Kagigising ko lang at pagtingin ko sa orasan ay 8 PM na. Nag-stay si James dito hanggang 4 PM at noong umalis siya ay natulog lang ako. Bigla ko namang naalala ang usapan namin kanina at napatakip ako ng unan dahil sa hiya. Tama bang sinabi ko sa kanya ‘yon? Paano kung asarin niya na ako lagi? Paano kung sabihin niya kay Dylan? Hala, kinikilabutan ako! Kasi naman, ano bang problema ko? Bakit ba ako nagkagusto sa kanya? Well, sabi nga ni James, factor ang pagiging magkasama namin sa bahay. Siguro dahil na rin siya lang, bukod kay James, ang lalaking nakakausap ko. I couldn’t get close to any of my classmates because I was scared. Bumangon naman ako at kumuha ng post-it note. Huwag nang umasa dahil walang mapapala, sulat ko at dinikit ko katabi ng iba pang notes sa dingding. Napabuntong-hininga na lang ako at balak ko na lang sana ulit na matulog pero napatigil ako nang bigla akong may narinig na parang bumagsak sa labas. H-hindi naman siguro multo ‘yon ‘di ba? Nagtalukbong na lang ako at nagtago sa ilalim ng kumot. Bakit naman ngayon pa may mga ganyang tunog kung kailan mag-isa ako? Kung anu-ano na naman tuloy ang naiisip ko-- Isang malakas na tunog na naman. Napabangon na ako at kinuha ko ang phone ko. I immediately dialed James’ number and after two rings, the call got connected. “James!” I wailed. “Balik ka rito, samahan mo muna ako!” “Bakit? Akala ko ba—” “Basta buma—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nakarinig ako ng scratching sounds sa bintana. “Please bumalik ka, may multo! Natatakot na ako!” Naiyak na ako dahil do’n at saglit akong sumilip sa bintana para i-check dahil baka tao naman pala ‘yon pero walang kahit anong silhouette do’n. Nagtago ulit ako sa ilalim ng kumot habang pinipigilan ang pag-iyak. “O, sige, papunta na ako. Calm down, okay? Huwag mong ibababa ang phone mo.” “Mmm. Dalian mo ha?” Ilang segundong tumahimik ang paligid at lalo lang akong kinilabutan dahil do’n. Gusto ko na lang tumakbo palabas pero hindi na ako makaalis dito sa pwesto ko dahil nakakatakot. Iniisip ko na lang na malapit na si James pero halos napatigil ako sa paghinga nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. “J-James? Ikaw na ba ‘yan?” tanong ko sa kabilang linya. “Nasa kanto pa lang ako. Bakit? Anong nangyayari?” Nabitiwan ko ang phone ko at tumayo naman ako. Baka hindi multo, kundi magnanakaw ang pumasok. Malabo ring si Dylan dahil kakaalis niya lang kaninang umaga para umuwi sa kanila. Pwede ring hindi na-lock ni James ang pinto kanina kaya nabuksan ng kung sino. Kung tao ‘yon, wala akong dahilan para matakot. Huminga ako nang malalim, hinahanda ang sarili para lumabas sa kwarto. I could use my judo skills to subdue the thief. Sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko habang dahan-dahan na binubuksan ang pinto sa kwarto at pagbukas ko ay hindi ako nakahinga. There was a white lady floating in front of the room. Hindi ko alam kung sumigaw ba ako, nagwala o umiyak pero ang alam ko lang ay sinubukan kong isaradong muli ang pinto at may humawak sa braso ko. I tried resisting but I was too afraid with what I just saw and my mind was replaying that image. “P-please . . .” I sobbed but I was surprised when I heard a familiar voice. “Are you really that scared, Lyka?” Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ‘yon. Dahan-dahan akong tumingin sa lalaking nakahawak pa rin sa braso ko at nakita ko siyang nakatingin sa akin nang seryoso. It was Dylan. *** “Nakakainis ka!” sigaw ko sa kanya nang maka-recover na ako sa takot at napalitan ‘yon ng matinding inis. Gusto ko siyang ihagis lalo na’t kanina pa siya tawa ang tawa to the point na nakaluhod na siya sa sahig at nakahawak na sa tiyan niya. Binato ko siya ng unan at tumama naman ‘yon sa mukha niya pero parang wala lang sa kanya. “Grabe, ‘di ko in-expect na matatakot ka pa rin kahit na tinakot na kita dati,” sabi niya habang pinipigilan ang pagtawa. “Eh kung ‘di ka ba naman—” “Cute mong matakot,” saka siya tumawa ulit. Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil sa narinig ko. Teka, tama ba ang narinig ko o ‘yon ang gusto kong marinig? Ako? Cute? “O, anong nangyari sa’yo? Huwag mong sabihing takot ka pa rin?” tanong niya naman. “A-asa! Lumabas ka nga!” sabay tayo ko at tinulak ko siya palabas ng kwarto pero hindi naman siya nagpatalo. “Akala mo naman kaya mo ako.” “Hah! Gano’n ha?” Bago pa siya makapag-react ay nakahiga na siya sa sahig habang nakahawak sa likod niya. I used my technique, which I was supposed to use earlier anyway, and glared at him. Buti nga sa kanya. “Lyka!” sigaw niya at nginitian ko naman siya. “Ang cute mo rin kapag nasasaktan,” saka ako lumabas. Didiretso sana ako sa kusina para uminom ng tubig pero napatigil ako dahil sa sunud-sunod na pagkatok sa pinto. “Lyka? Lyka!” Halos manlaki ang mga mata ko nang maalala kong pinapunta ko si James dito kaya agad ko siyang pinagbuksan. He looked worried and I suddenly felt guilty. “Ayos ka lang ba?” tanong niya. “Uhm, o-oo. Ano kasi . . .” “James?” Sabay naman kaming lumingon ni James kay Dylan na gumapang palabas ng kwarto. James looked at me as if he was asking for explanation. Lalo lang akong nahiya dahil sa sitwasyon at parang gusto ko ulit saktan ang lalaking ‘yon dahil sa resulta ng ginawa niya. Bigla namang tumayo si Dylan at pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko. “Bakit ka pala nandito? May kailangan ka ba kay Lyka? Huwag nga lang tungkol sa multo,” sabay tingin niya pa sa akin kaya sinikmuraan ko siya. “Pinapunta niya ako rito,” sabi naman ni James at nakita ko ang saglit niyang pagngiti. Uh oh. Parang hindi ko gusto ang ngiti niyang ‘yon. “Pinapunta mo siya? Bakit? Gabi na ah?” Kaunti na lang talaga at sasapakin ko na ‘to. “Dahil—” “Bakit, may masama ba ro’n?” bigla namang sabi ni James kaya napatingin ako sa kanya. “Best friend ko siya. Teka, huwag mong sabihing nagseselos ka?” Halos mapanganga naman ako nang sabihin ‘yon ni James at gusto ko na rin siyang hampasin para tumahimik. Ano bang problema nila?! “Ha?!” sigaw naman ni Dylan at bigla niya akong tinulak papunta kay James. Aba talaga naman! “Concerned lang ako dahil roommate niya ako.” Concerned? Aba, alam niya pala ang salitang ‘yon? Tss. Concerned mo mukha mo. “Gano’n ba? O sige, hiramin ko muna si Lyka ha? Lalabas lang kami,” sabi naman ni James at saka niya hinawakan ang braso ko. Tinignan ko siya pero kay Dylan lang siya nakatingin. Kinakabahan ako sa mga pinaggagawa niya lalo pa’t umamin ako sa kanya kanina. “Teka, 9:00 PM na, ah? Lalabas pa kayo?” “Ano naman?” singit ko. “Kapag ikaw ba, lumalabas ng gabi, pinipigilan kita? Hindi naman, ah?” “Tss. E ‘di lumabas ka!” sagot niya makalipas ang ilang segundong pagtahimik at saka siya dumiretso sa loob ng kwarto. Pagkatapos no’n ay lumabas kami ni James at bigla naman siyang tumawa habang naglalakad kami. “Tawa ka d’yan?” “Wala lang. Nakakatawa kasi kayo, eh.” Napaisip naman ako kung saan banda ang nakakatawa sa amin. Parang puro inis ang naramdaman ko ngayon dahil sa Dylan na ‘yon. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkagusto sa kanya. Hindi kaya may mali na sa akin? “Anong nakakatawa? Nakakabwisit kamo,” I muttered and he laughed again. “By the way, saan tayo pupunta?” “Huh? Maya ko sa’yo. Ikaw naglabas sa akin, eh.” “Sige, sa apartment ko na lang.” Naglakad kami for ten minutes at napanganga ako nang makita ko ang apartment niya. Akala ko ay tulad lang ng unit namin pero hindi. Two-storey house ang sinasabi niyang apartment. Tinanong ko siya kung pinagtitripan niya ako o ano at ang sabi niya, ito raw ang pinili ng Mommy niya dahil minsan ay dumadalaw ang pamilya niya rito para hindi siya weekly umuuwi. Pumasok kami sa loob at dumiretso kami sa second floor. Iniwan niya muna ako para raw mag-shower dahil pinagpawisan siya sa pagtakbo papunta sa unit ko. Tss. Nangonsensya pa. Pumunta muna ako ro’n sa veranda ng kwarto niya. Oo may veranda. Sosyal talaga ng bahay niya. Napatingin ako sa langit at namangha ako sa view. Compared sa Manila, hindi pa gaanong developed ang lugar na ‘to kaya hindi masyadong polluted at kitang-kita ang mga bituin sa langit. Itinaas ko ang kamay ko, umaasang maaabot ko ang isa sa kanila kahit alam kong imposible. Akala mo ang lapit lang nila pero ang totoo, ang layu-layo pala. Parang siya. Parang si Dylan.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |