“O, mag-ingat kayo,” sabi ni Kuya habang nilalagay sa sasakyan ang mga gamit ko. “Bawal mag-stay sa iisang kwarto, ha? Umayos kayo,” he threatened. “Huwag kang mag-alala, Kuya, ako mismo ang sasapak sa kanya ‘pag may ginawa siya,” biro ko naman. “Pinagtulungan n’yo na naman ako.” Pagkatapos no’n ay sumakay na kami ni Dylan at buti naman at hindi na siya ang nag-drive. Kasama namin ngayon ang Tito niya at papunta na kami ngayon sa campus dahil magsisimula na ang sem. Hinawakan naman niya ang kamay ko at sumandal ako sa balikat niya. “Mukhang may pareho pa rin naman tayong mga klase,” sabi niya at napangiti ako. “Hindi na kita super classmate.” “Oo nga, eh. Sayang.” Oo nga pala, kami na. Syempre noong sinagot ko siya, pinaalam ko kaagad kina Mei at James at todo asar naman sila sa aming dalawa. Looking back, the four of us were connected through love and friendship and both changed my life. Akala ko dati, wala nang pag-asang magkaroon ako ng mga kaibigan pero heto, may tatlo na akong best friends. Akala ko rin, hindi ako matututong magmahal pero mali na naman ako. Meeting Dylan was fate and I didn’t even expect to fall in love with him. I mean, simula pa lang ay inis na kami sa isa’t isa at dahil sa sunud-sunod naming pagtatagpo ay nauwi kami sa pagtira sa iisang bubong. I didn’t even know when I fell in love with him. I didn’t know how it began. Dumating na lang ang oras na na-realize kong nahulog na ako sa kanya. They said you can fall in love with a complete stranger in a heartbeat and they’re right. A stranger named Dylan Arellano came into my life and changed it. “Nandito na ulit tayo. Na-miss ko ‘to,” sabi niya nang makarating kami. Yup. Dito ulit kami sa 7th unit titira. After all, this place holds a special place in our hearts. This place was the witness of everything we’ve been through; the place where our story began and how it will grow through time. Dahil pareho naming mahal ang lugar na ‘to ay hindi namin ‘to iiwan. Kasama na rin namin sina Mei at James dito kaya mas magiging masaya ang unit namin. Alam kong marami pa kaming pagdaraanan. Marami pang problemaa ang darating pero hindi ako natatakot dahil kasama ko silang tatlo . . . kasama ang mga taong mahal ko. “We’re back,” Dylan said as we both stepped inside our unit. Salamat sa pagbabasa ng aming kwento hanggang huli. This may be the end of our journey with you but that doesn’t mean our story is finished. Remember: True love doesn't have a happy ending, because true love never ends. |
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |