James’ POV “What?!” Napatayo ako nang marinig ko ang sinabi niya at bigla naman siyang yumuko. Huminga ako nang malalim para kumalma at muling umupo. “Mei, don’t joke around. Finals week na. Marami pa tayong exams kaya sige na, mag-aral ka na.” “I’m not joking,” she said and when she looked at me, her eyes were brimming with tears. Kahit gustung-gusto ko nang punasan ang mga luha niya, hindi pwede. Sila na ngayon ni Dylan. Ayoko nang may masaktan. Kahit ako na lang. “Nag-early exam na ako,” she said as she wiped her tears, “though hindi ko alam kung para saan pa. Hindi ko naman na rin kailangan.” Hindi naman ako makapagsalita dahil hindi ko pa rin matanggap ang sinabi niya. Hindi naman totoo ‘yon, ‘di ba? Baka naman gumaganti lang siya sa akin dahil sinaktan ko siya. “My Dad . . . he wants me to go to London. Gusto niyang doon ako mag-aral para may katulong rin daw siyang mag-manage ng company namin do’n.” “Why are you saying this to me?” tanong ko naman. ‘Di ba dapat kay Dylan niya sinasabi? “I don’t wanna tell it to Dylan. Alam mo namang gagawin niya lahat para lang mapigilan akong umalis.” Right. Just like what happened two years ago. Dapat aalis rin noon si Mei papunta sa London pero pinigilan siya ni Dylan. Kinausap ni Dylan ang Dad niya. Hindi namin alam kung paano niya nakumbinsi ang Dad ni Mei dahil hindi niya sinabi sa amin ang napag-usapan nila pero sa huli ay pumayag rin ang Dad niya na manatili muna siya rito sa Philippines. “Mei . . .” “Please James,” she pleaded. “Keep this between the two of us. Please don’t tell him.” Napatango na lang ako at muli siyang yumuko. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko rin siyang pigilan. Ayoko siyang umalis. Ayoko pero wala akong lakas ng loob para gawin at sabihin ‘yon. Nagulat naman ako nang tumayo siya. She looked at me with a smile even though her face was covered with tears. “At para na rin makamove-on ako sayo,” she said. “Mukhang wala na talaga akong lugar sa puso mo.” Pagkasabi niya non ay tumakbo siya palabas at iniwan niya akong nakatulala. The next thing I did? I punched the table. Hindi lang ako duwag. Gago pa. *** Mei’s POV After I said those words, I ran away from the coffee shop. From James. Akala ko ‘pag sinabi ko ‘yon, pipigilan niya ako tulad ng ginawa ni Dylan dati. Akala ko, kahit papaano, may nararamdaman siya sa akin pero para akong tangang umaasa pa rin kahit na alam ko na kung ano ang sagot. Ang sakit. Sobrang sakit. Wala ba talaga siyang pakialam sa akin? Ayos lang ba talaga sa kanya na umalis ako? Na mawala ako sa buhay niya? Kahit katiting man lang na pag-aalala, hindi niya kayang ipakita? Hindi ba pwedeng isantabi niya muna na best friends kami at tignan niya ako bilang isang babae? Bilang si Mei na nagmamahal sa kanya? I ran without knowing where to go and I ended up in my favorite place in the campus. Luckily, there were no students, maybe because they were busy reviewing. I plopped on the ground and started crying. “James Patrick Sison!” I yelled with all my might and I did not care even if someone heard me. “Bakit ba hindi mo ako magawang mahalin? Ano bang wala sa akin? Bakit hindi mo ako tignan kahit isang beses lang?” For seven years, I loved that guy. For seven years, I wished and hoped that he would love me back. That he would notice my sincere feelings. And for seven years, I was continuously rejected. Sana hindi na lang siya naging sweet sa akin. Sana hindi na lang siya naging mabait. Eh ‘di sana, hindi ako ma-i-inlove sa kanya. “Sana hindi ako nasasaktan nang ganito,” I sobbed while remembering our moments together. I know. I’m pathetic. Parang baliw na humahabol sa lalaki. Loser. Pero masisi n’yo ba ako? Mahal ko siya, eh. Kahit kaunting pag-asa, panghahawakan ko, pero ngayong alam kong wala na, panahon na para sumuko. Panahon na para kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. That was why I did that. I have decided to go to London. Yes, I lied to him. Hindi ako pinilit ni Dad. It was my own decision and it took me a long time to realize that I needed to unwind. Nasasaktan lang ako habang nakikita ko siya at ayaw ko na ring lokohin ang sarili ko pati na rin si Dylan. Bago ko pa siya masaktan, ako na ang umayaw. Siguro nga tama rin ang desisyon ko na sinabi ko ‘yon kay James dahil nalaman ko kung ano talaga ako para sa kanya. Akala ko kasi, pipigilan niya akong umalis. Pero hindi. Wala siyang ginawa. Kahit bilang kaibigan, hindi niya ako pinigilan at doon ako nasaktan. Siguro nga, wala talaga siyang pakialam sa akin.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |