James… After that incident, napalingon ako sa likuran at napatakbo agad ako sa loob ng canteen dahil mukhang papatay ang itsura ni Dylan. “Lyka! Dylan! Dito tayo!” sigaw ni Mei na nasa bandang kanan kaya naman lumapit agad ako sa kanya. Nagpresinta na ako na magbabantay ng gamit namin kaya naman pumila na siya kaagad, pero pagdating ni Dylan sa table ay naramdaman ko kaagad ang masamang aura niya kaya naman napatayo na rin ako at sa kanya ko na lang iniwan ang mga gamit. Pagkatapos naming umorder, saka ko lang napansin na ako lang ang naka-rice meal habang silang dalawa ay macaroni spaghetti lang. Diet? “Wala ka na bang break, Lyka? Bakit rice meal ang inorder mo?” tanong sa akin ni Mei. “Wala na, eh.” “Di ba may break ka after Biology?” sabi ni Dylan habang kinakain niya ‘yung spaghetti. Epal talaga ‘to. “May gagawin kasi ako.” “Weh?” Huminga na lang ako nang malalim at hindi ko na siya sinagot dahil nakakahiya namang mag-away kami sa harapan ni Mei. And speaking of nakakahiya, napayuko ako dahil sa tinanong ko kanina. Kaya naman habang busy si Dylan sa pagcheck ng phone niya at pagkain ay kinalabit ko sa hita si Mei at napatingin siya sa akin. “Sorry ulit,” mahina kong sabi at ngumiti naman siya. “Okay lang. First time kong may mapagsabihang babae tungkol sa crush ko.” Bigla naman akong nacurious sa sinabi niya. Hindi kaya magkatulad kami? Pero nakakahiya nang magtanong after nung kawalanghiyaan ko kanina. Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanilang dalawa. Nag-uusap lang sila tungkol sa kung anu-ano pero halatang-halata mo na super close sila. Bigla tuloy akong may naalala. Nakakamiss lang na magkaroon ng best friend. “James...” Nagulat ako nung bigla kong nasabi ang pangalan na ‘yun kaya napatakip ako ng bibig. Dahil nakatingin sa akin si Mei na para bang nagtatanong ay napilitan akong sabihin kung bakit ko nasabi ‘yun. “S-sorry. James kasi ‘yung pangalan ng best friend ko,” sabay napayuko ako at mahinang sabi ng, “dati.” “Ah, kaya pala. That explains your expression a while ago. Napansin ko kasing medyo nagulat ka nung sinabi ko ang pangalang James.” Ngumiti na lang ako sa kanya dahil hindi ko alam ang isasagot. Nagulat naman ako nung bigla siyang nag-giggle. Nacurious ako kung bakit pero nahihiya na akong magtanong, pero bigla naman siyang nagsalita. “You know what? Ngayon lang ako nakipagkwentuhan ng ganito sa isang babae.” “H-Ha?” Bigla naman siyang natawa habang ako ay ‘di makapaniwala. “Yup. Paano kasi, dalawang guys ang best friends ko. Plus, malalakas pa ang appeal,” sabay tingin niya kay Dylan at nagpa-cool naman ang loko. Wow. Feel na feel. As if! “So maraming naiinggit na girls sa akin at minsan ay inaaway nila ako. Kaya wala rin akong makausap na girls dahil sa kanilang dalawa, pero enough na ang company nina James at Dylan para sa akin.” “Wait. James?” “Yeah. He’s also my best friend.” Wow. May crush siya sa best friend niya at very vocal siya about doon? Strong. “That must be tough.” “True. Pero ayos din kasi para silang knights in shining armor kapag kailangan ko ng tulong.” “Uh-hum! Nandito pa ako. Uh-hum!” pagpapapansin ni Dylan at nakita kong medyo nahihiya siya pero hindi namin siya pinansin. Nagtawanan lang kami ni Mei dahil kinuwento niya ang ilang nakakatawang moments nila nung high school habang si Dylan ay namumula na sa sobrang hiya. “So ilang taon na kayong magkakaibigan?” tanong ko. “Kami ni Dylan, 10 years na. Si James naman, 7 years.” Huh. Seven years, huh. Ganun na rin pala katagal nung huli kong nakita si James. Teka...hindi kaya... Hindi. Malabo. “ So after 3 years n’yo lang nakilala si James?” “Yup. Bagong lipat siya sa subdivision namin dati. Hindi nga siya friendly nung una, eh. Lumipat sila after ng birthday niya.” Wait. Umalis sina sa James sa lugar namin…after his birthday too. Hindi ko alam kung dala lang ‘to ng pagkamiss ko sa kanya o sadyang sobrang dami lang na coincidence. “P-pwede bang malaman kung kailan ang birthday ni James?” “April 7.” Pagkasabi niya nun ay halos kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Oh God. Magkapareho rin sila ng birthday. Hindi na lang ‘to nagkataon. Ibig sabihin ba... “Ganun na ba ako kasikat para pag-usapan n’yo?” Sabay-sabay kaming napatingin sa likuran nung narinig namin ‘yun at napatigil ako sa paggalaw nung nakita ko si James. So it’s him. Ang James na nakilala ako dahil sa katangahan ko sa may Engineering complex and at the same time, ang James na best friend nina tinutukoy nina Mei at Dylan. “Speaking of the devil,” bulong sa akin ni Mei. “You’re not that famous. Anyway, dito ka na lang, may vacant seat pa naman.” Namangha naman ako kay Mei dahil nagagawa niyang kausapin nang ganun si James kahit na may gusto siya sa kanya. Ni wala man lang bahid ng awkwardness. “Dylan!” “Aba, ngayon ka na lang nagpakita, ah.” Nagbro-fist naman sila, o kung ano man ang tawag doon. Bigla naman akong nakaramdam ng tension dahil parang naging awkward ang atmosphere sa pagitan naming apat. Sabagay, magiging awkward talaga. Si Dylan, may gusto kay Mei. Si Mei naman, may gusto kay James. Tapos si James, may gusto sa akin... Hahaha! Joke lang! Anyway, nagmukha tuloy akong epal dito sa magkakaibigang ‘to. “Ay oo nga pala. ‘Di ba magkakilala na kayo ni Lyka, James?” sabi ni Mei. Oo nga pala, nakita niya pala kaming kumakain noon. “Magkakilala kayo?” tanong naman ni Dylan. “Ah, oo. Nakita ko siya sa may Engineering complex.” Oh my gosh! Baka ikuwento niya! Huwag! “Anong ginagawa mo sa Engineering? Wala ka namang klase doon, ah?” tanong niya sa akin at bigla ko na namang naalala ang kahihiyang nangyari doon. “B-bakit masama? Masama bang pumunta doon?” Bigla naman siyang ngumiti nang nakakaloko kaya kinabahan ako. “Kaya ka pala nagkaganon,” sabi niya nang mahina at na-rattle ang utak ko kung anong ibig niyang sabihin doon. “So paano kayo nagkakilala?” This time, si Mei naman ang nagtanong. Nahalata yata ni James ang panic sa expression ko kaya bigla siyang tumawa nang malakas. Lalo pa akong nahiya nung nagsimula na siyang masalita. Ibubuking na niya ang kahihiyang ginawa ko! “Nalaglag kasi ‘yung mga gamit niya sa daan kaya tinulungan ko siyang pulutin.” Ready na sana akong lumubog sa lupa pero nagulat ako nung sinabi niya ‘yun. Kelan nangyari ‘yun? “Wow naman, feeling gentleman,” sabi ni Mei sabay hampas kay James. “Aray. ‘Yan ka na naman.” Napangiti ako habang nakatingin sa kanila dahil ang cute nilang tignan. Nung si Dylan naman ang nakita ko ay muntik na akong matawa dahil nagsasalubong na ang kilay niya habang nakatingin sa kabilang side. Nagulat naman ako nung biglang tumingin sa akin si James at ngumiti nang nakakaloko kaya naman nag-iwas ako ng tingin. Naglilinger pa rin kasi sa isip ko ‘yung coincidences sa kanya at kay James na best friend ko dati. Gusto kong malaman kung iisang tao lang ba sila. Hindi ko rin kasi madetermine sa itsura dahil parang ang layo naman...or baka nagmature at nag-iba lang ang features ng mukha niya. Nakakahiya namang tanungin ang buong pangalan niya. Okay. There’s only one way to solve this. Tandang-tanda ko ang balat ni James na best friend ko sa batok niya. ‘Yun na lang ang ichecheck ko pero hindi ko masyadong makita sa posisyon ko dahil ang tangkad niya, kaya naman naglabas ako ng ballpen at kunwari ay nahulog ko malapit sa pwesto niya. Napansin naman niya ‘yun at parang nagbabalak siyang kunin sa bandang likuran niya kaya naman pinigilan ko kaagad siya. “Ako na!” Napatingin siya sa akin na parang nagulat. “Ako na ang kukuha. Kumain ka na lang dyan,” sabay ngiti ko. Hindi pa kasi tapos ang tatlong ‘to na kumain. Tumayo ako at naglakad papunta sa likuran niya para pulutin ‘yung ballpen. Pagdating ko sa likuran niya ay napahinto ako at halos napatigil din ako sa paghinga. Meron siyang balat sa batok. “Lyka?” Napatingin naman ako kay Mei nung narinig kong tinawag niya ako. “H-Ha?” “May problema ba?” “Ah...ah ano...na-nalaglag lang ‘yung ballpen ko,” sabay pulot ko naman at bumalik na ako sa upuan ko at hindi ko pa rin mapaniwalaan ang nakita ko. Napatingin ako kay James at napatigil siya sa pagkain. Sobrang kinakabahan ako pero nilakasan ko ang loob ko. “Anong buong pangalan mo?” seryoso kong tanong at wala na akong paki kung nakatingin man sa akin sina Mei at Dylan. Napalunok naman ako nung ngumiti siya pero may halong lungkot sa mga mata niya. “James Patrick Sison.” Shit. Siya nga. Kahit hindi na ako makahinga nang maayos ay pinilit ko pa ring kumalma at hindi ako nagpakita ng kahit anong weird expressions bukod sa straight face. Nung may pinag-uusapan na sina Mei at Dylan at hindi na sila nakatingin sa amin ay saka lang ako nagpakawala ng buntung-hininga. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod kong narinig. “It’s me,” mahinang sabi ni James habang nakatingin lang sa plato niya. “Sorry for leaving you, Lyka.” And after those words, bumalik lahat ng nangyari nung mga bata pa kami...at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako agad at lumayo ako sa kanilang tatlo.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |