Isang linggo na rin ang nakakaraan simula noong nangyari 'yon. Ang nakakainis lang, bago ako matulog ay naiisip ko pa rin ang lahat. I would think about the 'what ifs' but they would always end up with what happened that day—with the reality. "Nakangiti ka na naman diyan, babae," sabay hampas sa akin ni Kuya ng bimpo. "Tulungan mo nga muna ako ro'n sa kusina." Inirapan ko naman siya kahit nakatalikod na siya sa akin at wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya. "Kuya!" sigaw ko nang makita ko kung ano ang ipapagawa niya sa akin. "Ano? Hiwain mo na 'yang mga 'yan at malapit na silang dumating." Napakasama talaga! Paghiwain ba naman ako ng sandamakmak na sibuyas? At dahil ang dami niya ngang ginagawa ay hindi na ako nakatanggi. Para tuloy akong tangang iiyak-iyak do'n habang naghihiwa. Pagkatapos no'n ay naghilamos ako at badtrip lang dahil nakikita kong tinatawanan ako ni Kuya kaya winisikan ko siya ng tubig. Hah! Akala niya ha? Bumalik naman ako sa sala at nanood na lang ng kung anu-ano para magpalipas ng oras. Medyo nadi-distract nga lang ako sa amoy ng niluluto ni Kuya. Ah, siya nga pala, pupunta sina Mei at James dito mamaya. Yes, sila na, at sobrang saya ko para sa kanila. Ako naman, heto, isang linggo nang nababaliw . . . *** "Dylan, please naman oh? Tama na 'yong ginawa mo noong nakaraan. Kung sasaktan mo lang ulit ako, tigilan mo na ako." "Hindi ako nagbibiro!" he yelled, as if he was fighting against the sound of the pouring rain. "Mei made me realize a lot of things. I wasn't aware of my own feelings." Napansin ko namang nagtinginan ang mga taong malapit sa amin sa direksyon niya kaya nilingon ko siya at nagulat ako nang makita ko siyang nakaluhod. "What are you—!" "Alam kong mahirap paniwalaan lalo na't nakita mo kung gaano ako nasaktan noong umalis si Mei pero totoo ang sinabi ko kanina," sabi niya at hindi ko alam kung umiiyak ba siya o dahil lang 'yon sa pagpatak ng ulan. "I already sorted my feelings and the truth became clear to me. Gusto kita. Ikaw, Lyka, hindi si Mei. Ikaw." Pagkasabi niya no'n ay bumagsak na rin ang luha ko at hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako dahil alam ko kung gaano niya kamahal si Mei. Paano kung sinasabi niya lang 'yan dahil nasaktan siya? Paano naman ako? "Give me a chance, Lyka," he said, still kneeling. "Gusto kong patunayan sa'yo na totoo lahat ng sinabi ko. Noong umalis ka nang wala man lang paalam, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya please, huwag ka namang umalis ulit." "Ikaw naman ang may kasalanan no'n," mahina kong sagot. "Alam ko. Alam kong mahirap din ang hinihiling ko pero sana, kahit mapatawad mo lang ako sa mga ginawa ko sa'yo." His eyes looked sincere and I felt guilty for doing this to him. Alam ko rin namang hindi lang ako ang nasasaktan. Alam kong ilang taon siyang nagtiis at nagtago para kina Mei at James pero ang hirap sabihin na okay lang ang lahat kahit hindi. "Fine. Apology accepted," I coldly said, "but that doesn't mean I'm giving—" "That's enough for me," sabi naman niya at saka siya tumayo. Habang naglalakad siya papunta sa direksyon ko ay ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. Parang lalabas sa dibdib ko. "What?" tanong ko nang tumigil siya sa harapan ko at lalo akong hindi nakagalaw dahil bigla niya akong niyakap. "Thank you," he whispered as we both got drenched in the rain. *** "Lyka!" Napatayo naman ako nang bigla kong narinig ang boses nina Mei at James. Pagtingin ko, nandoon na sila sa labas ng gate at kumakaway sa akin. Napangiti naman ako nang makita ko sila. Pinagbuksan naman sila ni Kuya at palihim silang natawa dahil nakalimutang tanggalin ni Kuya 'yong suot niyang apron na may design na Hello Kitty. "'Sup?" pa-cool na bati ni James kaya naman binatukan siya ni Mei. Dumiretso naman sila sa pag-upo sa tabi ko at hindi na ako nakanood nang maayos dahil sa pagdating nila. Aba, at talagang holding hands sila sa harapan ko. Iba rin ang galawan nito ni James. Napansin naman ni Mei ang expression ko kaya nagsimula silang asarin ako hanggang sa in-arm lock ko na si James dahil nakakarami na siya sa pagbanggit ng pangalan ni Dylan. Ang alam ko na lang, naghahabulan na kaming tatlo dahil sa pang-aasar namin sa isa't isa. Habang tumatakbo si Mei papunta kay James ay napangiti ako. Masaya ako para sa kanila. Grabe rin kasi ang naging sitwasyon nila. After all those years, sila pa rin pala ang magkakatuluyan. Napatigil naman kamin tatlo nang biglang tumunog ang doorbell. "Mukhang sila na 'yan!" sigaw ni Kuya mula sa kusina. "Lyka, pagbuksan mo sila at baka masunog 'tong niluluto ko 'pag iniwan ko!" Sinunod ko naman siya at lumabas ako. Pagdating ko sa gate ay pinagbuksan ko sila. As expected, sila nga. "Hi, Lyka!" Ate Catherine greeted while hugging me. Muntik pa kaming matumba dahil masyado siyang excited. "Cath, 'di makahinga si Lyka," sabi naman ni Dylan. Yup. Kasama siya. Isang linggo na rin simula nang mangyari 'yon at isang linggo ko na rin siyang pinapahirapan. Nakakagulat nga dahil para siyang ibang tao kung ikukumpara sa Dylan na nakilala ko sa university. Ganito pala siya 'pag seryoso. Nakakakilig. "O," sabay abot niya ng bouquet of flowers habang nakatingin sa kabilang direksyon. Saglit naman akong napangiti pero nang tumingin na siya sa akin ay agad akong nag-poker face. Natawa tuloy si Ate Catherine sa amin. "Ang cute-cute n'yong dalawa," she commented and she pushed both of us towards the house. Pumasok naman kaming tatlo at nakakatuwa dahil nandit kaming lahat. Na-promote kasi sina Ate Catherine at Kuya sa work nila kaya ayan, may celebration. Inimbita ko na rin sina Mei at James dahil nami-miss ko na sila. "Long time no see," bati ni Dylan kay James at nagtapikan sila ng kamay. Bigla naman akong napaisip. Bakit 'pag mga babae ang nagkikita, todo yakapan, ano? Pero 'pag mga lalaki, parang casual lang. Ang weird tuloy na na-imagine kong nagyayakapan ang dalawang 'to at clingy sa isa't isa. Kinulabutan tuloy ako bigla. "Uy, pagamit ha?" bigla namang sabi ni James nang buksan ko ang computer namin. Facebook agad ang binuksan niya. "Tagal mo nang 'di gumagamit nito ah?" sabay tingin niya kay Dylan. Kaka-stalk ko lang sa kanya kaya um-agree naman ako. Halos five months na yata ang huli niyang activity. "Ayoko," sagot naman ni Dylan. "Laging tinatanong 'yong what's on my mind, eh." Sinamaan naman namin siya ni Mei ng tingin dahil paniguradong corny na naman ang sasabihin ng isang 'to. "Ituloy mo na para mahampas na kita," sabi naman ni Mei habang naka-ready na ang unan kung corny man ang joke o pick-up line niya. "Tanong mo muna kung bakit," dagdag ni Dylan at tumingin naman silang tatlo sa akin. "O, bakit ako pa?" tanong ko naman. "Dali na, para matapos na 'to, Lyka," reklamo pa ni Mei at napabuntong-hininga na lang ako. "Fine. Bakit?" "Eh kasi ikaw lang naman nasa isip ko," sabi niya habang nakatitig sa akin. "'Pag nilagay kita ro'n, ishe-share kita sa kanila. Para ano? I-like nila? Bawal." Pumalakpak naman si James at hinampas ni Mei si Dylan habang tumitili. Ako? Hindi ko alam kung maiinis ba ako o kikiligin sa sinabi niya pero nang ngumiti siya ay nagwagi ang kilig. Hindi ko nga lang pinahalata. Tumabi naman siya sa akin at nagulat ako sa binulong niya. "Bawal kasi akin ka lang." Pagkatapos no'n, sinuntok ko siya sa braso at tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Badtrip. Bakit siya ganyan?! Wala na. Nahulog na naman ako.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |