconds, I heard his voice again. “Lyka?” “Hmm?” “Please don’t do that again. It scared the hell out of me.” Pagkarinig ko no’n, pakiramdam ko ay magkakalagnat ulit ko.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |