Anong gagawin ko?! Wala akong dalang pera! Nagastos ko na! “Siya po,” sabay turo sa akin. What the heck? Ngayon tinuro niya pa ako? Pahamak talaga ‘tong lalaking ‘to! At aba, nagbelat pa ang walanghiya! Nakakasar! “Miss, you have to pay this. Dahil isang set ang nabasag mo, 4700 ang babayaran mo.” Nanlaki ang mga mata ko nung marinig ko ang presyong sinabi nung babae. “P-po? P-pero po wala akong dalang pera ngayon.” “Oh paano ‘yan? Kailangan mo ‘tong bayaran ngayon. Kung hindi, magsasabi kami sa pulis na hindi ka nagbayad.” Naglakad siya papunta sa may cashier at kinausap niya ‘yung staffs doon. Naramdaman ko naman na malapit nang pumatak ang luha ko. Paano ‘to? Nasa bahay ‘yung pera ko at hindi ko alam kung kasya ‘yun. Anong gagawin ko? Nakakainis naman kasi eh! Pinagtitinginan na kami ng mga tao na kumakain at bumibili doon. Bwisit kasi tong lalaking ‘to eh! “Nakakainis ka!” sabay tingin ko nang masama sa kanya. “Ako ba may kasalanan? Ikaw humarap sa akin dyan eh!” Bigla naman akong napatigil sa pagpatay sa kanya sa utak ko. May naisip akong paraan pero...ugh! C’mon, Lyka, kailangan mong gawin ‘to! Isantabi mo muna ang pride mo. Kaya ko ‘to! “PAUTANG NGA!” “Haharap pa kas—ANO?!” Mukhang hindi siya makapaniwala dahil wala siyang masabi after that. Kaya naman inulit ko sa kanya ang sinabi ko. “Sabi ko pautang!” “Ayoko nga. Bahala ka na nga dyan! Alis na ‘ko.” Ahh! Di pwede ‘to! Hinatak ko ang braso niya at pinigilan siya sa pag-alis. “Ano ba, bitiwan mo nga ako!” “Pautang na kasi!” “Ayoko nga sabi!” “Sige na! Please?” “Close ba tayo ha? Bahala ka na nga dyan!” Dahil nafufrustrate na talaga ako sa nangyayari ay naiyak na lang ako at hindi lang basta iyak, humikbi na ako at medyo hindi na makahinga dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko namang makulong at ayokong makarating pa ‘to kay Kuya. “Ano ba ‘yan? Nagpapaiyak ng girlfriend? Anong klaseng lalaki ‘yan?” “Bakit kaya sya umiiyak? Nakakainis naman ‘yung lalaki, mukhang inaway. Wala talagang kwenta mga lalaki eh. Kahit kailan.” Napatigil ako nung narinig ko ang usapan ng dalawang babae na kakapasok lang sa store kaya may naisip na naman ako. Nilakasan ko ang pag-iyak ko habang hinahatak-hatak ko ang braso niya at nagmamakaawa na pautangin niya ako kahit ang sakit-sakit na sa pride ko. “Shh, wag ka na ngang umiyak! Ako napapahamak dahil sa’yo eh!” Agad akong tumigil sa pag-iyak nung narinig ko ‘yun. “P-papautangin m-mo na ako?” Pinunasan ko ang luha ko at humarap ako sa kanya. “Oo na! Nakakainis ka!” “Yes! P-promise babayaran ko. T-thanks!” sabay taas ko pa sa kanang kamay ko. “Fine! O ayan! Bahala ka na dyan!” tapos tumakbo na siya palabas ng store. Pagtingin ko sa inabot niyang pera, muntik na akong mapasigaw. Gosh, 5000?! Ang yaman naman niya para magkaroon ng ganung pera sa wallet niya! Bago pa ako maguilty ay nagmadali akong pumunta sa cashier at binayad ko ang perang pinautang niya. Nakahinga ako nang maluwag nung nakalabas na ako sa store at dali-dali akong naglakad pauwi. Pagdating ko sa bahay, parang wala lang ako sa sarili at humiga na lang ako sa kama. Grabeng first day naman ‘to, kamalasan kaagad. Pumikit ako at tinigilan na lang ang pag-iisip tungkol doon. Kailangan ko na ring matulog at baka ma-late pa ako sa klase ko bukas. Tama, hindi ko na lang muna iintindihin ‘yun. *** Buti at nagising ako sa alarm clock. Nagprepare agad ako at nagluto ng sinangag at hotdog for breakfast. Naalala ko tuloy si Kuya. Dati siya ang naghahanda para sa’kin pero ngayon, sariling sikap na. Hay, nakakamiss kahit tatlong araw pa lang ako rito. Naligo na rin ako at nagbihis. Dahil first day, kailangan presentable ang suot kaya nag-skirt ako at pinagpatong ko na lang ‘yung dalawang damit. Cute naman tignan eh. And I’m off! Dahil sa Math Building ang una kong klase, naalala ko na naman ang lalaking ‘yun at kusang kumunot ang noo ko. Teka, ‘di ko pala alam pangalan nya. Paano ko mababayaran...Ay, bahala siya! Napahinto naman ako bigla dahil sa naisip ko. OMG! ‘Di ko dala ‘yung pambayad ko! Patay na—pero teka...sabagay, ‘di ko naman sigurado kung makikita ko siya ngayon. Aba baka hindi ko siya makita buong sem! Ayos ‘yun! Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko at nung makarating ako sa room, wala pang tao. Masyado yata akong maaga. Sabagay, 6:40 pa lang. Umupo na lang ako sa bandang dulo dahil hindi ako ganoon ka-talented sa pakikipagsocialize. Maya-maya lang ay nakita ko nang dumarating ang mga classmate ko. Nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko nung may nakita akong pamilyar na mukha. Kita mo nga naman oh, sa kasamaang palad, classmate ko pa siya. Hay Luka, magpakabait ka. Malaki ang utang mo dyan... Oh my God, yung utang ko! Yumuko agad ako nung nakita ko siyang pumasok sa room. Mukhang ‘di niya ako nakita kaya nakahinga ako nang maluwag. Ayoko namang singilin niya ako sa harap ng maraming tao. Nakakahiya! Maaga rin namang dumating ‘yung professor namin. Dahil first day, nagpakilala lang sya at inintroduce ang subject. Nagulat naman ako nung pinatayo kami. Anong meron? “Okay class, para ‘di ako mahirapan magcheck ng attendance at para madali ring magrecord, I’ll arrange you according to your colleges and courses.” Akalain mo ngang may seating arrangement pa rin pala kahit college?! Akala ko pa naman, kahit saan na pwedeng maupo...t-teka...ibig sabihin malaki ang possibility na malapit ako sa kanya dahil pareho kami ng course? And worst, magiging seatmate ko sya? Oh God, please no! “Alonzo, Kristell Lyka here.” Unang una pa oh. Nga naman. ‘Di na nagbago simula high school. “Arellano, Dylan next to Alonzo.” Tinignan ko naman kung sinong papunta sa tabi ko at nagulat ako nung nakita kong naglalakad siya. Tumingin agad ako sa kabilang side para hindi niya makita ang mukha ko. Naman, anong klaseng kamalasan ba ‘to?! Pero nagulat ako nung bigla siyang bumulong... “Hoy ‘wag ka nang magtago. Nakita na kita. Utang mo?” Sabi ko nga nakita nya ako! Dahan-dahan naman akong umayos ng upo at tumingin sa kanya. “Oo na, bukas ko babayaran. Naiwan ko sa bahay eh.” “Siguraduhin mo lang. Baka takasan mo ako.” “Kung pwede nga—I mean, paano kita matatakasan eh magkaklase nga tayo rito?” “Aba malay ko ba kung ‘di ka pumasok bukas? O kaya the next day?” “Hoy attendance din ‘yun! Babayaran ko nga bukas.” Nagpatuloy namang magdicuss si Sir pero general information lang about sa subject. ‘Di naman sa pagmamayabang pero medyo may ibubuga naman ako sa Math nung high school kaya sana madali kong ma-gets ang mga ituturo nya sa amin. “God. I hate Math,” rinig kong bulong nitong katabi ko sa sarili niya. Ano ba ‘tong nilalang na ‘to? Nagsasalitang mag-isa. Baliw? Hate daw ang Math? Ang saya-saya kaya nito! “I love Math! Masaya ‘yun!” bulong ko naman. “Tinatanong? At saka bakit mo ba ako kinakausap ha?” Bwisit talaga ‘to. Buti nga kinakausap pa sya eh, kaysa naman nagsasalita siyang mag-isa! “Feeling ka. Kausap ko kaya sarili ko. At saka bakit mo ba ako kinakausap ha?” “Ewan ko sa’yo. Ang hilig mo ring manggaya ng mga sinasabi, ‘no? Baliw.” Ugh! Bakit ba kapag nakikipagtalo ako sa kanya feeling ko ako lagi ang talo? Hindi naman ‘di ba? Natapos naman kaagad ang Math kaya English naman ang sunod kong subject. One hour pa ‘yung break ko pero pupunta na rin ako sa building dahil wala naman akong gagawin at tinatamad na rin akong bumalik sa apartment. Palabas na ako sa pintuan kaya lang may humatak sa braso ko. “Ano ba?” Pagtingin ko, siya na naman. “Ano bang problema mo ha? If you don’t mind, may klase pa ako.” “May klase? Bakit sa schedule mo may one hour break ka pa?” At paano naman nalaman ng taong ito? Stalker ba sya? Ayan, umaatake na naman ang kakapalan ng mukha ko dahil sa kanya. Kainis! “Paano mo nalaman? Stalker ka ba?” “Kung ikaw ang ii-stalk, no way. Ayan oh! Kitang-kita kaya!” sabay turo niya doon sa ataché case na hawak-hawak ko. S-sabi ko nga, pahiya ako. Bigla naman nya akong hinila. Ang lakas niya ha? ‘Di ako makapalag at baka bigla nalang akong madapa sa sobrang bilis ng lakad niya. “Teka, saan mo ako dadalhin?” Bakit ba feeling close ang isang ‘to? Dahil ba may utang ako sa kanya ay ganito na niya ako tatratuhin? Bigla naman siyang huminto kaya napahinto rin ako. Oh-kay. Alam kong canteen ‘to pero wag niyong sabihing kakain kaming dalawa? “Kakain tayo?” “Ano bang ginagawa sa canteen?” tapos pumasok na siya. Di naman ako gumalaw doon. Kasabay ko siyang kumain? ‘Yun na yata ang huli kong pangarap. Kung pwede nga wag ng mangyari. Bigla naman siyang lumingon tapos nag-sign na pumasok ako. “Ayoko! Bahala ka diyan!” Naglakad ako palayo doon sa canteen, kaso nakakatatlong hakbang pa lang ako ay may humawak na naman sa braso ko. “Says who?” “Says me.” Pumunta naman siya sa likod ko at tinulak-tulak pa ako papasok dun sa canteen. “Ano ba? Ayoko nga.” “Dali na, ang arte mo.” “Eh sino ba kasing nagsabi na isama mo ako rito? Hindi naman ako nagugutom kaya mag-isa ka na lang kumain!” “Hindi pwede.” “At bakit?” “Well, ikaw ang magbabayad ng pagkain ko. Remember, utang mo?” Napatigil ako at napabuntung-hininga na lang sa trip niya sa buhay. “Fine! Wag mo nang ipaalala. Teka, pera lang naman kailangan mo ‘di ba?” Tinignan ko ‘yung wallet ko at sa kamalas-malasan, walang barya— 200 pesos na buo ang andoon. Nagulat naman ako nung bigla niya ‘yung kinuha tapos tumakbo doon sa counter. Wow. Ngayon kailangan ko pang hintayin ‘yung sukli. Teka, hindi naman niya siguro uubusin ‘yun, no? Naghanap naman ako ng table kaya lang puro pandalawahan na lang ang mga natitira. Teka nga? Ano naman, eh kukunin ko lang naman ‘yung sukli? Okay na rito, siya lang naman mauupo dahil aalis din ako agad. Nakita noya ako kaya papunta na siya rito sa table. Hay salamat, makakaalis na ako. “Oy akin na ‘yung sukli ko at aalis na ako.” “Says who?” “Says me.” “Oo. Kakain muna ako bago ko ibigay. Kung gusto mo, kunin mo sa bulsa ko.” Napapikit na lang ako para makontrol ko ang emosyon ko. Nakakainis talaga siya! Alangan namang kunin ko sa bulsa niya? Nakakahiya ‘yun! Makita pa ng ibang tao, sabihin kung anong ginagawa ko. Ngayon kailangan ko pang maghintay! “Bwisit ka talaga.” “I know,” sabay tawa pa niya. Dahil mukhang hindi bibigay ang isang ‘to ay nilapag ko na lang ang bag ko sa lap ko. Pagtingin ko sa kanya, nahampas ko bigla ‘yung mesa. “Apat na kanin?!” Nabilaukan naman siya sa gulat kaya nagpanic ako. Nag-iba kasi ‘yung kulay ng mukha niya. Napatayo tuloy ako ng di-oras at tinapik-tapik ko ang likod niya. Maya-maya lang, ayos na siya nung uminom siya ng tubig na inabot ko. Buti naman! “Papatayin mo ba ako ha?!” “Pasensya naman! Eh nagulat lang naman ako! Paano ba naman... ” tapos tinuro ko ‘yung pagkain nya, “kaya mong ubusin ‘yan?” “Eto? Parang apat lang!” Hindi naman halatang gutom siya no? O ‘yan talaga ang normal na dami ng pagkain niya? Ay ewan! Wala na akong balak alamin. Wala pa sigurong ten minutes ay tapos na siyang kumain. Ibang klaseng talent ‘yun ah! Ang bilis niyang kumain. Take note, four whole rice ‘yun! “Akin na ‘yung sukli ko,” sabi ko sabay lahad ng palad ko pero bigla siyang tumayo at naglakad palabas ng canteen. Aba?! Pagkatapos niya akong paghintayin?! Tumakbo agad ako at hinawakan ko siya sa braso. “Hoy ‘yung sukli ko! ‘Wag mong sabihing 200 lahat ‘yun? Sabi ko naman sa’yo babayaran ko bukas ‘yung utang ko eh. Balik mo na ‘yung sukli dahil wala na akong dalang pera!” Naglalakad pa rin siya kahit hawak ko ‘yung braso niya. Grabe, ako pa ‘yung nakakaladkad ah! “Sa room ko na lang ibibigay.” “Dito na lang! Bakit sa room pa—” Teka, anong sabi niya? Room?! “What do you mean… sa room?” Ngumiti siya nang nakakaloko at hindi ko alam kung tama ang naiisip ko. Don’t tell me, classmate ko rin siya sa English?
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |