Lyka’s POV “Do you like me?” Napatigil kami ni Dylan dahil sa tanong ni Mei at ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang tatlo. Mas lalo lang akong kinabahan dahil ang dami nang nagtitinginan sa direksyon namin. Eh paano ba naman, nandito ‘yung dalawang heartthrobs “daw” ng campus. Tinignan ko si Dylan at halatang cornerned siya. Napatingin siya kay James at nag-peace sign naman siya kay Dylan. Okay, ano bang nangyayari rito? Para tuloy akong sira roon na epal at walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Pero bakit ko ba sila inaalala? May sarili rin pala akong problema. God. Kanina pa ako nahihilo. Ano bang problema ng katawan ko ngayon? “Dylan. Answer me,” mariing sabi ni Mei. Bakit pa ba niya tinatanong ‘yun? Hindi pa ba obvious? Nakita ko namang huminga nang malalim si Dylan. Oh my God. Don’t tell me magcoconfess siya sa kanya sa harap ng maraming tao? Gumagawa ba sila ng movie?! “Mei, wala akong gusto sa’yo…” Sabi na nga ba. Napakatorpe ng lalaking ‘to! Napakunot naman ang noo ko nung bigla niyang binaling ang tingin niya sa akin. “…pero sa kanya, meron,” bigla niyang sabi at saka niya ako hinatak. The next thing he did made me dizzy and frozen. He kissed me on my forehead. WHAT THE HECK?! Matapos ng ginawa niya ay hinatak niya ako palabas ng canteen. Hindi ko alam kung bakit o paano pero nagawa ko pang lumingon sa kanila at nakita ko si Mei na nakatulala, habang si James naman ay pinapaupo siya. Nang makalabas kami ay tumingin ako nang masama kay Dylan at hinatak ko ang kamay ko mula sa kanya. “Ano bang drama mo?! Ang sak--” “Shut up!” Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa pagsigaw niya. Mukhang galit na galit siya. Aba, hindi ba ako ang dapat magalit? Anong karapatan niya para halikan ako?! At isa pa, ang sakit na ng kamay ko dahil sa higpit ng hawak niya. Ang malala, ‘yung sa bandang sugat ko pa ang hawak niya ngayon. Gusto kong magreklamo pero nakakatakot siya ngayon. Nagsimula ulit siyang maglakad at hindi niya binitiwan ang kamay ko. Napapagod na ako at lalo lang akong nakaramdam ng pagkahilo. Nagugutom na rin ako. Ni hindi man lang ako nakakain dahil sa nangyari sa canteen. Ilang minuto pa ang lumipas at tumigil na rin siya sa paglalakad. Sa wakas! Pagkabitiw niya sa kamay ko ay napaupo ako sa damuhan. Ngayon ko lang narealize na nasa open field pala kami. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hiningal ako sa bilis ng paglalakad niya. Ang hirap huminga. Nakita ko namang humarap si Dylan sa puno pero halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sumunod niyang ginawa. “Fvck!” sigaw niya sabay suntok doon sa puno. That was the last straw. Tinignan ko ulit siya nang masama dahil sa mga pinaggagawa niya. “May balak ka bang patayin ako, ha, Dylan?!” Nakuha ko naman ang atensyon niya. “Bwisit ka!” sigaw ko at kita ko naman ang iritasyon sa mukha niya. “Pwede ba Lyka—!” Napahawak ako sa ulo ko dahil biglang sumakit ‘yun at nagsimula nang umikot ang paningin ko. Doon ko lang napansin na napatigil din siya sa pagsigaw niya. Hinawakan ko nang mahigpit ‘yung damo sa harapan ko dahil pakiramdam ko ay bibigay na ako. “W-what’s happening? Teka, dumudugo yung sugat mo!” sigaw niya at lumuhod naman siya para maging kalevel ko. Ni hindi ko namalayang may dugo na sa kamay ko. “Kasalanan mo ‘to. Kung ‘di mo ko hinila nang hinila…” “Lyka. Lyka!” Unti-unting humihina ang boses niya at wala na akong makita. Ang alam ko lang, ang huli kong narinig mula sa kanya ay ang pagtawag niya sa pangalan ko. *** Dylan’s POV Fvck. Fvck it! Ano bang pumasok sa isip ni James at sinabi niya ‘yun kay Mei? I was caught off-guard and I did something unpleasant. Hinatak ko nang hinatak si Lyka papunta sa kung saan. Wala na akong pakialam. I’m pissed and I don’t know how to control my temper. I need to let this out. Pagdating namin sa open field ay huminto ako at sinuntok ko ang puno sa sobrang inis pero nagulat ako nung biglang sumigaw si Lyka sa likuran ko. “May balak ka bang patayin ako, ha, Dylan?! Bwisit ka!” Lalo akong nainis sa narinig ko kaya nilingon ko siya. “Pwede ba Lyka—!” Agad naman akong napahinto dahil sa nakita ko. She’s clutching her head while her other hand was gripping the grass in front of her. But what surprised me was the blood on her hand. Sinubukan ko siyang kausapin pero mukhang galit din siya sa akin. Lumuhod ako para alalayan siya pero nagulat ako nung bigla na lang siyang napasandal sa akin dahil nawalan na siya ng malay. “Lyka! Wake up!” sigaw ko pero walang nangyari. Kinarga ko siya at nagmadali akong pumunta sa clinic. Ni hindi ko alam kung paano kami nakarating doon dahil hindi ko pa kabisado ang campus pero ang mahalaga ay nakarating kami agad. Naghintay ako sa waiting area at matapos ang ilang minuto ay lumabas ang nurse na nakabantay doon. “Ikaw ba ang kasama ng babae kanina?” “Opo. Ano po bang nangyari? Bigla siyang hinimatay.” “Tinatrangkaso siya at mataas masyado ang lagnat niya. Nakadagdag din ang sugat niya kaya madali siyang nahilo.” Napapikit naman ako sa narinig ko. I didn’t even know that she’s sick yet I did that to her. “Matagal pa ba siya diyan?” “Wag mo na lang siyang papasukin sa klase. Paggising niya, ihatid mo na lang siya sa bahay nila,” sabi ng nurse at tumango na lang ako. “Okay po.” Pumunta na sa cubicle niya ang nurse at pinuntahan ko naman si Lyka sa isang kama ro’n. Mukha siyang maamo ngayon. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kanina. “…pero sa kanya, meron.” Shit. Ni hindi ko alam kung bakit ko sinabi ‘yun. Siya kasi ang pinakamalapit sa akin pero hindi ko rin alam kung bakit ko siya hinalikan. Ano bang pumasok sa isip ko? Pero hindi ko rin naman kayang umamin kay Mei. Pakiramdam ko hindi tama na aminin ko ‘yun dahil siguradong magagalit siya. Ayoko nang gawin pang lalong kumplikado ang sitwasyon naming tatlo. Tumambay lang ako sa clinic at hinintay kong magising si Lyka. Halos 1 PM na rin siya nagising. “Hay salamat nagising rin,” bulong ko sa sarili ko. “A-anong nangyari? Nasaan tayo?” tanong naman niya habang patingin-tingin sa paligid. “Nahimatay ka sa open field at sabi ng nurse ay may trangkaso ka raw at lagnat at nakadagdag pa ‘yang sugat mo kaya ka nahilo. Okay na?” Pagkasabi ko nun ay napangiti ako sa itsura niya dahil kumunot ang noo niya. “Got it. Teka, anong oras na?!” Napatigil naman ako. Naghanda pa man din ako dahil akala ko ay magwawala na siya at itutuloy niya ang pagsigaw sa akin. Mukhang nakalimutan na niya ang nangyari kanina. “Magwa-one pa lang. Wag ka na raw pumasok sabi ng nurse.” “Ha? Kaya ko pa namang pumasok ah! ‘Di na ko nahihilo.” “Wag ka ngang makulit, Lyka. Mas magaling ka pa sa nurse ah!” “Eh sayang ‘yun! Papasok ako,” sabay bangon niya kaya naman hinarangan ko siya. “Ang kulit mo. Bahala ka. Pag ikaw nabinat, mas lalo kang ‘di makakapasok. Ako dati, isang linggo akong ‘di pumasok dahil nagpumilit rin ako.” Pagkasabi ko nun ay napatigil siya. Buti naman. May sakit na nga, makulit pa rin. Isang subject lang naman ang aabsentan niya. “O-okay. Uwi muna tayo.” “Okay. Halika na.” Inalalayan ko siya hanggang sa paglabas at nanibago ako sa sitwasyon naming dalawa. Hindi ako sanay na magkasundo kami. Pagdating namin sa bahay ay agad siyang dumiretso sa kwarto. Paglabas niya, nakapambahay na siya. Tinignan ko lang siya hanggang sa pumunta siya sa kusina. Teka, magluluto pa siya sa lagay niya? “Hoy, hoy! Magluluto ka ba?” “Ano pa ba? D’i ba ako ngayon?” “Ako na!” “Aba Dylan? Bumabait ka na ata?” “Asa. Baka kasi pangit lasa ng maluto mo dahil maysakit ka. Mas mabuti nang sigurado.” “Tss.” Inirapan niya ako at pumasok ulit siya sa kwarto. Tama ‘yan. Magpahinga ka na lang at huwag ka nang manggulo. Papunta na sana ako sa kusina pero nagulat ako nung bigla ulit bumukas ang pinto ng kwarto. “Dylan.” Lumingon naman ako at nakita kong ulo niya lang ang nakalabas sa pintuan. Nagtaka rin ako dahil ang hinahon ng boses niya ngayon. “Bakit?” Bigla naman siyang tumingin sa gilid. “Thank you,” mahina niyang sabi at saka niya sinarado ang pinto. Bakit parang may kakaiba?
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |