Nagpanic ako nung nakita ko si James pero ngumiti lang siya. Pero ang weird dahil after that ay sabay na kaming umorder ng food at siya pa ang nagbayad ng sa akin. Sabay na rin kaming kumain at nag-usap kami about acads. Medyo awkward pero nakakahiya naman kasing umalis at lumipat ng table dahil nilibre niya ako. “Anong next class mo?” tanong niya. “Ahm...ano...history.” “Wow. You know what, I like history but I suck at memorization.” “G-ganun ba? Ayos lang ‘yun, ‘di lang naman puro kabisaduhan dun eh.” Crap. Ano bang pinagsasabi ko? Super walang kwenta! “I-ikaw? Anong next subject mo?” “English” “Ah.” Tinuloy na lang namin ang pagkain since wala na kaming mapag-usapan. Sabagay, di naman kami magkakilala talaga at nagkakilala lang naman kami dahil sa katangahan ko nung umagang ‘yun pati na rin doon sa carinderia. Nagulat naman ako nung may tumama sa paa ko. Pagtingin ko, ballpen lang pala. “Sorry, that’s mine!” Napaangat naman ang ulo ko nung may narinig akong boses ng babae. Nasa gilid ko na siya kaya naman inabot ko sa kanya ‘yung ballpen. “Eto, o.” “Thank you!” Nung napatitig ako sa kanya, parang familiar ang mukha niya. Wait, classmate ko ba siya sa isang subject? Pero parang hindi, eh. Saan ko nga ba nakita ang babaeng ‘to? “Wait. You’re Lyka, right?” sabay turo niya sa akin. “Thank you!” “Uhm, kilala mo ako?” tanong ko naman dahil nagulat ako na alam niya ang name ko. That means, kilala ko nga siya pero hindi ko alam kung sino siya. “Of course. Pinakilala ka sa akin ni Dylan, ‘di ba? I’m Mei.” “Ah! Oo nga pala.” Naalala ko bigla ‘yung babae na na-encounter namin ni Dylan before nung kumakain din kami rito. Naalala ko rin na ang sabi niya, kababata niya ang Mei na ‘to. Napansin ko naman na mapatingin siya kay James, tapos nawala ang ngiti niya. Pagtingin ko kay James, seryoso rin ang expression niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng high level of awkwardness and yes, mas malala pa kanina. “Hi James. It’s been a long time.” “Yeah, how are you?” “I’m fine. And you?” “I’m good.” After that, biglang tumayo si James at tumingin sa akin. “Sige nga pala Lyka, may class pa ako. Thanks for the time. Bye, Mei.” “Uhm, sure.” Nung nakaalis na sa cafeteria si James ay napaupo si Mei sa upuan ni James at narinig ko siyang nagbuntung-hininga. “M-may problema ba?” medyo awkward kong tanong dahil parang nakakabastos kung ‘di ko siya kakausapin after ng nangyari. “Wala naman. Matagal ko lang na hindi nakita ‘yung childhood friend namin ni Dylan. Sige nga pala, alis na rin ako. Bye Lyka!” tapos tumakbo na siya. Ilang segundo pa ang lumipas bago nagsink-in sa utak ko ang sinabi niya. Ibig sabihin, childhood friends silang tatlo? Wow. So sila pala ‘yung sinasabi ni Dylan na dalawang kaibigan niya? Wow. *** Pumunta na ako sa next class ko after nung nangyari kanina at baka ma-late pa ako. Buti at nakaabot ako sa quiz namin sa history. At naperfect ko ‘yun! “Pst, pengeng papel.” Bigla namang may kumalabit sa likod ko kaya muntik na akong mapasigaw. Buti na lang at napigilan ko ang bibig ko. “Bakit?”pabulong kong tanong habang nakalingon. “Kailangan ba may dahilan? Pahingi na.” “Ewan ko sa’yo.” Umatake na naman ang kakulitan ng mokong na Dylan na ‘to. Ang nakakainis, kung hindi ko siya katabi sa mga klase ay nasa harapan o likuran ko naman siya. Ugh! Pakiramdam ko tuloy sinusundan ako ng kamalasan. “Pahingi na kasi.” “Ang kulit mo. Alam mo ‘yun?” Bigla naman niyang hinablot ‘yung bag ko mula sa likuran at kinuha niya ‘yung papel na nasa bungad lang ng bag ko kapag binuksan. “O, eto na bag mo. Thanks sa papel,” sabay smirk niya pa. Gustung-gusto ko na siyang saktan pero dahil may prof pa kami sa harapan ay tinignan ko lang siya nang sobrang sama pero parang wala namang effect. Nakakainis! Hanggang sa mga sumunod na klase ay nang-iinis pa rin siya. Kung hindi manghihingi ng papel, manghihiram ng ballpen o kaya notes sa ibang subject. Nakakairita ‘di ba? Buti na lang at tapos na ang mga klase ko ngayong araw pero ‘di pa rin tapos ang kalbaryo ko sa lalaking ‘to. Sabay kaming naglakad papunta sa unit namin at bigla siyang humarap sa akin. “Lyka, pahiram ng susi bukas.” “Bakit?” “Basta.” “Bakit nga?” “Basta nga. Bakit ba?” Kitams. Sinong hindi magtatangkang suntukin ‘tong hinayupak na ‘to? “Ewan ko sa’yo. Gulo mo.” “Ipapa-duplicate ko nga.” “Yun. Sabihin mo kasi agad, hindi ‘yung basta ka nang basta diyan.” “Nanay ba kita para sabihin ko sa’yo?” Pagkarinig ko nun ay umapaw na talaga ang inis ko sa kanya. “Bakit ba lagi mo akong iniinis ha?! Nakakairita ka na! Bwisit!” tapos pumasok agad ako sa unit at dumiretso sa kwarto. Padabog kong sinarado ang pinto at bumagsak ako sa kama ko. Kinalma ko ang paghinga ko dahil para akong sasabog sa inis. Bakit pa kasi kailangan niyang banggitin ‘yung nanay... Nakakainis. Nakakainis talaga... *** Bigla akong nagising nung may naramdaman akong sakit sa magkabilang pisngi ko. Dumilat ako at biglang bumungad ang mukha ni Dylan sa akin. “Whoa! Gising ka na! Ang galing!” “Oh my go—!” “O, ‘wag kang sisigaw!” Bigla niyang tinakpan ang bibig ko at natigil ang pagsigaw ko. Wala pa ako sa tamang pag-iisip dahil na-shock ako sa nakita ko. Biruin niyo ba namang halos magkadikit na ang tungki ng ilong namin? Tapos nakakurot pa siya sa magkabilang pisngi ko nung dumilat ako kanina! “Pwede ba wag kang bigla-biglang sumisigaw?!” sabi niya at tinanggal ko ‘yung kamay niya sa bibig ko. “S-sino ba naman kasing maysabing ilapit mo ‘yang pagmumukha mo sa akin?!” “Aba, nang-iinsulto ka na naman ba Lyka? Nakakarami ka na ha!” “At saka...paano ka nakapasok dito?!” “Gamit ‘to.” Pinakita niya sa akin ‘yung perdibleng na-deform. “Pwede mo palang gawing sideline ang pagnanakaw, eh. Papasa ka dun, promise!” sabay make-face ko sa kanya. “Ewan ko sa’yo. Magluto ka na nga.” “Hoy, hoy. Ano ako katulong? For your information, ako pa rin ang may-ari ng unit na ‘to. Makautos ka.” “Hoy ka rin. For your information din, Wednesday ngayon kaya ikaw ang magluluto ngayon.” Natahimik naman ako bigla. Wednesday ba ngayon? Aba malay ko ba! “Tss. Tabi nga dyan!” sabay bangon ko at tinulak ko siya nang malakas kaya nauntog siya sa pader. “Ouch!” “Oops. Sorry, napalakas.” ‘Di ko pinahalata pero medyo nagpanic ako dahil rinig ko ‘yung pagkauntog niya. “Sige lang, ipunin mo mga kasalanan mo sa akin. Tignan natin kung sinong iiyak ‘pag nakaganti ako.” Bigla namang nawala ang pag-aalala ko sa kanya dahil sa sinabi niya. “Ha ha. Grabe Dylan, natatakot ako,” tapos binelatan ko siya at lumabas na ako ng kwarto. Agad naman akong pumunta sa kusina at nagluto ako ng adobo. Naghahanda na ako sa lamesa kaya sumigaw na lang ako para tawagin siya. “Hoy kakain na! Lumabas ka na diyan!” Mga 10 seconds na ang lumilipas ay hindi pa rin bumubukas ‘yung pinto sa kwarto kaya pinasok ko na. At pagbukas ko, aba naman! Natulog na! Pagkatapos akong utus-utusang magluto, tutulugan lang ako? “Ho—” Napatigil naman ako sa pagbulyaw sa kanya. Bigla ko kasing naisipan na picture-an siya para may pang-asar ako sa kanya mamaya pagkagising niya. Bwa-ha-ha! Akala mo ikaw lang ang marunong mag-asar? Pwes, it’s my turn! Nilabas ko ang phone ko at naka-tatlong picture siguro ako. Nakakatawa pa ‘yung pangalawa dahil saktong ngumanga siya. After that ay lumapit ako sa kanya. Dahil nakaharap siya sa pader, doon ako sa likuran niya at tumapat ako sa tenga niya. “HOY KAKAIN NA!” sigaw ko sa tenga niya at bigla niyang hinawakan ‘yun. “Mmm, teka lang.” Tsk. Kainis naman. Hirap talaga gisingin ng isang ‘to. Napakatulog-mantika. Lumapit ulit ako sa tenga niya. “KAKAIN NA NGA EH! BUMANGON KA NA DIYAN!” “Ano ba ‘yan Lyka?! Ang ing—” Biglang bumukas ang mga mata niya at nanlaki naman ang sa akin dahil sa sobrang gulat. Bigla kasi siyang umikot. Sobrang kinilabutan ako at feeling ko lumipad ang kaluluwa ko mula sa katawan ko. Seryoso. Nung nakakalap ako ng lakas sa mga braso ko ay tinulak ko siya palayo sa akin at lumayo ako sa kanya. “N-nakakainis ka! Kumain ka na nga dun!” sabay takbo ko palabas ng kwarto at nagkulong ako sa banyo. OH MY GOD. Bakit kasi siya nag-turn kanina? Bakit kung kailan pa ako bumubulong sa tenga niya? Bakit nagdikit ang lips namin?! Naman! ‘Yung first kiss ko! Bakit sa kanya pa?!
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |