Sila na? Paano? Kailan siya nanligaw? Ang bilis ha! “So you finally confessed, huh?” sabi ni James at ngumiti naman si Dylan. Hindi ko naman alam ang sasabihin kaya nginitian ko na lang silang dalawa. Well, mukhang masaya naman si Dylan at sana ay masaya si Mei. Sana lang ay totoong nakapag-move on na siya kay James. Hay, hayaan na nga. Buhay naman nila ‘yan at wala rin namang magagawa ang opinyon ko dahil sila na. “Lyka? What’s wrong?” bulong sa akin ni James. Doon ko narealize na patapos na siyang kumain at ako ay nakakatatlong subo pa lang. Wala na akong ganang kumain. “Ah, busog pa kasi pala ako,” saka ako yumuko. Hay, ano bang nangyayari sa akin? “Mei, Dylan, una na kami ni Lyka ha? May pupuntahan lang kami.” “Sige. Ingat.” “Aalis na agad kayo?” “Sorry Mei. Next time. Sige.” Hinila naman ako ni James at hindi na ako nakapagpaalam nang maayos. Sayang tuloy ang pagkain ko. Nang nakalabas na kami ay doon lang ako nakapagsalita. “Saan tayo pupunta?” “Lyka, marami kang sasabihin sa akin. Remember, I’m your best friend. ‘Di pwedeng sinasarili mo ‘yang problema mo.” Natulala lang ako sa sinabi niya at na-touch ako. Kahit na ang tagal na naming hindi nagkikita ay nahalata niya pa ring may mali sa akin ngayon. Hatak niya pa rin ako nang marealize kong papunta kami sa direksyon ng unit namin. “James, sa bahay ba tayo pupunta?” “Yeah.” “Bakit?” “Nothing.” “Anong gagawin natin do’n?” “Talk.” “Tungkol saan?” “Problems.” Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya kaya gano’n lang ang sagutan niya pero wala na akong nagawa dahil ilang minuto lang ang nakalipas ay nandito na kami sa tapat ng pinto ng unit namin ni Dylan. Tinanong ko siya kung bakit dito pa pero ‘di naman niya ako pinakinggan. Dahil mukhang seryoso na ang itsura niya ay binuksan ko na lang at pumasok kami sa kwarto. “James, ano ba kasing pag-uusapan natin?” “E ‘di ‘yang problema mo. Ano pa ba?” masungit niyang sagot. Tss. “Wala naman akong problema ah?” “Liar,” sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. “It’s too obvious.” Napabuntong-hininga naman ako sa sinabi niya. I was really hoping that I could keep it to myself but I guess I couldn’t hide it well. Magsasalita na sana ako pero naunahan naman niya ako. “Sorry,” bigla niyang sabi. “Napalayo na yata ang loob mo sa akin. Sorry for not being there for seven years.” Hindi naman ako agad nakapagsalita. I was really touched but I couldn’t help smiling because he was too pure. Parang nagbaligtad tuloy kami ngayon at siya ang nagkaroon ng problema. “It’s okay. Nangyari na, eh. At least, nandito ka na ulit,” sabi ko naman. “But because of me, you were alone for how many years.” Naalala ko naman bigla kung paano ako naka-survive noong elementary at high school kahit wala akong kaibigan. “Past is past, James.” “But I’m thankful because you have friends right now.” Friends? Meron akong friends ngayon bukod sa kanya? Sino? “Sino?” “Mei and Dylan,” sabay ngiti niya. Kaibigan ko sila? Hindi ko alam kung nagjojoke ba siya o ano. “Yeah. They are your friends. ‘Di mo lang napapansin.” Napaisip ako sa sinabi niya at naalala ko ang mga nangyari simula nang umapak ako sa unibersidad na ‘to. Si Dylan, kahit nag-aaway kami minsan, I mean lagi pala, tinutulungan niya rin naman ako kapag kailangan ko ng tulong. Si Mei, siya ang nakakausap ko tungkol sa pambabaeng usapan dahil ‘di ko naman pwedeng sabihin ko ‘yon kay Dylan at di niya rin masasabi ‘yon kina Dylan at James. It felt weird because it has been a long time since I was this close to someone but he was right. I think they’re my friends. Tumayo naman si James at nag-ikot-ikot sa kwarto namin ni Dylan. Palihim akong nagpasalamat dahil hindi na niya naalala kung ano ang tunay na ipinunta namin dito dahil parang hindi ko kayang sabihin sa kanya ang iniisip ko ngayon. Napunta naman siya sa side ni Dylan at kagaya ng ginawa ko dati ay nakialam din siya ng gamit. Pfft. Best friends nga talaga kami. “Alam mo ba kung gaano na siya katagal in-love kay Mei?” Hindi ko alam kung bakit pero napayuko ulit ako. Bakit gano’n? Nakakalungkot ‘pag sila ang pinag-uusapan? Dahil ba naaawa ako sa kalagayan ni Dylan? Dahil ba ginagawa siyang rebound ni Mei? “Yeah. 9 years right?” sagot ko naman at napatingin sa akin si James. “Paano mo nalaman?” Inabot ko naman ang bag ko at may kinuha ako sa pagitan ng notebook ko. “Dahil dito,” sabay abot ko no’n sa kanya. “So he’s writing, huh?” “Siguro masaya na siya ngayon dahil natupad na niya ang pangarap niyang mapansin siya ni Mei.” “Oo. Masaya ‘yon ngayon. I’m also happy for him. Ikaw? ‘Di ka ba masaya para sa kanila?” “No, I mean, yes.” Napabuntong-hininga ako. “No.” “Bakit?” Lumapit sa akin si Dylan at umupo sa harapan ko. He looked concerned. Akala ko ay hindi na namin ‘to pag-uusapan pero mukhang doon pa rin mauuwi ang lahat. In the end, I decided to tell it to him. “Kasi may sinabi sa akin si Mei noong nag-frisbee kayo ni Dylan.” “Nandoon siya no’n?” “Yeah. Kausap ko siya. Sabi niya . . .” Naalala ko ang sinabi niya at ang bigat pa rin sa loob kapag naaalala ko ‘yon. “Gusto ko nang kalimutan ang feelings ko kay James. I’m planning on giving him a chance. Dylan, I mean.” Sinabi ko naman ‘yon kay James at nag-iba ang expression niya. “Masakit maging rebound ‘di ba? Naawa lang ako kay Dylan. ‘Di niya alam na ginagamit lang siya,” sabi ko. “Me too. Pero naaawa rin ako kay Mei.” “Bakit?” “Para lang makalimutan niya ako, kailangan niya pang gumamit ng ibang tao. I’m sure masakit din ‘yon para sa kanya. This is all my fault.” Lalo akong nalungkot nang makita ko ang expression ni James. He was hurt and guilty. I wanted to comfort him but I don’t know how. Their friendship was being tested and here I am, just a spectator. Hindi ko rin alam kung bakit concerned ako ngayon kay Dylan. Kahit lagi niya akong inaasar ay ayaw ko pa rin namang masaktan siya. Why do we always worry for the people who aren’t worried for us at all?
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |