Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya kaya sinamaan niya ako ng tingin. “Anong tinatawa-tawa mo dyan?” sabay tingin niya sa kabilang side. “Dapat ‘di ko na lang sinabi eh,” bulong niya pa pero naririnig ko naman. “Okay lang ‘yan,” sabi ko. “Buti ka nga meron eh.” Bigla naman siyang tumingin sa akin na para bang naguguluhan. “Anong ibig mong sabihin?” “Ako nga isa lang eh.” Napatigil ako dahil naaalala ko na naman siya. “Nawala pa,” I mumbled. “Seryoso ka?” “Mukha ba akong nagjojoke?” tapos sinamaan ko siya ng tingin. “Oo.” Aba talaga naman! Teka nga, bakit ko ba kinakausap ang isang ‘to? Tsk. Dahil sa utang ko sa kanya napipilitan akong sumama at makipag-usap. “Anyway, P4840 na lang ang utang ko sa’yo. Sige,” sabay tayo ko at kinuha ko na ang gamit ko. Dumiretso ako sa next class ko, which is Philosophy, kaso nga lang may 30 minutes pa before magstart ang class. Umupo ako doon sa mga upuan sa gilid ng lobby at napagtripan ko ang mga halaman. Pinupunit ko ‘yung mga dahon hanggang sa mabore na ako at ‘yung ballpen ko na lang ang pinaglaruan ko. Nung 10 minutes na lang before the time ay umakyat na ako sa 3rd floor kung saan ang room namin. Pagdating ko, nandoon na si Dylan at hindi ko man lang siya nakita na umakyat kanina. Siguro dahil busy ako sa pagkalbo sa mga halaman at ngayon ay naguiguilty na ako. Umupo ako sa likuran niya dahil doon ang upuan ko. Pinagsulat naman kami ng prof namin ng essay. Ayoko pa namang nagsusulat ng essay dahil hirap akong i-express ang opinions ko sa certain topics namin. Lalo pa akong nainis dahil nang-aasar ‘tong Dylan na ‘to. Paano ba naman ay nagsulat siya sa isang papel ng P4840 at hinulog sa harap ko. Kapag talaga ako nagkapera, ihahampas ko sa kanya ‘yung utang ko. Matapos ang isang buong araw ay umuwi ako kaagad. Naglalakad ako papunta sa apartment nung may napansin akong kanina pa nakasunod sa likuran ko. Paglingon ko, si Dylan pala. Huminto ako at hinarap ko siya. “Ano bang problema mo, ha?” “Ha? Pinagsasabi mo?” sabay kunot niya sa noo niya. “Bakit ka sumusunod?” “Bakit kita susundan? Pauwi na ako at dito ang bahay ko.” Bigla niya akong nilagpasan at pumasok sa gate ng apartment. Oh no. Don’t tell me... Nagmadali rin akong pumasok sa gate at tumakbo ako paakyat sa hagdan hanggang sa maabutan ko siya. “T-teka...dito ka nakatira?!” “Oo. Sa 8th unit. Bakit ba?” “No way.” Napasandal ako sa pader habang hinihintay na magsink-in ang sinabi niya. Putek. Sa lahat ng apartment, bakit dito pa? At sa lahat ng unit, bakit dito pa?! “Teka, h’wag mong sabihing…” sabay turo niya sa katabing pinto. “Ugh!” Binuksan ko ang pinto ng unit ko at padabog kong sinara ‘yun. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?! Bakit magkatabi kami ng apartment ng lalaking pinagkakautangan ko?! At bakit ngayon ko lang nalaman, napansin at nakita na siya ang nakatira sa 8thunit?! Bakit?! Huminga ako nang malalim at kinalma ko ang sarili ko. Pagkatapos kong magbihis ay nahiga ako kaagad sa kama ko dahil ang dami kong naiisip. Alam kong ang unfair ko sa kanya dahil ang babaw ng dahilan kapag naaasar ako sa kanya. Well, hindi naman ako talaga galit sa kanya. Siguro takot lang ako na maging malapit ulit sa isang tao, lalo na at lalaki pa siya. Simula high school ako ay hindi ako nakikipagclose sa kahit na sino pero pagtungtong ko ng college ay naka-encounter ko kaagad siya at kahit nagkakaasaran kami ay siya pa lang ang nakakausap at nakakasama ko. Bakit? Simple lang naman. Dahil sa best friend ko nung bata pa ako. Tandang-tanda ko pa lahat ng nangyari dati... Nung summer vacation bago ako mag-grade 2 ay lumipat kami ng bahay at may nakilala agad akong bata dahil kapitbahay namin sila. We were both 6 years old back then. James ang pangalan niya at lagi kaming naglalaro hanggang sa naging magbest friend na kami. Nung 9th birthday niya ay nagpaparty siya kaya naman excited kaming dalawa dahil tuwing birthday namin ay wala namang nagaganap na party. Simpleng handaan lang lagi. Habang naghahanda ang lahat ng tao sa bahay nila ay pumasok ako sa kwarto niya para batiin siya. Pero nagulat ako nung naabutan ko siyang umiiyak mag-isa at galit ang expression niya. Lumapit ako sa kanya para i-comfort siya at itanong kung anong nangyari pero... “Huwag kang lalapit!” Nagulat ako sa sinabi niya pero lumapit pa rin ako at tinapik ko ang likod niya. “James, bakit? Bakit ka umiiyak?” “Sabing h’wag kang lalapit! Umalis ka! Alis!” Tinulak niya ako. Pinagtulakan niya ako palabas ng kwarto niya hanggang sa naiyak na lang din ako dahil hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Bigla nalang siyang naging ganun. Parang bago ‘yung araw ng birthday niya ay naglalaro pa kami, tapos biglang naging ganito. Umuwi ako sa bahay namin at umiyak sa kwarto ko. Sabi ko na lang kina Mama ay nadapa ako at masakit ang katawan ko tapos tumakbo na ako sa room ko. Nalaman ko nalang kinabukasan na lumipat na pala ng bahay sila James. Ni wala man lang pasabi. Walang iniwan na contact number. Walang kahit ano. Basta niya na lang akong iniwan. *** Naiyak na lang ulit ako. Kahit matagal na ‘yun, ang sakit pa rin. Siya kasi ‘yung una kong kaibigan kaya sobrang na-trauma ako after that. Hindi na ako kumakausap ng kahit na sino sa school maging sina Kuya ay ‘di ko kinakausap for a while. Kapag naiisip ko si James, hindi ko maiwasang hindi mainis sa kanya. Ni hindi ko alam kung bakit siya nagalit sa akin dati at talagang hindi niya ako kinontact after nilang lumipat ng bahay. Pinunasan ko naman ang luha ko at huminga nang malalim. Tama na nga Lyka! Magiging iyakin ka na naman! Bumangon ako sa kama at kinuha ko ang wallet ko para kumain sa labas. Tinatamad akong magluto ngayon at nagugutom na ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip ako sa labas dahil baka nandyan si Dylan. Ayoko muna siyang makita. Nung wala akong nakitang ‘di kanais-nais na nilalang ay agad akong lumabas. Naglakad ako papunta sa carinderia malapit sa apartment at agad-agad akong nag-order. Kaso nga lang, pagkakuha ko ng order ko ay wala na akong maupuan dahil wala nang bakanteng table. Inikot ko ang paningin ko at may nakita akong bakanteng upuan sa may gitnang lamesa at may dalawang lalaking nakaupo doon. Lyka, okay lang ‘yan. Makikiupo ka lang naman. Tama. Bibilisan ko na lang kumain. Huminga ako nang malalim at lumapit ako sa kanila. “Excuse me po, pwede bang makiupo?” Dahil nakatalikod silang pareho ay humarap sila sa akin pero bigla akong napatalikod nung nakita ko sila. OH MY GOD! BAKIT?! “Sure, Miss. Kami lang naman ang nakaupo rito,” sabi nung isang lalaki. “A-ah…h-hindi na pala. Thanks.” Maglalakad na sana ako pero biglang may humawak sa braso ko. Buti na lang at hindi natapon ‘yung pagkain kong nakalagay sa tray. “Wait, parang kilala kita,” sabi naman nung nakahawak sa braso ko. “Kilala mo, dude?” “H-ha? Baka nagkakamali ka lang,” sabi ko habang pinipilit kong ilayo ang braso ko sa kanya. “Ah! Ikaw ‘yung babae na nakatulog sa bench dun sa bench!” Para naman akong napagsakluban ng langit at lupa nung sinabi niya ‘yun. Sa lahat naman ng pwedeng makita ay ‘yung lalaki pang akala ko ay foreigner! Pero dahil nabuko na ako ay humarap na lang ako sa kanila. “Y-yeah, ako nga ‘yun. Sorry sa mga pinagsasabi ko. Malay ko ba…” Naalala ko na naman yung mga pinagsasabi ko kaya napailing ako sa sobrang hiya. “Ah basta, sorry!” Bigla naman siyang tumawa. “Nah. It’s okay. Sige, upo ka lang.” Umupo ako kaagad at sinimulan kong kainin ang inorder ko. Binilisan ko ang pagkain ko para makauwi na rin kaagad ako dahil ang awkward dito. “Kelan nga pala uuwi Mommy mo? This year ba?” “Oo Baka sa October.” Napansin ko naman na nag-eeavesdrop na ako sa kanila kaya nagfocus ulit ako sa pagkain. Nung natapos na ako ay agad akong tumayo at naglakad palabas sa carinderia. “Miss na nakatulog sa bench!” Napahinto ako at halos mapasigaw ako sa inis at hiya nung narinig ko ‘yun. Lumingon ako at nakita kong nasa harapan ko na sila. “Bakit mo sinigaw?!” “S-sorry. Hindi ko kasi alam pangalan mo eh.” Napabuntung-hininga na lang ako dahil ayoko nang madagdagan ang inis ko ngayong gabi. “Lyka. Bakit ba?” “Naiwan mo kasi ‘yung wallet mo.” “Bait mo bro!” sabi naman nung kasama niya. “Ahh. S-salamat.” Ang tanga ko naman. Sa sobrang pagmamadali ko, naiwan ko pa ang wallet ko! “Sige, bye! Oh and by the way…” bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at nakipagshake-hands. “...I’m James,” tapos tumakbo na sila. W-WHAT?!
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Epilogue |