Dylan's POV Binuhat ko si Lyka papuntang kama niya matapos niyang makatulog sa balikat ko. Mukhang napagod kakaiyak. Buti na lang at wala kaming klase sa Kas1 ngayon. Tinignan ko siya habang mahimbing na natutulog. Ewan ko ba. Naaawa ako sa kanya. All this time, she was hiding her pain by herself. Behind her cheeky attitude, she's actually fragile. 'Di ako masyadong nakakakita ng mga taong malapit sa akin na umiiyak kaya 'di ako marunong magpatahan. Kaya nang nakita ko si Lyka na umiiyak, hindi ko alam ang gagawin. In the end, I hugged her, even though I didn't know if that was what she needed. I looked at her while she was peacefully sleeping. Ang galing niyang magtago dahil hindi halatang may gano'n siya kalaking problema. Napatingin ako sa relo at 'di ko namalayang 4 PM na pala. May klase pa kaming isa pero hindi ko na siya gigisingin. "Pahinga ka," bulong ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig. Tumayo na ako at nagpalit ng damit dahil basang-basa sa pag-iyak niya. Halos 4:10 na ako nakaalis at buti na lang at may 20 minutes pa bago magsimula ang klase. "Dylan, dito." Kaklase ko nga pala si James sa klase na 'to. May kasalanan pa siya sa akin. "Siraulo ka," bati ko sa kanya. "Anong palabas 'yong kahapon? Anong nangyari kay Mei?" tanong ko at ngumiti lang siya sa akin. "Pasensya na. Ang kulit ni Mei. That was just a slip of the tongue." "Gago ka. Dahil do'n ang daming nangyari. Libre mo ko mamaya," sabi ko naman at nang may mapala ako sa ginawa niya. "Call. Pero ano 'yong sinabi mong may gusto ka kay Lyka?" Pagkatanong niya no'n ay ako naman ang natawa. "Siya kasi ang una kong naisip at ang pinakamalapit sa akin." "Siraulo ka rin," ganti niya at pareho na lang kaming natawa. "Pero may narinig ako kanina. Bakit ang sabi nila, girlfriend mo na si Lyka?" Naalala ko naman ang nangyari kanina at nag-iba bigla ang mood ko. "Naipit lang ako sa sitwasyon." "Alam mo namang patay na patay sa'yo si Bea." "Hindi ko naman siya gusto." "Kasi si Mei ang gusto mo?" Tinignan ko siya nang masama at tinawanan naman niya ako. 'Di ako nakapagsalita dahil totoo. Ngayon na lang kami nakapag-usap nang ganito dahil lagi naming kasama sina Mei at Lyka. Bigla naman akong may naalala. "Teka, si Lyka ba 'yong sinasabi mong kaibigan na naiwan mo dati?" tanong ko at naging seryoso naman ang mukha niya. "How did you know?" "Halata naman," sabi ko sa kanya pero ang totoo, si Lyka ang masyadong halata sa mga kilos niya tuwing nakikita niya si James. "Halata? Siguro dahil ang tagal na naming 'di nagkita. Namiss ko siya." "Gusto mo ba siyang makita?" tanong ko at nagulat naman siya. Sako ko naisip na hindi pa pala nila alam ni Mei na nakatira kami ni Lyka sa iisang unit. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at kapag talaga tungkol kay Lyka, interesado siya. Hindi pa nga rin siya makapaniwala na magkasama kami ni Lyka sa apartment. Bigla namang dumating ang prof namin kaya napatigil kami sa pagukwentuhan. "Okay. I'll visit her after our class." "Sige." Nagklase naman si Sir at may research assignment pa siyang binigay. Badtrip. Friday na nga, may assignment pang ihahabol. Pagkatapos ng klase ay umalis agad kami ni James para pumunta sa unit namin ni Lyka. Excited na akong tawanan ang itsura niya kapag nakita niya si James mamaya. "Kumusta nga pala si Mei?" tanong ko nang wala na kaming mapag-usapan. Kanina ko pa 'yon balak itanong pero hindi ko maituloy dahil nahihiya ako sa nangyari noong nakaraan. "Si Mei?" sabay ngiti niya nang nakakaloko. "Bakit 'di mo siya tanungin? Umamin ka na kasi." "Siraulo. Ano nga? 'Di siya nagrereply, kagabi pa." "Ah. Hindi mo ba alam?" "Ang alin?" "Nagpalit siya ng sim kahapon." "Ha? Bakit? At ba't 'di niya sinabi?" "May nangungulit kasi sa kanya sa text at ayaw siyang lubayan. Sabi ko i-block niya pero nagpalit na lang siya ng sim." "Gago 'yong kumukulit sa kanya." Tinawanan ako ni James pagkasabi ko no'n. Ako nga, 'di ko magawang mag-send ng dalawang beses sa kanya, tapos biglang may gano'ng taong gagawa no'n? 'Pag nalaman ko kung sino 'yon, humanda siya. "Hindi ka lang niya nainform agad at nasa lumang sim niya rin kasi ang contact numbers. Ako nga kanina ko lang 'din nalaman. O, eto ang number niya," sabay pakita niya sa akin kaya tinype ko kaagad. 'Nak ng. Nakabisado ko kaagad. "Tingin mo galit sa akin si Mei?" tanong ko naman dahil naalala ko ang nangyari sa cafeteria. "Dahil sa nangyari kahapon?" "Yeah." "Sigurado, tuwang-tuwa pa 'yon dahil akala niya ay wala kang gusto sa kanya. Confess to her already, you idiot." "Shit ka rin, eh. Alam mo namang patay na patay 'yon sa'yo." "Bro naman, di ko aagawin sa'yo si Mei. Wala akong balak. And I'm always telling her that I'm not the one for him." "Shit ka pa rin." Tinigil na namin ang pag-uusap tungkol sa aming tatlo dahil masyadong kumplikado. Bakit ba kasi ako nagkagusto sa kanya, eh wala namang pag-asa? Badtrip. Hindi ko naman namalayan na nandito na pala kami. Dumiretso kami sa unit at binuksan ko ang pinto. "Ikaw ba 'yan, Dylan?" Hindi ko naman akalaing maabutan namin siya ng gising pero napansin kong ang tamlay pa rin ng boses niya. Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at agad ko siyang nakita. "May kasama ako," sabi ko at nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya. "Gusto ka raw makita." Nagulat naman siya sa sinabi ko at itong si James ay ayaw namang pumasok sa kwarto. Kita n'yo 'tong dalawang 'to, papahirapan pa ako. "Sino naming dadalaw sa akin? Wala nga akong friends dito," mahina niyang sabi at tumingin siya sa kabilang direksyon. On the other hand, James suddenly approached her. "Ako," he said and that made Lyka turn around. When she saw him, she got up, still confused with what she was seeing. "J-James?" *** James' POV "Ako." Hindi ko napigilan ang sarili ko nang narinig ko ang sinabi niya pero hindi ko rin alam ang susunod kong gagawin pagkatapos no'n. "J-James?" I looked at Dylan and he immediately understood what I meant. He left us inside the room but that made me more nervous. "B-bakit . . . bakit ka nandito?" "Dinadalaw ka," I said with a smile but she looked away. "Bakit naman?" "Kasi kaibigan kita—" "May kaibigan bang nang-iiwan?" That made me shut up. I knew it would come to this so might as well tell her the truth. I don't want to lose her anymore. "Lyka, listen—" "Ayoko. Ayoko. Ayoko. Ayok—" "Please? Just this once." Tumahimik naman siya at pinigilan ko ang pagngiti. Pasaway pa rin talaga siya. I told him what happened after my birthday. Tuluy-tuloy lang ang pagkukwento ko kahit na nakayuko lang siya pero napatigil ako nang nakita ko siyang umiiyak. Kahit gusto ko ay hindi ko siya magawang lapitan dahil ang dami kong kasalanan sa kanya. When I saw her in the Engineering complex, I felt a sense of familiarity toward her. When I met her again and she said her name, that bothered me, so I told her my name, too. Her reaction gave me a hint and that was when I realized she's the friend I left before. Nakita ko namang pinipigilan niya ang pag-iyak niya at nang tumingin siya sa akin ay nanigas ako sa kinauupuan ko. "James, the point is, 'di mo man lang ako sinabihan. Ni wala man lang kahit ano. Para sa'n pa na naging best friend kita?" She was right. I know that she hates me but I want to fix this. I want her to be my best friend again. And this time, I will never leave her. "Alam kong wala nang sense kung magdadahilan pa ako. I just want to sincerely apologize for that. I'm really sorry, Lyka. Sorry for leaving you." I was ready for her rejection but I was surprised when she her tears streamed down her face. I immediately approached her and pulled her into a hug. I want to comfort her, make her feel safe, as her best friend and this was the only thing I could do at this moment. "I'm really . . . really sorry," I whispered and I felt her hand on my shirt. "N-nakakainis ka," sabi niya habang humihikbi. "Alam ko. Kaya okay lang kahit anong gawin mo. Tatanggapin ko." "Are you sure? Lahat gagawin mo?" "Yeah. Sabihin mo lang." Huminto naman siya ng ilang segundo, habang ako ay pigil ang hininga dahil kinakabahan sa pwede niyang sabihin. "Then . . . could you be my best friend again?" mahina niyang sabi at bigla akong natigilan. I was petrified for a few seconds and I thought I was just hearing what I wanted to hear. I broke our hug and held her shoulders. "W-what did you say?" Umiwas naman siya ng tingin at nakita kong namumula ang mukha niya. "Wala . . . h-huwag mo nang—" "Of course," sabi ko naman dahil mukhang tama nga ang narinig ko. "Lyka, I would be very happy to be with you again." Pagkasabi ko no'n ay ngumiti siya. She's really beautiful when she smiles. "James Patrick Sison, best friend na ulit kita," she said, and this time, she initiated the hug.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |