“Nahihibang ka na ba?!” “Bahala ka. Ikaw rin, wala kang matutuluyan.” Matapos ang mahaba-haba naming sagutan at sigawan, nagtapos kami sa madugong pagpayag ko at hindi ko alam kung bakit. Dahil wala na akong lakas para makipagsagutan ulit ay napabuntung-hininga na lang ako habang siya ay tumakbo sa unit niya para kunin ang mga gamit niya. Nagulat ako nung paglabas niya ay may dala-dala na siyang maleta at ilang karton. Akalain mong nakapag-impake na ‘to? Talagang ready siya sa pag-iinvade sa unit ko ha? Sinasabi ko na nga ba, pinag-isipan niya ‘to! “Hoy, tandaan mo isang buwan ka lang dito.” Pagkasabi ko nun ay bigla naman siyang nagkibit-balikat. Bago pa tuluyang maubos ang pasensya ko ay dumiretso muna ako sa kwarto. Ilang minuto pa ang lumipas ay sumunod siya at nilagay niya ang mga gamit niya sa isang side. Saka ko narealize na isa lang pala ang kwarto ng apartment na ‘to at ibig sabihin, dito rin siya matutulog. Napatayo ako bigla at kumuha ako ng papel at ballpen. “Labas,” sabi ko at sumunod naman agad siya. Nilapag ko ang papel sa mesa at nung nakita niya ‘yun ay kumunot ang noo niya. “Anong meron?” “House rules.” “Oh. Okay.” Naging seryoso rin ang itsura niya at lihim akong nagpasalamat dahil hindi lang pala puro kalokohan ang alam ng isang ‘to. “House rule #1,” biglang sabi niya kaya naging alert ako. “Privacy.” Napatango naman ako. Tama. ‘Yun dapat ang unang-una. Kahit na araw-araw kaming nagkikita ay hindi pa rin naman kami ganun kaclose para malaman ang mga bagay-bagay sa buhay namin. “House rule #2.” This time, ako naman ang nagsuggest. “Since isa lang ang kwarto, dito ka sa sala matutulog.” Tatango na sana siya pero napatigil siya nung nagsink-in sa kanya ang sinabi ko. “Teka bakit? Tandaan mo, mas malaki sa bayad ng rent ang utang mo sa akin. Dapat nga ako sa kwarto at ikaw sa sala.” Ang kapal! Ako pa ang papatulugin niya sa sala? Jusko wala man lang dugo ng pagka-gentleman! “No way! Ikaw sa sala—” “Ganito na lang. Doon na lang tayo pareho sa kwarto.” Hindi ako nakapagreact agad dahil akala ko ay mali ang dinig ko. Pero nung nagsink-in sa akin ang sinabi niya ay halos kilabutan ako. “What?!” “Hindi naman kita aanuhin. Kahit maglagay ka pa ng malaking harang kung gusto mo para divided ‘yung kwarto.” Ang dami pa niyang arguments na sinabi para lang mag-agree ako na doon din siya sa kwarto matulog at in the end, nanalo siya. Sinulat ko sa papel ang sinabi niya. “House rule #3: Walang dapat makaalam ng sitwasyon natin ngayon,” dagdag niya. At tama ‘yun kaya sinulat ko na rin sa papel. Baka kung anong isipin ng mga tao kapag nalaman nilang nakatira lang kami sa iisang unit. “House rule #4: Ako ang magluluto, ikaw ang maglilinis at maghuhugas.” “That’s not fair!” Fair-fair-in ko mukha nito eh! Lagi na lang may objection kapag ako ang nagbibigay ng house rules! Kanina pa siya reklamo nang reklamo! “Ano na namang problema mo? Patas ‘yun no!” “Asa! Ang dali lang kayang magluto. Ang hirap maghugas at maglinis ha!” “O anong gusto mo? Ako gagawa lahat? Asa ka rin!” “Sige ganito. Pag Monday, ako ang maglilinis at ikaw ang magluluto at maghuhugas. Next day, ako naman ang magluluto at maghuhugas at ikaw ang maglilinis. Okay ba ‘yun?” “Hay naku. Fine. Fine. Fine.”Padabog kong sinulat ang sinabi niya to the point na napunit ‘yung isang side ng papel dahil sa diin ng pagkakasulat ko. Nakita ko pa ngang umatras ‘yung upuan niya after that kaya tinignan ko siya nang masama. “H-House rule # 5: Hati tayo sa iba pang gastusin sa bahay.” Dahil agree naman ako doon ay sinulat ko na nang walang angal. “House rule # 6: Uhm, kung pwede magpart time job ang isa sa atin. Lugmok pa rin tayong parehas sa kahirapan eh,” sabi ko naman at salamat dahil hindi siya umangal dahil kapag umangal pa siya ay bibigwasan ko na talaga ang lalaking ‘to. “Wala na akong maisip. Tama na siguro ‘yan,” sabay tayo niya mula sa upuan. During that time ay biglang may pumasok sa isip ko. “Teka may House rule # 7 pa! Bawal magkaroon ng something sa ating dalawa. Hanggang classmates lang, I mean hanggang superclassmates lang. Kaya huwag na huwag mo akong lalandiin. Okay?” Pagkasabi ko nun ay napatigil lang siya habang nakatingin sa akin. Walang karea-reaksyon ang mukha niya. Pero after ilang seconds ay bigla siyang tumawa nang malakas at napahawak pa siya sa pader na para bang mamamatay na siya kakatawa. “Ano ba ‘yan Lyka? Lokohan ba ‘to? Seryoso ka ba talaga?” sabi niya habang pinupunasan pa ang namuong luha sa mga mata niya. Bigla naman akong nahiya sa sinuggest kong rule pero tinatagan ko pa rin ang loob ko “P-Para sure! Yang mukhang yan…” sabay turo sa mukha niya, “hindi yan mapagkakatiwalaan! Tabas pa lang ng mukha mo, mukhang may problema na eh!” “Hah! Huwag ka. Daming nagkakagusto sa mukhang ‘to.” Hinawakan niya pa ang baba niya at nagsmirk pa siya. Bigla akong kinilabutan. Yuck. Kapal. Kadiri. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang self-confidence niya sa katawan o sadyang mayabang lang talaga siya. “Ewan ko sa’yo,” sabay iling ko. Pinirmahan naman naming ang house rules at parang mga sira pa dahil may handshake pa kaming nalalaman. After that ay pumasok kami pareho sa kwarto para makapag-ayos ng mga gamit. Gaya ng sinabi niya, nagsabit kami ng malaking kumot sa gitna ng kwarto. Hinila ko naman ‘yung foam ko sa kabilang dulo. Kainis. Lumiit tuloy yung space ko. Hindi naman ako makatulog dahil hindi hindi ako pa ako dinadalaw ng antok. Idagdag mo pa na hindi ako sanay na may kasama sa bahay, and worse—lalaki pa, and the worst is—si Dylan Arellano pa. Mulat pa rin ang mga mata ko hanggang alas-kwatro. Wala! Di talaga ako makatulog! Kainis! Tumayo na lang ako at balak ko na lang maligo. Isang oras na lang din naman bago talaga ako dapat gumising. Dahil sa may side ako ng pinto ng kwarto, hindi ko nakita kung paano siya matulog o kung tulog pa ba siya. Kumuha na lang ako ng damit at pumunta na sa banyo. After kong maligo ay nagluto na ako. Kakain na sana ako kaso naalala kong may kasama nga pala ako sa bahay. Ano ba ‘yan. Bakit ba hindi pa rin siya gumigising? Alas-singko na ah? Pumunta ako sa kwarto at tinaas ko ‘yung nakaharang na kumot para makapunta sa side niya. Pagtingin ko, medyo nainis ako dahil ang sarap ng tulog niya samantalang ako, ni hindi man lang nakatikim kahit isang minutong tulog. “Hoy Dylan, gising na.” Tinapik-tapik ko siya pero ayaw pa rin magising. “Pst. Huy! Gumising ka na!” Nakakainis naman ‘to! Ang hirap niyang gisingin! “Ayaw mo ha?” Hinila ko ang kamay niya at kahit ang bigat niya ay napunta siya sa sitting position. “Mmm...bakit ba?” Nakapikit pa rin siya pero nakakunot ang noo niya tapos inis pa ‘yung tono ng boses niya. “Anong bakit ba? Alas-syete na po. Baka gusto mong gumising diyan at maligo at magpalit ng damit at kumain at pumasok sa klase at magquiz at matuto?” Bigla siyang napadilat sa sinabi ko at kinuha niya ang phone sa gilid niya. Tumingin siya sa akin nang masama. Teka may sinabi ba akong mali? “Alas-siyete ka diyan, 5:10 pa lang. Paki-adjust nga ‘yang relo mo. Masyadong advance,” tapos bigla siyang dumiretso sa banyo. Dahil nashock ako sa sinabi niya ay hindi ako nakapagreact. Wow. Buti nga ginising ko pa siya eh! Lumabas ako ng kwarto at umamba ako sa banyo. Sarap niyang suntukin! I-lock ko siya dyan sa loob eh—wait. Hmm...ma-try nga. *** “Hoy, bakit ayaw mabuksan ng pinto? Lyka! Ano ‘to?!” Napangiti ako nung narinig ko ang boses niya sa loob ng banyo. “Bakit? Take your time. Mahaba pa oras mo. 5:30 pa lang naman eh.” Hah! Akala mo ha! Mabulok ka dyan! “Ano ba?!” “Mamaya ka na lumabas. After five minutes. Enjoy your stay there, Dylan.” Natawa naman ako pero pinigilan kong tumawa nang malakas. Naghintay ako ng five minutes at hinayaan ko siyang magwala doon. Pero nung isang minuto na lang ay bigla siyang tumahimik kaya nagtaka ako. Dahil tumutupad naman ako sa usapan ay binuksan ko na rin ‘yung pinto nung tapos na ang sinabi kong five minutes. Pagbukas ko ay mukha niya kaagad ang tumambad sa akin at-- “H-Hoy!” Nagulat ako nung bigla niya akong hinawakan sa braso at sinandal niya ako sa dingding. Nacorner na naman niya ako at bigla akong kinabahan dahil sa sobrang lapit niya. “Gusto mo ba talaga akong gumanti sa’yo? Ha Lyka?” Jusko. Akala ko susuntukin na niya ako dahil sa sobrang inis! Pero mukha namang hindi siya galit at nang-aasar lang kaya nilakasan ko ang loob ko. “Tabi nga! Baka gusto mong masaktan—” Bigla naman niya akong binitiwan at nagcross-arms siya sa harapan ko. “Sa ibang araw na lang pala ako gaganti. Mukhang mas maganda kung maiipon mga atraso mo sa akin,” sabay ngiti niya nang nakakaloko. After that ay pumasok ulit siya sa kwarto para kumuha ng damit. Bago niya pa ulit ako maharass ay kinuha ko na ang bag ko at umalis tutal tapos na akong magprepare. Ayokong makasabay ang lalaking ‘yun! Pagkalabas ko ng bahay ay agad akong naglakad papunta sa first class ko. Habang naglalakad ako ay nagring ang phone ko kaya kinuha ko sa bag. Naku naman, ‘di pa pala ‘to naka-silent! Buti na lang at wala ako sa klase kundi napagalitan na ako ng prof ko. Masilent nga ‘to mamaya. Pagtingin ko sa screen, si Kuya pala ang tumatawag kaya sinagot ko kaagad. “Hello kuya?” “Anong pinaggagawa mo diyan at may lalaking sumagot sa tawag ko kagabi?!” Nilayo ko kaagad ang phone sa tenga ko dahil sa pagsigaw niya. Takteng ‘yan, ang sakit nun ha! “Teka nga lang Kuya, let me explain!” “Talaga! Mag-explain ka ngayon din!” At ayun nga, kahit nakakahiya ay kinuwento ko ang punu’t dulo ng lahat. “Ayun, isang buwan lang naman,” sabi ko. “Safe ka ba dyan kasama ang lalaking yan?” “Sus! Wala ‘yung laban sa akin kapag nagkamali siya!” “Ang yabang mo talaga. O, sige na. Bye muna. Nandito na boss namin.” Pagkatapos nun ay in-end na niya ang tawag at nakahinga ako nang maluwag. Buti na lang at hindi siya masyadong nagalit, though ang dami niya pa ring pangaral kanina. “Sino ‘yun?” “Ay, kabayo!” Nyemas naman! Badtrip talaga ‘tong nilalang na ito! Bigla-bigla na lang sumusulpot! “Ang sama mo talaga ‘no? Kabayo? Sa cute kong ito?” tapos hinawakan nya pa yung ‘cute’ daw na mukha nya. As if. “Oo, bakit may angal ka? At saka pwede ba, ‘wag ka bigla-biglang nagsasalita? Baka ikaw pa maging cause ng kamatayan ko eh!” “Eh di masaya!” Dahil naubos na ang energy ko sa pagkukwento ko kay Kuya ay hinayaan ko na lang siya sa pantitrip niya. Suko na ako. Bahala siya dyan. *** Nagsimula at natapos naman ang klase nang maayos. Nung vacant period ko ay pumunta ako sa canteen ng building para kumain kaso ang haba ng pila. Pero dahil nagugutom na ako, no choice. Pumila ako pero badtrip dahil nagtutulakan ang mga tao. “Ouch! Ano ba—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil naunahan na ako ng pagsigaw. Dahil sa pagtutulakan nila ay natumba ako, kasama na ang mga nasa harapan ko. “Ayos ka lang ba, Miss? Sorry,” rinig kong sabi nung nasa likuran ko. Tss. Sorry, sorry, eh siya nga ‘tong tumulak sa akin! Nilingon ko siya at titignan ko sana siya nang masama pero napatigil ako nung makita ko kung sino. OH MY GOD. “Wait...Lyka? You’re Lyka, right?” Bakit?! Bakit nandito ‘yung lalaking nakita ko sa bench at nakasabay ko sa carinderia? Bakit nandito ‘yung James?!
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |