“What? Ang bilis naman ng oras,” reklamo ni Dylan. Halos tatlong oras na kaming nag-aaral at isinantabi ko muna ang pagdadrama ko para sa finals. Sumasakit na rin ang ulo ko dahil may topics akong hindi pa rin ma-gets. Bigla namang pumasok sa isip ko ang sitwasyon nina James at Mei dahil nabasa ko ang pangalang James Watson sa Bio 1 notes ko. Nag-alala na naman tuloy ako sa dalawang ‘yon. Kumusta na kaya sila? Nakapag-usap kaya ulit sila? Ano kayang naging desisyon ni James? Ugh! Nawala tuloy ako sa concentration. Ang weird kasi ng atmosphere sa pagitan nila. Ano kaya ang pinag-usapan nila sa coffee shop? Bakit tumakbo palayo si Mei habang umiiyak? Sinundan siya ni James pero wala namang ginawa ang lalaking ‘yon. Parang ang bigat ng sitwasyon kanina kaya hindi ako nakialam pero ngayon, kinakabahan na ako. Sakto namang nag-vibrate ang phone ko at mula kay James ang message kaya agad ko ‘yong binuksan. You’re right, Lyka. I should’ve said my feelings to her. Now it’s too late. She’s leaving. Bigla naman akong napatayo nang mabasa ko ‘yon kaya tumingin sa akin si Dylan. “O, ano, pagod ka na?” tanong niya habang nakatingala sa akin. Nakahiga ako kanina habang nag-rereview. Inalis na muna namin ang harang sa kwarto tapos naglatag kami sa gitna. Nakahiga ako samantalang siya ay nakadapa sa gilid. Kumunot ulit ang noo niya sa akin dahil hindi ako mapakali. “Nasi-CR ka ba?” tanong niya kaya sinipa ko siya. “Aray! Inaano kita? Seryosong tanong ‘yon!” “Ewan ko sa’yo,” sabay punta ko sa cabinet at kumuha ako ng jacket. “Teka, lalabas ka na naman? Saan ka pupunta? Gabi na—” Hindi ko na siya pinatapos at hinatak ko na rin siya. Mukha namang hindi niya ‘yon in-expect dahil natahimik siya pero makalipas ang ilang segundo ay napatigil ako dahil huminto siya. “Anong meron? Tapos ka na ba mag-review? Hindi pa ako tapos,” reklamo niya naman. “Anong nakain mo at GC ka yata ngayon?” tanong ko dahil dati naman ay wala siyang pakialam kung mababa o mataas ang makuha niya sa quizzes at exams basta raw pasado. “Finals na kaya dapat magseryoso,” sagot naman niya at hindi ko na lang siya pinansin. Pinagpatuloy ko ang paghila sa kanya kahit na ang lakas niya. Buti na lang ay alam ko kung saan ang critical parts ng katawan kaya nagagawa ko siyang pasunurin kapag binabalak niyang tumakas. “Anong oras na?” tanong ko sa kanya habang hila-hila ko siya palabas ng taxi. Andito na kasi kami sa airport at madilim na! “Quarter to eight. Teka saan ba tayo pupunta? Hoy bata pa ako!” I grimaced at him and I almost hit him when he covered his upper body with his hands. Ang kapal ng mukha. Sakto namang may dumaang taxi kaya pinara ko ‘yon at tinulak ko si Dylan papasok sa loob. Kinuha ko ang phone ko at sinubukan kong tawagan si James pero hindi naman siya sumasagot. “Try mo nga ulit tawagan si Mei,” sabi ko kay Dylan at naging seryoso naman ang mukha niya. “Bakit? Ano bang meron?” “Basta!” I exclaimed. Sinunod naman niya ang sinabi ko at tinawagan niya ang number ni Mei pero tulad kanina ay unattended din siya. Tumingin ulit sa akin si Dylan at medyo natakot ako dahil parang iba ang pagka-seryoso niya ngayon. “Tell me the truth,” he demanded. “Anong nangyayari, Lyka?” Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya at ayaw ko rin ‘yong makita. “Lyka.” His stern voice made me flinch and I had to breathe deeply to muster the courage I need to tell him the truth. Ilang minuto pa ang lumipas at tumingin ako sa kanya nang diretso. “She’s . . . she’s leaving, Dylan.” *** “Sir, hindi po pwede rito—” “Bitiwan mo ako!” Tinulak ni Dylan ang guard at nagulat ako sa ginawa niya. Nilapitan ko ang guard at in-explain ko sa kanya ang sitwasyon pero pareho lang kaming sumunod kay Dylan. Ni hindi na nga niya ako hinintay nang makarating kami rito sa airport at tuluy-tuloy lang siya hanggang sa loob. “Mei! Nasaan ka?!” sigaw niya at nagtinginan naman sa kanya ang mga tao. Naabutan na rin namin siya ng guard at hinawakan siya sa magkabilang balikat para awatin. Napahinto na lang ako sa gilid habang tinitignan siyang sumisigaw. Bigla na lang tumulo ang luha ko at napatakip ako sa bibig ko dahil sa kalagayan niya. He was shouting her name, calling her, with all his might, hoping that she would come out. His eyes glistened with tears, his expression was a mixture of worry and frustration. Ang sakit tignan kung paano siya nasasaktan. Ang sakit makita na nasasaktan siya dahil sa kanya. “Mei! Nasaan ka ba?! Magpakita ka, please! Parang awa mo na!” he cried, and every word carried his emotions towards her. Nagtuluy-tuloy ang luha ko habang pinapanood siya. Ngayon alam ko na kung ano ang pakiramdam ni Mei ‘pag lagi niyang iniisip si James. Hindi ko akalaing ganito ‘yon kasakit. Ayoko nang ganito. “Dylan, hindi lang ikaw ang nasasaktan,” bulong ko sa sarili ko. Lahat kami, nagkakasakitan. Lahat kami, damay. Kasi lahat kami, nagmamahal. Bigla naman kaming napatinging lahat sa eroplanong nagsimulang lumipad sa hangin at doon na tumulo nang tuluyan ang mga luha ni Dylan. Nakatayo lang siya ro’n sa gitna habang pinapanood na umalis ang eroplano. Tumakbo naman ako papunta sa kanya dahil alam ko na kung ano ang binabalak niya. “Dylan, stop. Wala na siya,” I sobbed while trying to hold him back. Niyakap ko siya nang mahigpit mula sa likuran dahil pinipilit niyang pumunta sa departure area. “Mei! Mei!” “Dylan, please,” I pleaded. Hindi ko na kayang makita siyang ganito. Nakakaawa at nasasaktan din ako. Nagulat naman ako nang tinanggal niya ang braso ko mula sa kanya. He turned around, grabbed my shoulders and looked at me with his raging eyes. “Ikaw! Kasalanan mo ‘to! Bakit ngayon mo lang sinabi? Sana naabutan ko siya kung sinabi mo nang mas maaga. Sana nandito pa siya ngayon. Sana kasama pa natin siya. Kasalanan mo ‘to! Kasalanan—!” Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa akin. Alam kong nadadala lang siya ng emosyon niya pero para sigawan ako nang gano’n? Bakit? Ako ba talaga ang may kasalanan? Ako na nga ang nagmagandang-loob para pumunta kami rito, ako pa ang nasisi. Ito ba ang makukuha ko sa pagtulong sa kanya? Kahit na sa totoo lang, ayaw kong makitang pigilan niya si Mei sa pag-alis ay ginawa ko dahil alam kong kailangan niyang malaman. Pero ito ang matatanggap ko? Hah. Ang tanga ko talaga. “Salamat, ha? Salamat sa pagsigaw kahit na ako sa totoo lang, ayaw kong gawin ‘to. Ikaw na nga ang tinulungan, ikaw pa ang galit. At ako pa ang nasisi. Nakakainis ka!” sabay hampas ko sa kanya at hindi ko na napigilan ang pag-iyak. “Sa lahat ng tao, bakit ikaw pa?! Ako ba talaga ang may kasalanan? Ha? Ako ba? Sabihin mo nga? Kasalanan ko bang hindi ka niya mahal? Kung alam mo lang kung gaano kahirap sa akin ‘to. Palibhasa, puro ka lang Mei, Mei, Mei. Sige, habulin mo siya. Wala na akong pakialam kahit magmukha kang tanga diyan! Bahala ka sa buhay mo!” Pagkatapos kong sabihin ang lahat ng ‘yon ay tumakbo ako palabas. Ni hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Leche. Sana pinagpatuloy ko na lang ang pag-aaral ko, eh ‘di sana, hindi ako nagkakaganito. Nakalabas ako sa airport at dumiretso ako sa damuhan sa labas. Napaupo na lang ako ro’n habang pilit na pinipigilan ang pag-iyak ko. Gusto ko na lang umuwi. Gusto ko na lang magbasa ng notes para kahit papaano ay makalimutan ko lahat ng nangyari ngayon. Pero mukhang hindi ko talaga kakampi ang pagkakataon dahil bigla na lang umulan. Akala ko sa mga palabas lang nangyayari ‘to pero heto ako ngayon, wala nang paki kahit basa na ako. “I can lend you a hug if you need it.” Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses na ‘yon sa likuran ko at lalo akong naiyak dahil sa ginawa niya. Niyakap niya ako at napahagulgol ako. I was surprised to see her but the pain was stronger. “Mei . . .” I sobbed and without any words between us, I knew we understood each other.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |