Dylan’s POV “Salamat, ha? Salamat sa pagsigaw kahit na ako sa totoo lang, ayaw kong gawin ‘to. Ikaw na nga ang tinulungan, ikaw pa ang galit. At ako pa ang nasisi. Nakakainis ka! Sa lahat ng tao, bakit ikaw pa?! Ako ba talaga ang may kasalanan? Ha? Ako ba? Sabihin mo nga? Kasalanan ko bang hindi ka niya mahal? Kung alam mo lang kung gaano kahirap sa akin ‘to. Palibhasa, puro ka lang Mei, Mei, Mei. Sige, habulin mo siya. Wala na akong pakialam kahit magmukha kang tanga diyan! Bahala ka sa buhay mo!” Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Katatapos lang ng exams at buti nga ay may mga nasagot pa ako. My mind was too occupied with what happened yesterday. Nandito ako ngayon sa unit. Nakahiga at nakatulala lang. Hindi ko pa rin matanggap lahat ng nangyari at hindi ko akalaing nagbago ang lahat simula kahapon. Unang-una, ‘yong pag-alis ni Mei. I still couldn’t believe she went to London without telling me. Noong unang beses nangyari ‘yon ay napigilan ko pa siya pero ngayon, hindi na. Pangalawa, si Lyka. I went too far with my words and I lost her, too. Bumangon ako at kinuha ang phone ko. Sinubukan kong tawagan si Lyka pero unavailable ang number niya kaya tinanong ko si James kung nandoon ba siya sa kanila. “Ha? ‘Di ba kayo ang magkasama kahapon?” sabi niya. “Wala siya rito.” “Ano? Teka, nagkahiwalay kami kahapon.” “Ha?!” Naging galit naman ang matamlay niyang boses kaya inilayo ko ang phone sa tenga ko. “What the hell? Gago ka talaga, Dylan!” Bigla naman niyang tinapos ang tawag at napabuntong-hininga na lang ako. Oo na, ako na ang gago. Aminado naman ako. Tsk. Nasaan na ba siya? Bakit ba lagi na lang niya akong pinag-aalala? *** Lyka’s POV Ang sakit na ng mata ko kakaiyak. Kahit anong pigil ko, tuluy-tuloy pa rin silang tumutulo. Ni hindi ko nga alam kung paano ko nagawang mag-exam kanina. Buti na lang talaga at nakapag-review ako bago mangyari ang lahat at kahit papaano ay nalimutan ko ang kadramahan ng buhay ko noong nagsasagot ako. “Here,” sabay abot ni Mei ng panyo. Nandito kami ngayon sa veranda ng kwarto niya at umupo siya sa tabi ko. Ang ganda ng view rito kaya kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Kita rin ang lawa pati ang mga puno roon at naalala ko ang sinabi niya sa akin kagabi. “Ano na pala ang plano mo?” tanong ko matapos kong tumigil sa pag-iyak. Umuwi kasi siya rito kagabi na magang-maga ang mga mata. She said James was at the place she wanted to go to and she heard everything he said. I listened to her until she calmed down and I was happy that James finally listened to his feelings. Alam ko namang mahal nila ang isa’t isa pero hindi niya lang masabi dahil . . . dahil kay Dylan. “I honestly don’t know,” sagot naman ni Mei. “Natatakot pa rin ako. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala.” “I know this might sound biased since he’s my best friend but please trust him one more time,” sabay ngiti ko sa kanya. “Alam ko kung gaano ka kahalaga sa kanya.” Nakita ko namang nangingintab na ang mga mata niya kaya huminga siya nang malalim at ngumiti. Gaya ko, alam kong sawa na rin siyang umiyak kaya naman pinigilan na niya agad ‘yon. “Eh ikaw? Ano namang plano mo?” tanong niya. “I’m sure hinahanap ka na rin nilang dalawa.” Pinatay ko nga pala ang phone ko kagabi. Alam ko naman kasing tatawag sila at tatanungin kung nasaan ako pero ayaw ko muna silang makita. Ayaw ko silang harapin dahil sila ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon. “You really like him, don’t you?” biglang tanong ni Mei at binigyan ko siya ng isang malungkot na ngiti. “Halata na ba? Sadly, he loves you.” Nang makita ko kung gaano siya nasaktan at magwala noong nasa airport kami ay tinanggap ko nang may mahal siyang iba. He was hurt to the point that he shouted cruel words at me like it was my fault. “I don’t think so,” sabi niya naman kaya napatingin ako sa kanya. “Ha?” “Nothing.” She flashed a smile. “Sige, baba muna ako. Kailangan ko pang pagplanuhan ang gagawin sa lalaking ‘yon.” Tumango naman ako at masaya akong ngumingiti na ulit siya. Ang tagal ko nang hindi nakikita ang ganoong ngiti niya at mas bagay sa kanya ang expression na ‘yon. Pero kahit papaano, nakakainggit din. Buti pa siya. Ilang minuto akong nakatulala at iniisip kung ano ang dapat gawin. Hindi ko alam kung bakit pero nag-flashback sa akin ang lahat ng nangyari simula noong tumira siya sa unit ko. Para tuloy akong sira na ngingiti tapos biglang malulungkot. Naalala ko rin ang sinabi sa akin dati ni Kuya. “Ano ka ba, Lyka. Kung may problema ka, huwag mong takbuhan dahil kahit anong gawin mo, hahabulin at hahabulin ka rin niyan. You need to face them even if you’re scared. Be tough and learn to fight by yourself.” Alam kong sinabi niya ‘yon sa akin dahil doon sa mga nambu-bully sa akin dati pero applicable din pala ang mga salita niya pagdating sa ganitong problema. “Sigurado ka na ba diyan?” tanong ni Mei matapos naming kumain. Dito na rin kasi nila ako pinag-lunch. “Yeah. Salamat nga pala sa pagpapatuloy sa akin dito, ha? Pakisabi na rin kay Tito Sam, thank you,” saka ako ngumiti. “Sige, Mei, alis na ako. Bye.” Niyakap ko naman siya nang mahigpit at kahit isang gabi lang kaming nagsama ay pakiramdam ko sobrang lalim na ng pinagsamahan namin. Pagkatapos no’n ay nagsimula na akong maglakad pauwi sa unit. *** Ilang inhale-exhale na ang nagawa ko pero hindi ko pa rin magawang pumasok sa unit. Nakatayo lang ako sa tapat ng pinto sa loob ng five minutes at para bang nablangko na ang utak ko kung ano ang dapat gawin. Bukas pa ang ilaw pero hindi ko alam kung gising ba siya o tulog na. Paniguradong napagod ‘yon sa exam pati na rin sa mga nangyari kahapon. Lumipas pa ang ilang minuto bago pa ako nagpakawala ng huling buntong hininga. Okay. Papasok na ako. Bahala na kung ano man ang mangyari-- “Oh! You’re finally here!” Napanganga na lang ako nang tumambad sa harapan ko si Dylan at lalo akong nagulat dahil lasing siya. Inakbayan niya ako at saka hinila sa loob. “Hoy, teka, b-bakit ka naglasing—oh my God, Dylan!” Hindi ako makapaniwala sa dami ng bote ng alak na nasa lamesa. Agad ko siyang dinala sa upuan at pabagsak naman siyang umupo. Pagtingin ko sa mga alak, dalawa na ang walang laman at may apat pang hindi nabubuksan. Balak niya bang ubusin lahat ng ‘to?! He suddenly snickered and mumbled something while looking at me but I couldn’t understand his words. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ako o matatawa na lang. Para siyang bata. “Tama na nga ‘yan,” suway ko nang binalak niyang abutin ang isa pang bote. “Matulog ka na ro’n.” “Ha? Ayaw pa.” Teka nga, bakit ko ba kinakausap ang isang ‘to? Dapat galit ako sa kanya, eh. Tss. Bahala ka nga diyan! Pumasok ako sa kwarto at iniwan ko siya sa sala. Alam ko namang si Mei ang dahilan ng paglalasing niya, eh. Nahiga na lang ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. Bakit ba kasi ako umuwi rito kung hindi ko rin naman pala siya kayang harapin? “Ay kabayo!” sigaw ko at napabalikwas ako ng bangon nang may sumundot sa tagiliran ko. Pagtingin ko, nandito na siya sa kwarto. Sinamaan ko siya ng tingin pero seryoso naman siyang nakatitig sa akin. “Ano na naman ba?!” Nagulat naman ako nang bigla na lang siyang umiyak kaya natahimik ako bigla. Pangalawang beses ko pa lang siya nakikitang umiyak at parang lumubog ang puso ko dahil doon. “Ang sakit pa rin,” he said with those melancholic eyes and smile. “Bakit kasi siya pa?” Sabi ko, hindi na ako iiyak. Sabi ko, hinding-hindi ko na ipapakita ang kahinaan ko sa iba pero heto, sa simpleng mga salitang ‘yon, para akong sinampal ng ilang beses . . . sinampal ng katotohanang mahal niya talaga si Mei. Napatingin naman siya sa akin at biglang kumunot ang noo niya nang makita niyang umiiyak din ako. “Why are you crying? Naaawa ka ba sa akin?” he asked, his face was already red from being drunk. “Pero alam mo, mahal na mahal na mahal na mahal na—” “Tama na,” I muttered and I didn’t know that I could still get hurt even more. “Pero mahal na mahal na mahal na mahal—” “I said enough, Dylan!” sigaw ko at tinignan ko na siya nang masama habang nagtuluy-tuloy na ang luha ko. “Bakit? Mahal—” “Oo na mahal mo na siya! Ayoko nang marinig yan kasi nagseselos ako!” There. I said it. Wala na akong pakialam. Gusto ko na lang ilabas lahat ng sama ng loob ko dahil kung hindi, pakiramdam ko lalo lang akong masasaktan. “Wala ka nang inisip kung hindi si Mei. Puro na lang si Mei! Alam ko naman nang mahal na mahal mo siya kaya tama na please?” Pagkasabi ko no’n ay nakatitig lang ako sa walang reaksyon niyang mukha at hindi ko alam kung masasaktan ba ako lalo dahil doon. Pinunasan ko ang luha ko at huminga nang malalim. I averted his gaze and stared at my feet, afraid of what he would say. I heard his breathing and I didn’t give him a chance to even utter a word. “Hindi ba pwedeng ako naman?” mahina kong tanong habang nakatingin pa rin sa baba. Sa totoo lang, takot akong marinig ang kahit anong sasabihin niya pero hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. He suddenly stood up and left the room without even saying a word. Pagkalabas niya ay humagulgol ako at doon ko na-realize na sobrang tanga ko talaga. Hindi ko alam na mas may sasakit pa pala sa nangyari kahapon. Siguro, tama ngang umamin na rin ako sa kanya para masimulan ko na ring mag-move on. Ayoko na. Ayoko nang masaktan at magmukhang tanga. Dylan, I’m giving you up.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |