“Oh my God, no way!” “Ayaw ko rin namang maging classmate ka, kaya wag kang mag ‘no way, no way’ diyan,” sabi niya at talagang ginaya niya pa ‘yung boses ko. “At pwede ba, bitiwan mo ‘yung braso ko?” Natakot ako sa tingin niya kaya napabitaw ako ng ‘di oras. Kainis na schedule ‘to! Bakit ba classmate ko na naman siya? Ang malas-malas ko na simula nakita ko siya. Saka ko lang narealize na nasa tapat na kami ng room. “O, akin na ‘yung sukli ko.” Wala naman siyang sinabi at binigay lang sa akin ‘yung pera tapos pumwesto doon sa pinakalikod. Pagtingin ko, 140 ‘yung nasa palad ko. So P4940 na lang ang utang ko sa kanya. Pero ang laki pa rin nun. Gusto ko sana sa likod umupo kaso baka isipin ng taong ito na sinusundan ko siya. Hah! As if. Pero nakakainis dahil sa harapan na lang ang vacant seats. Ayoko pa naman sa harapan. Buong araw ay puro orientation lang ang nangyari sa lahat ng subjects na pinasukan ko. Ang nakakainis lang...he’s my super classmate! Almost, I mean. Buti at ‘di ko siya kaklase sa Chemistry. Kaso, magkatabi lang kami ng classroom. Napakagandang panimula ng school year. Bwisit. Pagkauwi ko sa bahay, naramdaman ko kaagad ang pagod kahit wala namang masyadong ginawa. Humilata agad ako sa kama at hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising na lang ako bandang 2:30 AM at hindi na ulit makatulog. ‘Di pa rin talaga ako sanay sa apartment na ‘to. Nagbasa na lang ako ng mga sinulat kong requirements sa bawat subject at nagpalipas ng oras. Nag-prepare na rin ako ng breakfast ko tapos nag-ayos na rin. Nakapagdesisyon naman ako na maglakad-lakad na lang at hintayin ang una kong klase. Dumiretso ako doon sa may mga bench malapit sa Engineering Complex. Ang sarap pala ng simoy ng hangin dito kapag madaling araw. Pagtingin ko sa relo ko, 5 AM pa lang. Ang aga pa! Pinikit ko muna yung mata ko para ma-relax ang isip ko. Pagdilat ko, saka ko na-realize na nakatulog pala ako. Tinignan ko kaagad ‘yung relo ko dahil baka late na ako. Buti na lang at 6 AM pa lang. Pero in fairness, nakatulog ako ng isang oras dito. “Hey, next time don’t just sleep here.” Napaatras ako nang todo nung may narinig akong boses kaya nahulog ako sa bench. Pagtingin ko, may lalaking nakaupo doon sa bench. Tumayo siya bigla at tinulungan niya akong tumayo. Inalalayan niya ako sa pag-upo sa bench at nakita kong nakangiti siya. Nakakahiya! Feeling ko pinagtatawan niya ako deep inside! Pero napansin ko ring parang foreigner siya. Mukhang may lahi ang isang ‘to. Cute din dahil ang lalim ng dimples niya. Baka hindi ‘to nakakaintindi ng Filipino dahil in-english niya ako kanina. “Nakakaintindi ka ba ng Filipino?” Kumunot naman ‘yung noo nya. Mukhang hindi nga! “Buti naman. Buti at ‘di mo ko maiintindihan!” Lalong kumunot ang noo niya kaya naisipan ko siyang pagtripan. Aba minsan lang ako maka-encounter ng gwapong foreigner, lubus-lubusin na. “Bakit ka pala nandito? Nakita mo ba akong natutulog? Binantayan mo ba ako? Hmm...pero ang cute mo ha. I mean ng dimples mo.” Bigla naman siyang nagsmile. Oh my, baka naintindihan niya ‘yung sinabi ko dahil sa cute at dimples! Napacheck naman ako sa relo ko dahil napansin kong dumadami na ang mga estudyanteng naglalakad. Pagtingin ko, 6: 30 na pala! Hala ang layo ng Math Building dito! Napatayo ako agad at inayos ko ang gamit ko. Tinignan ko siya at nakasmile pa rin siya kaya ngumiti rin ako sa kanya. “Sige, alis na ako ha. Babye! I mean, goodbye!” saka ako nagmadaling maglakad. Pero napahinto ako nung narinig ko ulit ang boses nung foreigner. Lumingon ako dahil sa narinig ko. “Dude, may assignment ka na ba?” tanong nung isang lalaki. “Oo. Pa-compare ako mamaya,” sabi niya. Pagkarinig na pagkarinig ko nun ay gusto kong sumigaw pero inuna ko ang pagtakbo. Putek bakit marunong siyang magsalita ng Filipino?! Bakit?! Akala ko hindi siya nakakaintindi nun...or nag-assume lang ako na hindi siya marunong dahil nag-english siya at hindi siya mukhang Pinoy? God, Lyka, isa kang malaking shunga! Tumakbo talaga ako papunta sa Math building at nakarating ako doon ng 6:40 AM. Sana hindi na magkrus ang landas namin ng lalaking ‘yun at sana hindi niya maalala ang itsura ko. Nakakahiya talaga! Kung anu-ano pang pinagsasabi ko kanina! ‘Di tuloy ako makapag-focus sa klase. Napapailing na lang ako kapag naaalala ko ‘yung nangyari kanina. Idagdag pa ‘tong katabi ko na naniningil sa peste kong utang. Naku naman! Eh wala pa nga akong pambayad! Pang-isang linggo lang naman ang allowance na binigay sa akin ni Kuya at nahihiya naman akong humingi pa sa kanya. Napabuntung-hininga na lang ako habang papunta sa next class dahil nasa unahan ko si Dylan. Ayoko namang makisabay sa kanya dahil hindi naman kami close at baka singilin na naman niya ako sa utang ko. Nagulat naman ako nung ang daming babaeng nakatingin sa kanya at ‘yung iba ay parang kinikilig pa. Aba. Mukhang malakas siya sa mga babae ah? Sabagay, may itsura naman siya. ‘Yung ugali nga lang, nakakabwisit. Pagdating ko sa English class ay napabuntung-hininga ako dahil nasa unahan ang upuan ko. Buti na lang at hindi ako tinatawag ng prof. Ang gusto ko lang sa klase ko ngayong araw ay History 2 kaya naman hanggang sa last subject ko ay ‘di maganda ang mood ko. Sa loob ng isang linggo ay ganun lagi ang routine ko. Papasok, kukuha ng handouts na required sa subjects, uuwi tapos mag-aaral. Wala naman kasi akong nakaka-close pang mga kaklase at mukhang malabo ‘yung mangyari dahil hindi rin naman ako kumakausap ng kahit sino sa mga klase ko. Well, except doon sa isang lalaking walang humpay ang pagsingil sa akin. Napag-alaman ko ring medyo kilala ang mokong dito sa campus pero hindi ko alam kung paano nangyari ‘yun. Paano kasi, naririnig ko ‘yung ibang classmates naming babae na pinag-uusapan siya. Hay. Kung alam lang nila ang totoong ugali niya, for sure, matuturn-off sila. Hindi dumating ‘yung prof namin sa Psychology kaya naman nagkaroon ako ng one-hour vacant period. Nakakatamad namang umuwi pa sa apartment kaya dito na lang ako nagstay at maaga na lang akong kumain ng lunch. “Pst. Utang mo?” Napatingin ako sa lalaking umupo sa harapan ko. Aba sino pa nga ba? “Wala akong dalang pera ngayon.” “Paano ako kakain?” sabay pangalumbaba pa niya sa table. “Wala ka rin bang perang dala?” “Sisingilin ba kita kung meron?” Araw-araw nga siyang naniningil eh! “Next week, okay? Hindi pa kasi nagpapadala si Kuya kaya hindi kita mababayaran kaagad.” Mukhang kailangan ko na talagang sabihin ‘to kay Kuya. “Kailangan ko nga ngayon. Pang-kain ko. Ibawas mo na lang ulit sa utang mo.” Kinulit niya talaga ako nang kinulit hanggang sa sumuko na lang ako dahil hindi ako makakain nang maayos. Binigay ko sa kanya ‘yung isangdaan na buo at tumakbo siya papunta sa counter. Nung makuha na niya ang order niya ay nakishare siya sa table ko kaya naman nasa tapat ko siya. Nagulat naman ako nung bigla siyang tumigil sa pagkain. Naging seryoso ang expression niya habang nakatingin sa likuran ko kaya lumingon ako at may nakatayong babae doon. “Dylan! Long time no see!” sabay wave niya. Napatitig ako sa babae dahil ang ganda niya. Wavy long hair, large eyes, rosy cheeks, pinkish lips and slim body. Isang tingin lang ay alam ko na kaagad na pang-campus crush ang dating niya. Head-turner kung baga. Nakatingin lang sila ni Dylan sa isa’t isa kaya naman na-awkward-an ako. “Dylan, ipakilala mo naman ako sa kasama mo. Who is she?” sabay ngiti niya sa akin at lalo lang siyang gumanda sa paningin ko. Pagtingin ko kay Dylan ay seryoso pa rin ang itsura niya pero nagulat ako nung tumingin siya sa akin, sabay buntung-hininga niya. “Lyka, si Mei, kababata ko. Mei, si Lyka…” Tumingin siya sa akin at mukhang wala siyang maisip na description. Sana naman ay hindi ‘Si Lyka, ang babaeng may utang sa akin’ please! “…classmate ko.” Nakahinga ako nang maluwag nung sinabi niya ‘yun. Buti naman classmate ang pakilala niya. “Nice to meet you, Lyka. Sige, may class pa ako eh. Bye Dylan, bye Lyka!” saka siya ngumiti ulit. “N-Nice meeting you rin,” sabi ko na lang. After that ay umalis na si Mei at nakahinga na ako nang maluwag. ‘Di ko napansin na pinipigilan ko palang huminga kanina dahil ang awkward ng position ko. Napatingin ako kay Dylan at napataas ang kilay ko dahil nakatitig siya sa akin. “Bakit? May dumi ba ako sa mukha?” sabay hawak ko sa gilid ng bibig ko dahil baka may kanin doon or something. Bigla naman siyang ngumiti kaya napatigil ako. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil ito ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti talaga. Hindi ‘yung smirk at smug face niya, kundi ngiti talaga. “Wala. Na-realize ko lang na simula nung bata ako ay dalawa lang ang naging kaibigan ko. Am I weird?” then he chuckled though it sounded sad. Pero ano raw? Dalawa lang ang kaibigan niya?
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |