I’m James. Ugh! Nag-eecho pa rin sa tenga ko ang boses ng lalaking ‘yun. Sa lahat naman ng pwedeng pangalan niya, bakit ‘yun pa? Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi nang matino dahil kung anu-ano nang tumatakbo sa isip ko. “Hoy ano na? Sino si James?” “Sa tingin mo bakit James yung pangal—” Teka nga… “Anong ginagawa mo rito?!” Automatic na gumalaw ang kamay ko at tinulak ko siya. “Aray ko! Ang sakit nun ha!” “Bakit ka ba nandito?!” Itutulak ko ulit sana siya pero napigilan niya ang braso ko. “Nakakarami ka na ha, pasalamat ka hindi ako nanakit ng babae.” “As if!” Bigla namang naging seryoso ang expression niya kaya natahimik ako. “H’wag mo kong susubukan...” Tinulak niya rin ako at tumama ako sa dingding. Lumapit siya sa akin pero nacorner na ako kaya hindi ako makagalaw. Idagdag pa na hawak niya ang magkabilang braso ko at hindi ko akalaing ang lakas ng grip niya. Nagulat ako nung lumalapit din ‘yung mukha niya kaya tinignan ko siya nang masama. Manyak ata ‘tong lalaking ‘to! Sa sobrang lapit niya ay nararamdaman ko na ang paghinga niya kaya naman napapikit na ako dahil parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Pero nagulat ako nung bigla niyang binitiwan ang braso ko at nakaramdam ako ng sakit dahil kinurot niya nang todo ‘yung pisngi ko. “Aray! Aray! Ano ba?!” “Ha! Anong akala mong gagawin ko sa’yo?” “Tigilan mo nga ako!” sabay hampas ko sa kamay niya. “Ano ba kasing ginagawa mo rito? Bakit ka nandito sa unit ko?” Bigla namang kumunot ang noo niya sabay buntung-hininga. “Sabi na nga ba wala ka sa sarili kanina.” “Ha?” Nagulat naman ako nung hinatak niya ako kaya napaupo ako sa upuan. Pero ang mas nakakagulat, tinali niya ako. Oo. As in tinali niya ako sa upuan! Ang walanghiya! Akala ko sa movies ko lang makikita ang ganitong move pero akalain mong mangyayari sa akin ‘to ngayon?! “Ayan. Para ‘di ka manghampas at manuntok,” tapos umupo siya sa harapan ko. “Anong drama mo at may ganito?! Tanggalin mo nga!” Tinry kong kumawala pero ang higpit ng pagkakatali niya. “Kaya ako nandito kasi pinapasok mo ako.” Napatigil naman ako at tinignan ko siya nang masama. “What? Ako? Hoy, manigas ka!” “Pwede ba patapusin mo muna ako?” “Eh paano kung ayoko?” “Fine.” Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan. “Tanggalin mo na lang yang nakatali sa’yo, ” he smirked. “Kung kaya mo.” Kung hindi lang talaga restricted ang katawan ko ay in-arm throw ko na ang isang ‘to. Ugh! “Fine! Tapusin mo na ang kwento mo!” Pagkasigaw ko nun ay mabilis siyang bumalik sa harapan ko. “Okay. Madali ka palang kausap eh.” At ngumiti pa talaga ang bwisit. Kinuwento naman niya ‘yung nangyari kung bakit siya nandito sa loob. “Naglalakad kang tulala kaya tinanong ko kung anong problema. Sabi mo, “James pangalan niya.” Tinanong ko kung sino ‘yun. Wala ka nang sinabi. Pero tinulak mo ako papasok sa unit mo tapos tulala ka nang mahigit five minutes.” Pagkatapos nun ay tinanggal na niya ang pagkakatali ko sa upuan at lumabas siya sa unit ko. Dahil sa dami ng nangyari ngayong araw ay napagod ang utak ko at mabilis din akong nakatulog. *** Sa halos isang buwan ko rito sa university ay wala pa rin akong nagiging kaibigan. Sabagay, hindi naman kasi ako kumakausap ng classmates ko, pwera na lang doon sa isang lalaking lagi kong nakakasalamuha at lagi akong sinisingil sa utang ko. Tulad ngayon. Buti na lang at 3,500 na lang ang utang ko sa kanya dahil sa lagi niyang paghingi ng pang-lunch. “Kailangan ko na ngayon ‘yun.” “Pwede bang next week? Wala na talaga akong pera eh.” “Tss.” Bigla naman niyang binilisan ang paglalakad papunta sa Math building. Mukhang nabadtrip. Eh wala na talaga akong pera ngayon dahil pinambayad ko na ng rent. ‘Yung allowance ko, next week pa darating. Hanggang matapos yung klase ay hindi niya ako pinansin kaya medyo naguilty ako. Nasa unahan ko lang siya lagi hanggang makauwi kami sa apartment. Nung nasa tapat na kami ng mga unit namin, hinarap ko na siya. “Uy, sorry na. Wala talaga akong pera.” “May magagawa ba ako?” Lalo tuloy akong naguilty dahil ang lungkot ng pagkakasabi niya. Naman oh! “Bakit ba bigla mong kelangan ng pera?” “Pambayad lang naman ng renta. Hanggang bukas na lang ‘yung bayaran ‘di ba? Ang strict kasi masyaso nung landlady,” then he sighed. Oo nga pala. Bawala pala late magbayad ng rent dito. Buti nakapagbayad na ako nung isang araw! Pero sobrang nakonsensya ako dahil pambayad niya pala ng rent ‘yung 5000 na inutang ko sa kanya. Bakit kasi ngayon niya lang sinabi?! Nag-isip naman ako ng paraan para makabawi man lang sa kanya pero parang hindi maganda ang naiisip ko. H’wag na lang kaya? “Uhm...ano...” “Ha?” Nakasandal siya doon sa pader at tumingin siya sa akin. “Tutal may utang naman ako sa’yo…tutulu—” “Ah! Tutal utang mo naman ‘yun, ako ang titira sa unit mo sa loob ng isang buwan! Tama? Ayos!” sabay tawa niya pa nang malakas. “Humanap ka na lang ng ibang apartment, ha?” Tumawa lang siya nang tumawa hanggang makapasok siya sa unit niya habang ako ay naiwan doon at hindi maprocess ang nangyari. Nung nagsink-in na sa utak ko ang sinabi niya ay nagmadali ako papunta sa pinto niya at kumatok nang malakas. Bwisit! Sinong may sabing papatirahin ko siya sa unit ko? Aba, ang sasabihin ko lang naman ay tutulungan ko siyang humanap ng part time job para may pambayad siya ng rent niya habang nag-iipon ako ng pambayad sa utang ko! Ilang minuto na akong kumakatok pero hindi niya ako pinagbubuksan. Ayoko namang sumigaw dahil baka makaistorbo ako sa mga kapitbahay namin. Kainis! Sumuko na ako at dumiretso ako sa kwarto ko. Nakakaloka. Saan naman ako kukuha ng 3500 sa loob ng isang araw? Ayoko talagang sabihin kay Kuya dahil nakakahiya at papagalitan ako nun. Ay ewan! Bahala na bukas! *** “Oh my gosh, oh my gosh, malelate na ako!” Nagmadali akong maligo at magbihis dahil kakagising ko lang. Ni hindi na nga ako nakapagpalit ng damit kagabi at nakakain dahil nakatulog kaagad ako. Sobrang bilis na ng kilos ko pero nalate pa rin ako ng ten minutes sa klase ko. Hindi tuloy ako nakapagtake ng quiz. Ang mas nakakainis pa ay sitsit nang sitsit ‘tong katabi ko. “Ano?!” pagalit kong bulong. “Sasabihin ko lang naman na sinabi ko na kay Mrs. Gonzales na lilipat ako sa unit mo mamaya.” “Ha?!” bigla niyang tinakpan ang bibig ko dahil napalakas ang sigaw ko at muntik na kaming palabasin ng prof. Hanggang sa vacant period ko ay pinoproblema ko pa rin ‘yung sinabi ni Dylan. Walang hiyang ‘yun. Bakit niya sinabi kay Mrs. Gonzales?! Paano naman ako? Hanggang sa matapos ang klase ko sa buong araw ay ‘yun pa rin ang nasa isip ko. Ni hindi ko na nga napansin na nakarating na pala ako sa apartment dahil wala ako sa sarili. Papasok na sana ako sa unit ko kaso lang ay may humarang sa akin. “Oops. Bawal pumasok sa unit KO.” Nirecheck ko ang nakalagay na number sa taas ng pintuan at 7 ang nakita ko. Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya? “Seryoso ka ba?” “Mukha ba akong nagjojoke?” “Utang na loob, pagpahingahin mo muna ako dahil sumasakit ang ulo ko sa’yo,” sabi ko at akmang hahawakan ko na ang doorknob pero humarang siya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko kaya nagflinch ako. “Pumili ka: Babayaran mo ngayon ang utang mo o ako ang titira sa unit mo,” seryoso niyang sabi at medyo natakot ako sa tono ng pananalita niya. Paano na? Sasabihin ko na ba kay Kuya na nanganganib akong mawalan ng tirahan ngayong araw para padalhan niya ako ng pera? Hay. Mukhang ‘yun na lang ang choice ko. “Pero may isa ka pang choice...” “H-ha?” Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya pero nagulat ako nung sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. “Makikitira ako rito sa unit mo sa loob ng isang buwan. That way mababayaran mo yung utang mo. Deal?” The heck. Ano raw?!
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |