Inabot na kami ng dilim sa bahay kaya nagpaalam na sa akin si James at makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si Dylan. At si Mei. Hindi ko alam pero medyo hindi ko gusto ang set up na 'to. Wala namang ginawang masama sa akin si Mei pero naiinis ako sa mga kinikilos niya. Sisilipin ko sana kung anong ginagawa at pinag-uusapan nila sa sala pero baka isipin nila ay tsismosa ako kaya nag-stay na lang ako sa kwarto. Hay. Ewan. Ang weird ko ngayon. Balak ko sanang magsulat sa post-it notes pero hindi ko 'yon natuloy dahil biglang tumunog ang phone ko. Pagtingin ko, tumatawag pala si James. "O, James! Bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya sa kabilang linya. "Wala―" "Ha?" Tinignan ko naman ang phone ko at pinakinggan ko ulit ang boses niya pero ang chappy talaga. "Teka lang," sabi ko naman. "Lalabas lang ako. Chappy ka." Bakit ba walang signal dito sa kwarto? Epal naman. Tumayo ako at binuksan ko ang pinto para lumabas. No'ng nasa sala na ako, nakatingin silang dalawa sa akin. What? May ginawa ba ako? May dumi sa mukha ko? Masama na bang dumaan dito? Hindi ko na lang sila pinansin at tuluy-tuloy akong lumabas sa bahay para makipagkwentuhan kay James. *** Mei's POV Dylan invited me to his unit and he told me that he's living with Lyka. Syempre, nagulat ako dahil una, hindi niya kaagad sinabi sa akin at pangalawa, babae si Lyka. Kung hindi niya pa nga sinabi ay hindi ko rin talaga malalaman dahil hindi naman halata na nakatira sila sa iisang bahay. Ang weird pa rin sa pakiramdam na kami na ni Dylan. Bwisit kasing James 'yan. Bakit ba kasi siya ang nagustuhan ko? At bakit kasi hindi niya ako gusto? Hay. Okay, Mei. Tama na 'yan. I need to move on from him. I'm with Dylan now so I should do my best to make him happy. Medyo naguilty lang ako dahil kami ang magkasama ngayon pero si James pa rin ang iniisip ko. That James . . . Paasa! Manhid! Pa-fall! Napailing na lang ako dahil gusto ko na siyang tanggalin sa isip ko. Buti na lang at nagkukwento si Dylan ng kung anu-ano kaya nada-divert sa iba ang isip ko. Napatingin naman ako ro'n sa kwarto nila dahil may narinig akong kaluskos sa loob. "Hey Dylan," tawag ko at tumingin naman siya. "Anong tingin mo kay Lyka?" Napakunot naman ang noo niya pero mukhang napaisip din siya. "She's a loner," he said. "Pero para siyang tigre at tuwing tulog lang siya nagiging babae. Bakit mo natanong?" "Ah. Wala lang," I said while flashing a smile. Napunta naman ang usapan namin sa cakes dahil tinanong niya kung ano ang favorite dessert ko pero nawala ang focus ko nang marinig ko ang boses ni Lyka. "O, James! Bakit ka napatawag?" Hindi ko tuloy alam kung malakas lang ang boses ni Lyka o biglang lumakas ang pandinig ko dahil si James ang kausap niya. Somehow, I was curious about their conversation and I felt a bit jealous. Sabagay, siya ang unang best friend ni James. Nauna siya sa buhay niya kaysa sa amin ni Dylan. Hay. Ano ba naman 'to? Sabi ko move on na pero puro James pa rin ang iniisip ko. Kakausapin ko na sana si Dylan pero pagtingin ko ay na kay Lyka rin ang mga mata niya at sakto namang lumingon sa amin si Lyka pagkalabas niya sa kwarto. She looked at us with a confused expression since both of us had a serious face. She hurriedly walked out of the house and we were left with the echoes of her footsteps. Gusto ko pa naman sanang marinig ang usapan nila. "Dito ka na lang kumain," biglang sabi naman ni Dylan kaya napatingin ako sa kanya. "O sige," sabay ngiti ko. "Ang sarap kaya ng luto mo. Bawal palampasin." Pagkasabi ko no'n ay lumawak ang ngiti niya kaya natawa ako. Sa aming tatlo, siya lang ang marunong magluto at pasok naman sa taste namin ni James ang mga ginagawa niya. He excitedly marched towards the kitchen while I watched his back. Nawala naman ang mga ngiti sa labi ko dahil bigla kong naisip ang sitwasyon namin ngayon. Gusto kong sundan si Lyka para marinig ang boses ni James pero ayaw kong iwan si Dylan. Ewan pero parang nagsisisi na ako sa ginawa kong desisyon. I should've said no to him. Dylan has been there for me since we were kids but I wasn't able to notice his feelings. I was broken when James told me that he just sees me as a friend and when I learned that Dylan likes me, I hastily went to him. I thought it would benefit the both of us if I gave him a chance but somehow, it felt like that decision would ruin something. Something I hold dear. I just hope I won't regret my choice. Habang hinihintay ko si Dylan ay tinext ko si James, tinanong kung ano ang ginagawa niya pero hindi naman siya nagrereply. Mukhang magkausap pa rin sila ni Lyka at lalo lang bumigat ang pakiramdam ko. After more than thirty minutes, lumabas na si Dylan sa kitchen at dala niya ang niluto niya―chicken adobo. Nakatingin lang siya sa akin at mukhang hinihintay niya ang judgment ko kaya tinikman ko naman. As expected. "Ang sarap!" I exclaimed and when I saw how his expression brightened, how happy he looked, my heart sank. Bigla na lang akong naiyak dahil naaawa ako sa kanya at naiinis ako sa sarili ko. "Teka, bakit ka umiiyak, Mei? May problema ba?" he asked, worried. "Sorry, Dylan, but I don't think I can continue this anymore," mahina kong sabi habang nakatingin sa pagkain na nakahain sa harapan ko. I couldn't look at his face because of guilt. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa pagitan namin hanggang sa narinig ko ang paghinga niya nang malalim. "It's okay," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. He has this sad smile plastered on his face, that familiar front he always do when he's not feeling good. "Ako naman ang may kasalanan at alam kong napilitan ka lang. Alam ko ring si James pa rin ang gusto mo." Lalo lang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya at hindi ko na alam ang dapat kong sabihin. Sobrang nagi-guilty ako dahil sa ginawa ko at nasaktan ko pa si Dylan dahil doon. "I . . . I'm really sorry," I sobbed and he comforted me like he always does when I'm down. "It's okay, Mei. I already knew this would happen. It was my choice." Niyakap ko naman siya dahil alam kong kailangan niya rin 'yon. What I did was wrong and as his friend, I wanted to console him too. "Alam mo," pagsisimula ko, "kapag daw bumilis ang tibok ng puso mo habang kasama ang isang tao, ibig sabihin ay may nararamdaman ka sa kanya. Attraction, curiosity, fear . . . or love. When I'm with James, I can feel myriad of emotions. I shouldn't have lied to myself or to you," sabi ko at humiwalay ako sa pagkakayakap niya. "Dylan, you should find the person who could make your heart flutter like crazy. Clearly," sabay hawak ko sa dibdib niya, "it's not me." After saying that, he gave me a bewildered look, as if he couldn't understand my words. Medyo gumaan ang pakiramdam ko pagkasabi ko no'n at medyo nalungkot din dahil mukhang hindi na ako ang gusto niya. Siguro ay nakulong lang siya sa pag-iisip na ako pa rin ang mahal niya dahil lagi kaming magkasama. We stayed like that for several minutes. Sana ay pagkatapos nito, maging ayos pa rin kami. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin at ayaw kong mawala siya sa akin. “Gabi na,” sabi niya naman kaya tumayo na rin ako. “Hatid na kita sa inyo.” “Okay.” Niligpit niya lamesa at pagkatapos no’n ay sabay na kaming lumabas sa unit niya. Tahimik kaming naglakad at sa tingin ko ay mas mabuti ‘yon dahil pareho kaming maraming iniisip. Ni hindi ko nga namalayan na nasa harapan na ako ng dorm na tinutuluyan ko. “Sige, Dylan. Thank you and sorry ulit,” sabi ko at ngumiti naman siya sa akin. “Huwag ka nang mag-alala. Balik lang tayo sa dati.” “Promise?” sabay lapit ko sa kanya ng pinky finger ko. “Promise,” sagot naman niya at nag-pinky swear kami. Pumasok ako sa loob pero huminto rin ako at pinanood ko siyang maglakad palayo sa akin. “Mahahanap mo rin ang babaeng magmamahal sa’yo at mamahalin mo,” bulong ko sa sarili ko at saka ako tuluyang pumasok sa dorm.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |